"Y-Yes, V-Vincent! I will marry you!" maluha-luhang tugon niya sa lalaki.Pumasok isa-isa sa kaniyang opisina ang kaniyang mga employee. May mga hawak itong tig-iisa na red roses.Tumayo si Vincent upang isuot sa kaniyang daliri ang singsing at pagkakatapos ay inalalayan siya nito patungo sa gitna ng kaniyang silid-trabahuhan.Lumapit isa-isa sa kaniya ang mga empleyado upang iabot ang mga roses na hawak ng mga ito. "Congratulations, Miss Lichauco!" nakangiting pagbati ng kaniyang secretary."Maraming salamat!"Sa bawat pagtanggap niya ng roses ay siya rin ang pagtanggap niya ng congratulations mula sa mga ito.Hindi niya pinangarap ang makasal. Wala sa plano niya ang matali sa isang lalaki dahil taliwas iyon sa mga pananaw niya sa buhay. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay mistula lang isang lason na kayang sirain ang buong pagkatao ng sino mang makakaramdam nito. Ngunit lahat ng paniniwalang iyon ay binago ni Vincent. Ipinaramdam sa kaniya ng lalaki na kahit na hindi siya perpekto ay
"What's wrong?"Ikinulong ni Vincent sa mga palad niya ang maliit nitong mukha."Tell me ... Anong bumabagabag sa'yo?"Lumunok ng ilang beses si Romana. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Vincent ang nakita o sasarilinin na lang. Ano't ano pa man, makikita at makikita nito ang babae dahil kasama ito ni Roman ngayon."S-Si Laila ... N-Narito si Laila ..." Sa huli ay sinabi niya rin ang ikinatatakot.Biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Ang kanina'y maaliwalas nitong mukha ay nabahiran ng galit. Hindi rin nakawala sa kaniyang paningin ang pag-igkas ng perpektong panga nito pagkarinig sa pangalan ng dati nitong asawa."Sinisigurado ko na hindi siya ang magiging dahilan ng pagkaudlot ng kasalan na ito. Magtiwala ka sa akin ... Huwag mo siyang isipin ... Huwag mo siyang intindihin ... Kasal natin ito at ito ang pinakaimportanteng okasyon sa buhay natin kaya sana huwag kang magpaapekto sa presensiya ng babaeng iyon!" pabulong na usal ni Vincent.Magkakasunod na tango ang ginawa
"S-Siya ay dati kong friend. B-But Romana came into his life kaya naman my friend became my ex-friend na. H-Hanggang ngayon ay may tampo pa rin ako sa kaniya, Babe!"Nagpakawala ng isang hindi makapaniwala na tawa si Romana sa palabas ng babae. Hindi niya akalain na napakagaling pala nitong mambilog ng ulo. Kung hindi lang siguro niya ito kilala ay baka napaniwala na siya nito."P-Puwede ba, Romana, na let's just forget the past na lang? Ayaw ko kasi na maging dahilan pa ito ng pag-aaway namin ni Roman. 'Di ba, Babe?"Yumakap ito sa baywang ng lalaki at saka nagpacute."That was so childish, Babe. Hindi ako magagalit dahil lang diyan."Pinindot ni Roman ang tungki ng ilong ni Lalaine. Pinaikot ni Romana ang kaniyang mga mata dahil sa ipinapakitang ka-sweetan ng kaniyang kapatid at babae nito sa kaniyang harapan.Samantala, hindi mabatid ni Vincent ang kaniyang nararamdaman. Naiinis siya na hindi niya mawari kung saan nanggagaling. Naiinis siya sa ipinapakita na kalambingan ni Laila ka
"A-Ah ... " Tumawa nang hilaw si Lalaine kay Roman at Romana sabay wave ng kaniyang kamay."H-Hi! S-Sorry, naligaw kasi ako! Sobrang lawak naman kasi ng bahay niyo! Gusto ko lang sanang umihi kaya lang hindi ko mahanap ang CR niyo! Dito ako dinala ng mga paa ko sa paghahanap!" palusot ni Lalaine sa magkapatid."Sana nagsabi ka para naman nasamahan kita. Naroon lang sa ibaba ang banyo. Hindi ka dapat pumapasok nang basta-basta sa kuwarto ng iba." Pinukol ni Romana ang babae ng mapang-uri na tingin mula ulo hanggang paa."S-Sorry ulit! B-Babe, samahan mo ako sa ibaba! H-Hindi pa kasi ako nakakagamit ng banyo. There is someone inside the bathroom kaya hindi rin ako makaihi."Nagmamadali na hinatak ni Lalaine ang kasintahan. Mistula itong ahas na pumulupot sa braso ni Roman saka hinila ang lalaki pababa muli sa first floor.Nanliliit ang mga mata na pumasok si Romana sa kanilang silid. Masama ang kutob niya sa mga ikinikilos ni Laila. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa pader at kaagad nag
"Hindi pa rin nagbabago ang ganda ng lugar. I am so glad na nakabalik tayo rito."Niyakap ni Romana ang braso ng kaniyang asawa habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mala-ginto na buhangin at kulay bughaw na karagatan ay talaga naman kaaya-aya at hindi nakakasawa na balikan."P-Pumunta na kayo rito?" tanong ni Lalaine sa kanila."Yes, Babe. Bumisita na sila rito, a year ago maybe?" sagot ni Roman sa kasintahan."Isang linggo kayong nag-stay rito sa pagkakatanda ko, right?" baling naman nito sa kaniya.Alanganin na ngumiti at tumango siya sa kapatid. "Ang sweet niyo naman. Hindi ko akalain na mahilig pala kayong mamasyal."Hindi niya batid kung totoo ang ngiti na nakikita niya sa labi ni Lalaine o isang pagkukunwari lamang. Pagbali-baligtarin man ang mundo ay hindi pa rin mababago ang katotohanan na ex-wife ito ng kaniyang asawa at siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa kaya naman napakahirap para sa kaniya na paniwalaan ang ipinapakita na kabaitan nito.Narating nila ang
"A-Aah! S-Sige pa, Laila!" Sinasabayan ni Vincent ng pag-ulos ang ginagawa ng babae. Paminsan-minsan ay sinisipsip nito ang dulo ng kaniyang alaga kaya naman para na siyang mahihibang dahil sa sarap na tinatamasa. Malaki talaga ang improvement ni Laila lalo na sa pagpapaligaya ng kapareha. Ngayon niya naisip kung gaano kasuwerte si Roman sa dati niyang asawa. Mayaman, bata, maganda, sexy, at higit sa lahat ay wild. Malapit na siyang labasan nang huminto ito sa ginagawa. Tumayo ito at ngumisi sa kaniya."Malapit na ako, bakit ka pa huminto?" nakasimangot niyang tanong."Paano naman ako? Kaya nga ako nakipagkita sa'yo dahil hindi kayang punan ni Roman ang pangangailangan ko tapos gagawin mo lang akong taga-kiskis niyang foot long mo?"Pagkarinig sa rason ni Lalaine ay mabilis na itinulak ni Vincent pasandal sa pader ang babae. Dinilaan niya ang kaniyang mga daliri bago niya ipinasok ang kamay sa loob ng underwear nito.Kagat-labi na napaliyad naman si Lalaine nang hagurin ng mahahab
Matapos kumain ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Bago makapasok ay mayroong pasimpleng inabot si Lalaine kay Vincent."Ihalo mo sa inumin ng gurang mong asawa para mabilis siyang makatulog," bulong nito."Safe ba 'to? Baka mapahamak siya," nag-aalangan niyang sabi. Hindi naging masama sa kaniya si Romana kaya naman mahalaga pa rin sa kaniya ang kaligtasan nito. Inalagaan siya nito at minahal nang lubos kaya naman hindi niya kayang ipahamak ang asawa."Don't worry, walang side effects 'yan. Sleeping pill lang 'yan."Tinanggap niya iyon at mabilis na itinago sa kaniyang bulsa."Vincent? Hindi ka pa ba papasok?" tawag ni Romana sa kaniya."Mamaya na lang tayo magkita," bulong ni Vincent bago tuluyan na pumasok sa loob."Ano pa ang ginawa mo sa labas?" Inaayos na nito ang kanilang higaan. Nakapagpalit na rin ito ng pantulog."May sinabi lang sa akin si Lalaine. Gusto niya raw na mamasyal tayo sa laot bukas gamit ang yate ni Roman. Sasama ba tayo o gusto mong dito na l
"Ah! Putang-ina mo, Lalaine! Ang galing mo!" halinghing niya habang walang tigil ang babae sa pagsipsip sa kaniyang sandata. Ilang minuto sila sa ganoon na posisyon nang bigla itong tumigil. Bumaba ito mula sa bathtub at saka pinulot ang suot nito kanina na pantalon."Huwag mong sabihin na iiwan mo ako rito sa ganitong sitwasyon?" kunot ang noo niyang tanong. Humagikhik si Lalaine."Siyempre, hindi!" May dinukot ito mula sa bulsa ng pantalon at may ipinakita sa kaniya na kulay pulang tableta."Ano 'yan?" tanong niya."Pampagana para matagal kang tigasan," sagot naman nito.Inilapit nito ang tableta sa kaniyang bibig na walang pag-aalinlangan naman niyang isinubo at nilunok."Halika na! Ipagpatuloy na natin ang ginagawa natin kanina!"Humagikhik muli ang babae saka umiling. Muling nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay."Ano bang trip mo, Lalaine?" umiigkas ang panga na tanong niya."Gusto ko doon tayo magsex sa tabi ng asawa mo. Parang exciting kasi 'yon.""Baliw ka ba? Paano k
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor