Mahal kong Mckenzie,Puno na ng sama ng loob ang puso ko. Mas pinili ko na lang lumayo, kesa masaktan na nakikita pa kita. Babaunin ko na lang ang masasayang alaala na kasama kita, tama na yun. Ganito pala talaga kasakit ang magmahal ng totoo, ang magmahal ng sobra sobra. Ginawa na kitang mundo, ng buhay namin ng magiging mga anak sana natin. Pero ang pamilyang bubuuin sana natin ay nawala na. Pinatay mo ang anak mga anak natin! May kasalanan din ako, masyado akong naniwala sayo. Maging masaya ka sana. Wag kang mag alala, pipilitin kong bumangon, para naman sa sarili ko. Baka ipinipilit ko lang ang mundo ko para sayo.Hindi kita kayang patawarin! hindi!Jillian"Bakit, mommy.. bakit hindi mo man lang ako hinintay na makapagpaliwanag?" umiiyak niyang sambit. "Bakit??"Hindi na siya nagbago ng posisyon. Hanggang makatulog na siya, ganoon pa rin ang posisyon niya. Hanggang sa dalawin na siya ng antok."Daddy.... daddy..." isang pamilyar na tinig ang gumising sa kanya. Bosea iyon ng kanya
"Alam ko.." sagot nito sa kanya. "Alam niyo?" kinalas niya ang pagkakayakap kay lola Liz. Doon niya lang napansin na namumugto ang mga mata nito. Naglakad ito patungo sa sofa, saka naupo. "Tinawagan niya ako kahapon, sinabi niya kung ano ang nangyari. Nahihiya daw siya sa akin, dahil hindi niya naingatan ang sarili niya. Ilang beses akong nakiusap sa kanya, na ayusin niyo ang lahat, subalit ayaw na niya," humikbi ito, kinuha ang panyo sa bag,"hindi ka na raw niya kayang makita. Sabi ko nga, kahit kaming dalawa na lang sana, maging okay kami, ayaw niya.. kasi daw, alaala akong masayang buhay niya nung kapiling mo pa siya. Matapos niyang magpasalamat sakin, pinatay na niya ang tawag, tapos, hindi ko na siya makontak. Kaya, napaaga ako ng uwi, baka maaabutan ko pa siya dito.." "Sinundo ko si lola, kasi, hindi ka sumasagot sa tawag niya. Yun pala, lasing ka diyan," sabi sa kanya ni Suzie, "kanina pa siya umiiyak. Sayang si Jillian, mabait pa naman." "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong
"Saan kaya siya pupunta?" tanong niya kay Elmer habang pinapanood nila ang motor ni Camilla, "ang mahal ng motor na yan, paano niya naafford?" "Alam mo par, medyo malihim si Camilla pagdating sa mga personal na buhay. Kapag hinahatid ko siya noon, lagi lang sioyang sa isang mall nagpapababa, ni hindi ko makita kung saan siya umuuwi." sagot ni Elmer. "Ibig mong sabihin, hindi mo pa naiihatid sa bahay nila si Camilla?" "Naku, hindi pa.. ayaw niya nga. Sabi ko nga ihahatid ko, sabi niya, squatter daw yung lugar niya, nakakahiya daw." "Hindi naman mukhang laking squatter si Camilla. Napapansin kong branded ang mga gamit niya." "Sabi niya, mga replika lang daw yung gamit niya." "Imposible yun, kilala mo ako pagdating sa magagandang klase ng gamit, alam ko ang mamahalin at ang hindi." "So, posibleng, mayaman siya?" tanong ni Elmer sa kanya. "Oo, kaya may posibilidad din, na itinatago niya si Jillian, at siya ang nag sponsor para sa abogado." Tumigil ang motor ng babae sa isang conv
Ang email na isinend niya sa abogado na nagpadala ng sulat sa kanya ay nagkaroon ng responsed. Sinasabi nito na magkita sila sa isang restaurant Hindi ito sumagot nung tanungin niya kung kasama nito ang kanyang asawa. Ilang oras na siyang naghihintay, ngunit wala pa ring sagot. Bago pa siya makaalis ng building, dumating ang isang puting kotse. Bumaba ang driver at binuksan ang pinto, si Tamara. Iiwasan sana niya ito, ngunit mabilis na nagdatingan ang mga reporter. Hindi niya ito maaaring ignorahin, dahil nakasalalay dito ang image ng kanilang kumpanya. "Anong ginagawa mo dito?" bulong niya sa babae habang nakatikom ang bibig. "Gusto nilang subaybayan ang ating love story," pakaway kaway pa ang babae sa media. "Puro kalokohan na naman ang iniisip mo, Tamara, aalis ako ngayon." "Saan ka pupunta?" kunwari pang inayos nito ang kanyang kwelyo."May meeting ako," sagot niyang nakangiti pa rin. "Ano na namang ginagawa mo at may kasama kang media dito?""Matagal mo akong tinataguan. Pina
Naisipan na lang niyang manood ng TV. Talagang hayagan na ang ginagawa ng dalawa na pagbabalandra ng kanilang relasyon. Pinipicturan ang mga ito ng mga photographers. "Muling nakikita na magkasama ang couple na sina Tamara, at Mckenzie Sandoval. Ayon sa source, naging mas matibay ang relasyon ng dalawa, noong masangkot sa isang kahindik hindik na aksidente, ang singer turned actress na si Tamara. Ipinagpasalamat nito ang kanyang pangalawang buhay. Narito ang kanyang mga sinabi..""Hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa kasal, pero hindi naman namin inaalis ang ganoong pagkakataon. Ako kasi, focus muna sa aking karir, samantalang siya ay sa kanilang negosyo..""Ang arte!!" inis na inis siya, "akala mo talaga eh mabait.." pinatay niya agad ang T.V.Nagsulat na lang siya ng tula.. na plano niya ay gagawin niyang kanta sa hinaharap. Pinamagataan niya itong: "Paano ka Kalimutan."Araw - araw dumadaan, tumatakbo sa isipan,Larawan mo lang, ang nakaguhit.Aking mundo'y gumuho na, panga
PAGKALIPAS NG LIMANG TAON...."Ready ka na bang bumalik sa Pilipinas?" tanong ni Camilla sa kanya."Dito nag umpisa ang aking karir, kaya hindi ko akalain na makikilala ako ng husto," sagot niya sa kaibigan."Mukha ka na talagang koreana," sabi ni Camilla sa kanya."Mama Cam... anong oras po tayo uuwi?" tanong ng isang batang apat na taong gulang pa lang."Uuwi na tayo sa Pilipinas.." sagot nito sa bata."Mommy, bakit naunang umuwi ng Pilipinas sina papa Jamill at Ivan?" tanong nito sa kanya."Kasi po baby, may tinapos pang show si mommy. Ayaw mo naman akong maiwan dito hindi ba?""Ayaw ko po.. Akala ko po babalik tayong U.S?" tanong pa nito."Hindi pa po pwede, kasi marami pa pong commitment si mommy..""Eh di makikita na naman ni mama Cam ang great love niya?""Ivy, darling, that's our secret.." niyakap ni Camilla ang bata."Sorry po mama.. I love you.."Napailing na lang siya sa dalawang ito. Buti na lang at may nakatulong siya pag aalaga sa mga bata. Dahil baka hindi niya kayanin.
POV: MckenzieLarawan ng isang kagalang galang at matipunong lalaki ang diskripsiyon sa hitsura niya. Binabati siya ng lahat ng naroroon. Ginawa niyang share hilder ang kaibigan niyang si Elmer upang magkaroon siya ng bagong venture. Ang kabuuan ng airport na iyon ay majority ang kanyang share. Siya ang tumatayong chairman sa ngayon.Lahat ng alaala nila ng dati niyang asawa ay nakikita niya sa dating opisina, kaya mas pinili niya na maghanap pa ng ibang pagkakaabalahan.Pero hindi siya abusado, pumipila siya sa lahat ng transaction at nagkukunwari na regular na pasahero. Maaari na rin siyang magpalipad ng eroplano. Ginawa niyang busy ang sarili niya."Hi sir," bati sa kanya sa immigration."Good morning," kaswal niyang sagot dito."Ano ba yan, ang tagal naman," narinig niyang reklamo ng iba sa kabilang linya ,"matagal pa ba yan?""Kung nagmamadali ka, lumipad kang mag isa," sagot ng isang staff."Excuse me?" lumipat siya ng window at kinausap ang staff doon, "what did you say?""It's
Nakangiti si Camilla paglingon sa kanya, subalit agad napawi ang ngiting iyon, ng magtama ang kanilang mga mata. Namutla ng bahagya si Camila at agad nag iwas ng paningin."Camilla?" nilapitan niya ito. Sinenyasan siya ng babae, na wag maingay. Nauunawaan naman niya ito."You know her mama Cam?" inosenteng tanong ng bata."Ah-- eh, no baby, baka akala niya lang kilala niya ako," pinanlakihan siya nito ng mata."Ah, akala ko kilala ko ang mama mo, hindi pala."You called her Camilla, right?" tanong ng bata."No-- no.. I said, sa kabila. May nakita kasi akong kakilala ko doon sa malayo," sagot niya sa bata."Thank you sir for helping me," yumakap pa ito sa baywang niya."Baby, baka may gagawin pa siya, let's go na.." tawag ni Camilla sa bata.Napatingin siya sa babae na panay ang iwas ng mata sa kanya. Binuhat niya si Ivy, saka lumpait kay Camilla. Pagkababa niya sa bata, binulungan niya ang babae."May anak ka na pala?" tanong niya dito."Ha? ah.. eh.. oo, meron na," nauutal nitong sag