POV: JillianNaalimpungatan siya sa pagtatalo nina Elmer at Camilla. Itong dalawa talagang ito, wala ng ginawa kundi magtalo."Ang ingay niyo, pwedeng magpahinga?" reklamo niya sa mga ito."Ito kasing matandang to eh," paninisi dito ni Camilla."Ako na naman?" sagot naman ni Elmer."Tumigil na kayo. Elmer, alam mo na ang gagawin, pumunta ka na sa police station, isali mo sa kakasuhan ang tatay." utos ni Mckenzie kay Elmer."Pwedeng tawagan ko na lang par? gabi na oh, Nasa Tagaytay pa tayo." napakamot naman sa ulo si Elmer."Oh, sige, bahala ka, siguraduhin mong mananagot agad sila," bilin pa ng asawa niya bago tuluyang lumabas si Elmer."Okay lang naman ako, wala namang nangyari sa amin ng baby natin," sabi niya sa asawa."Hindi mo kilala ang mga yun. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila." tugon sa kanya ng asawa."Ganoon ba sina Coleen, sir?" tanong ni Camilla kay Mckenzie."Oo.. ganun talaga sila.." tunog ng tunog ang cellphone ng asawa niya."Sagutin mo kaya?" utos niy
"Ayon sa report, niloko di umano, ni Mr. Sandoval ang kanyang nobyang si Coleen de Venecia. Nagpakasal ito sa isang staff sa opisina, sa hindi malamang dahilan. Wala pa ring komento mula sa panig nina Mr. Sandoval, at narito naman ang pahayag, ni Miss Coleen de Venecia:" sabi ng reporter. "Yeah, mahal ko siya, pero ginamit lang pala niya ako sa opisina nila para dumami ang projects, and now, ganito lang ang gagawin niya sakin? hindi ko akalaing ipagpapalit niya lang ako sa isang retokadang staff! Ang sakit, pero hindi ako papayag, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sakin, see him in court! dahil lang sa nalaman niyang apo ni madam Lishou ang babaeng iyon, pinalitan niya agad ako.." madamdaming kwento nito. "Apo ni madam Lishou si Miss Purisima?" tanong ng reporter. "Yes.." "Pero si madam Lishou ay chinese, paano niya naging apo si Jillian?" "May katibayan ka ba?" "Di ba si Tamara ang nobya niya noon, paanong naging ikaw?" "Anong hakbang niyo ngayong hiniwalayan ka na n
"Nais ko pong humingi ng tawad sa lahat, sa mga naabala, lalo na kina Mckenzie at Jillian, na nakaladkad pa sa usaping ito. Kasalanan ko po ang lahat," sabi ni tito Gener."Pasensiya na sa mag asawang Jillian at Mckenzie. Hindi ko sinasadya na madamay ang pangalan niyo dito. Wala kaming relasyon ni Mckenzie Sandoval. Ako lang ang may gawa ng lahat ng iyon," si Coleen naman iyon."Hindi ka talaga nobya ni Mr. Sandoval?""Bakit binalak mong pikutin si Mr. Sandoval? para saan?""Inaako mo ang lahat? hindi totoo yung sinabi mo kanina?""Nagsinungaling ka pala?""Nagpublic apology na, ang mag amang Gener at Coleen de Venecia sa mag asawang Mckenzie at Jillian Sandoval, lumalabas sa ulat na isang pamimikot sana ang gagawin ni Coleen sa lalaking may asawa na. Gusto pang maging kabit ng babaeng de Venecia, at si Gener naman ay gustong ipalaglag ang anak ng mga Sandoval. Hindi natin akalaing may mga ganito pang klase ng tao sa mundo. Na gagawin ang lahat, makuha lang ang naisin. Sinasabing itu
Hinawakan ni Mckenzie ang kanyang dibdib, pinipisil pisil ito ng lalaki, habang siya naman ay patuloy na ikinikiskis ang kanyang kaselanan, sa baston na nakaumbok sa harapan ng lalaki. Halos mabasa ang panty niya dahil sa ginagawa.Yumuko siya, para halikan ang asawa. Nagdikit ang kanilang mga dibdib. Hindi kayang ibsan ng lamig ng aircon ang init ng katawan na nararamdaman nila.Bumaba ang kanyang halik, sa leeg ng lalaki. Hinalikan niya ang punong tainga nito, pababa sa dibdib. Pinadaanan niya ng dila ang nipple nito. Napaangat ang likod ng lalaki sa ginawa niya. Ang bango ng lalaki, amoy sa katawan nito ang sabon na ginamit sa pagligo. Pinapanood siya ng asawa, habang kinakalas niya ang tali ng suot nitong shorts. Nakaunan na itong muli sa sariling braso.Binaybay ng kanyang mga labi, ang binti ng lalaki, patungong hita, hanggang tuluyang mahubad ang huling saplot nito. Agad na umigkas ang isang matigas na bakal. Hinawakan niya ito ng dalawang kamay, at ipinalo palo sa pisngi niya.
POV: Mckenzie "Tamara!" hindi na niya napigilan ang babae, ng lapitan nito si Jillian at sampalin. Mayadong mabilis ang pangyayari. Kahit si Jillian ay hindi nakapagsalita. Nabiling ang ulo nito sa lakas ng sampal ni Tamara. "Ikaw-- sinamantala mo ang kahinaan ni Mckenzie, ng boyfriend ko! para matukso mo siya! wala ka bang delikadesa?" bunsol dito ng babae. "Ano ba, Tamara-- asawa ko siya!" inakbayan niya si Jillian. "Mabuting babae si Jillian. Hindi siya gaya ng iniisip mo!" "Mckenzie---!" umiiyak na sabi ni Tamara, saka lumuhod sa harapan nila, "alam kong nagkamali ako, napabayaan kita, pero kapag umuuwi naman ako, bumabawi ako sayo, ipinaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Konting panahon na lang naman ang hinihingi ko sayo.. Bakit hindi mo pa ko naintindihan?" "Kaya kitang hintayin, Tamara.. pero ang puso ko, napapagod na rin. Mas mahalaga sayo ang trabaho mo, samantalang ako, option na lang sa buhay mo. Tao lang ako, marunong akong masaktan, at sumuko. Inisip ko na la
"Dumating na pala si Tamara?" pauna ng lalaki. "Oo, galing na siya dito." "Oh, kumusta naman? si Jillian?" "Medyo hindi okay, sinampal siya ni Tamara." "Buti at walang ibang ginawa bukod dun." "Naagapan ko." "Anong sabi ng asawa mo?" "Nagulat lang. Pero okay na naman siya." "Mabait si Tamara, maaaring nagulat lang siya." "Magkaiba kayo ng sinabi ni Suzie, para naman daw yung ahas." "Si-- Suzie? nag side comment?" waring hindi makapaniwala si Elmer. "Oo, nagulat din nga kami." "Papasok na ba kayo bukas? buti hindi kayo pumasok ngayon, ang daming reporter kanina sa baba." "Yan din ang naisip ko kahapon kaya nag absent muna kami." "Oh, sige par, may gagawin pa ko, ingat kayo." "Salamat par." nawala na ito sa kabilang linya. "Buti na lang talaga at hindi tayo pumasok," sabi ni Jillian sa kanya. "Hmmm.. halika, gutom ka na ba?" nakangiti niyang sabi sa asawa. "Medyo," inalalayan niya itong tumayo at maglakad, "te--teka-- saan tayo pupunta?" "Kakain," tugon niya. "Bakit s
"Ahas!!!" sigaw niya at naitapon ang box. Hindi iyon basta ahas, kung hindi niya agad naihagis yun, malamang natuklaw siya. Isa iyong Cobra. Nagmamadali naman ang mga kasamahan nila na patayin ito, Siya naman ay takot na takot at napahawak kay Camilla. "Okay ka lang ba?" tanong ni Camilla sa kanya, "buti hindi ka natuklaw ng ahas." "Jillian, hindi ka ba inabot?" tanong ni Elmer. "Hi-- hindi naman, naitapon ko agad." sagot niya. "Habulin niyo ang rider at alamin kung sino ang nagpadala ng box." utos ni Mckenzie sa ibang kasama, "tumawag agad sa security." Inalalayan siya nina Mckenzie at Camilla na makaupo. Talagang nangatog ang kanyang tuhod sa unexpected na regalo. Kung ganun, may nagtatangkang pumatay sa kanya, pero sino? Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung maiiyak ba siya o matatakot. "Sir.. hindi na naabutan ang nagdala nmg regalo. Mabilis na nakalabas ng building," sabi ng isang security. "Tatawagan ko si Mckenzie," sabi ni Elmer. "W--wag na, baka nasa meetin
POV: Mckenzie"Natanggap ba ng asawa mo ang regalo ko?" tanong sa kabilang linya. Lalaki ang tinig nun."Hayop ka! sino ka? bakit mo tinatakot ang asawa ko?" galit na galit ang tinig niya "duwag ka!"Tumawa ang kausap niya sa kabilang linya, "okay lang. Kahit anong sabihin mo sakin.. namatay na ba siya?""Mas uunahin kitang patayin!""Relax! chill... baka ma stroke ka.. sana! anyway, sana mamatay na siya, para mabawasan na ang makakati sa mundo!" biglang namatay ang tawag na yun."Sino yun par?" tanong ni Elmer sa kanya."Oo nga, parang galit na galit ka?" tanong naman ni Jillian."Wa--wala yun, may nagpaprank lang sakin. Siraulo yun ah," napailing na lang siya. Ayaw niyang sabihin sa asawa niya kung sino at ano ang sinabi nong tumawag, baka lalo pang mag alala si Jillian. Pero nakita niya ang tingin ni Elmer na hindi kumbinsido sa sinabi niya. Tiningnan niya lang ito. Alam na nito ang ibig niyang sabihin."Ano bang sabi ng doctor, kailang daw ako makakalabas?" tanong ng asawa niya."