Phoenix’s POV
Huminga ng malalim si Sebastian at siya ay nagsalita, “Kainis na Nate ‘yan, mamamatay na nga lang gumawa pa ng problema!” Inis niyang wika na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
“Anong sabi mo?!” Inis kong tanong sa kanya, pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko.
Iritado siyang tumingin sa akin at siya ay nagsalita, “Totoo naman hindi ba?!” Inis niyang wika sa akin.
“Sebastian!” Pagsaway sa kanya ni Melody, “Tumigil kana!” Wika pa niya kay Sebastian ngunit imbes na tumigil siya sarkastiko pa siyang tumawa at iritadong tiningnan si Melody.
“So ako na naman may kasalanan?” Sarkastiko niyang tanong kay Melody at iritado siyang tumingin sa akin, “Kasalanan ‘yan ng kapatid mo!” Galit niyang wika sa akin, kaya naman hindi na ako nakapagpigil nang sabihin niya iyon, tumayo ako at padabog na lumapit sa kanya.
“Ulitin mo ang sinabi mo!” Galit kong wika sa kanya, kating-kati na akong sapakin siya, kainis!
Ngumisi siya at nagsalita, “Are you deaf—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha na naging dahilan upang magsilapitan sina Melody, Juaqin, at Athena sa amin para awatin kami. Habang si Elisa naman ay bahagyang lumayo sa amin dahil ayaw niyang madamay sa gulo.
“Sa susunod na bastusin mo ang kapatid ko hindi lang ‘yan ang mangyayari sa ‘yo!” Galit na galit kong wika sa kanya.
“Masakit bang marinig ang katotohanan Phoenix?!” Sarkastiko niyang tanong na naging dahilan upang muli ko siyang sugurin para sana sapakin ulit ngunit hindi ko ito magawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa ‘kin ni Juaqin.
“Pwede ba! Tumigil na kayo!” Sigaw ni Elisa, “Wala namang mangyayari kung ganito gagawin natin e, ang mas mabuti nating gawin ay patunayan sa detective na ’yun na wala tayong kasalanan,” Dagdag pa niya sa amin.
Nakita ko naman na namumugto ang mata ni Athena, halatang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Padabong siyang umalis ng classroom at agad siyang sinundan ni Juaqin.
Sa mga oras na ito kaming apat nalang ang natira sa loob ng classroom.
“Umayos ka!” Inis kong wika kay Sebastian at padabog akong lumabas ng classroom. Pumunta ako sa parking lot at sumakay ng sasakyan ko, minaneho ko ito paalis ng eskwelahan.
Hindi ko pinatay ang kapatid ko at wala akong pinapatay! Sa oras na mapatunayan ko na hindi ko pinatay si Nate ipakukulong ko ang mayabang na detective na ‘yun.
………………………………………………………………….
Nagdesisyon si mama na ipalibing nalang ang katawan ni Nate dahil masyado siyang nasaktan sa nangyari rito, naging sikreto ang libing niya at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam nito.
Nandito kaming dalawa ni mama sa cemetery, nasa harapan namin ngayon ang libingan ni Nate, “Wala na talaga ang kuya mo!” Malungkot na wika sa ‘kin ni mama habang siya ay nakatingin sa libingan nito, “Iniwan na talaga niya tayo!” Umiiyak pa niyang wika kaya naman hindi na ako nagsalita, sa halip ay niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil sa tingin ko, ito ang kailangan niya ngayon.
Ipinapangako ko ma, hahanapin ko ang pumatay sa kanya at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.
………………………………………………………………….
Lincoln’s POV
Naglalakad ako papunta sa condo unit ko, may dala-dala akong isang supot ng pagkain na pinamili ko sa supermarket. Pumasok ako sa loob ng condo ko at binuksan ang ilaw nito.
Nagulat ako nang makita ko ang isang duguan na manikin na lalakeng nakabigti na naging dahilan upang mabitiwan ko ang supot na hawak ko, napatingin din ako sa salamin na nakadikit sa pader dahil may nakasulat doon na salitang, ‘Iyan ang mangyayari sa ‘yo kapag nagsalita ka,’ gamit ang lipstick.
Kailangan ito malaman ng mga pulis kaya naman agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan si SPO2 Patrick Smith, siya ang nag-iimbestiga sa nangyari sa isa kong estudyante nasi Nate Keehl, “Hello Sir kailangan n’yo pong pumunta sa condo ko,” Wika ko sa kanya at bago ko pinutol ang linya ng tawag, sinabi ko sa kanya ang mga detalye kung bakit ko siya pinapapunta.
Maya maya pa dumating nasi Patrick kasama ang ibang pulis. Masusi nilang pinag-aralan ang nangyari sa condo ko tsaka siya muling lumapit sa ‘kin, “Kumpirmadong dugo ni Nate ang nasa katawan ng manikin,” Wika niya sa akin, “Aalamin pa namin kung kaninong sulat kamay ang nasa salamin,” Dagdag pa niya.
“Salamat officer,” Wika ko na nagpabuntong hininga sa kanya at seryoso niya akong tiningnan.
“Sir, may nalalaman ka po ba sa nangyari kay Nate?” Tanong niya na naging dahilan upang makaramdam ako ng matinding kaba.
Sigurado ako na papatayin niya ako kapag nagsalita ako.
Magsasalita na sana ako ngunit natigilan ako nang biglang may isa pang pulis na lumapit sa amin, “May nabura pong part ng CCTV footage sa building na ‘to,” Wika ng pulis sa kanya.
“This is bad!” Wika niya, “Napaghandaan niya ang lahat ng ito!” Inis niyang wika sa sarili niya.
“Pero ‘yung ibang tao po sa building may nakitang isang tao na nakasuot ng black na jacket na may hood at nakakulay puting maskara raw ito,” Wika ng pulis na nagpayukom sa kamay ni Patrick.
Siguro nga kailangan ko nang sabihin ang lahat ng nalalaman ko dahil nakita ko kung paano pinatay si Nate, ito na siguro ang paraan para mabigyan siya ng hustisya, “Magsasalita na ako,” Wika ko na naging dahilan upang mapatingin siya sa ‘kin.
Agad siyang kumuha ng papel at ballpen sa bulsa niya at isinulat niya ang isang address doon, “Mamayang alas syete ng gabi pumunta ka sa address na ‘yan,” Wika niya at ilang saglit pa ibinigay niya ang papel sa ‘kin, “Doon mo sabihin ang lahat ng nalalaman mo,” Dagdag pa niya.
Tama lang ‘tong gagawin ko, mabibigyan na ng katarungan ang nangyari sa kanya kapag nagsalita ako. Makukulong na ang tunay na may sala.
Lincoln’s POV Pasado alas sais ng gabi nang magdesisyon akong umalis ng condo unit. Nandito ako ngayon sa parking lot, maya maya biglang tumunog ang phone ko palatandaan na may tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko sa tumatawag habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. “Nasaan kana?” Tanong niya sa akin. Si Patrick lang pala. Ilang saglit pa nakarating na ako sa sasakyan ko, agad akong sumakay at sinubukang paganahin ang makina nito. “On the way na ‘ko,” Sagot ko sa kanya, kainis! Hindi gumagana ang makina ng kotse ko. Narinig kong bumuntong hininga si Patrick sa kabilang linya. “Sige,” Matipid niyang sagot sa akin, “Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana,” Wika niya at pinutol na niya ang linya ng tawag. Sinubukan
Patrick’s POV Tumayo ako tsaka ko kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan si S. Nandito pa rin ako sa labas ng building ng condo ni Teacher Lincoln, “Hello,” Wika ko kay S. Pinagmamasdan ko ang bangkay ni Lincoln na nasa bubong ng sasakyan ko, habang ang mga tao sa paligid ko ay nagkakagulo. “Nasaan na siya?” Tanong niya na nagpayukom sa kamay ko. May nadamay nasa kasong hinahawakan ko, hindi na ako papayag na may madamay pang iba. Sa mga oras na ito, alam ko na gumagamit ng device si S upang i-edit ang boses niya nang sa gayon ay hindi siya makilala. “Patay na siya,” Sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya, halatang nadismaya siya sa sinabi ko, “I’m sorry—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
Phoenix’s POV Malalim na ang gabi, nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo ako sa kama. Hindi pa rin ako mapakali sa banta ng tumawag sa ‘kin na papatayin niya kami ni mama. Ano bang problema niya? Bakit niya pinatay si kuya? Nakasara ang pinto ngayon sa kwarto ko, maya maya, biglang nag-ring ang phone ko palatandaan na may tumatawag, kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag, “Hello,” Wika ko sa tumatawag. “Miss me?” Sarkastiko niyang tanong na nagpayukom sa kamay ko. Siya ‘yung tumawag sa akin kanina, halata ko na may device siyang ginagamit ngayon upang i-edit ang boses niya para hindi ko siya makilala. “Sino ka ba?!” Matapang kong tanong sa kanya, “Anong kailangan mo sa amin?!” Tanong ko pa na naging dahilan upang sarkastiko siyang tumawa. “Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako at kung ano ang motibo ko,” Wika niya sa akin tsaka siya huminga ng malalim at nagsalita, “Ang kailangan mo
Phoenix’s POV Dinala ng mga pulis si mama sa ospital dahil medyo malalim ang saksak niya sa balikat habang ako naman ay naiwan sa bahay kasama ng ibang pulis na nag-iimbistiga sa nangyari kanina. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila natatapos mag-imbistiga. Nakaupo ako ngayon sa lapag sa tabi ng pinto nang kwarto ni mama, maya maya pa lumapit sa akin si SPO2 Patrick Smith, “Wala na rito ang killer,” Wika niya na nagpayukom sa kamay ko. Nakakainis! Pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko, “Anong klase kayong pulis isang kriminal lang hindi n’yo pa mahuli!” Inis kong wika sa kanya. Hindi siya nakapagsalita nang marinig niya iyon, totoo naman e, hanggang ngayon hindi pa nila
Phoenix’s POV Nandito kami ngayon ni Sage sa swimming pool area ng school, dito ako nagpa-practice lumangoy kapag may mga competition na sinasalihan ang school namin sa paglangoy. Kaya rin ako sumali dahil may scholarship akong natatanggap, libre pa pagkain, at vitamins. Nakasuot kami ng swimwear, at ang swimming pool ay parang pang competition talaga, “Kung sino ang unang makarating dito ang panalo,” Wika niya, “Are you ready to lose?” Sarkastiko niyang tanong sa akin. Mawawala ang kayabangan nito kapag tuluyan ko na siyang nalampaso sa laban, “Anong stroke ang gagamitin natin?” Tanong ko sa kanya. “Butterfly,” Matipid niyang sagot sa akin at sabay kaming tumingin sa swimming pool tsaka naghanda nang tumalon, “At the count of three. One…. Two…. Three,” Wika niya at sabay kaming tumalon sa pool. Mabilis akong lumangoy papunta sa kabilang sid
Patrick’s POV Nandito ako ngayon sa condo ni S, nakaupo siya sa sofa habang ako ay nasa upuan. Sa mga oras na ito wala siyang suot na maskara, Sage Taylor ang tunay niyang pangalan, bumubuo siya ng puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon sa maliit na lamesa. Mayroon din siyang suot na salamin. “Ano bang plano mo Sage?” Tanong ko sa kanya, “Bakit mo sinabi kay Phoenix ang tunay mong pangalan? Pinakita mo rin ‘yung itsura mo sa kanya,” Dagdag ko pa. “Maghintay ka lang Patrick,” Wika niya sa akin habang binubuo ang puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon, “Hintayin mong tuluyang matanggal ang maskara ng tunay na mamamatay tao sa sarili kong paraan,” Dagdag pa niya at ilang saglit lang tuluyan na niyang nabuo ito,
Athena’s POV Maya maya pa lumabas ng cr si Juaqin, nakatapis siya ng twalya, at lumapit siya sa ‘kin, “Hey, bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa akin. “Natatakot ako Juaqin, paano kung malaman nila ang nangyari!” Kinakabahan kong wika sa kanya, “Paano kung malaman nila na tayo ang—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi, pinunasan niya rin ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. “I promise, walang makakaalam sa nangyari,” Wika niya sa akin, “Kakausapin ko nalang rin si Phoenix bukas para wala siyang sabihin sa nakita niya,” Dagdag pa niya na nagpagaan sa pakiramdam ko. Hindi dapat ako mag-alala dahil sigurado ako na he will do his best to hide our secret. …………………………………………………………………. Phoenix’s POV
Athena’s POV Nandito ako ngayon sa cafeteria, hinihintay ko si Juaqin na dumating na um-order ng pagkain. Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti, excited na akong sabihin sa kanya ang magandang balita. Maya maya dumating nasi Juaqin at inilagay niya ang pagkain sa lamesa tsaka siya umupo sa upuan na nakalaan sa kanya, “Kain na,” Wika niya sa akin. Ilang saglit lang nagsimula na kaming kumain. “Babe may surpresa ako sa ‘yo,” Wika ko dahilan upang mapangiti siya. “Ano ‘yun?” Matipid niyang tanong habang siya ay kumakain, at ako ay huminga ng malalim bago ako magsalita. “I’m pr
Phoenix’s POV Hindi ko na nagawang barilin si Mantus nang pagbabarilin ako ni SPO2 Patrick Smith sa katawan, “Tumigil kana!” Sigaw niya. Hindi na ako muling nakatayo nang mangyari iyon, tumulo naman ang kanyang mga luha, at siya ay napaluhod. “Walang hiya ka! Sino sa tingin mong binabaril mo?!” Galit na galit kong tanong sa kanya kasabay ng pag-ubo ko ng dugo at pagkabitaw sa pagkakahawak ko sa baril, muli akong tumingin sa lahat, “Hindi n’yo ba nakikita? Biktima lang ako rito ng kapatid ko!” Galit ko pang wika, at ilang saglit pa kinuha ni Mantus ang baril ni SPO2 Patrick Smith tsaka niya ito itinutok sa ‘kin. “Arrest him now,” Malamig na tonong wika ni Mantus sa mga pulis, kaya naman lumapit sila sa
Phoenix’s POV Napangisi ako nang i-text sa ‘kin ni Mantus ang isang address kung saan niya gustong makipagkita kaya naman pinasa ko ito kay Sebastian, at minaneho ko ang aking sasakyan papunta roon. Nararamdaman ko na malapit na ang katapusan ni Mantus, seven na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan niya gustong makipagkita, isa itong abandonadong warehouse. Agad kong pinarada ang aking sasakyan at pumasok doon. Nakita ko na nakaupo si Mantus sa lapag habang bumubuo ng rubik’s cube, “Bakit mo ko pinapunta rito?” Tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Ilang saglit pa tuluyan
Phoenix’s POV Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa isang ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin. Maya maya pa pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine si SPO2 Patrick Smith, “Gising kana pala,” Wika niya sa ‘kin, “Tatlong araw kang comatose,” Wika pa niya na ikinayukom ng aking kamay. “Ligtas ba si mama?” Tanong ko, ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay bumuntong hininga lang siya, “Answer my question,” Malamig na tono kong wika kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso. “She’s dead,” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako, tama lang sa kanya ‘yun dahil napakawalang kwenta niyang ina. Hanggang sa huli mas pinaboran niya ang masama kong kuya kaysa sa ‘kin, “Nal
Phoenix’s POV Matapos iyon agad kong itinapon ang sandwich sa basurahan na ibinigay sa ‘kin ni Mantus kanina at ibinalik sa bag ang research paper namin ni Sebastian. Ilang saglit pa dumating si Sebastian, “Nagawa mo na ba ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ko na ikinangisi niya. “Yeah,” Sagot niya at kanyang inilabas sa bulsa niya ang relo ni Mantus tsaka niya ito ibinigay sa ‘kin, “I already did what you want,” Wika pa niya na naging dahilan upang sarkastiko akong tumawa na para bang nababaliw. Inutusan ko siya kanina habang kami ay kumakain sa cafeteria na kunin ang relo ni Mantus sa kanyang locker at palitan ito ng peke, ngunit dapat ay kat
Phoenix’s POV Napuyat ako kagabi dahil sa kaka-revise ng research paper namin ni Sebastian, nandito ako ngayon sa loob ng classroom nakaupo sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at nakatulala, habang ang mga kaklase ko ay sobrang ingay. Ilang saglit pa dumating na si Teacher Lelouch kasama ang isang bata na sa tansya ko ay kasing edad ko lang, may suot siyang relo sa kanang braso, at hawak-hawak niya ang isang rubik’s cube. Unti-unting tumahimik ang buong klase nang pumunta sila sa harapan, “Class, I want you all to meet your new classmate Mr. Samuel Cumberbatch,” Wika ni Teacher Lelouch na naging dahilan upang kanilang makuha ang atensyon ko, “May we know more details abou
Lelouch’s POV 8:00 p.m. na ngayon, nandito ako ngayon sa loob ng aking bahay, nakaupo sa sofa, at wala akong suot na pang-itaas na damit. Inaamin ko na nami-miss ko ngayon si Yvonne, ang tagal na naming hindi nag-uusap simula nang kami ay maghiwalay. Maya maya pa, narinig ko nalang na may nag-doorbell sa pinto kaya naman agad ko itong binuksan. Nakaramdam ako ng matinding saya nang aking makita si Yvonne, ang babaeng pinakamamahal ko. “Yvonne!” Masayang-masaya kong wika sa kanya, “Napadaan ka,” Dagdag ko pa. Nakita ko sa kanyang
Patrick’s POV Hindi na namin nagawang lumapit ni Mantus sa bahay nang makita namin na nakakandado ang gate nito, “Paano ‘yan naka-lock,” Wika ko na kanyang ikinainis at iritado niya akong tiningnan. “Gumawa ka naman ng paraan, hindi ‘yung lahat ng nakikita mo sinasabi mo sa ‘kin!” Inis niyang wika sa ‘kin kaya naman iginala ko ang aking mga mata upang humanap ng pwedeng tumulong sa ‘min. Sakto namang may dumaang isang matandang babae, kaya naman agad ko siyang kinausap, “Hello po, kilala mo po ba ang taong nakatira diyan?” Tanong ko sabay turo sa bahay. “Hindi, matagal nang abandonado ang bahay na ‘yan—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Mantu
Patrick’s POV Matapos kong ikwento kay Mantus lahat ng nangyari sa kaso ni Nate kabilang na ang biglang pagkawala ni Rafael Lawliet, ibinigay ko sa kanya ang isang papel na ibinigay sa ‘kin ng kuya niya, “What is it?” Tanong niya habang hawak-hawak ito. “Bigay sa ‘kin ‘yan ng kuya Sage mo bago siya mamatay,” Sagot ko sa kanya, “Sinabi niya sa ‘kin na ibigay ‘yan sa ‘yo kapag hindi siya nagtagumpay sa imbestigasyon,” Dagdag ko pa dahilan upang buklatin niya ito. Sinenyasan din niya ako na umupo sa tabi niya upang basahin ang nakasulat dito, kaya naman agad akong sumunod. Nakasulat sa papel ang numbers one to nine, bawat numero ay may mga linya at tuldok na nakapalibot na bumubuo ng is
Aira’s POV Nandito ako ngayon sa condo unit ko, nakaupo ako sa sofa, malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok, iniisip ko pa rin kasi ang mga nangyari kanina, mula sa balitang nalaman ko na patay nasi Sage hanggang sa tangkang pagpatay sa ‘kin ni Mantus. Maya maya pa narinig ko nalang na tumutunog ang phone ko palatandaang may tumatawag, kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko. “Hello, Ms. Freud!” Kinakabahang wika ng Amerikanang nasa kabilang linya, “Mr. Mantus Taylor escaped again,” Wika niya na nagpabuntong hininga sa ‘kin. “Don’t worry, I’ll do my best to find him,” Wika ko at pinutol ko ang linya ng tawag tsaka ngumis