Share

Chapter 36

Author: ColaPrinsesa
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"H-Hello ... R-Romana ..."

Biglang nakaramdam ng kaba si Vincent nang sagutin ng babae ang tawag.

"I-loudspeakee mo. Gusto kong marinig ang pag-uusap niyo. Kung hindi mo man magawa ay palayain mo na lang ako at ang anak mo," utos sa kaniya ni Laila na seryosong nakatingin sa kaniya, nakamasid sa lahat ng kaniyang kilos.

Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang loudspeaker ng kaniyang cellphone.

"Hello? Baby? Bakit hindi ka nagsasalita? May problema ba?" malambing na tanong ni Romana.

Napalunok siya ng ilang beses pagkarinig sa kaaya-ayang boses ng babae.

Samantala, napangiti naman nang mapait si Laila. Sobrang lambing pala talaga ng kabit ng kaniyang asawa kaya siguro nabaliw-baliw ito sa babae kahit na may edad na.

"R-Romana ... M-May gusto akong sabihin ..." panimula niya.

Mahirap para sa kaniya na pakawalan ang babae 'pagkat nasanay siya sa mga lambing nito at mga luho ngunit hindi rin naman niya nais na mapunta ang kaniyang asawa at magiging anak sa lalaking tricycle driver la
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dhez Rivera
Ayan na bukingan tym, nilabas n ni Romana ang kanyang alas ! mygaaaawd Ms.A excited n ako s next chap.
goodnovel comment avatar
ColaPrinsesa
"Ang mga salitang nabanggit po sa chapter na ito ay part lang ng thought ni Vincent. Sana po ay maunawaan ninyo. Salute sa ating mga tricycle drivers!" ...️
goodnovel comment avatar
ColaPrinsesa
"Hi, my babies! May nabanggit ako sa chapter na ito about sa ating mga tricycle drivers! Gusto ko pong linawin na hindi ko po minamaliit ang ating mga tricycle drivers. Ang totoo ay malaki ang paghanga ko sa kanilang kasipagan sa pagtatrabaho.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 37

    Nakatulala at hindi makapagsalita si Vincent mula sa kinatatayuan. Para siyang binabangungot sa nakikita.Ang kaniyang asawa ay animo'y cowgirl na panay ang indayog at giling sa ibabaw ng lalaking lubos niyang kinaiinisan, si Tristan."M-Mga hayop!" nanggagalaiti niyang wika.Akala niya ay napakatinong babae nito! Kunwari pa ito ay galit dahil ang tingin nito ay marumi at malanding babae si Romana ngunit ang totoo pala ay isa rin naman pala ito sa mga babaeng makati pa sa higad."S-Sorry, Vincent! I-I'm just desperate for you not to leave me! W-Wala naman talaga akong balak na sabihin ito sa'yo kasi okay naman na sa akin ang ganitong set-up ... P-Pero biglang ... g-gusto mo na lang akong iwan kaya ibinunyag ko na sa'yo ang katotohanan!" Nagpanggap na umiiyak si Romana.Malamang kung naging artista siya ay baka marami na siyang natanggap na trophy sa pagiging best actress niya.Nanlulumo na nabitawan ni Vincent ang hawak niyang luggage. Labis ang galit niyang nararamdaman para kay Laila

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 38

    Akmang isasaboy na ni Laila ang asido sa mukha ni Romana nang iharang ni Vincent ang sarili niya sa babae.Natigilan si Laila."Tumigil ka na, Laila! Kung gusto mo ay ako na lang ang sabuyan mo niyan! Tutal ako naman ang ugat ng lahat ng ito!""B-Bakit Vincent? B-Bakit ginagawa mo 'to?" nanginginig ang mga labi na tanong niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa ni Vincent na iharang ang sarili maprotektahan lang ang babae nito.Pilit na ikinubli ni Vincent sa kaniyang likuran si Romana para maisalba ito sa kung ano mang kahibangan ang binabalak gawin ng kaniyang asawa."Hirap na akong ipaliwanag sa'yo ang lahat ng dahilan ko, Laila. Ngunit isa lang ang pinakarason kung bakit kita iniwan, hindi na kita mahal." Mahigpit na hinawakan ni Laila ang maliit na bote sa kaniyang kamay. Nagtatalo ang dalawang parte ng kaniyang isip kung isasaboy niya ba kay Vincent ang hawak o aalis na lang."Kung ang pagsira sa mukha ko ang makakapagpagaan sa loob mo, sige! Gawin mo! Pero sana bago mo iyon g

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 39: READ AT YOUR OWN RISK !!! SPG CONTENT!!!

    "Sinabi ko na kasi sa'yo na hayaan mo na siya. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo," sermon ni Vincent kay Romana habang ginagamot nito ang natamo niyang kalmot sa mukha.Kumibot ang kaniyang labi."Wala lang ang mga sugat na 'to sa natamo ni Laila," pasaring niya.Pinag-aralan niya ang reaksiyon ni Vincent ngunit mistulang hindi ito apektado sa kaniyang sinabi."Hindi ka ba nag-aalala sa asawa mo?" muli niyang tanong.Nais niyang tiyakin kung totoong wala na nga itong natitirang pagmamahal sa babae. Ibinaba nito ang hawak na bulak na may alcohol at saka seryoso na tumingin sa kaniya."Puwede ba na huwag na natin siyang pag-usapan? Umiinit lang ang ulo ko kapag nakaririnig ako ng tungkol sa kaniya.""Bakit naman? Dahil ba niloko ka niya? Naapakan niya ba ang ego mo? O nasaktan ka dahil mahal mo pa siya?"Diretso lang ang kaniyang tingin sa mga mata nito. Nais niyang saliksikin ang kaloob-looban ng puso ng lalaki. "Wala sa mga iyon ang sagot ko. Nagagalit ako kasi desidido na akong iwa

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 40

    Tagumpay na naipadala ni Romana sa dalawang panig ang divorce paper. Walang kaalam-alam ang dalawa na sinasamantala niya ang sitwasyon."Laila ... May ipinadala si Vincent sa'yo."Inabot ni Laila mula sa kamay ni Tristan ang isang envelope. Nanginginig ang kaniyang mga kamay nang buksan niya ang bagay na iyon."D-Divorce paper ...'" sambit niya."H-Hindi man lang niya inalam ang kalagayan namin ng baby matapos niya kaming saktan? T-Talagang ito pa ang mas importante kaysa mga buhay namin?"Muli siyang napaiyak dahil sa sama ng loob. Muli niyang naalala ang kaniyang anak na nawala."Tahan na ... Hayaan mong ang nasa itaas na lang ang magparusa sa mga taong kagaya nila," saad naman ni Tristan.Nakalulungkot man ang nangyari kay Laila, sa isip ni Tristan ay mas mabuti nang nangyari 'yon. At least ay nakalaya siya sa isang kasal na walang kakuwenta-kuwenta. Nakawala siya sa isang lalaking mas mahalaga ang sex at pera.Kinuha ni Laila ang ballpen mula sa sulong ng kaniyang table at saka pi

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 41

    "Stable na po ang vital signs ng pasyente. Hintayin na lang natin na magkamalay siya."Pabagsak na napaupo sa bakanteng upuan na naroon si Tristan. Nakapikit na tumingala siya sa itaas at saka tahimik na nagdasal."Diyos ko, marami pong salamat. Hindi mo pinabayaan si Laila.""Mabuti na lang dahil naroon ka! Pinabayaan na kasi siya ng hayop na asawa niya! Nakahanap lang ng mayaman na sugar mommy ay hindi na binalikan si Laila! Napakademonyo talaga ng Vincent na 'yon!"Nasa tabi niya lang si Aling Cora. Kanina pa naghihimutok ang matanda dahil sa nangyari. Wala itong ibang sinisisi kundi si Vincent. Kulang na lang ay isumpa nito ang lalaki dahil sa ginawa kay Laila.Pumasok siya sa loob ng silid na kinaroroonan ni Laila. Wala pa rin itong malay."Suki ka na ng ospital. Sana ito na ang huling pagkakataon na makita kitang nakaratay sa higaan na 'yan. Labis akong nasasaktan at nahihirapan sa tuwing nakikita kong nasisira ang buhay mo. Sana paggising mo ay burahin mo na sa isip mo ang mapa

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 42

    "Y-Yes, V-Vincent! I will marry you!" maluha-luhang tugon niya sa lalaki.Pumasok isa-isa sa kaniyang opisina ang kaniyang mga employee. May mga hawak itong tig-iisa na red roses.Tumayo si Vincent upang isuot sa kaniyang daliri ang singsing at pagkakatapos ay inalalayan siya nito patungo sa gitna ng kaniyang silid-trabahuhan.Lumapit isa-isa sa kaniya ang mga empleyado upang iabot ang mga roses na hawak ng mga ito. "Congratulations, Miss Lichauco!" nakangiting pagbati ng kaniyang secretary."Maraming salamat!"Sa bawat pagtanggap niya ng roses ay siya rin ang pagtanggap niya ng congratulations mula sa mga ito.Hindi niya pinangarap ang makasal. Wala sa plano niya ang matali sa isang lalaki dahil taliwas iyon sa mga pananaw niya sa buhay. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay mistula lang isang lason na kayang sirain ang buong pagkatao ng sino mang makakaramdam nito. Ngunit lahat ng paniniwalang iyon ay binago ni Vincent. Ipinaramdam sa kaniya ng lalaki na kahit na hindi siya perpekto ay

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 43

    "What's wrong?"Ikinulong ni Vincent sa mga palad niya ang maliit nitong mukha."Tell me ... Anong bumabagabag sa'yo?"Lumunok ng ilang beses si Romana. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Vincent ang nakita o sasarilinin na lang. Ano't ano pa man, makikita at makikita nito ang babae dahil kasama ito ni Roman ngayon."S-Si Laila ... N-Narito si Laila ..." Sa huli ay sinabi niya rin ang ikinatatakot.Biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Ang kanina'y maaliwalas nitong mukha ay nabahiran ng galit. Hindi rin nakawala sa kaniyang paningin ang pag-igkas ng perpektong panga nito pagkarinig sa pangalan ng dati nitong asawa."Sinisigurado ko na hindi siya ang magiging dahilan ng pagkaudlot ng kasalan na ito. Magtiwala ka sa akin ... Huwag mo siyang isipin ... Huwag mo siyang intindihin ... Kasal natin ito at ito ang pinakaimportanteng okasyon sa buhay natin kaya sana huwag kang magpaapekto sa presensiya ng babaeng iyon!" pabulong na usal ni Vincent.Magkakasunod na tango ang ginawa

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 44

    "S-Siya ay dati kong friend. B-But Romana came into his life kaya naman my friend became my ex-friend na. H-Hanggang ngayon ay may tampo pa rin ako sa kaniya, Babe!"Nagpakawala ng isang hindi makapaniwala na tawa si Romana sa palabas ng babae. Hindi niya akalain na napakagaling pala nitong mambilog ng ulo. Kung hindi lang siguro niya ito kilala ay baka napaniwala na siya nito."P-Puwede ba, Romana, na let's just forget the past na lang? Ayaw ko kasi na maging dahilan pa ito ng pag-aaway namin ni Roman. 'Di ba, Babe?"Yumakap ito sa baywang ng lalaki at saka nagpacute."That was so childish, Babe. Hindi ako magagalit dahil lang diyan."Pinindot ni Roman ang tungki ng ilong ni Lalaine. Pinaikot ni Romana ang kaniyang mga mata dahil sa ipinapakitang ka-sweetan ng kaniyang kapatid at babae nito sa kaniyang harapan.Samantala, hindi mabatid ni Vincent ang kaniyang nararamdaman. Naiinis siya na hindi niya mawari kung saan nanggagaling. Naiinis siya sa ipinapakita na kalambingan ni Laila ka

Pinakabagong kabanata

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   MGA ARAL

    1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 105

    "Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 104

    "H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 103

    "R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 102

    "Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 101

    Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 100

    "E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 99

    Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 98

    "R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor

DMCA.com Protection Status