KATATAYO lang ni Ryc mula sa kaniyang table nang pumasok doon si Dexter. “Dex, sakto ang dating mo. Handa na ba ang lahat?” nakangiting tanong ni Ryc sa kaibigan kung kaya pumasok ito sa loob. Nagtatakang nakatingin si Ryc kay Dexter dahil hindi nito sinasagot ang kaniyang tanong. “Dexter, tinatanong kita kung ayos na ba ang lahat?” medyo naiirita na siya, ang ayaw niya kasi ay hindi siya sinasagot. Tinignan siya ni Dexter ng deretsyo sa mata at tumango. “Maayos na. R, tungkol sa pinapahanap mo na si—” kaagad na pinigilan ni Ryc ang kaibigan sa kung ano ‘mang sasabihin nito dahil nahuhulaan na niya kung ano ito. “’Wag mo ng ituloy. Bukas na ‘yan Dex, oras ko ito para kay Issa. Ayokong masira ang gabi namin.” Nabuntong hininga si Dexter at tumango sa kaibigan. Naglakad na ito palabas kaya sumunod na ito kay Ryc ang kaso ay napahinto sila ng tumunog ang telepono nito. Kinuha agad ni Ryc ang cellphone at sinagot ang unregistered na number. “Hello, Ryc? Ikaw ba ‘yan hijo?” nangunot a
Mabilis pa sa alaskwatro na hinila niya si Glaiza papunta sa kabilang parte ng kotse niya upang magtago doon. “Anong nangyayari?!” tanong ni Glaiza na ikina sign lang sa kaniya ni Leandro ng ‘shh’ “Nandito ang kapatid kong si Ryc,” nanlaki ang mata ni Glaiza dahil doon at maging siya ay napatingin sa may pinto. Tama nga ito. “Anong ginagawa nila dito?” bulong na tanong ni Leandro na hindi ikinasagot ni Glaiza habang titig na titig lang kay Ryc na kausap sila Eda. Maya-maya pa ay lumabas na ito kasama ang isang lalaki na sa pagkaka-alam ni Glaiza ay si Dexter. “Si Dexter ang kasama niya, secretary niya at matalik na kaibigan.” Anunsyo niya kay Leandro na ikinatango naman nito at napatahimik silang muli ng marinig ang usapan nila Ryc. “Kailangan nating mahanap ang asawa ko Dexter, hindi ko hahayaan na malayo nanaman siya satin!” umikot na si Ryc papunta sa driver seat ngunit napahinto siya ng magsalita si Dexter. “Paano ang anak mo R?” nangunot ang noo ni Leandro sa narinig. “Anak?
DALI-DALING isinakay ni Kim si Isabella sa kotse na naghihintay sa kanila. “Bakit ang tagal niyo?!” bulyaw na sabi ni Ren at pinaandar ang sasakyan. Hindi siya sinagot ni Kim at tinignan si Isabella na nakatakip pa ‘rin ang kamay sa kaniyang tenga at umiiyak. “Isabella! Isabella, ayos ka lang ba?!” tanong niya dito dahilan para matauhan si Isabella at mabilis na niyakap ang kapatid. Umiyak ito sa balikat niya at sinabing “H-Hinahabol nila ako ate!” nagtaka naman si Kim sa narinig ngunit bigla nalamang nahimatay si Isabella na ikinataranta nito. “Isabella?! Isabella!” “Marahil sa takot ay nahimatay siya Kim, hayaan mo munang magpahinga si Isabella,” tinging sabi ni Ren sa rear-view mirror na ikinatango lang ni Kim at dahang-dahang inihiga ng maayos sa kaniyang tabi. “Nakita niya ako Ren, siguradong ipapahanap niya ako.” Sabi niya sa kaibigan na ikinagulat ng lalaki. “Nagpakita ka?! Paano Kim?!” umiling si Kim sa tanong ng lalaki. “Hindi ko alam… Hindi ko naman alam na andoon sil
Hindi ko pinansin ang mga ito at mabilis kaming nakalabas ng pinto ngunit napahinto ako ng makita ang papasok sa gate. Ang walang emosyong muka nito, ang mata nitong kahit titig lang ay makalaglag ng panty—este manginginig ka sa takot. Ang gwapo nitong muka, Si R ay nasa harapan ko! Nagtagpo ang mata naming dalawa na ikinakunot nito ng noo at inilipat ang mata sa kasama ko. Kitang-kita ko ang pagkawala ng kunot ng noo niya at malamig na tingin dahil napalitan ito ng pagkagulat. Pagkagulat na ngayon ko lang nakita sa isang Ryc Garcia. Biglang nag sink-in saakin na si Leandro nga pala ang kasama ko at kapatid niya si R! Dumating si Dexter mula sa likuran ni R, at maging ito ay napatingin saamin at tulad ni R ay nagulat ito ng makita si Leandro. Oh no, gulo ito. “Ako lang ba o bakit parang magkamuka si kuya Ryc at Leandro?” Narinig ko ang boses ni Paula na agad kong kinatauhan. “L-Leandro, kailangan na nating umalis!” hinila ko si Leandro paalis doon ngunit nagsalita si R na nagpa
TAHIMIK na nasa loob ng kotse si Glaiza habang si Leandro naman ay seryoso na nagmamaneho, simula nang umalis sila doon sa huling pinuntahan ni Isabella ay hindi pa nagsasalita ang lalaki at alam niya na gusto muna nito na makapag-isip kaya hinayaan niya ito. Dinadalangin niya lang na sana ay nasa maayos na kalagayan si Isabella. Maya-maya pa ay naka receive siya ng tawag kaya agad niya itong sinagot. “Hello?” nakita niya sa gilid ng kaniyang mata na napatingin sandali si Leandro pero nawala ang attensyon niya doon ng marinig ang sinabi ng kaibigan. “Oo, sige.” Agad niyang ibinaba ang tawag at nakangiting humarap sa kaibigan. “Alam ko na kung nasaan si Isabella!” *** ISABELLA NAGISING ako dahil sa sikat ng liwanag na nagmumula sa bintana—teka bintana?! Dali-dali akong napabangon dahil doon at agad na inilibot ang aking mga mata sa paligid. Nakita ko na nakasoot na ako ng isang pantulog na agad kong ikinatingin kung may panloob ako, meron pa naman ibig sabihin may nagbihis s
Paano naman ako sasama sa mga ito kung hindi ko nga sila maalala? *** Dalawang araw na ang lumipas simula nang malaman ko ang totoo, dalawang araw na ‘rin akong nag-iisip kung susundin ko ba ang sinasabi nila para bumalik ang ala-ala ko ay kailangan kong sumama kay Ryc Garcia. Paano nga ako sasama kung hindi ko naman siya kilala, hindi ko sila kilala. Kahit pa na sinabi nila na anak ko si Issa, natatakot ako na harapin siya kasi hindi ko nga siya kilala. Alam ko na mahihirapan ang bata kung sakaling totoo nga na ako ang ina niya dahil hindi ko talaga siya maaalala. Nandito kami ngayon sa mall dahil nag-aya sila na mag refreshen muna kami lalo na ‘daw ako. Alam kong napapansin nila ang pagkawala ko sa sarili, anong magagawa ko ang hirap ng walang maalala! “Eto Ice cream.” Iniabot saakin ni Leandro ang isang vanilla Ice cream habang nakaupo ako ngayon sa isang bench. Tinanggap ko naman iyon at naupo ‘din ito sa tabi ko, umalis sina ate Kim at Glaiza dahil mayroon ‘daw silang titi
ISABELLA NANDITO ako ngayon sa kwarto ko at nakatulalang nakatingin sa kawalan. Iniisip ko ‘yung nangyari kanina, hindi pa ‘rin ako makapaniwala na nakaharap ko si Issa at si Ryc Garcia. Hindi ‘man ako kinausap ni Ryc pero yung pagtitig niya saakin, alam kong mayroon siyang gustong sabihin. At anong mapapasakanya ‘din siya? Ako ba ang tinutukoy niya? “Ang lalim ng iniisip natin ah,” Gulat na napatingin ako sa nagsalita at agad na napabangon ng makita si ate Kim. Lumapit ito saakin at naupo sa tapat ko. “Naistorbo ko ba pag-iisip mo?” nakangiti niyang tanong na ikinailing ko. “Alam kong iniisip mo ang pamilya mo. Alam ko ‘rin na nahihirapan ka Isabella pero mas mahihirapan kami kung makikita ka naming ganiyan.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Hindi mo napansin nag-aalala sa’yo sila Glaiza at Leandro kanina, ‘ni hindi mo nga sila masagot sa mga tanong nila.” Do I? Hindi ko ba talaga sila nasagot kanina? I’ve been spacing out for godsake! “See? Hindi mo na al
TAHIMIK akong nakaupo sa tabi ni Ryc habang si Dexter ang nagmamaneho ng sinasakyan namin. Kanina pa kami nasa byahe at talagang namamanhid na ang pwet ko kakaupo sa kinalalagyan ko. “Bakit ba ang likot mo?” Napalingon ako kay Ryc ng magsalita ito, hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin habang siya ay busy pa ‘rin sa kakatipa sa kaniyang laptop. Akala ko ba pupuntahan namin ay business? Bakit hanggang dito sa sasakyan ay nagtatrabaho siya? Napakurap ako ng bigla siyang lumingon saakin. Tinaasan niya ako ng kilay siguro dahil tinititigan ko na pala siya. Nakasoot siya ng isang reading glasses na lalong nagpalabas sa matangos niyang ilong at bagay na bagay ito sa kaniya. “I know that I am handsome.” Mabilis akong umiling at sumagot. “Asa ka, matagal pa ba ang byahe? Nangangawit na ako kaka-upo.” Natawa si Dexter sa harapan dahil sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi nagpatinag. “As far as I remember, you are working for me at ako ang boss mo. So, why ar
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya