Phoenix’s POV
Iminulat ko ang mga mata ko, nanlalabo ang paningin ko ngunit ilang saglit lang unti-unti na itong luminaw.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto sa ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin habang nakahiga ako sa kama.
Maya maya pumasok sa kwarto si mama, “Gising kana pala,” Wika niya habang siya ay lumalapit, “Nakausap ko ang doctor mo kanina and he told me that you have a selective amnesia, at sa kasamaang palad, hanggang ngayon nawawala pa rin ang kuya mo,” Dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko.
“Kuya?” Tanong ko sa kanya, nakita ko na mugto ang mga mata niya na para bang kagagaling lang niya sa pag-iyak.
Mayroon akong selective amnesia, may mga ibang pangyayari sa buhay ko na hindi ko maalala kabilang na ang nangyari bago ako magka-amnesia.
“Nate Keehl, ‘yan ang pangalan ng kuya mo,” Wika niya sa akin, “Nawala siya sa prom ninyo noong Friday,” Dagdag pa niya.
Kuya? “Nate Keehl?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko, ayokong nakikitang ganito si mama.
“Anak,” Wika niya tsaka siya huminga ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ano ba talagang nangyari noong prom n’yo?” Tanong niya sa akin.
Pinilit ko ang sarili ko na alalahanin ang lahat ng nangyari sa prom pero wala akong maalala ni isa, “Ma, I’m sorry but—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
“I understand,” Wika niya at ngumiti siya ng pilit. Wala akong magawa para hanapin kung sino mang Nate Keehl na ‘yun.
………………………………………………………………….
Monday ng madaling araw nang makalabas na ako ng ospital at kahit na sinabi sa ‘kin ni mama na huwag muna akong papasok sa school ginawa ko pa rin ito dahil ayokong mag-stay sa bahay.
Grade twelve student ako sa Emmanuel High School kung saan ako nakabuo ng masasayang ala-ala, habang naglalakad ako papunta sa classroom nakita ko ang maraming estudyante na nagtutumpukan sa pinto nito na naging dahilan upang hilahin ako ng kuryosidad na nadarama ko papunta sa pinto para tingnan kung anong pinagkakaguluhan nila.
May mga pulis na nasa loob ng classroom dahil may isang lalake na naka-formal na damit ang nakabigti sa loob nito ngunit ang nakapagtataka ay nakalapat ang mga paa niya sa lupa.
Ilang saglit lang may isang pulis na lumapit sa ‘kin, “You must be Phoenix Keehl?” Tanong niya.
“Yeah,” Matipid kong sagot, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kilala ko ang lalakeng nakabigti sa classroom namin.
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, “I’m SPO2 Patrick Smith,” Pagpapakilala niya. Hindi ko hinawakan ang kamay niya kaya naman ibinaba niya nalang ito, “Look, I know na mayroon kang selective amnesia wala kang naaalala, sinabi sa akin ng mama mo, but I want you to know na ang lalakeng nakabigti sa loob ay ang kapatid mong si Nate Keehl,” Wika niya na nagpayukom sa kamay ko.
“Imposible!” Wika ko sa kanya at agad akong pumasok sa classroom upang lumapit sa katawan ng lalake ngunit pinigilan ako ng ibang pulis, “Let me in!” Pagmamakaawa ko sa kanila.
Hindi siya pwedeng mamatay! Sigurado akong malulungkot ng husto si mama kapag nalaman niya ang nangyari sa kapatid ko! Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko dahil sa sakit na nadarama ko, kahit na hindi siya naaalala ng isip ko sigurado akong konektado siya sa ‘kin at matagal na siyang nasa puso ko.
“So, it’s true,” Narinig kong wika ng isang babae na naging dahilan upang mapatingin ako sa pinto ng classroom dahil doon nagmula ang kanyang boses. Lalong nadurog ang puso ko nang makita kong nandoon si mama, umiiyak siya habang nagpupumilit na pumasok ngunit pinipigilan siya ng mga pulis.
“Let me in!” Umiiyak niyang wika sa mga pulis, “Please!” Pagmamakaawa pa niya habang ang mga estudyante na nagtutumpukan sa labas ng classroom ay nagsimulang magbulong-bulungan.
Maya maya pa hinimatay nalang bigla si mama, mabilis naman siyang inalalayan ng mga pulis. Hindi pwedeng mangyari ‘to! Patakbo akong pumunta sa kanya at tumulong sa pagbubuhat sa kanya.
Alam ko at nararamdaman ko na may pumatay sa kuya ko, hindi suicide ang nangyari! Kaya ma! I promise na magbabayad ang taong gumawa nito sa kanya! Mabubulok siya sa kulungan! Ma! I promise na magbabayad ang taong gumawa nito sa kanya! Mabubulok siya sa kulungan!
Dinala namin siya sa clinic ng school, “Please, tulungan mo si mama!” Umiiyak kong wika sa nurse na naroroon, kaya naman agad nilang pinasok si mama.
Akmang papasok rin ako ngunit hindi ko na ito nagawa nang pigilan ako ng nurse na kausap ko kanina, “Sir, maghintay ka nalang po rito sa labas,” Wika niya sa ‘kin at agad siyang pumasok at isinara ang pinto.
Nakakainis! Wala akong magawa, makaraan pa ang thirty minutes, lumabas na ang nurse kasama si mama. Kaya naman agad kong niyakap si mama, “Okay kana ba?!” Nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Oo, anak,” Sagot niya, alam ko at nararamdaman ko na nalulungkot pa rin siya sa nangyari kay kuya.
Ilang saglit pa, huminga ng malalim ang nurse at siya ay nagsalita, “’Mas makakabuti kay Mrs. Keehl na umuwi nalang siya at magpahinga,” Wika niya na naging dahilan upang mapatingin kami sa kanya.
Ibinalik ni mama ang tingin niya sa ‘kin at siya ay nagsalita, “Tama, I just need to rest,” Wika niya at ngumiti siya ng pilit, at siya ay akmang aalis ngunit natigilan siya nang bigla akong magsalita.
“Ma, samahan na kita,” Suhesyon ko, kaya naman tiningnan niya ako at nagsalita muli.
“No need,” Pagtanggi niya, “Gusto ko munang mapag-isa,” Dagdag pa niya at siya ay tuluyan nang umalis.
Matapos ang nangyari, malungkot akong bumalik sa classroom at umupo sa tabi ng pinto tsaka ako tumingin sa kawalan habang pinag-aaralan ng mga pulis ang nangyari sa kapatid ko.
Ano bang nagawa ng kapatid ko para sapitin niya ang bagay na iyon?
Maya maya pa lumapit sa akin si Patrick, “Hey,” Wika niya na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya at muling tumingin sa kawalan.
“Can I ask you a question?” Tanong ko sa kanya.
“Sure,” Matipid niyang sagot na naging dahilan upang bumuntong hininga ako tsaka ako muling nagsalita.
“Bakit may mga indibidwal na kayang-kayang pumatay?” Tanong ko sa kanya.
“I don’t know,” Sagot niya sa akin, “Maybe, because wala na talaga silang konsensya,” Dagdag pa niya at siya ay umupo sa tabi ko tsaka siya muling nagsalita.
“Don’t worry may kilala akong taong makakatulong sa imbestigasyon,” Wika niya na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
“Who?” Tanong ko na nagpangisi sa kanya, magsasalita na sana siya ngunit natigilan siya ng biglang may magsalita.
“Me,” Wika ng isang lalake na nasa pinto classroom.
Phoenix’s POV Napatingin ako sa lalake nang sabihin niya iyon, tumayo naman si Patrick at nakipagkamay sa kanya, “S!” Masaya niyang wika sa lalake, nakasuot siya ng kulay itim na maskara na walang mukha. Tumayo rin ako at tiningnan siya, “Sino siya?” Tanong ko kay Patrick na nagpangiti sa kanya. “I want you to meet S,” Pagpapakilala niya sa lalake, “Detective siya, marami na siyang na-solve na case hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa,” Dagdag pa niya sa akin. “Pake ko?” Sarkastiko kong wika dahil ang tinatanong ko lang naman ay kung sino ang lalake hindi kung ano ang mga nagawa niya, tsaka pakiramdam ko masyadong arogante ang lalakeng pinakilala niya. &
Phoenix’s POV Huminga ng malalim si Sebastian at siya ay nagsalita, “Kainis na Nate ‘yan, mamamatay na nga lang gumawa pa ng problema!” Inis niyang wika na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “Anong sabi mo?!” Inis kong tanong sa kanya, pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko. Iritado siyang tumingin sa akin at siya ay nagsalita, “Totoo naman hindi ba?!” Inis niyang wika sa akin. “Sebastian!” Pagsaway sa kanya ni Melody, “Tumigil kana!” Wika pa niya kay Sebastian ngunit imbes na tumigil siya sarkastiko pa siyang tumawa at iritadong tiningnan si Melody. “So ako na naman may kasalanan?” Sarkastiko niyang tanon
Lincoln’s POV Pasado alas sais ng gabi nang magdesisyon akong umalis ng condo unit. Nandito ako ngayon sa parking lot, maya maya biglang tumunog ang phone ko palatandaan na may tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko sa tumatawag habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. “Nasaan kana?” Tanong niya sa akin. Si Patrick lang pala. Ilang saglit pa nakarating na ako sa sasakyan ko, agad akong sumakay at sinubukang paganahin ang makina nito. “On the way na ‘ko,” Sagot ko sa kanya, kainis! Hindi gumagana ang makina ng kotse ko. Narinig kong bumuntong hininga si Patrick sa kabilang linya. “Sige,” Matipid niyang sagot sa akin, “Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana,” Wika niya at pinutol na niya ang linya ng tawag. Sinubukan
Patrick’s POV Tumayo ako tsaka ko kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan si S. Nandito pa rin ako sa labas ng building ng condo ni Teacher Lincoln, “Hello,” Wika ko kay S. Pinagmamasdan ko ang bangkay ni Lincoln na nasa bubong ng sasakyan ko, habang ang mga tao sa paligid ko ay nagkakagulo. “Nasaan na siya?” Tanong niya na nagpayukom sa kamay ko. May nadamay nasa kasong hinahawakan ko, hindi na ako papayag na may madamay pang iba. Sa mga oras na ito, alam ko na gumagamit ng device si S upang i-edit ang boses niya nang sa gayon ay hindi siya makilala. “Patay na siya,” Sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya, halatang nadismaya siya sa sinabi ko, “I’m sorry—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
Phoenix’s POV Malalim na ang gabi, nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo ako sa kama. Hindi pa rin ako mapakali sa banta ng tumawag sa ‘kin na papatayin niya kami ni mama. Ano bang problema niya? Bakit niya pinatay si kuya? Nakasara ang pinto ngayon sa kwarto ko, maya maya, biglang nag-ring ang phone ko palatandaan na may tumatawag, kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag, “Hello,” Wika ko sa tumatawag. “Miss me?” Sarkastiko niyang tanong na nagpayukom sa kamay ko. Siya ‘yung tumawag sa akin kanina, halata ko na may device siyang ginagamit ngayon upang i-edit ang boses niya para hindi ko siya makilala. “Sino ka ba?!” Matapang kong tanong sa kanya, “Anong kailangan mo sa amin?!” Tanong ko pa na naging dahilan upang sarkastiko siyang tumawa. “Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako at kung ano ang motibo ko,” Wika niya sa akin tsaka siya huminga ng malalim at nagsalita, “Ang kailangan mo
Phoenix’s POV Dinala ng mga pulis si mama sa ospital dahil medyo malalim ang saksak niya sa balikat habang ako naman ay naiwan sa bahay kasama ng ibang pulis na nag-iimbistiga sa nangyari kanina. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila natatapos mag-imbistiga. Nakaupo ako ngayon sa lapag sa tabi ng pinto nang kwarto ni mama, maya maya pa lumapit sa akin si SPO2 Patrick Smith, “Wala na rito ang killer,” Wika niya na nagpayukom sa kamay ko. Nakakainis! Pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko, “Anong klase kayong pulis isang kriminal lang hindi n’yo pa mahuli!” Inis kong wika sa kanya. Hindi siya nakapagsalita nang marinig niya iyon, totoo naman e, hanggang ngayon hindi pa nila
Phoenix’s POV Nandito kami ngayon ni Sage sa swimming pool area ng school, dito ako nagpa-practice lumangoy kapag may mga competition na sinasalihan ang school namin sa paglangoy. Kaya rin ako sumali dahil may scholarship akong natatanggap, libre pa pagkain, at vitamins. Nakasuot kami ng swimwear, at ang swimming pool ay parang pang competition talaga, “Kung sino ang unang makarating dito ang panalo,” Wika niya, “Are you ready to lose?” Sarkastiko niyang tanong sa akin. Mawawala ang kayabangan nito kapag tuluyan ko na siyang nalampaso sa laban, “Anong stroke ang gagamitin natin?” Tanong ko sa kanya. “Butterfly,” Matipid niyang sagot sa akin at sabay kaming tumingin sa swimming pool tsaka naghanda nang tumalon, “At the count of three. One…. Two…. Three,” Wika niya at sabay kaming tumalon sa pool. Mabilis akong lumangoy papunta sa kabilang sid
Patrick’s POV Nandito ako ngayon sa condo ni S, nakaupo siya sa sofa habang ako ay nasa upuan. Sa mga oras na ito wala siyang suot na maskara, Sage Taylor ang tunay niyang pangalan, bumubuo siya ng puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon sa maliit na lamesa. Mayroon din siyang suot na salamin. “Ano bang plano mo Sage?” Tanong ko sa kanya, “Bakit mo sinabi kay Phoenix ang tunay mong pangalan? Pinakita mo rin ‘yung itsura mo sa kanya,” Dagdag ko pa. “Maghintay ka lang Patrick,” Wika niya sa akin habang binubuo ang puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon, “Hintayin mong tuluyang matanggal ang maskara ng tunay na mamamatay tao sa sarili kong paraan,” Dagdag pa niya at ilang saglit lang tuluyan na niyang nabuo ito,
Phoenix’s POV Hindi ko na nagawang barilin si Mantus nang pagbabarilin ako ni SPO2 Patrick Smith sa katawan, “Tumigil kana!” Sigaw niya. Hindi na ako muling nakatayo nang mangyari iyon, tumulo naman ang kanyang mga luha, at siya ay napaluhod. “Walang hiya ka! Sino sa tingin mong binabaril mo?!” Galit na galit kong tanong sa kanya kasabay ng pag-ubo ko ng dugo at pagkabitaw sa pagkakahawak ko sa baril, muli akong tumingin sa lahat, “Hindi n’yo ba nakikita? Biktima lang ako rito ng kapatid ko!” Galit ko pang wika, at ilang saglit pa kinuha ni Mantus ang baril ni SPO2 Patrick Smith tsaka niya ito itinutok sa ‘kin. “Arrest him now,” Malamig na tonong wika ni Mantus sa mga pulis, kaya naman lumapit sila sa
Phoenix’s POV Napangisi ako nang i-text sa ‘kin ni Mantus ang isang address kung saan niya gustong makipagkita kaya naman pinasa ko ito kay Sebastian, at minaneho ko ang aking sasakyan papunta roon. Nararamdaman ko na malapit na ang katapusan ni Mantus, seven na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan niya gustong makipagkita, isa itong abandonadong warehouse. Agad kong pinarada ang aking sasakyan at pumasok doon. Nakita ko na nakaupo si Mantus sa lapag habang bumubuo ng rubik’s cube, “Bakit mo ko pinapunta rito?” Tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Ilang saglit pa tuluyan
Phoenix’s POV Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa isang ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin. Maya maya pa pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine si SPO2 Patrick Smith, “Gising kana pala,” Wika niya sa ‘kin, “Tatlong araw kang comatose,” Wika pa niya na ikinayukom ng aking kamay. “Ligtas ba si mama?” Tanong ko, ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay bumuntong hininga lang siya, “Answer my question,” Malamig na tono kong wika kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso. “She’s dead,” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako, tama lang sa kanya ‘yun dahil napakawalang kwenta niyang ina. Hanggang sa huli mas pinaboran niya ang masama kong kuya kaysa sa ‘kin, “Nal
Phoenix’s POV Matapos iyon agad kong itinapon ang sandwich sa basurahan na ibinigay sa ‘kin ni Mantus kanina at ibinalik sa bag ang research paper namin ni Sebastian. Ilang saglit pa dumating si Sebastian, “Nagawa mo na ba ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ko na ikinangisi niya. “Yeah,” Sagot niya at kanyang inilabas sa bulsa niya ang relo ni Mantus tsaka niya ito ibinigay sa ‘kin, “I already did what you want,” Wika pa niya na naging dahilan upang sarkastiko akong tumawa na para bang nababaliw. Inutusan ko siya kanina habang kami ay kumakain sa cafeteria na kunin ang relo ni Mantus sa kanyang locker at palitan ito ng peke, ngunit dapat ay kat
Phoenix’s POV Napuyat ako kagabi dahil sa kaka-revise ng research paper namin ni Sebastian, nandito ako ngayon sa loob ng classroom nakaupo sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at nakatulala, habang ang mga kaklase ko ay sobrang ingay. Ilang saglit pa dumating na si Teacher Lelouch kasama ang isang bata na sa tansya ko ay kasing edad ko lang, may suot siyang relo sa kanang braso, at hawak-hawak niya ang isang rubik’s cube. Unti-unting tumahimik ang buong klase nang pumunta sila sa harapan, “Class, I want you all to meet your new classmate Mr. Samuel Cumberbatch,” Wika ni Teacher Lelouch na naging dahilan upang kanilang makuha ang atensyon ko, “May we know more details abou
Lelouch’s POV 8:00 p.m. na ngayon, nandito ako ngayon sa loob ng aking bahay, nakaupo sa sofa, at wala akong suot na pang-itaas na damit. Inaamin ko na nami-miss ko ngayon si Yvonne, ang tagal na naming hindi nag-uusap simula nang kami ay maghiwalay. Maya maya pa, narinig ko nalang na may nag-doorbell sa pinto kaya naman agad ko itong binuksan. Nakaramdam ako ng matinding saya nang aking makita si Yvonne, ang babaeng pinakamamahal ko. “Yvonne!” Masayang-masaya kong wika sa kanya, “Napadaan ka,” Dagdag ko pa. Nakita ko sa kanyang
Patrick’s POV Hindi na namin nagawang lumapit ni Mantus sa bahay nang makita namin na nakakandado ang gate nito, “Paano ‘yan naka-lock,” Wika ko na kanyang ikinainis at iritado niya akong tiningnan. “Gumawa ka naman ng paraan, hindi ‘yung lahat ng nakikita mo sinasabi mo sa ‘kin!” Inis niyang wika sa ‘kin kaya naman iginala ko ang aking mga mata upang humanap ng pwedeng tumulong sa ‘min. Sakto namang may dumaang isang matandang babae, kaya naman agad ko siyang kinausap, “Hello po, kilala mo po ba ang taong nakatira diyan?” Tanong ko sabay turo sa bahay. “Hindi, matagal nang abandonado ang bahay na ‘yan—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Mantu
Patrick’s POV Matapos kong ikwento kay Mantus lahat ng nangyari sa kaso ni Nate kabilang na ang biglang pagkawala ni Rafael Lawliet, ibinigay ko sa kanya ang isang papel na ibinigay sa ‘kin ng kuya niya, “What is it?” Tanong niya habang hawak-hawak ito. “Bigay sa ‘kin ‘yan ng kuya Sage mo bago siya mamatay,” Sagot ko sa kanya, “Sinabi niya sa ‘kin na ibigay ‘yan sa ‘yo kapag hindi siya nagtagumpay sa imbestigasyon,” Dagdag ko pa dahilan upang buklatin niya ito. Sinenyasan din niya ako na umupo sa tabi niya upang basahin ang nakasulat dito, kaya naman agad akong sumunod. Nakasulat sa papel ang numbers one to nine, bawat numero ay may mga linya at tuldok na nakapalibot na bumubuo ng is
Aira’s POV Nandito ako ngayon sa condo unit ko, nakaupo ako sa sofa, malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok, iniisip ko pa rin kasi ang mga nangyari kanina, mula sa balitang nalaman ko na patay nasi Sage hanggang sa tangkang pagpatay sa ‘kin ni Mantus. Maya maya pa narinig ko nalang na tumutunog ang phone ko palatandaang may tumatawag, kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko. “Hello, Ms. Freud!” Kinakabahang wika ng Amerikanang nasa kabilang linya, “Mr. Mantus Taylor escaped again,” Wika niya na nagpabuntong hininga sa ‘kin. “Don’t worry, I’ll do my best to find him,” Wika ko at pinutol ko ang linya ng tawag tsaka ngumis