"Oh, ano na? Hihintayin mo siya?" tanong sa akin ni Cita nang matapos yung klase namin. Tinext ko naman si Ate para tanungin tungkol doon pero hindi naman siya nag rereply. Kaya hindi ako sigurado. Pero kung iisipin, malapit siya kay Ate, may posibilidad nga na nakiusap si Ate sa kanya.Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Cita. "Samahan mo na lang ako mag hintay sa kanya..""Sige.. Tsaka, gusto ko rin naman siyang makita." nakangiting sabi niya."Bakit naman?""Gusto ko lang siyang makita, bakit?" "Pero may boyfriend ka na diba?" tanong ko."oh,e, ano naman? Porket may lalaki ako, bawal na ba mag ka gusto sa iba?" mataray pang sabi niya sa akin. Parang hindi niya narerealize yung mga sinasabi niya."Cita, ang landi mo..""Ay, nag comeback na si Mother Abigail?" "Ewan ko sayo.." nauna na akong naglakad palabas ng room. Ang dami pang sinasabi ni Cita pero wala naman akong maintindihan. Nasa iba pa yung focus ko ngayon.Sa may Guard house ako nag hintay. 4:47 pm pa lang naman. Gusto
"Ate, gaano mo kakilala si Rogerr?" tanong ko kay Ate habang nag hahapunan kami. Napatigil siya sa tanong ko. Naisip ko lang kasi kanina habang kumakain kami sa labas ni Rogerr. Hindi ko pa talaga siya kakilala. Oo, nakakausap ko siya pero bilang tao lang. Yung wala namang koneksyon, dalawang tao lang na nagkakausap. Yun lang."Kakilala ko siya." ani ni Ate at sumubo ng pagkain.Napanguso ako. Hindi naman kasi niya sinagot yung tanong ko. "Alam ko Ate.. Pero.. ibig kong sabihin.. Alam mo ba yung pagkatao niya?""Ha? Oo naman.. Kaibigan ko si Rogerr pati yung pinsan niya na si Matias. Simula college hanggang ngayon. Bakit mo naitanong?""Napansin ko lang kasi na masyado mo siyamg pinagkakatiwalaan..""Aahh! Yun ba?" aniya "Pinag kakatiwalaan ko talaga siya. Parang kapatid ko na kasi talaga siya. Kaysa pa nga ata kay Cita..""Ate naman.." kawawa naman yung kaibigan kong iyon."Biro lang. Pero seryoso Charlene, alam mo.. Kung iisipin ko ngayong mabuti, hindi ko rin alam kung bakit tum
--"Ayoko nga lumabas.." paulit ulit na sabi ko kay Cita. Para siyang crab na nakakapit sa akin ngayon. Pinipilit na naman niya kasi akong pumunta ng mall, para lang lakad lakad doon at ayoko ngang sumama sa kanya. May plano na ako ngayong araw na ito at ang pag punta ng mall ay hindi naka lista. "Ano ba naman kasing gagawin mo dito sa bahay niyo? Mag lilinis at kakausapin yung hangin? Nako! Samahan mo na kasi ako ng makalanghap naman ng sariwang hangin yang katawan mo. Para na rin maarawan ka at hindi ganyan na namumutla ka!"Napapikit na ako dahil sa frustration.Ang mga plinano ko kagabi para ngayong araw ay naglaho na. Ang pagbabasa ng paborito kong libro ay natunaw na. Kanina ng sumugod siya rito at nag sisigaw sa may gate ay alam ko na, na ganito ang mangyayari. Minsan iniisip ko kung tama ba na nakipag kaibigan ako kay Cita. Na iistress na rin kasi ako sa kanya minsan. Ang dami niya laging gustong gawin. samantalang ako maupo lang sa harap ng tv ay solve na."Ayoko talaga Cita
---Dumiretso ako sa foodcourt at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nakaka ilang pa nga kanina habang nakasakay kami sa escalator ay nasa likod ko pa rin siya."Dito ka na umupo.." turo ko sa upuan sa pinaka likod.Tinitigan pa niya ako na parang mali yung sinabi ko. Hindi niya yata alam kung bakit ko sinabi iyon"Mag oorder na ako ng food natin." pakiramdam ko ay aangal pa siya kaya umalis na ako kaagad.Ayoko na kasi ng maraming pagtatalo.. baka kasi humaba pa. Nakalimutan ko pa ngang tanungin kung ano ang gusto niyang pagkain. Ay nako, bahala na.Nag iisip pa ako ng pagkain habang naglalakad. May nadadaanan akong stalls ng mga pizza at fries at marami pa, pero may umagaw sa pang amoy ko.Yung Sizzling sisig. Ang bango naman..Pumila ako at tamang tama naman na walang pila iyon kaya mabilis lang akong nakakuha. Nag order ako ng dalawang sisig at 2 cup of rice. Ang masarap pa nito ay maanghang pa ang sisig! Maraming sili kaya siguradong nakadagdag iyon sa sarap. Isa ang sisig s
Chapter 15"Ay, yung cookies 'n cream na lang.." Turo ko doon sa naka display sa istante. Nandito kasi kami ngayon sa Milktea shop. At nagkasundo kami na mag palamig muna habang nag kukwentuhan. Ayoko ng Milk tea ngayon kaya shake ang itinuro ko. Si Rogerr naman ang magbabayad ngayon. Pumayag na ako dahil sabi niya, ay ako naman daw ang nag bayad ng lunch namin kanina."Hahanap lang ako ng table natin." sabi ko. Nag 'okay naman siya at nag order na. Ako naman ay tumingin tingin na. Nakakita ako ng bakanteng upuan dun sa malapit sa may bintana. Dalawang bilog na upuan iyon at maliit na parisukat na lamesa na makulay. Naupo na ako don. May staff pa nga na dumating at saglit na pinunasan ang lamesa. "Thank you.." nakangiting sabi ko doon sa staff. Wala naman sa sariling napatingin ako sa pwesto ni Rogerr sa pila. Nakita ko siyang kausap na ang cashier at may tinuturo na, siguro yung order namin. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko ng tumunog iyon. Alas quatro na pala. Di ko nam
Chapter 16 Maaga akong ginising ni Ate, para makapag paalam siya na aalis. Lunes na kasi ngayon, kaya Alas singko pa lang ng umaga ay aalis na siya. Ako naman, pag kaalis ni Ate, ay hindi na rin ako nakabalik sa pagtulog ko. Hanggang sa mag ala siyete na ng umaga ay nanatili lang akong nakatulala sa kisame. "Uy, may nakarating na chismis sa akin, kahapon." bulong sa akin ni Cita, habang nag tuturo yung Prof. namin sa harap.Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin. Pero walang epekto sa kanya iyon at nag patuloy lang sa pag bulong."Kaya pala ah.." nangingiti pa siya. "Iniwan mo ako mag isa sa mall."Hindi ko napigilan na lingunin siya. Tinignan ko siya ng masama. "Ano bang sinasabi mo?"Umiwas siya ng tingin at ngumisi. "Ano ka ba.. Okay lang sa akin, isusuport pa nga kita." sabi niya pa na lalong nagpa kunot ng noo ko. Nababaliw na naman ba si Cita? Ano na naman kaya ang nakain nito? At ganito na naman ang utak nito? Nadadamay na naman ako."Ewan ko sayo.." irap na sabi ko. Pin
Chapter 17Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nag pasalamat lang ako ng mabilis at agad ng umiwas. Mabilis akong pumasok sa bahay. Natataranta ako at hindi ko alam kung bakit.Pakiramdam ko may kung anong mainit sa akin. Nababaliw na ata ako.. Hindi ko na alam ang mga pinag gagagawa ko. Masyado na akong puno ng hangin. puro na ata kabag ang ugat ko.Bahagya pa akong nagulat ng makasalubong ko si Ate sa hagdaan pababa. "Oh? Anyare sayo? Bakit ka namumutla diyan?" "Ha?" wala sa sarili ako. "Aalis ka po?" tanong ko na lang ng mapansin kong bihis na bihis siya. Naka tight dress siya na blue at naka heels pa."Oo. Pupunta lang ako sa birthday ng kaibigan ko."Napatango lang ako at hindi na nakapag salita, dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko."Nagluto naman na ako ng pagkain mo dito. Kakain ka na lang.." ani Ate at tuluyan ng bumaba sa hagdanan. Imbes na umakyat ako ay sinundan ko na lang si Ate pababa.Inayos ko pa muna ang buhok ko na nagulo dahil sa pagmamadali ko kanina.Naupo
Chapter 18Hindi ko kasi masyadong makita ang mukha niya dahil may kadiliman ang lugar. Sumasabay rin ang dilim ng mukha niya sa kapaligiran. Nagtataka naman ako, galit ba siya o hindi?pero kung galit siya, bakit naman? anong dahilan?Pero ramdam ko ang galit niya sa paraan ng pag hawak niya sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko ngunit hindi naman ako nasasaktan.Pero bakit naman siya magagalit? Kakakita pa lang naman namin ngayon, ni hindi pa nga kami nagkakausap e. Kaya hindi ko maintindihan kung para saan ang galit na nakikita ko sa muka niya ngayon.Dinala niya ako sa parte ng club na hindi gaanong matao. Tumigil kami sa pinaka gilid. May nakita pa nga ako doon na lalaking nakatungo sa lamesa. Tulog na ata."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya agad sa akin. Kahit pa na medyo malakas ang tugtog ay rinig ko pa rin ang riin sa boses niya. Hindi ako nakapag salita. "Tinatanong kita Charlene, bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" sunod sunod na tanong niya. Halos ramdam ko a
Chapter 38Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako. Grabe lang..Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko."Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko. "Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?" Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumal
Chapter 37Habang papalapit ay pinupunas-punasan ko ang pisnge ko. Tumayo lang ako sa may gilid niya. Humihikbi. Tinitigan ko lang siya habang nanonood siya ng tv.Ilang sandali lang ay napansin din niya ako. Napatayo siya."Abigail, bakit? Anong nangyari sayo, bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong na lalong nagpaluha sa akin. Kahit pa masama ang nagawa ko kaninang umaga sa kanya, ay kaya niya pa ring itanong sa akin 'yon."Sorry ate.." sabi ko at mabilis na siyang niyakap..Yun lang ang nasabi ko at hikbi na ako ng hikbi.. Alam kong nagtataka siya pero.."Sorry po..""Wala nga siyang tiwala sa akin e." sagot ko. "Hindi mo ba naisip na baka nag aadjust pa si ate chacha?" napabaling naman ako sa kanya."Ito ang unang pagakakataon na may kahati si ate chacha sa atensyon mo, bukod sa akin. Baka naninibago lang siya sa mga nangyayari sayo. At talaga naman na may tiwala siya sayo. pero bilang first time niya na makita na may pinaglalaanan ka ng panahon bukod sa kanya, Kaya ayun..hi
Chapter 36Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa aking buhok ng tawagin ako ni ate sa baba. Kakaligo ko lang kasi.Hindi naman din kasi kami nag tagal ni Cita sa mall, kumain kang kami pagkatapos nun ay inaya na niya akong umuwi. Himala nga dahil hindi siya nag aya mag shopping, pero naisip ko rin na baka napagod lang siya at isa pa.. Alam kog iniisip pa rin niya yung sinabi ni Erie.Sabi ko sa kanya na dito na lang siya matulog sa bahay para magkasama kami, pero ayaw naman niya. Gusto niyang mapag isa at irerespeto ko na lang 'yon. Alam kong maglilibang lang 'yon at mag iisip isip. "Opo..bababa na.." sagot ko kay ate at mabilis na sinampay muna ang tuwalya.Nang madaanan ko ang suklay sa table ko ay mabilis kong kinuha iyon. Para magsusuklay na lang ako habang pababa. "Ate, bakit po?" tanong ko kay ate pagkalapit ko. Nasa may baba siya ng hagdan at nakapameywang na hinhintay ako."May bisita ka." aniya at nginuso ang sala. Napangiti ako ng makita kung sino yun.Si Rogerr.. nak
Chapter 35Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Gusto ko kasing bumawi kay ate kahit papaano. Ipagluluto ko lang naman siya ng breakfast at papabaunan na rin.Gising na si ate at naliligo na, kaya minamadali ko itong pritong talong at manok na ilalagay ko sa baunan niya. At para naman sa almusal ay nag luto ako ng itlog at bacon. Paborito ni ate ang bacon e."Ang bango naman.." napalingon ako ng pumasok si ate sa may kusina. Nakabihis na siya at ready na sa pag alis."Ate kumain ka muna po.." aya ko sa kanya"Syempre kakain ako.. Suhol ba 'to?"Napatigil naman ako sa pgaglagay ng kanin sa plato niya."Ate naman..""Joke lang!" aniya at kinurot pa ako sa beywang.Kumain na rin ako kasabay ni ate ng almusal. Nagkukwentuhan at panay namang asar ni ate sa akin pero hinahayaan ko na lang. Naging maayos ang usap namin ni ate kagabi. Nagkalinawan na at sinermunan ako. Which is okay lang naman. Ayos lang sa akin.Nang paalis na si ate ay muntik pa niyang maiwan ang hinanda kong p
Chapter 34Kahit gaano pala talaga kakisig at ka macho ang isang lalaki, may tinatago pa rin pala silang lambot. Tulad ng hawak ko ngayon, kamay siya ng isang matikas na lalaki pero pakiramdam ko may hawak akong unan sa aking kamay.Nasa sinehan kami ngayon magkatabi at magkahawak ng kamay habang nanonood. After kasi namin kumain ay nag aya pa siya ng manood dito. Kahit madilim dito sa loob, ang liwanag pa rin dahil katabi ko siya. Hihi. Ang saya ko sobra..Finally nakanood na rin ako ng sine na hindi kasama si Cita. At kasama ko pa yung boyfriend ko. Jusko po! Dahan dahan ko siyang nilingon at nakita ang seryoso niyang mukha habang nag coconcentrate sa movie. Well.. Sci-fi kasi itong napili kong movie. Nang tinanong niya kasi ako kanina ay kung ano na lang ang naturo ko, kahit hindi naman ako interesado sa movie na to. Masyado kasi akong na overwhelm sa isipin na manonood ako ng movie kasama siya.Dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit pa ng ako ng naramd
Chapter 33"Kung ako si ate cha, alam mo gagawin ko? Paghihiwalayin ko kayo.." ssabi ni Cita. kumunot naman noo ko. Anong pinag sasabi nito? Lutang na naman siguro.. Nandito na kami kasi sa canteen. Kumakain na. Kakatapos lang ng isa naming klase at naisipan kong ikwento sa kanya yung nangyari kahapon sa amin nila ate. Tapos ayan na..ayan na yung lumabas sa bibig niya."Bakit mo naman gagawin 'yon?" tanong ko."Seyempre! Trip ko lang!"Napailing ako. "Ewan ko sa'yo...""Hindi..pero joke lang..alam mo..happy ako for you." hinawakan pa niya ang kamay ko.Napangiti naman ako at ipinatong ko din ang kamay ko sa kanya. "Thank you. Ako din happy ako..""Hindi ko naimagine na darating 'tong moment na to. I mean.. kasi you're so tahimik and mahinhin tapos..ikaw pa mismo ang unang nagtapat sa kanya..Abigail, grabe lang! You paved your own way talaga.""Wala namang masama kung ako ang unang nagtapat diba?" tanong ko. Dahil pansin ko lang, hindi talaga siya makapaniwala sa part na yun. Yung una
Chapter 32Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya kanina pero atleast eto ako ngayon.. Nakasakay na ng trisikel pauwi sa bahay. Grabe ang kaba ko kanina habgang kaharap ko siya, hindi ko nga akalain na makakapagsalita ako sa harap niya. pero tinapangan ko na lang ang loob ko at inisip ang girlfriend niya. Iniisip ko nga sobrang nakakahiya na nagtapat ako sa kanya without knowing na may girlfriend pala siya! Gusto kong sipain yung sarili ko, bakit hindi ko muna 'yon inalam bago ako nag tapat.Kanina nga ay hindi ko na siya hinintay na mag salita pa sa akin. Baka kasi maniwala ako sa kanya, mahirap na.Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit ko pa iniisip yun hanggang ngayon, dapat nga kahapon ko pa yun kinalimutan e. Dapat ang exams na lang ang laman ng utak ko ngayon pero hindi e. Sumisingit pa rin siya.Mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba na."Salamat po!" sabi ko sa driver pero agad akong napaatras ng pag kaliko ng driver ay may pumalit na agad sa pinag parkingan
Chapter 31Maaga kami umalis sa bahay ni Cita dahil sa labas daw kami gusto niya na mag bebreakfast. At pumayag naman ako, para na rin hindi kami malate kung sakali.Naghikab ako ng isang beses habang tinitignan si Cita na nakapila para mag order ng food namin. Dalawa lang naman silang nakapila doon. Maaga pa kasi kaya wala pa masyadong tao ngayon. Nasa pancake house kami.Muli na naman akong nag hikab. Napapikit na ako ng madiin dahil sa antok. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kanina. Mga 2:00 am na rin dahil nag kwentuhan pa kami ni Cita.Pinag kwento ko kasi siya at hindi talaga tinigilan. Marami akong nalaman at alam ko na rin yung dahilan ng pag iyak niya. Naiintindihan ko si Kuya Mathias. Para sa kaligtasan ni Cita yung ginawa niya kaso ayaw intindihin ni Cita iyon. Trabaho yun ni Kuya Mathias at kailangan niyang gawin yung ginawa niya. Hindi ko alam kung sinong kakampihan ko sa kanila. Yung tama ba o yung kaibigan ko. Gusto ko siyang pagsabihan tungkol doon pero iniisip
Chapter 30Nginitian ko lang siya ng hindi siya makasagot sa sinabi ko. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala at mali pa rin ang mga naririnig niya.Ngayon habang hawak ko ang kamay niya ay parang gusto ko ng mag cramping dance dito sa sobrang saya. Hawak ko ang kamay niya tapos sinabi pa niyang gusto niya rin ako, ano pa bang mahihiling ko don? Solved na ko.Alam kong sa nakikita ko mukha niya ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin niya. First time ko ata itong makita na hindi niya alam ang sasabihin. Well.. Okay lang yan.. Narinig ko naman na ang gusto kong sabihin niya. Kahit hindi na siya sumagot.Ayos lang."Yung mga sinabi ko sayo.. Nasa puso ko yun. At totoo lahat yun." sabi ko pa. Sa sobrang saya ko ay nabigla ako ng ipatong niya ang kaliwang kamay niya sa kamay kong nakahawak din sa kanya."I still can't believe this.." bulong niya na mahina pero narinig ko pa rin 'yon."Maniwala ka na.." nakangiting sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at napapikit. Nang pag dilat n