Hinahanap niya ang charger niya, hindi niya ito makita sa labas salas. Baka tumawag ang asawa niya, hindi siya makontak."Kainis naman.. bubuksan ko na nga lang ang TV." nanood siya ng balita. Naiinip na siya, hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang panoorin ng asawa niya ng balitang ganito. Isang balita ang umagaw ng kanyang atensiyon."Kasalukuyan pong kinukuha ngayon, ang kotse ng artistang si Tamara, na minamaneho ng manager niyang si Alice. Nagkaroon ng matinding aksidente sa kahabaang ito ng Rizal. Napag alaman natin, na nag aaway di umano, ang manager ni Tamara na si Alice, at ang P.A ni Tamara, na si Aida. Hindi natin makausap si Tamara na kasalukuyang yakap yakap ng kanyang nobyo na si Mckenzie..." pinatay niya bigla ang TV.Malamang, hindi na naman uuwi ang asawa niya. Minsan pala, nakakapagod din maging maunawaing asawa. Nakakapagod din maging mabait. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Hanggang maaari, ayaw naman niyang magselos, subalit lagi siyang sinusubok
Hindi noya memorize ang number ni Elmer. Ayaw naman niyang pakialaman ang gamit ni Tamara. Lowbat na siya. Baka mamaya, nag aalala na talaga ang asawa niya sa kanya. Lalo at tanghali na. Hindi naman siya makalabas sa dami ng reporter, isa pa, wala pang magbabantay kay Tamara.Marahil ay nasa office na si Elmer, at kanina pa rin siguro kumukontak sa kanya. Pabalik balik siya sa bawat sulok ng kwartong iyon. Pagbukas ng pinto, iniluwa niyon ang magulang ni Tamara."Tita, Tito," nagmano siya sa mga ito."Kumusta ni siya hijo? galing pa kaming Singapore, pasensiya ka na kung naabala ka.." sabi ng mga ito."Okay lang po, mabuti po at narito na kayo. Okay naman po si Tamara sabi ng mga doctor," sagot niya."Nagsisisi nga kami at matagal namin siyang tiniis. Akala ko, iiwan na kami ng anak namin," maluha luhang sabi ng ina ni Tamara."Mauuna na po ako, baka po nag aalala na ang asawa ko sakin," sabi niya."Totoo palang nag asawa ka na?" tanong ng ama ni Tamara."Opo, hindi na po kami nag inv
Mahal kong Mckenzie,Puno na ng sama ng loob ang puso ko. Mas pinili ko na lang lumayo, kesa masaktan na nakikita pa kita. Babaunin ko na lang ang masasayang alaala na kasama kita, tama na yun. Ganito pala talaga kasakit ang magmahal ng totoo, ang magmahal ng sobra sobra. Ginawa na kitang mundo, ng buhay namin ng magiging mga anak sana natin. Pero ang pamilyang bubuuin sana natin ay nawala na. Pinatay mo ang anak mga anak natin! May kasalanan din ako, masyado akong naniwala sayo. Maging masaya ka sana. Wag kang mag alala, pipilitin kong bumangon, para naman sa sarili ko. Baka ipinipilit ko lang ang mundo ko para sayo.Hindi kita kayang patawarin! hindi!Jillian"Bakit, mommy.. bakit hindi mo man lang ako hinintay na makapagpaliwanag?" umiiyak niyang sambit. "Bakit??"Hindi na siya nagbago ng posisyon. Hanggang makatulog na siya, ganoon pa rin ang posisyon niya. Hanggang sa dalawin na siya ng antok."Daddy.... daddy..." isang pamilyar na tinig ang gumising sa kanya. Bosea iyon ng kanya
"Alam ko.." sagot nito sa kanya. "Alam niyo?" kinalas niya ang pagkakayakap kay lola Liz. Doon niya lang napansin na namumugto ang mga mata nito. Naglakad ito patungo sa sofa, saka naupo. "Tinawagan niya ako kahapon, sinabi niya kung ano ang nangyari. Nahihiya daw siya sa akin, dahil hindi niya naingatan ang sarili niya. Ilang beses akong nakiusap sa kanya, na ayusin niyo ang lahat, subalit ayaw na niya," humikbi ito, kinuha ang panyo sa bag,"hindi ka na raw niya kayang makita. Sabi ko nga, kahit kaming dalawa na lang sana, maging okay kami, ayaw niya.. kasi daw, alaala akong masayang buhay niya nung kapiling mo pa siya. Matapos niyang magpasalamat sakin, pinatay na niya ang tawag, tapos, hindi ko na siya makontak. Kaya, napaaga ako ng uwi, baka maaabutan ko pa siya dito.." "Sinundo ko si lola, kasi, hindi ka sumasagot sa tawag niya. Yun pala, lasing ka diyan," sabi sa kanya ni Suzie, "kanina pa siya umiiyak. Sayang si Jillian, mabait pa naman." "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong
"Saan kaya siya pupunta?" tanong niya kay Elmer habang pinapanood nila ang motor ni Camilla, "ang mahal ng motor na yan, paano niya naafford?" "Alam mo par, medyo malihim si Camilla pagdating sa mga personal na buhay. Kapag hinahatid ko siya noon, lagi lang sioyang sa isang mall nagpapababa, ni hindi ko makita kung saan siya umuuwi." sagot ni Elmer. "Ibig mong sabihin, hindi mo pa naiihatid sa bahay nila si Camilla?" "Naku, hindi pa.. ayaw niya nga. Sabi ko nga ihahatid ko, sabi niya, squatter daw yung lugar niya, nakakahiya daw." "Hindi naman mukhang laking squatter si Camilla. Napapansin kong branded ang mga gamit niya." "Sabi niya, mga replika lang daw yung gamit niya." "Imposible yun, kilala mo ako pagdating sa magagandang klase ng gamit, alam ko ang mamahalin at ang hindi." "So, posibleng, mayaman siya?" tanong ni Elmer sa kanya. "Oo, kaya may posibilidad din, na itinatago niya si Jillian, at siya ang nag sponsor para sa abogado." Tumigil ang motor ng babae sa isang conv
Ang email na isinend niya sa abogado na nagpadala ng sulat sa kanya ay nagkaroon ng responsed. Sinasabi nito na magkita sila sa isang restaurant Hindi ito sumagot nung tanungin niya kung kasama nito ang kanyang asawa. Ilang oras na siyang naghihintay, ngunit wala pa ring sagot. Bago pa siya makaalis ng building, dumating ang isang puting kotse. Bumaba ang driver at binuksan ang pinto, si Tamara. Iiwasan sana niya ito, ngunit mabilis na nagdatingan ang mga reporter. Hindi niya ito maaaring ignorahin, dahil nakasalalay dito ang image ng kanilang kumpanya. "Anong ginagawa mo dito?" bulong niya sa babae habang nakatikom ang bibig. "Gusto nilang subaybayan ang ating love story," pakaway kaway pa ang babae sa media. "Puro kalokohan na naman ang iniisip mo, Tamara, aalis ako ngayon." "Saan ka pupunta?" kunwari pang inayos nito ang kanyang kwelyo."May meeting ako," sagot niyang nakangiti pa rin. "Ano na namang ginagawa mo at may kasama kang media dito?""Matagal mo akong tinataguan. Pina
Naisipan na lang niyang manood ng TV. Talagang hayagan na ang ginagawa ng dalawa na pagbabalandra ng kanilang relasyon. Pinipicturan ang mga ito ng mga photographers. "Muling nakikita na magkasama ang couple na sina Tamara, at Mckenzie Sandoval. Ayon sa source, naging mas matibay ang relasyon ng dalawa, noong masangkot sa isang kahindik hindik na aksidente, ang singer turned actress na si Tamara. Ipinagpasalamat nito ang kanyang pangalawang buhay. Narito ang kanyang mga sinabi..""Hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa kasal, pero hindi naman namin inaalis ang ganoong pagkakataon. Ako kasi, focus muna sa aking karir, samantalang siya ay sa kanilang negosyo..""Ang arte!!" inis na inis siya, "akala mo talaga eh mabait.." pinatay niya agad ang T.V.Nagsulat na lang siya ng tula.. na plano niya ay gagawin niyang kanta sa hinaharap. Pinamagataan niya itong: "Paano ka Kalimutan."Araw - araw dumadaan, tumatakbo sa isipan,Larawan mo lang, ang nakaguhit.Aking mundo'y gumuho na, panga
PAGKALIPAS NG LIMANG TAON...."Ready ka na bang bumalik sa Pilipinas?" tanong ni Camilla sa kanya."Dito nag umpisa ang aking karir, kaya hindi ko akalain na makikilala ako ng husto," sagot niya sa kaibigan."Mukha ka na talagang koreana," sabi ni Camilla sa kanya."Mama Cam... anong oras po tayo uuwi?" tanong ng isang batang apat na taong gulang pa lang."Uuwi na tayo sa Pilipinas.." sagot nito sa bata."Mommy, bakit naunang umuwi ng Pilipinas sina papa Jamill at Ivan?" tanong nito sa kanya."Kasi po baby, may tinapos pang show si mommy. Ayaw mo naman akong maiwan dito hindi ba?""Ayaw ko po.. Akala ko po babalik tayong U.S?" tanong pa nito."Hindi pa po pwede, kasi marami pa pong commitment si mommy..""Eh di makikita na naman ni mama Cam ang great love niya?""Ivy, darling, that's our secret.." niyakap ni Camilla ang bata."Sorry po mama.. I love you.."Napailing na lang siya sa dalawang ito. Buti na lang at may nakatulong siya pag aalaga sa mga bata. Dahil baka hindi niya kayanin.