Hindi nagtagal ay nanganak na rin si Roan. Isang baby boy ang anak niya na sobrang kamukhang-kamukha ni Jared kaya hindi maitatangging anak niya ito.Pero itinago ni Roan ang anak niya para hindi ito makita ni Jared at para hindi niya malaman ang totoo na anak niya nga ito.Pero isang araw habang naglalaro sa playground ang anak ni Roan ay nakita ito ni Jared. Nagulat si Jared ng makitang kamukhang-kamukha niya ang bata kaya naisip niya na baka nga anak niya ito kaya kinuha niya ito.Nagkagulo naman sina Roan ng malamang nawawala ang anak niya kaya inreport na nila ito sa police. Pero maya-maya lang ay inihatid ni Jared ang anak niya kay Roan."Hiniram ko lang saglit ang anak ko." Saad ni Jared. Hinablot naman ni Roan ang anak niya."Wala kang anak Jared." Madiing saad ni Roan."Huwag na tayong maglokohan kamukhang-kamukha ko ang bata tapos sasabihin mong hindi ko anak yan? Kalokohan." "Basta hindi mo anak si Jacob." Saad ni Roan saka sila pumasok sa bahay. Pinanood lang sila ni Jare
Isang araw habang nasa yate sina Roan ay nahulog siya sa tubig ng umalon ng malakas. Hindi ito namalayan ni Direk at ng mga kasama niya sa yate.Kinabukasan ay nasampid sa isang malayong isla si Roan. Wala siyang malay at nakadapa siya sa buhangin. Punit-punit ang damit na suot. At may mga galos din siya.Nakita naman siya ng dalawang katutubo na nakatira sa islang iyon kaya dinala siya sa bayan nila."Ama may natagpuan kaming babae na walang malay. Heto po." Saad ni Alejandro sa ama.Tiningnan naman ng ama niya si Roan."Sige ipasok niyo sa silid at ng magamot siya."Gabi na ng magkamalay si Roan. Masakit ang ulo niya at buong katawan.Umupo naman siya at tumingin sa paligid."Nasaan ako?" Tanong niya. Nagulat naman siya ng may sumagot sa may gilid niya."Nasa isla Motanawi ka ija. Ako nga pala si Melinda. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Melinda."Roan po." "Kung ganun Roan halika at ng makakain ka na." Tumayo sila at pumunta sa labas. Wala silang ilaw tanging lampara lang ang ga
Isang araw habang nasa yate sina Roan ay nahulog siya sa tubig ng umalon ng malakas. Hindi ito namalayan ni Direk at ng mga kasama niya sa yate.Kinabukasan ay nasampid sa isang malayong isla si Roan. Wala siyang malay at nakadapa siya sa buhangin. Punit-punit ang damit na suot. At may mga galos din siya.Nakita naman siya ng dalawang katutubo na nakatira sa islang iyon kaya dinala siya sa bayan nila."Ama may natagpuan kaming babae na walang malay. Heto po." Saad ni Alejandro sa ama.Tiningnan naman ng ama niya si Roan."Sige ipasok niyo sa silid at ng magamot siya."Gabi na ng magkamalay si Roan. Masakit ang ulo niya at buong katawan.Umupo naman siya at tumingin sa paligid."Nasaan ako?" Tanong niya. Nagulat naman siya ng may sumagot sa may gilid niya."Nasa isla Motanawi ka ija. Ako nga pala si Melinda. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Melinda."Roan po." "Kung ganun Roan halika at ng makakain ka na." Tumayo sila at pumunta sa labas. Wala silang ilaw tanging lampara lang ang ga
Kinabukasan ay nagising si Roan dahil maingay sa labas. Paglabas niya ng bahay ay nakita niyag nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa dalampasigan. Dumating pala sina kapitan ay may mga huling maraming isda kaya nagkakagulo ang mga tao.Lumapit naman siya doon sa nagkakagulo. Sobrang dami nga ng huli nila kapitan kaya humihingi ang ibang tao. Nakakatuwa lang na nagtutulungan ang mga taong ito. Ang dakip ng isa ay para sa lahat.Tumulong naman si Roan sa pagbubuhatbng mga isda."Ang galing niyo naman po kapitan." Papuri ni Roan."Kaloob ito ng langit." Saad ni Kapitan.Nag ihaw naman sila agad ng malalaking isda saka kumain na. Tuwang-tuwa naman si Roan dahil ngayon palang siya nakakain ng sobrang fresh na fresh na isda."Ang sarap." Komento ni Roan. Natuwa naman sina aling Melinda at kapitan. Naging maganda sa pagkain si Roan dahil dun.Nung tanghali ay tumambay sina Roan sa may dalampasigan kasama sina Alijandro at Leah. Kumuha rin ng buko si Alijandro para meryenda nila. Naupo lang s
Bumalik sa Motanawi si Roan at ng dahil sa tulong niya ay naging tourist attraction ang isla.Marami na ang mga turista na dumadalaw sa isla kaya may napagkakakitaan na ang mga tagaroon.Nakapagpatayo na rin sila Roan ng clinic doon sa isla at nag volunterr nga siya kaya mas namalagi siya sa isla.Sumunod naman sa kanya sina Direk at Jared. Nag stay nga sila doon for two years.Dahil kumikita na ang mga katutubo ay nakapagpatayo na rin sila ng mga bahay na gawa sa semento. Tuwang-tuwa sila kay Roan dahil dito.Isang araw habang kumakain sina Direk, Jared, at Roan ay nagulat sila ng biglang sumayaw si Roan at nagsalita ng latin. "Uy anong nangyayari sayo?" Tabong ni Jared. Pero patuloy lang si Roan.Pagkatapos niyang mag ritual ay kumain na rin sila.Isang araw ay may babaing pumunta sa clinic dahil manganganak na ito. Kaso wala dito yung mga nurse at midwife. Tanging sina Roan, Jared, at Direk lang ang nandoon. Kaya nagkagulo sila dahil hindi nila alam ang gagawin."Ahhhh lalabas na!
Iyak ng iyak lang si Roan at nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Pilit siyang kinakausap ni Direk pero ayaw talaga nito.Isang araw na hindi kumain si Roan dahil nagkulong lang siya sa kwarto niya. Alalang-alala na si Direk sa kanya.Dumating naman si Jared at pilit pinalabas si Roan pero hindi parin ito lumabas. Pero pagdaan ng dalawang araw ay lumabas na si Roan. Nagpagupit ito ng sobrang ikli na parang pang lalaki.Nagtaka naman sina Jared pero bagay parin naman sa kanya yung gupit niya mas gumanda nga siya. Para siyang kasali sa army dahil sa gupit niya.Hindi na pinansin ni Roan si Jared at nag focus nalang siya sa pag vovolunteer sa clinic. Yun nalang ang ginawa niya. Nag apply rin siya bilang guro sa isla.Isang araw ay naglayag sina Roan pabalik sa bayan dahil may bibilhin sila ng malunod ang bangka na sinasakyan nila.Nasampit naman si Roan sa ibang isla. Pero walang katao-tao roon. Kaya lumangoy siya ng lumangoy hanggang napadpad siya sa Motanawi."Buti naman at nakauwi ka
Nagsampa ng kaso si Roan laban sa magakakapatid na Alijer dahil sa ginawa nito sa anak niya pero hindi ito nakulong dahil walang sapat na ebidensiya.Nabigo lang sina Roan kaya umuwi siyang inis na inis."Mukhang hindi natin makakamit ang hustisya dahil mas mayaman sila sa atin. Mas makapangyarihan sila kumpara sa atin." Saad ni Direk."Napaka unfair talaga." Saad ni Jared."Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa anak ko." Saad ni Roan.Nagpanggap na estudyante si Roan at pumasok siya ng bumalik na ang pasukan. Naging kakalase niya ang magkakapatid na Alijer.Nanguna rin sa klase si Roan kaya kinainggitan siya ng mga Alijer kaya binully rin siya ng mga ito.Isang araw habang nagbabasa si Roan ay binuhusan siya nito ng pintura. Napasinghap si Roan dahil dito.Akmang sasampalin pa siya ni Angel Alijer ng sanggain ni Roan ang kamay nito saka niya ito sinampal. Napasinghap si Angel at hindi makapaniwala sa nangyari."Hindi mo ba ako kilala?!" Galit na sigaw nito."Kilala kita. Kilalang-kila
Ipinakidnap nina Diego si Direk saka nila ito inihulog sa Amira Palace mula sa 10th floor. Namatay si Direk kaya galit na galit si Roan. Sinugod niya ang mansion ng mga Alijer."Diego Alijer! Lumabas ka diyan! Hayop ka!" Sigaw ni Roan. Lumabas naman si Diego. Kaya sinugod siya ni Roan at sinuntok. Nadapa naman si Diego kaya pumatong sa kanya si Roan at pinagsusuntok siya."Mamatay ka na! Mga halimaw kayo! Wala kayong awa!" Patuloy lang siya sa pagsuntok kay Diego.Inawat naman ng mga guards si Roan."Tandaan mo Diego papatayin kita!" Sigaw niya. Tumawa naman si Diego saka pinunasan nito ang gilid ng labi niya na dumdugo.Hindi nagtagal ay kinidnap ni Diego si Roan. Dinala niya ito sa mansion nila at itinali sa upuan.Binuhusan ng tubig ni Diego si Roan kaya nagising ito."Bwesit ka!" Sigaw ni Roan."Ang gandang bungad naman niyan." Hinawakan ni Diego ang pisngi ni Roan saka hinalikan siya nito sa labi.Nagpumiglas naman si Roan pero hinalikan parin siya ni Diego."Hindi kita papatay
Isang araw ay nag aya ang barkada na mag outing kaya sumama sina Andres, Carmela, at Ash.Pumunta sila sa Palawan. Magkasama sa iisang cabin yung girls at sa kabila naman yung boys.Magkatabi lang ang kama nina Ash at Carmela."Hi!" Bati ni Carmela."I heard you're Andre's ex girlfriend." Saad pa nito."Yeah." Saad ni Ash."It's nice meeting you, Ash." Saad nito saka lumabas na para puntahan si Andres.Nung gabi na ay nag inuman sila kaya nalasing si Ash. Nilapitan niya si Andres at hinalikan sa labi. Napasinghap naman ang lahat sa nangyari."I still love you." Lasing na saad nito."You're drunk, Ash." Saad ni Andres saka itinulak ang dalaga. Umiyak naman si Ash."Mahal pa rin kita. Please tayo nalang ulit. Ako nalang ulit." Iyak nito.Pero lumapit lang si Andres kay Carmela at pumasok na sa cabin. Umiyak nalang ng umiyak si Ash. Kaya nilapitan nalang siya ni Ashly.Kinabukasan ay nagising si Ash na masakit ang ulo. May ibinigay naman na hangover soup si Ashly."Pasalamat ka mabait ak
Tulad ng ibang relasyon ay sinubok din ang pagsasama nila Andres at Ash. Actually nagsisimula palang ang relasyon nila ay sinubok na agad sila ng tadhana.Isang araw ay nag abroad ang parents ni Andres kaya kailangan niyang sumama run. Ayaw naman ni Andres dahil ayaw niyang iwan si Ash pero wala siyang nagawa.Kaya umalis papuntang Canada si Andres at naiwan sa Pilipinas si Ash. Pero palagi naman silang nag vi-videocall. Pero nung tumagal ay nawawalan na sila ng time sa isat-isa.Isang araw ay tumawag si Ash kay Andres. Nasa bahay lang si Andres ng tumawag si Ash."Hi babe!" Bati ni Ash. Bumati naman pabalik si Andres."Bakit minsan ka nalang tumawag?" Tanong ni Ash."Sorry babe, nabubusy kasi ako." Saad ni Andres. Maya-maya ay may lumapit na babae kay Andres."Andres, could we finish it tonight?" Tanong ng americang babae kay Andres."Yeah, I'll just finish this." Saad ni Andres."Sino yun?" Tanong ni Ash."Ah si Carmela." Saad ni Andres."Siya ba yung reason bakit hindi ka na madala
Kinabukasan ay umuwi na rin sila sa kanya-kanya nilang mga bahay. Nung sumunod na araw ay may pasok na kaya maagang nagising si Ash para mag ready na. Gising na si Roan kaya nakahanda na ang pagkain niya kaya kumain na siya."Kumusta naman yung outing niyo? Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Roan."Super mommy." Nakangiting saad ni Ash. Tumango nalang si Roan. Pagkatapos kumain ay lumabas na agad si Ash at nandun na si Andres naghihintay sa kanya.Pagkarating nila sa school ay nag aya si Andres na pumunta ng cafeteria dahil may bibilhin siya.Bumili lang siya ng snack para hindi daw siya gutumin sa klase binigyan naman niya si Ash.May quiz nga ngayon sina Ash at hindi siya nakapag review kasi nakalimutan niya pero mabuti nalang at may stock knowledge siya kaya pumasa parin siya sa quiz."Congratulations to Ashtine, perfect score." Saad ng guro nila. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase niya.Nung recess ay nag usap sina Ash at Andres."Pumaso ako sa quiz namim kanina." Saad ni Andres. Nagu
Isang araw ay may lalaking lumapit kay Ash. Nakipagkilala ito sa kanya."Hi Ash, I'm Jason." Saad nito."Hi." Saad ni Ash.Tumabi ito kay Ash. Nasa cafeteria sila ngayon. Nung bumalik si Andres galing umorder ay napatigil ito ng makitang may nakaupo na sa inupuan niya kanina."May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Jason."Wala pa pero malapit na." Saad ni Andres saka pinaalis si Jason. Wala namang nagawa si Jason kundi umalis nalang."Epal yun." Saad ni Andres kaya natawa nalang si Ash."Uunahan pa ako." Kumain nalang sila at bumalik na sa kanilang classroom. Pero classmate pala nila Ash si Jason at tumabi pa talaga ito sa kanya.Nung hapon na ay sinabi ni Ash kay Andres na kaklase pala niya si Jason."Alam mo kaklase pala namin yung Jason." Saad ni Ash."Sinong Jason?" Tanong ni Andres."Yung lalaki kanina sa cafeteria.""Yung asungot?" Natawa naman si Ash."Oo." Natatawang saad nito.Umuwi naman sila. Kina Ash na nagdinner si Andres dahil inimbitahan siya ni Roan dahil birthday ni Jar
Isang araw habang nasa campus si Andres ay may mga students na lumapit sa kanya."Hello po, pwedi po bang makausap ka sandali?" Tanong nito."Ah okay naman po.""Kami ay mga born again Christian at nagsha-share kami ng Gospel. Pwedi ka ba naming ishare sayo ang Gospel?" Tumango naman si Andres.Kaya nagshare naman sa kanya ang mga ito at inivite pa siya sa isang bible study.Kinabukasan ay isinama ni Andres si Ash sa bible study. Nag enjoy naman sila at may natutunan pagkatapos.Dumating ang araw na na depressed si Andres dahil sa gender niya. Alam niyang gusto niya si Ash pero minsan nagdududa siya dahil sa kasarian niya kaya umiyak siya ng umiyak at nag pray siya sa Panginoon na tulungan siya kung ano ang gagawin. Nangusap naman sa kanya ang Diyos.Kaya simula noon ay tinalikuran na niya ang pagiging bakla at nagpakalalaki na talaga siya.Nagpagupit siya ng buhok at itinapon na niya lahat ng pambabae niyang damit.Nag gym na rin siya para kahit papaano ay magka muscle siya. Naging a
Hindi nagtagal ay sinagot na rin ni Ash si Calix kaya naging mag girlfriend boyfriend na silang dalawa.Selos na selos naman si Andres kaya hindi niya pinansin si Ash for one month.Nagtatampo kasi ito. Isang araw habang papasok ay nakasabay ni Ash si Andres. Tinawag niya ito pero hindi ito lumingon. Dire-diretso lang ang lakad nito."Dres!" Sigaw ni Ash. Tumatakbo na rin siya. Maya-maya ay nadapa siya."Aray!" Sigaw niya. Napalingon naman si Andres saka tumakbo palapit sa kanya."Ayan ang lampa kasi." Saad nito. Binuhat nalang niya si Ash sa likod niya kasi malalate na sila lalo na kapag maiwan sila ng school bus.Pagkarating sa school ay nakita sila ni Calix kaya siya na ang bumuhat kay Ash papunta sa classroom nito.Nung lunch ay sabay rin na kumain sina Calix at Ash kaya hindi na sumabay si Andres. Pinilit niyang umiwas at pigilan ang sariling nararamdaman.Nagka crush siya sa iba. Nagkagusto siya kay Andrex. Isang volleyball player. May gusto rin ito sa kanta kaya nagka relasyon
Ngayong araw ay busy na sa mansion nina Roan dahil debu ngayon ni Ash. Naghahanda ang lahat pero ang birthday girl? Ayun tulog pa. Kaya ginising naman siya ni Andres."Hoy babaita! Gumising ka na diyan. Birthday na birthday mo tapos ayan ka at tulog?" Saad ni Andres."Ang ingay mo." Saad ni Ash saka nagtalukbong ng unan. Kinuha naman ito ni Andres. Saka niya hinila patayo si Ash."Gising na!" Itinulak niya naman ito papuntang banyo saka binuhusan ng tubig. Napatili naman ito sa lamig."Ayan gising ka na rin. Maligo ka na bilis!" Saka na lumabas si Andres. Inis naman na naligo si Ash. Pagkalabas niya ay naghihintay na sa kanya si Andres."Ayan, mabuti naman at naligo ka na halika at aalis tayo." Saad nito at hinila palabas ng mansion si Ash."Saan tayo pupunta?" Tanong ng dalaga."Sa salon siyempre at ng maayusan ka na mukha kang gurang." Natatawang saad ni Andres."Gurang pala ah?" Saka niya sinipa si Andres. Napahiyaw naman ito.Pumunta na nga sila sa salon para ikulot ang buhok ni A
Kinabukasan ay birthday na ni Andres kaya super excited siya. Pero si Ash ay naisipang i prank siya na kunwari ay hindi niya maalala na birthday ngayon ni Andres."Wala ka bang naalala ngayon?" Tanong ni Andres. Nag isip naman si Ash."Ah! May quiz kami mamay." Saad ni Ash. Napasimangot naman si Andres."Hindi yun." Saad nito."Eh ano? Wala naman akong maalala. Ano ba meron ngayon?" Nainis naman si Andres kaya nag walked out ito. Tawa naman ng tawa si Ash.Nung recess ay nag e-expect parin si Andres na babatiin siya ni Ash pero natapos nalang yung oras ay hindi parin siya binabati ni Ash."Bwesit nakalimutan niyang birthday ko ngayon." Nakabusangot na saad ni Andres. Kaya badtrip siya buong maghapon.Nung pauwi na sila ay hindi na iniimik ni Andres si Ash dahil nagtatampo na siya na nakalimutan kuno nito ang birthday niya."Bakla!" Tawag ni Ash. Inis naman na lumingon si Andres."Ano?!" Nakakunot ang noo na tanong nito."Happy birthday!" Sabay abot ng gift niya dito. Nanlaki naman ang
"Hey Ash, may prom date ka na ba?" Tanong ni Ashly."Wala pa. Bakit?" Tanong ni Ash."Wala naman. Hindi ka pa ba inaaya ni Calix?" Umiling naman si Ash.Nung recess ay nagkakagulo sa labas nv classroom nila Ash. Yun pala ay si Calix na may dalang banner na may nakasulat na 'Ashtine, be my prom date.'"Ayieeeee." Tukso ng iba. Napangiti naman si Ash."Yes." Saad niya. Nagtatalon naman sa tuwa si Calix.Nakatingin lang sa kanila sa malayo si Andres at hindi siya natutuwa sa nakikita kaya pumasok nalang siya.Nung lunch na ay nagkita na sina Ash at Andres."Bakla, inaya ako ni Calix na maging prom date niya. Nakakakilig sobra." Saad ni Ash."Tss! Ano naman?" Mataray na saad nito."Bakit ang bitter mo? Siguro wala ka pang prom date ano?" Pang aasar pa ni Ash kaya tinarayan lang siya ni Andres.Nag order nalang sila ng pagkain para makakain na. Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa kanya-kanyang calssroom.Kinabukasan ay nasa bahay si Ash pati na si Andres dahil prom na nila mamayang gab