KYLIE POVNatatakot ako sa kanya dahil alam kung kaya niyang gawin ang lahat. Fuck! Ano ba itong napasukan kong gulo. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan nang may isang marahas na kamay ang pumulupot sa beywang ko mula sa aking likuran."Huwag mo akong iwan dito Kylie please. Gusto ko lang namang kumain kasama ka," mahinang bulong niya sa tenga ko.Napakurap-kurap ako nang maramdamang ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko."I-i'm sorry. Please comeback and let's eat."Imbes na sundin ko ang sinabi niya ay itinulak ko siya at matalim na tinitigan."Don't put your tricks on me, Zamrick! Stay away from me!" sigaw ko at nagmamadaling tumakbo palabas. Leaving him alone in that place.Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa naramdaman ko na ang pagod.Shit!Naiwan ko ang bag ko sa loob ng restaurant na iyon. Akmang maglalakad na sana ako nang matapilok ako dahilan nang pagkakasalampak ko sa sahig. Tiningnan ko ang sapatos ko at nakitang nabali pala ang takong nito."What the hell?"Pinilit kon
ZAMRICK POVHalos bugbugin ko na si Carlos dahil sa sobrang galit ko. Kwenelyuhan ko siya at tinitigan nang masama."Pag naulit pa ito ay papatayin na talaga kita," mariing bigkas ko sa kanya at malakas na itinulak siya."GET OUT!!" sigaw ko at napahilot sa sentido.Nagmamadali naman itong umalis. Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang itsura ni Kylie kanina."Fuck!""Kuya hindi naman kasalanan ni Carlos kung hindi niya nasundan nang maigi si Kylie." Leon said and drink his beer.Nandito kami ngayon sa mini bar ng bahay nila Kylie. Habang si Kylie naman ay nasa silid niya at ginagamot. Umupo ako sa stool at tinunga ang beer. Igting ang panga ko sa galit. Those man should rot in hell!"You owe me you know." Leon scoffs.Yeah, I owe him a LOT.Mabuti na lamang at nakita niya si Kylie na tumatakbo papasok sa eskinitang iyon."Hindi mo ba ako tatanungin kong bakit ako nandoon?""Nah... ang importante ay si Kylie." I said and face the door when I heard it opened.Pumasok si Titus ka
KYLIE POVNang iminulat ko ang aking mga mata ay agad kong naramdaman ang matinding pagkauhaw. Marahan akong bumangon at nagtungo sa pinto upang magpunta sa kusina. The light of the house is all turn off and only the bright moon coming from outside the large glass window is giving me a clear path to take. Nang marating ko na ang kusina ay agad akong kumuha nang malamig na tubig sa refrigerator. Hindi pa ako nangangalahati ay nabigla ako nang bumukas ang ilaw."Why you didn't switch the lights on?"Napabaling ang tingin ko sa bukana ng kusina. Nakita ko si Zamrick na nakahilig doon at matamang nakatitig sa akin. Mabilis akong yumuko nang maalala ko ang nangyari. If I didn't even walked out in that restaurant this will not be going to happen.Hindi sana ako muntikan nang ma rape. Napansin kong naglakad siya patungo sa akin at binuksan ang refrigerator tsaka nagsalin ng kanyang sarili ring malamig na tubig. Nakita ko kung paano niya iyon inumin at kung paano gumalaw ang adam's apple niya
KYLIE POVNagkatitigan kaming dalawa at hindi ko alam kung bakit pero habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nalulunod sa mga mata niya.Nangungusap ang mga iyon sa akin at kitang-kita ko ang kinang non dulo't ng liwanag na nagmumula sa maliwanag na buwan.Naramdaman kong marahan niyang hinaplos ang aking mukha. And I was taken a back about that. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at napapakurap na umayos ako nang upo."Aherm..ahm..m-mauna na ako sa iyo sa pagpasok sa loob," utal ko sabay tayo.Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin."A-ahh...sige, diyan ka na." Nagmamadali akong umalis doon at halos habol ko na ang aking hininga nang tuluyan na akong nakalayo sa kanya.Shit!Ano iyon?Napalunok ako nang marahas at marahan kong pinakiramdaman ang tibok ng aking puso. Ang lakas ng tibok nito na para bang halos marinig ko na ang bawat pagpintig nito.Damn! What was happening to me?Sinilip ko siya mula dito sa may pintuan at nakita ko siyang tumatayo na.
KYLIE POVNapapakurap ako sa kanya na halos hindi ko na naisipan pang punasan pa ang mga luhang nasa pisngi at mga mata ko.What is he doing here? At papaano niya nalaman na nandito ako? Is he stalking or following me? Kung ganoon ay kailan? Bakit hindi ko naramdaman manlang ang presensya niya kanina? Kanina pa ba siya nagmamasid sa akin?Marahan siyang yumuko sa harapan ko at halos pigilan ko na ang aking hininga nang punasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang malalaking mga daliri. I was taken a back by what he just did.Umayos ako sa aking pagkakaupo tsaka ko tinampal ang kamay niya na nasa harapan ko at ako na mismo ang nagpatuloy sa pagpunas ng mga luha ko.The heck!"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.He just tilted his head and lean on the backrest of the chair. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harapan ng dibdib niya at tsaka ako tinitigan nang maigi."You left so early. Why is that? Are you avoiding me now after what happened to us
KYLIE POV'You are slowly falling for me now, baby. And I was really excited and happy about it. I can't wait to hear you say those magical words for me.'Buong klase akong wala sa sarili. At ni hindi ko nga naintindihan ang mga itinuro ng aming guro. Lumilipad ang utak ko sa kakaisip sa mga sinabi ni Zamrick kanina."Uyy, Kylie. Kanina ka pa lutang ahh. Bakit may problema ba?" takang tanong ni Kim sa akin habang papunta kami sa cafeteria.Marahan lamang akong umiling sa kanya. At nang nakapasok na kami sa loob ng cafeteria ay agad akong naupo sa mesang palagi naming inuupuan."Ako nang kukuha ng lunch meal mo," presenta ni Kim tsaka tumayo at pumunta sa counter.Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kaya agad ko iyong kinuha at tiningnan kong sino ba ang nagtext.From: Unknown numberAre you taking your lunch now?End..Kumunot ang noo ko sa nabasa ko at tsaka ako napairap sa kawalan. Hindi ko naman pa kailangang malaman kung sino ang taong nagtext sa akin. Sa
KYLIE POVWala ang isang professor namin ngayon at dahil nga sa dalawang oras ang nakalaan na time niya sa klase namin which is 2 to 3 and 3 to 4 pm. At idagdag mo pa na wala manlang nag substitute sa kanya para pumalit sa pagtuturo sa amin kaya naging maaga ang dismissal namin ngayon.Karamihan sa mga kaklase ko ay umalis na ng room habang ako naman ay nagliligpit pa ng mga gamit ko. Wala si Kim dahil nauna na siya sa aking umalis at may practice pa kasi siya ng volleyball sa basketball court. Kaya ako na lang ang mag-isa ngayon."Kylie!" tawag ng isang lalaking kaklase ko na si Jonas."Bakit?" tanong ko sa kanya habang isinasara ang zipper sa bag ko."Pupunta kami ng grupo sa makati. Alam mo na iyong dating gawi. Klok!" sabi niya sabay senyas ng inuman.Tinalikuran ko lamang siya at tsaka ko isinukbit sa kaliwang balikat ko ang aking backpack."Pass muna ako," sagot ko sa kanya habang naglalakad palabas ng classroom.Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin."Ano? Anong pass ka
KYLIE POVNasa harapan ko ngayon si Zamrick na matamang nakatitig sa akin. Nakakunot ang kanyang noo na para bang galit na naman siya sa akin. Kagat labi akong napayuko sa hindi ko malamang dahilan. Nagmistula tuloy akong isang girlfriend niya ngayon na nahuling may katagpong ibang lalaki."K-kylie, are you alright?" kinakabahang tanong ni Jonas sa akin mula sa aking likuran.Naiintindihan ko siya kung bakit siya ngayon kinakabahan dahil ako rin ay ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon."You better keep your distance away from her young boy," malamig na sabi ni Zamrick sa kanya at tsaka ako hinila paalis doon.Ni hindi manlang nakapagsalita si Jonas sa kanya. Nakita kong nakaparada pala ang kanyang mamahaling sasakyan sa gilid lang ng daan. Marahas ang pagkakabukas niya sa pintuan ng passenger seat at nagawa ko pa siyang sulyapan bago ako walang tutol na pumasok sa loob.Nakita ko ang malalaki niyang paghakbang paikot sa driver seat at nang tuluyan na siyang nakapasok ay agad niyang p
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati
KAYE POV Mabilis akong inalalayan ni Kapitan at agad niya akong inilayo doon tsaka ipinaupo ako sa upuan. "Masakit ba? Tingnan ko nga," anas niya at agad na inabot ang aking kamay na napaso. "O-ok lang ako. Hindi naman ganoon ka lala ang nangyari sa akin," sabay bawi ko sa kamay na hawak-hawak niya. Halos sabay pa kaming dalawa na napatingin sa bukana ng kusina nang pumasok sina Nanay Neneth at Mang Roque doon. Maging ang mga baranggay tanod ay nakasunod sa kanila. "Anong nangyari, Kaye? Narinig namin ang pagsigaw mo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Neneth sa akin at kaagad akong nilapitan. Mabilis namang gumilid si Kapitan upang mabigyang daan si Nanay Neneth sa akin. "Ok lang po ako, Nay. Napaso lamang po ako," sabi ko sa kanya at nilingon sina Mang Roque. "Pasensya na po sa abala at napasugod pa po tuloy kayo rito sa kusina. Pasensya na po talaga," hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "Naku! Sobrang pula na ng kamay mo, Kaye. Halika sa sala at nang malagya
KAYE POV "Kapitan, a-anong pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa ginawa niyang iyon. "Sinabi ko na sa iyo, Kaye. Huwag mo na akong pino po. Magkaising edad lang naman tayong dalawa," ngiti niya at deretso akong tinitigan sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na nakaramdam nang pagkaasiwa sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko nga siya? Hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa mga ginagawa at ipinapakita niya sa akin. "Pwede bang tulungan na kita diyan sa mga ginagawa mo, Kaye?" tanong niya sa akin tsaka tumabi sa akin at tiningnan ang mga gulay na nasa mesa. "Ahmm..." litong anas ko at hindi na ako nakaangal pa nang abutin niya ang isang sibuyas at sinimulan nang balatan at hiwain iyon. Kahit na naiilang ay hindi na ako umimik pa at hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya. "Ahm..Kaye, malapit na ang pista rito sa bayan n
KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa