Share

Kabanata 4: Lunch Box

KYLIE POV

Nang makalabas na ako ay agad kong nilibot nang tingin ang paligid.

It's lunchbreak now, so marahil nagtatake na siya ng lunch. Ohh goshh! Kylie why are you even doing this?! Nagsimula na akong maglakad upang hanapin siya. Dapat lang na magustuhan niya ang dala ko ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ito.

This is so not me for goodness sake! Nakita ko ang kumpulan ng mga trabahante sa gilid na kumakain. Nakangiti akong nilapitan silang lahat.

"Hai! Excuse me pwede ba akong magtanong?"

Nakita ko kung paano sila napahinto sa pagsubo at napakurap-kurap pa nila akong tiningnan.

"Ahh.. Ano po iyon, Miss?" tanong ng isang lalaki.

"Asan po si Zamrick?" tanong ko nang deretso. Bakit pa ako magpaligoy-ligoy pa kung pwede ko namang itanong nang deretso.

"Nasa kabilang palapag po siya, Miss," sagot ng isang Mama.

"Well thank you po," tsaka ako dumeretso sa elevator.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa elevator ay napansin ako sa isang gilid. Isang lalaking kasing edad ko lang. Nakaupo lamang siya doon at napapasulyap sa mga kasamahan niyang kumakain. Kumunot tuloy ang noo ko. I didn't notice na nakalapit na pala ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito sa sulok?" tanong ko.

Nakita ko ang pagkabigla niya at ang takot sa mga mata niya. Bakit siya natatakot sa akin?

"Okay ka lang?" tanong ko pa sa kanya.

"O-okay lang po ako Miss," nauutal niyang sagot.

Doon ko lang napansin na wala siyang dalang baon. Napatingin ako sa lunch box na dala ko at sinulyapan uli siya.

"Here, take it," sabay abot ko sa lunch box na dala ko.

"P-po? Pero-"

"No buts it's, ok. Alam kong wala kang baon kaya kunin mo na," agap ko sa sasabihin niya.

"Maraming salamat po," sabi niya at kinuha ang lunch box tsaka ito nagmamadaling umalis upang makakain.

"Hindi ko alam na namimigay ka na pala ngayon ng pagkain Miss. Clarkson."

Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap. Agad lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Mr. Construction worker, mabuti at nandito ka na. Hahanapin sana kita sa kabilang palapag."

"And why are you looking for me Miss. Clarkson? At Bakit narito ka nanaman? Hindi pwedeng gumala gala ka lang dito nang basta-basta. Hindi ito playground na basta-basta mo na lang maaaring puntahan," sabi niya habang nakatitig nang maigi sa akin.

Pssh..suplado.

"Well, dinalhan ko si Daddy ng lunch niya and I also brought something for you pero ibinigay ko na sa lalaki kanina yung sa iyo kasi wala siyang makain pang lunch," napapakamot ako sa buhok ko while saying those things in front of him. Gosh! Sobrang nakakahiya.

"At bakit mo naman ako bibigyan ng lunch box?" napaka brusko nang pagkakatanong niya.

I slowly bite my lower lip. Oo nga naman, bakit ko siya dadalhan ng pang lunch niya? Are you for serious Kylie?! God! Wake up! Wagkang papayag na mapahiya sa harapan ng lalaking ito.

Nakita kong umigting ang panga niya. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Bakit parang naiintimidate ata ako sa lalaking ito.

"Ano kasi pang thank you ko na rin sana iyon pero wag mo nang isipin iyon," nakangiti kong pakli.

Umingos lamang siya at nagsimula nang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"So, anong ginagawa mo tuwing break time?" tanong ko habang sumusunod at napapasulyap sa mukha niya.

"Nagpapahinga pero madalas kong chenecheck iyong mga scaffoldings na kinakailangan. I want everything to be clear and put in their right places," bigkas niya kaya natigilan ako sa paglalakad.

Talaga bang construction worker lang ang isang ito? Napaka talino at englishero naman ata niya para maging isang construction worker. Napansin ko ring walang mali sa mga english niya. Bagay pa nga siyang maging manager rito dahil sa kilos niya.

"Ahh how long have you been working here?" tanong ko.

Agad naman siyang lumingon sa akin.

"I only been here for 3 days now. Kararating ko lang galing sa iba pang site." He answered.

Napapatango ako sa sinabi niya. Siguro ay kakatapos niya lang sa trabaho niya sa ibang company na nagpapatayo rin ng building kaya siya narito. Hindi ba siya napapagod?

"Do you have any job? O ito lang talaga ang trabaho mo?"

"May iba pa akong trabaho pero mas priority ko ito."

"Why sticking up being a construction worker kung pwede ka na mang mag modelo. I mean may itsura ka naman, bakit hindi mo gamitin ang mukha mo? I'm sure lots of girls out there will be screaming for you."

Napatigil ako nang mapansin ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"And that includes you," nakakaloko niyang bigkas na may bahid nang kakaibang pagtitig.

Napabuga ako ng pekeng tawa.

"Ahahaha your funny. Nagsasabi lang ako nang totoo. Bakit ka nagpapakahirap mag-"

"And I'm also stating a fact here," putol niya sa sinasabi ko. Kumunot tuloy ang noo ko sa kanya.

"W-what?" bulalas ko na naguguluhan.

Napatingin ako sa sahig nang inisang hakbang niya lang ang pagitan naming dalawa at tinitigan ako nang mariin. Nakipagtagisan naman ako nang titig sa kanya. Ohh those argentine blue eyes that really caught my attention in the first time I meet him.

"Interesado ka ba sa akin Miss. Clarkson," seryosong tanong niya habang binibigyan ako nang nakakailang na tingin dagdagan mo pa nang napaka brusko niyang boses.

"A-ano? Anong klaseng tanong iyan. At bakit naman ako magkakainterest sa iyo?" naiilang kong tanong dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Hindi iyon tanong Miss. Clarkson. At bakit nga ba?" bulong niya sa akin.

Napaatras tuloy ako nang wala sa oras hindi ko namalayang pader na pala ang nasa likuran ko. Damn it! I smell something trouble here. Nakakatakot ang lalaking ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Listen young lady. Napakaraming babae na ang nagtangkang umaligid sa akin and take note lahat 'yon ay hindi kagaya mong bata. I can easily read you baby. Hindi mo alam ang pinapasok mo kaya habang maaga pa ay binibigyan na kita nang pagkakataong umalis at iwasan ako," mahabang bigkas niya sa napakaseryosong boses.

Naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko dahil sa presensya niya. Mabilis siyang tumalikod sa akin at walang imik na umalis.

Napahinga ako nang maluwag at napahawak sa dibdib ko. What was that? Marami na raw mga babaeng umaligid sa kanya at sa lahat nang iyon ay hindi katulad ko na bata? Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin.

The hell!! Iniinsulto niya ba ako?! inis na sinundan ko siya at agad hinarangan sa daan. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya.

Naniningkit ang mga mata kong tinitigan siya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya na para bang hindi makapaniwalang sinundan ko pa talaga siya.

Napahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Marked this! Walang pwedeng mag walk-out sa isang Kylie Laurell Clarkson!

"Iniinsulto mo ba ako?" sikmat ko sa kanya na ikinabigla niya.

Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagsigaw ko sa kanya.

"You see, I'm being nice here pero looks like iba yata ang intrepetasyon mo doon," mataray na utal ko at nakita ko ang pagsilaw ng isang ngiti sa gilid ng labi niya at nakikita ko rin ang amusement sa mga mata niya.

"Wala akong pakialam kung ilang babae na ang mga nagtangkang umaaligid sa iyo pero gusto ko lang sabihin na wala akong pakialam. Hindi ako katulad nila, don't overthink something Mr. Construction worker. I can do whatever I want get that?!" mataray na bigkas ko at inirapan siya tsaka siya tinalikuran.

Sinadya ko pang patamaan siya ng buhok ko sa mukha niya. Serves him right! Para saan pa ang entitled Devil ko kung hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Nakakainis! Peste!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status