GUSTO kong magmura dahil sa magandang babaeng nakikita ko sa harap ko. Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon, ibang-iba sarili ko ngayon kaysa dati. Wala akong makitang bakas ng muchachang Sophia. Hindi ako makapaniwalang lumapit ako sa salamin at hinawakan ng marahan ang aking mukha. "Ang ganda ko." Masayang sabi ko habang tinitignan ang kabuuan ko. Kasyang-kasya sa akin ang dress na binigay sa akin ni Magnus at bagay na bagay sa akin. Para akong naging isang prinsesa dahil dito at sa ayos ko. Kulang na lang ang tiarra sa ulo ko para tunay na ganap na prinsesa. Lumabas na ako sa closet room at naabutan kong tapos na si mama na naayusan. Gulat na mapatingin sila sa akin. Laglag ang panga ang kanilang reaksiyon nang makita ako suot ang dress. "Oh! My! God! Gosh bakla ka sobrang ganda mo daig mo pa ata ang isang dyosa!" "Mga bakla! Kung di lang ako bakla baka mainlove na ako sa kaniya." Lumapit sa akin si mama at katulad din nila ay namamangha rin sa nakikita nito. "Sophia anak,
NAGPALAKPAKAN ang lahat ng tao nang umakyat sila mama at tito sa stage. "Ahm, hello. Good evening everyone, I hope you are all okay. I am glad that you're attending on our special night or should I say our engagement party. I am thankful of my son, Magnus Adler and my soon-to-be-daughter, Sophia Isabella Sanchez." Napunta sa table namin ang spotlight at lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Pinapalakapakan nila kami kaya ngumiti na lang ako sa lahat ng nakataingin sa gawi namin. Napatingin naman ako kay Magnus na seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero biglang kumabog ang dibdib ko. "Thank you because you accept and support our relationship. So, now let's enjoy the party!" Bumaba na sila tito at pumunta sa mga bisita para kausapin at kamustahin isa-isa. Ako naman ay naiilang pa rin sa kasama ko, kaya naisipan kong pumunta sa food area para kumuha ng makakain. Ikakain ko na lang para mawala pagkailang ko. Kumuha ako ng cupcake at leche plan. Puro desserts nakuha ko,
NATAPOS ang party nang wala si Magnus at Blair. Hindi ko alam kung saan na sila nagpunta, saka wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko nga alam kung nakauwi ba kagabi si Magnus o hindi e. "Ate Sophia! Good morning!" Masayang bungad sa'kin ni Iyang sa kusina. "Good morning." Bati ko pabalik sa kaniya at nagsimula nang magtimpla ng gatas. Maaga pa naman at mag-aalasais pa lang kaya't naisipan kong bumangon na para makapagjogging. Hindi rin naman na ako makakatulog kaya't mas mabuti nang mag exercise. Wala namang pasok ngayon dahil linggo at mamaya pagkatapos ko magjogging ay pupunta naman ako sa simbahan para makapagmisa. "Magjojogging ka po ba, ate?" "Oo, gusto mo sumama?" Tanong ko sa kaniya habang nagtinatali ko ang buhok ko. Sobrang haba na ng buhok ko kailangan ko na atang ipagupit 'to para naman gumaan-gaan ang ulo ko at hindi nabibigatan. "Gusto ko sana ate ang kaso madami ang gawain dito. Kailangan ko tulungan sina Manang. Ikaw na muna next time na lang ko sasama sayo.
WALA pa akong isang buwan dito sa lugar ng mga mayayaman-I mean sa subdivision na 'to ay marami na agad akong nakakaaway. Hindi naman ako palaaway, alam nila mama 'yan. Lalong-lalo na si Nanna na lagi kong kasama, saan man ako magpunta. Hindi ko nga alam kung bakit hate na hate nila ako dito. Wala naman akong ginagawang mali at masama sa kanila. Siguro ganyan talaga sila, allergic sila sa mga mahihirap na katulad ko. Napagkakamalan pang mukhang pera, kahit hindi naman. Bakit sila ganun ano? Pare-parehas naman tayong tao at pare-parehas naman tayong mamamatay pero bakit ang baba ng tingin nila sa amin. Inaalispusta, pinagdidirihan, at inaapak-apakan lang nila. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang pumunta sa garden para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nasabi ko bang mahilig ako sa mga bulaklak? Well, bata palang ako sobrang hilig ko na sa mga bulaklak. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko sa tuwing nakakakita ako ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Pero ang pinakapab
NANNA POV. "Hay! Kaboring!" Singhal ko sa sarili ko. Nakahiga lang ako sa'king kwarto. Pagulong-gulong lang ako dito. Walang magawa! Nakauwi na kami kanina galing sa mansyon nila Bell. Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya kasi wala naman siya sa mansyon nila. I asked to their maids and they told me that Bell was jogging outside. So we decided to go home, hindi na rin kasi makapaghintay si Mommy na makauwi. Makikitsismis pa daw siya sa kaniyang mga amiga kung anong nangyari sa party. Si Mommy talaga, laging nakikimarites. Bigla akong napatigil sa pagulong-gulong ko dito sa kama ko nang sumagi sa isip ko 'yung lalaking nakabungguan ko sa engagement party ni Tita Emma. ---FLASHBACK--- Kumuha ako ng pagkain sa may food area. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Bell na hindi mapakali kaya nagtaka ako sa kinikilos niya. But when I notice that Magnus staring at her. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa, mukhang pati stepbrother niya ay nainlababo din sa kaniya katulad ni Ethan. An
NAKITA kong nangunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. "Sino?" Tanong nito sa'kin. Ako naman ay umupo muna dahil nangangalay na ako. Nakalimutan kong umupo dahil sa excitement na nararamdaman ko. I was hoping that she know him kapag sinabi ko ang name ng lalaki."Waiter! Dalawa pong capuccino, thank you!" Sabi nito sa waiter na nakita niya. Habang ako iniisip ang name ng lalaki."Ano nga ulit name niya, Xa-Xan? Xander? Tama! Xander Hayes!" Nagulat naman siya sa sinabi ko. Nahalata ko sa mukha niya na kilala niya ang taong 'yun dahil nagulat pa ito sa sinabi kong pangalan. "Ano kamo?" "Xander Hayes, you know him?" Dahan-dahan naman siyang napatango sa tanong ko. Yes! She know him! I knew it! Hindi ako makapaniwala. Yieehhh! May paraan na ako para makilala ang the one and only ko."OMG! Tell me about him please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya at niyuyugyog pa 'to. Sumama naman ang mukha niya nang niyugyog ko siya. Napatawa naman ako sa mukha niya, hindi maipinta. Kilala ko ang babaeng 'to ng
THIRD PERSON'S POV. ABALANG-ABALA ang mag-ina sa pag-aasikaso sa mga kakailanganin nila sa darating na kasal. Nasa mansyon sila ngayon at tinutulungan ni Sophia ang kaniyang ina sa pagpili ng mga designs ng gown, flowers, catering at kung ano-ano pa. Kasama naman nila ang nagmamanage ng mga pinagpipilian nilang collections na gagamitin sa kasal. Habang abala sila ay hindi sinasadyang mapagmasdan ni Sophia ang kaniyang ina na nakangiti sa pagtingin ng mga designs na gusto nito. Hindi niya maiwasang mapangiti din dahil sa nakikita niyang senaryo. "Ngayon ko lang nakita ulit si Mama na ganito kasaya." Sabi niya sa kaniyang isip. Simula kasi na nagtaksil ang Papa niya ay hindi na niya nakita pa ang mga ngiti ng kaniyang ina. "Sophia, nak! Ano sa tingin mo ang mas maganda, ito o ito?" Tanong nito habang pinapakita ang dalawang pictures sa kaniya. Agad naman niyang itinuro ang pangalawang picture kung saan ay nakaagaw ng kaniyang pansin. "I think, ito po ang mas maganda at mas baga
This is not an update of the story but still ready it.I am so sorry. I can't update now. Masakit po ulo ko, hindi ako makapagfocus. I hope you will understand. Don't worry, I will update tomorrow. Hindi ko lang talaga kaya ngayon. Baka magulo ang story if pipilitin kong mag update ngayon.Please share this story para mas marami ang magbasa ng story nina Magnus at Sophia. Sabay-sabay tayong kiligin, umiyak, at sumaya sa 'I Love My Stepbrother.' Sabay-sabay nating alamin kung ipagpapatuloy ang kanilang nararamdaman o pipigilan na lang?Thank for supporting me and also I want to congratulate Mhel Bagasol for being my top 1 fan in my Top Fanlist. Congrats din sa mga patuloy na nagbibigay ng gems in my story. Patuloy na nagbabasa. I hope you still supporting me until the end.
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang