CHANDRIA "Kailangan kong pumunta sa kompanya," sabi ko kay Celeste. Nilagnat ako matapos ng insidenteng iyon, dala siguro ng gulat at trauma dahil unang beses akong tinutukan ng baril at sinaktan ng ganoon."Hindi ba magagalit si Nicola?"Alam niyang nasa puder ako ni Nicola pati ang insidenteng nangyari sa akin."Ngayon nila ako huhulihin, diba?" Bumuntong hininga ako sa pagitan ng pagsasalita ko. "Gusto kong harapin si Marga, kokonprontahin ko siya sa pagbibintang niya.""Pero matibayang ebidensya nila. Mas mabuting d'yan ka lang. Hindi ka nila kaagad makukuha kapag kasama mo si Mr. Henderson," tutol niya."No!" Salungat ko sa malakas na boses. "Pupunta ko d'yan. Kahit saan ako, kaya nila akong hulihin. Ipapakita ko lang ang totoong pirma ko at ilang papeles na may rekord ng anomaliya ni Marga.""Ma'am Chandria naman, please, makinig naman kayo kahit ngayon lang. Ayoko rin kayong mapahamak.""Wag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko. Hahamakin ko ang sampid na iyan!" Full
CHANDRIA Isa lang ang solusyon ko, no'ng humupa ang lagnat ko ay maaga akong umalis ng bahay para puntahan ang kompanya. The place is so eerily silent and as if I don't belong here. O may tao lang talaga na ayaw ako rito.Kakarating ako sa opisina nang tumunog ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil mistula akong daga na pasekretong pumasok sa opisina ni Marga.Pasa alas sais ng umaga, at si mamang guard lang ang tao rito. May kaunting oras ako para humanap ng matibay na ebidensiya laban kay Marga.I looked at the screen, and to my surprise, it was Autumn. She rarely calls me, and we just talked in the group chat. Nahihiwagaan ako sa bigla-bigla niyang paglitaw sa buhay ko.Naalala ko no'ng araw na may pinapirmahan siya, para raw sa insurance ng triplets. Nagbago kasi siya ng trabaho- sa isang insurance company at may maganda silang offer ka pumayag ako. "How are you, beshy? Nabalitaan ko may sakit ka? Okay ka lang ba?" Nahimig niya ang pag-alala."O-Okay lang ako. Bin
NICOLA Nakita mo ba'ng umalis si Chandria?" Umiigting ang panga kong tanong kay Yassel.Nagrerebolusyon ang sistema ko matapos matagpuang bakante ang kwarto ni Chandria. Kakahupa lang ng lagnat niya at talagang nagawa niyang tumakas. Natatakot tuloy akong mabinat s'ya."Sa kasamang palad, hindi ko po siya nakita kanina," malungkot niyang pahayag.Nanilim sa galit ang mga mata ko. Naging blangko ang utak kong sa anong paraan ko hahanapin ang babaing ito. Sinasadya niya akong pahirapan ngayon. I really don't understand her right now. Nanggigil akong sakalin siya't hilain pabalik ng mansyon ko. "Ihahatid ko muna sa nursery ang kambal," nasabi ko na lamang nang maalala ang mga anak. Umakyat ako sa itaas para tignan sila. This time, I hired a nanny for them. She's one of my close relative para iwas tukso. Namataan ko si Cynthia sa bukana ng kwarto ng triplets. Sinasapo nito ang noo at tila may mabigat siyang pinapasan."Ano ang problema, Cynthia?" Agaw-atensyon ko.Kumislot siya nang
NICOLAParang nasasabog ang puso ko nang makita ko ang taong mahal ko na parang isang kriminal ng ibang tao. Pawisan at basang-basa ng mga luha ang kanyang mukha. Hinahabol ang hininga habang nasa likod ang dalawang kamay na may posas. The sight of her being dragged like that made my blood boil.“Ano’ng katarantaduhan ang ginagawa niyo?” Bulyaw ko habang tumatakbo palapit sa kanila.Binuka ni Chandria ang mga bibig pero di niya nagawang magsalita nang nilapit ako ng isang babae na mas natataranta pa kesa sa kanya. Her expression was tense, and her heels clicked with purpose on the pavement. “Mr. Henderson, I’m Celeste Solotiel,” pakilala niya sa ipit na boses. “I’m the Vice President of Mielle Company. Ako po ang tumawag sa inyo.”Mielle Company? Ano’ng ginagawa ni Chandria sa kanila?Before I could process it, another woman stepped forward, her eyes gleaming with malice. Ang empaktang si Marga na adopted sister niya. She had always struck me as cunning but today, she looked downrigh
CHANDRIAMy greatest mistake is to hide the fact that I am a mulit-millionaire CEO of a software and digital company from Nicola.“Hindi ko sinasadya, Nic. Sasabihin ko naman sa’yo eh, pero natatakot akong madamay ka at hindi ibig sabihin na wala akong tiwala sa’yo,” simula ko sa nangangatog na boses.Kumakapit ako sa rehas ng prisento. Samantala, siya ay parang kinakapos ng hininga na napako sa kinatatayuan niya sa gilid. He refused to look me in the eyes.“Natatakot? I’m your boyfriend, right? I promise you that I’m always with you, to help you.” Ginawaran niya ako ng malalamig niyang titig. “Sino ba talaga ako para sayo? Wala kang kaalam-alam sa nararamdaman ko ngayon.” Saka mapait siyang tumawa. “Or maybe you just thought I was too defective to understand. Tama ba?”Hinawakan ko ng mahigpit ang rehas. Gusto kong isagawa na wala siyang kasalanan.“Nic, please ‘wag mong sabihin yan. Hindi ko sinasabi na defective ka o maraming nagawang kasalanan noong nakaraan. Alam ko ang pinagdaan
CHANDRIAAng sumundo sa akin sa presinto ay ang mga kapatid ko. Kompleto silang tatlo at bawat isa’y may masamang komento laban kay Marga.Lumuwag ang pakiramdam ko dahil nakakasiguro akong suportado ako ng mga kapatid ko. Ang iisipin ko ngayon ay ang mga magulang ko na patuloy pa rin pinapaikot ni Marga.Hindi ko pa nakikita si Mom pero nasa sensasyon ko at imahenasyon ko ang umuusok niyang ilong, namumulang mga mata at matatabang litid ng ugat sa gilid ng sentido. Mainit ang dugo niya sa akin tuwing madadawit ako sa masamang bunganga ng sampid sa pamilya.Marga is good in brainwashing. Kuhang-kuha niya ang timpla ng mga magulang namin.“Ang lakas ng loob niya para akusahan ka ng ganyan,” ngitngit ni Kaelum.“Noon pa man ay malakas ang kutob ko na may ulterior motives ang sampid na iyan! Tahimik pero nagtatrabaho sa ilalim!” hinaing ni Ezekiel.“Dinamay pa ang kaibigan mo,” ani Atlas na hinahawakan ang siko ko habang inaalalayan palabas.“Choice pa rin ‘yon ni Autumn. Wala akong maga
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
hello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na