POV: Mckenzie"Dapat, hindi ka ganun makipag usap sa mga babae," saway niya sa kaibigan, "naoffend mo tuloy.""Par, wag kang ano dyan! ganyan ka rin no!" tiningnan siya ni Elmer ng masama."Hindi yun par, I mean, kaibigan ni Jillian yun, nakakasama natin, tapos ngayon, may crush pala sayo.""Hayaan mo na, mas magandang hindi na niya ko i-crush, kasi, mas masasaktan din siya bandang huli.""Bakit? hindi mo ba siya type?" tanong niya bago humigop ng kape."Hindi.. at saka, ayoko munang makipagrelasyon, alam mo naman kung sino ang tipo ko, hindi ba?" sagot nito sa kanya.""Masama din ang ugali nung tipo mo par. Nakita mo naman, hindi ba?" sagot nito sa kanya."Pakiramdam ko kasi, magbabago pa siya. Mabait din naman siya," itinaas nito ang kape at sinimsim ang mainit na laman, "ang puso kasi, mahirap turuan.""Bakit naman ako?""Par.. deserve ng asawa mo, na mahalin siya. Mabuting tao si Jillian, napakaswerte mo nga. Siguro nga, kung napansin ko soya noon, baka niligawan ko yan.""Par.. a
"Ooooh, nasaan na si Brent?" tanong nito, na animo ay magmomodel ng damit ang hitsura. "Umalis na.." sagot niya. "Paanong umalis? nakausap ka ba niya, Jillian?" tanong pa nito. "Oo," sagot ni Jillian. "Good, anong napag usapan niyo?" nakangiting tanong nito. "Pak.. pak.." sagot ni Camilla. "Anong pak pak?" tanong ni Alicia. "Sinampal ko siya," sagot ng asawa niya. "What? how could you do that to him, he loves you!" inis na sita ito sa kanya. "Tantanan mo nga ako Alicia, may asawa na kong tao, ibinubugaw mo pa ka!" sabi nito. "Tigilan niyo na nga yang mga pagkukunwari niyo! alam naman natin ang katotohanan no, hmp!" iniwan sila nito. "May sayad ata ang dalawang yun," sabi ni Camilla. "May room na ba kayo?" tanong niya sa dalawa. "Meron na," sagot ni Elmer. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Jillian sa kanila. "Magpapahinga na, para sa party. Nagkanya kanya na sila ng uwi. ************************************* "Ang ganda mo naman," napangiti siya ng nakita si Jillian
POV: JillianIsang malaki at magandang pavillion ang pinasukan nila. Madaming mga bisita na high profile na tao. Sa bandang entrance pa lang, may mga nakakilala agad sa presensiya ni Mckenzie."Magandang gabi Mr. Sandoval," isang maedad na lalaki ang bumati dito, "sir Elmer.""Kumusta kayo Mr. Vicencio?" nakipagkamay ang dalawang lalaki sa matanda."Buti at nakarating kayo, ano kaya ang anunsiyo ni Gener? inimbita ang mga bigating negosyante eh. Kumusta naman si Coleen sa kumpanya niyo?""Maayos naman ho siya. Nagtataka nga ako at doon niya gustong magtrabaho sa amin, kayo, kumusta ang negosyo?" wika ng asawa niya."Ito, maayos naman. Salamat sa tulong niyo ng lola mo. Ayaw mo pa bang malaman ng iba, na lola mo si Liz?" tugon nito sa asawa niya."Low profile si lola, ayaw niya ng mga exposure, any way, mga employee namin, si Camilla at Jillian." pakilala sa kanila."Ah, totoo palang magaganda ang mga nagtatrabaho sa Sandoval corporation, Mr. Sandoval." nakangiting wika ni Mr. Vicencio
"Wala akong gagawin," sagot niya sa kaibigan, "hayaan mo na lang sila, tingnan na lang kung sino ang mapapahiya, hindi ba?" "So, yun pala ang ibig sabihin ng bracelet na ibinigay ni Miss Coleen kay sir, parang ang ibig niyang sabihin ay mag jowa talaga sila, isinuot pa naman ni sir ngayon yun." "Halika na, puntahan na natin siya, bago pa maiannounce ang sinasabi ni Miss Coleen. Nagmamadali ng umalis ang dalawa ng banyo. Nag uumpisa na ang programa sa labas. "Nais ko lang tawagin, ang napakabait na si Mckenzie," tumayo si Mckenzie na naguguluhan. Nasa stage ang lalaking sa pagkakaalam niya ay ama ni Coleen, kasama nito si Coleen at ang dalawang impakta. "Maaari ka bang umakyat dito hijo, saglit." Pinaunlakan naman ito ng kanyang asawa. Pag akyat nito sa stage, naghahanap ang mata nito, at nong makita siya, agad na ngumiti. Hinila naman ito ni Coleen. "Mckenzie, sa kaarawan ng aking anak, nais kong magpasalamat sayo, sa pag aalaga mo sa kanya kahit pasaway siya," nakangiti ang mata
"Siya ang asawa ko, si Mrs. Jillian Sandoval!" pakilala niya kay Jillian. Lalong umugong ang usap usapan."Totoo pala ang balita.""Oo nga, bakit siya?""Kaya pala lagi siyang wala sa pwesto niya.""Pinikot niya kaya si sir?""Hi--hindi totoo yan! gusto mo lang akong saktan!" sigaw ni Coleen, "paano mo magugustuhan ang babaeng yan?""Anong paanong magugustuhan? Gusto mong malaman? simple lang, hindi siya, tulad mo." Kaswal niyang sagot. "Ayaw niyang ipagkalat na mag asawa kami, dahil nahihiya siya. Kung katulad mo siya, baka ipinagsabi na yun, pero hindi, masyadong low key ang asawa ko, na isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Sana, kumuha ka muna ng CeNoMar, para hindi ka na umabot sa ganito na mapapahiya ka."Bumaba na siya ng stage, at pinuntahan si Jillian na noon ay nakatayo na lang sa harapan kasama sina Elmer at Camilla."Sorry, Mr. Sandoval.. sana pala, alam na lang ng lahat na mag asawa tayo." wika ni Jillian sa kanya na halos maluha."Okay lang yun, parurusahan na lang kita sa
POV: JillianNaalimpungatan siya sa pagtatalo nina Elmer at Camilla. Itong dalawa talagang ito, wala ng ginawa kundi magtalo."Ang ingay niyo, pwedeng magpahinga?" reklamo niya sa mga ito."Ito kasing matandang to eh," paninisi dito ni Camilla."Ako na naman?" sagot naman ni Elmer."Tumigil na kayo. Elmer, alam mo na ang gagawin, pumunta ka na sa police station, isali mo sa kakasuhan ang tatay." utos ni Mckenzie kay Elmer."Pwedeng tawagan ko na lang par? gabi na oh, Nasa Tagaytay pa tayo." napakamot naman sa ulo si Elmer."Oh, sige, bahala ka, siguraduhin mong mananagot agad sila," bilin pa ng asawa niya bago tuluyang lumabas si Elmer."Okay lang naman ako, wala namang nangyari sa amin ng baby natin," sabi niya sa asawa."Hindi mo kilala ang mga yun. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila." tugon sa kanya ng asawa."Ganoon ba sina Coleen, sir?" tanong ni Camilla kay Mckenzie."Oo.. ganun talaga sila.." tunog ng tunog ang cellphone ng asawa niya."Sagutin mo kaya?" utos niy
"Ayon sa report, niloko di umano, ni Mr. Sandoval ang kanyang nobyang si Coleen de Venecia. Nagpakasal ito sa isang staff sa opisina, sa hindi malamang dahilan. Wala pa ring komento mula sa panig nina Mr. Sandoval, at narito naman ang pahayag, ni Miss Coleen de Venecia:" sabi ng reporter. "Yeah, mahal ko siya, pero ginamit lang pala niya ako sa opisina nila para dumami ang projects, and now, ganito lang ang gagawin niya sakin? hindi ko akalaing ipagpapalit niya lang ako sa isang retokadang staff! Ang sakit, pero hindi ako papayag, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sakin, see him in court! dahil lang sa nalaman niyang apo ni madam Lishou ang babaeng iyon, pinalitan niya agad ako.." madamdaming kwento nito. "Apo ni madam Lishou si Miss Purisima?" tanong ng reporter. "Yes.." "Pero si madam Lishou ay chinese, paano niya naging apo si Jillian?" "May katibayan ka ba?" "Di ba si Tamara ang nobya niya noon, paanong naging ikaw?" "Anong hakbang niyo ngayong hiniwalayan ka na n
"Nais ko pong humingi ng tawad sa lahat, sa mga naabala, lalo na kina Mckenzie at Jillian, na nakaladkad pa sa usaping ito. Kasalanan ko po ang lahat," sabi ni tito Gener."Pasensiya na sa mag asawang Jillian at Mckenzie. Hindi ko sinasadya na madamay ang pangalan niyo dito. Wala kaming relasyon ni Mckenzie Sandoval. Ako lang ang may gawa ng lahat ng iyon," si Coleen naman iyon."Hindi ka talaga nobya ni Mr. Sandoval?""Bakit binalak mong pikutin si Mr. Sandoval? para saan?""Inaako mo ang lahat? hindi totoo yung sinabi mo kanina?""Nagsinungaling ka pala?""Nagpublic apology na, ang mag amang Gener at Coleen de Venecia sa mag asawang Mckenzie at Jillian Sandoval, lumalabas sa ulat na isang pamimikot sana ang gagawin ni Coleen sa lalaking may asawa na. Gusto pang maging kabit ng babaeng de Venecia, at si Gener naman ay gustong ipalaglag ang anak ng mga Sandoval. Hindi natin akalaing may mga ganito pang klase ng tao sa mundo. Na gagawin ang lahat, makuha lang ang naisin. Sinasabing itu