"Ahas!!!" sigaw niya at naitapon ang box. Hindi iyon basta ahas, kung hindi niya agad naihagis yun, malamang natuklaw siya. Isa iyong Cobra. Nagmamadali naman ang mga kasamahan nila na patayin ito, Siya naman ay takot na takot at napahawak kay Camilla. "Okay ka lang ba?" tanong ni Camilla sa kanya, "buti hindi ka natuklaw ng ahas." "Jillian, hindi ka ba inabot?" tanong ni Elmer. "Hi-- hindi naman, naitapon ko agad." sagot niya. "Habulin niyo ang rider at alamin kung sino ang nagpadala ng box." utos ni Mckenzie sa ibang kasama, "tumawag agad sa security." Inalalayan siya nina Mckenzie at Camilla na makaupo. Talagang nangatog ang kanyang tuhod sa unexpected na regalo. Kung ganun, may nagtatangkang pumatay sa kanya, pero sino? Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung maiiyak ba siya o matatakot. "Sir.. hindi na naabutan ang nagdala nmg regalo. Mabilis na nakalabas ng building," sabi ng isang security. "Tatawagan ko si Mckenzie," sabi ni Elmer. "W--wag na, baka nasa meetin
POV: Mckenzie"Natanggap ba ng asawa mo ang regalo ko?" tanong sa kabilang linya. Lalaki ang tinig nun."Hayop ka! sino ka? bakit mo tinatakot ang asawa ko?" galit na galit ang tinig niya "duwag ka!"Tumawa ang kausap niya sa kabilang linya, "okay lang. Kahit anong sabihin mo sakin.. namatay na ba siya?""Mas uunahin kitang patayin!""Relax! chill... baka ma stroke ka.. sana! anyway, sana mamatay na siya, para mabawasan na ang makakati sa mundo!" biglang namatay ang tawag na yun."Sino yun par?" tanong ni Elmer sa kanya."Oo nga, parang galit na galit ka?" tanong naman ni Jillian."Wa--wala yun, may nagpaprank lang sakin. Siraulo yun ah," napailing na lang siya. Ayaw niyang sabihin sa asawa niya kung sino at ano ang sinabi nong tumawag, baka lalo pang mag alala si Jillian. Pero nakita niya ang tingin ni Elmer na hindi kumbinsido sa sinabi niya. Tiningnan niya lang ito. Alam na nito ang ibig niyang sabihin."Ano bang sabi ng doctor, kailang daw ako makakalabas?" tanong ng asawa niya."
POV: JillianNakatingin lang siya sa swimming pool ng araw na iyon. Hindi siya sanay na walang ginagawang trabaho. Napahawak siya sa kanyang tiyan."Mga anak, kapit lang.." sabi niya, habang hinihimas ang tiyan. Tumunog ang kanyang cellphone, si Camilla."Kumusta ka na?" tanong nito sa kanya."Ito, unang araw pa lang, naiinip na," sagot niya."Pag may time ako, maglileave ako para puntahan ka. Hindi kasi ako pwede ng weekends. Isasama ko sina Eula at Sam.""Sige, nakakainip dito eh.""Bye na, magtatrabaho muna ako, si Sir Elmer kasi ang acting manager namin ngayon.""Sige, salamat.." nawala na ang kaibigan sa kabilang linya."Hoy, Jillian," boses iyon ni Suzie, iniisip niya pa lang na baka bwesitin siya ng babae, naaasar na siya."Bakit?" hindi na niya ito nilingon. May inilapag itong tray sa gitna, pagtingin niya, Kani salad iyon."Kumain ka, maganda daw sa baby ang mga gulay na greens," inilagay nito sa harapan niya ang isang plato at tinidor, "ako ang gumawa niyan, napanood ko yan
Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone, si Mckenzie yun. Agad niya iyong sinagot."Kanina pa ako natawag sayo, nag aalala ako," sabi nito sa kabilang linya, "nasaan ka?""Naku, nakatulog ako sa cottage. Naiinip kasi ako," sagot niya dito. "Pasensiya ka na.""Anong gusto mong pasalubong?" tanong nito."Gusto ko? hmmm ikaw.." napatawa siya sa sinabi."Hahaha ikaw talaga, hindi pa tapos ang meeting namin. Kukuha daw ng endorser.""Sino ang kinuha?""Hindi ko nga alam eh. Alam mo naman ako, hindo ako member ng PR team.""Sa bagay, sigurado namang okay ang makukuha niyo, ano bang product?""Slimming juice, yung bago nating product? ikaw ang gumawa ng logo nun hindi ba?""Ah, oo, naalala ko na, babae ba ang---""Andiyan na si Tamara..." pakinig niyang sabi ng isang kasama nito"Si Ta-mara ang endorser niyo?" naguguluhan niyang tanong."Wait lang mommy, I'll call you later.." pinatay na nito ang tawag sa kanya.Naka- anim na mis calls na pala ito sa kanya, hindi niya iyon naririnig."Ba
"Si Tamara.""Oo nga, ang ganda niya.""Hi Tamara!""Letse! bakit tayo nasundan ng babaeng iyan?" bulong niya kay Elmer."Alam niyang pumupunta tayo dito. Hayaan mo na nga siya," sabi niya sa kaibigan.Matagal pa, bago nakalapit sa kanila ang babae."Bakit niyo naman ako iniwan?" tanong nito na nagratampo pa ang tinig.Hindi niya ito pinansin. Nakatingin lang siya sa bar counter na puro alak."Elmer, pwede ba kaming mag usap ni Mckenzie?" tanong nito."No!" sagot niya."Mckenzie, napaka rude mo naman sakin," sabi nito sa kanya."Wag mo akong kausapin, yun lang yun," tinungga niya ang isang basong alak."Par, wag kang masyadong maingay, at nakakahiya," saway sa kanya ni Elmer. "Madami ng tao, baka marinig ka. Endorser na natin si Tamara, kaya kailangang alagaan natin ang image niya.""Okay lang ako, Elmer, salamat," ngumiti pa ito sa kaibigan, "baka nasasaktan pa si Mckenzie dahil hindi ko siya inuna noon. Sabi ko naman sayo babe, pwede naman nating ituloy, basta gustuhin mo lang..""P
Dinala nila agad sa hospital si Tamara. Namumutla ang babae. Binuhat niya ito at agad isinakay sa kotse at itinakbo sa pinakamalapit na hospital si Tamara.Agad inasikaso at pinagkaguluhan ang babae sa hospital dahil nga isa itong celebrity. Naghintay naman sila sa labas ni Elmer. Nagpaalam muna siya sa kaibigan na tatawagan niya si Jillian at baka nag aalala na."Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya na magbabar tayo. Baka nag aalala na yun," paalam niya sa kaibigan."Sige par, ako na lang muna ang bahalang maghintay dito," sagot ng kaibigan niya.Lumabas siya saglit at idenial ang numero ng asawa. Hindi pa niya napipindot ang call sign ng kanyang phone, nauna na itong tumawag sa kanya."Kumusta ka na daddy? nasaan ka?" nag aalala ang tinig nito."Pasensiya ka na mommy, nagkayayaan lang kami magbar ni Elmer. Hindi na ako nakapagpaalam. Sunod kasi ng sunod sakin si Tamara. Hanggang sa bar, nasundan ako. Nasa hospital kami ngayon, nahimatay kasi siya," paliwanag niya dito."Kumusta naman s
POV: JillianDumating ang asawa niya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakasimangot ito, at akala mo ay napaaway sa labas ang hitsura."Daddy.. okay ka lang ba?" sinalubong niya ito."Okay lang ako, kumain ka na ba?" sagot nito bago pabagsak na naupo sa sofa."Hi--hindi pa.. hinihintay kasi kita." sagot niya."Kumain ka na, busog pa ako. Wag kang manonood ng tv. May pinapakalat na namang tsismis tungkol sa amin ni Tamara, ayokong maapektuhan ka." Tumayo na ang lalaki, "papasok muna ako sa kwarto."Nakatingin lang siya sa asawa niya. Nawala yung magiliw na lalaki sa loob lamang ng isang maghapon."Ano kayang nangyari sa kanya?" napailing na lang siya, saka ito sinundan.Nakahiga ang lalaki na nakalaylay ang mga paa. Inalis niya ang sapatos nito, saka maatos na inihiga sa kama. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon, saka pinunasan ang lalaki. Hinubad niya ang polo at pantalon nito, saka sinuotan ng pajama.Nahiga na lang siya sa tabi ng lalaki at yumakap ng mahigpit. Gusto niyang
Nagpapaluto na siya ng lunch kay Judith. Hindi na sila lumabas ni Suzie. Una, nahihiya siya dito, pangalawa, wala talaga siya sa mood lumabas. Nagpaalam na lang si Suzie sa kanya na magtatrabaho na lang muna.May tawag siya sa phone, unregistered number ito. Pagsagot niya, tinig iyon ng isang babae."Hi, Jillian.." sabi nito."Yes?" "It's Tamara.."Napabuntung hininga siya "oh, bakit?""Wala naman. Itatanong ko lang, kung alam mo na ang-- ang tungkol sakin.""Oo, bakit?""Alam mo na, and yet, nandiyan ka pa rin sa bahay na yan?""Siyempre, bahay ng asawa ko ito," sagot niya, "ano ba kasi ang kailangan mo?""Buntis ako..""So?""Si Mckenzie ang ama.."Natahimik siya saglit.. bago nakapagsalita, "hindi ako naniniwala sayo.""Eh di wag, bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?""Matagal ka ng wala dito--""Nauna akong magbuntis sayo Jillian, cryptic pregnancy ang tawag sa pagbubuntis ko, hindi lumalaki ang aking tiyan.""Tapos?""Anong tapos? kailangan mo ng umalis sa bahay, para makabalik