"Hmmm ... Masarap ang steak nila rito! We should eat here often," saad ni Tristan habang magana na kumakain kabaligtaran sa mga kilos ni Romana.Kahit ang kubyertos ay hindi man lang niya ginalaw."C'mon, Tristan. Ilang oras mo pa ba akong paghihintayin? Gusto ko nang mapanood ang video kaya ibigay mo na sa akin. Kaya kitang bayaran ng sampung milyon katulad ng napag-usapan natin!"Tristan dropped his fork and knife saka pinasadahan siya ng tingin sa mukha. Tingin na tila binabasa ang tumatakbo sa kaniyang isip."Ano ba talaga ang plano mo, Romana? Bakit si Vincent? Ano ba ang mayroon siya?"Patay-emosyon na sinalubong niya ang nanghuhusga nitong tingin."It's none of your business, Tristan. Akala ko ba walang ibang mahalaga sa'yo kundi pera kaya nga nagkakaintindihan tayo kasi mayroon tayong mga pagkakapareho? Ang mga katulad natin na may matataas na ambisyon ay walang pakialam kahit makaapak pa ng ibang tao, nakalimutan mo na?"Saglit na nanahimik ang lalaki sa kaniyang harapan. Napa
"Bwisit!" Napaigtad si Laila sa kaniyang kinatatayuan nang biglang ibagsak ni Vincent ang kaniyang cellphone sa center table na nasa sala. Abala ang babae sa paglilinis ng bahay habang si Vincent naman ay panay ang tawag kay Romana ngunit hindi niya ito makontak."M-May problema ba? N-Napansin ko na kanina ka pa nakatutok diyan sa cellphone mo," puna ni Laila sa kaniya.Hanggang ngayon ay naiilang pa rin si Laila na kausapin ang asawa dahil sa naganap noong mga panahon na wala ito sa bahay. Natatakot siya na harapin ang lalaki dahil ngayon pa lang siya naglihim kay Vincent at napakabigat na kasalan ang kaniyang nagawa."Hindi sumasagot sa mga tawag ko si Boss," gusot ang mukhang tugon nito. Kita sa ekspresyon nito na wala ito sa mood makipag-usap.Nagtataka siya, bakit ganoon na lang ang inis nito porke hindi sinasagot ng amo ang kaniyang tawag?"B-Baka busy ... o baka hindi ka niya kailangan."Nanalim bigla ang mga mata ni Vincent sa kaniya."Hindi kailangan? Kapag nangyari iyon, ma
Ginamit ni Laila ang natitirang katinuan sa kaniyang isip at natitirang lakas upang maitulak palayo sa kaniya ang lango sa alak na si Tristan. Napahakbang ito paatras ng tatlong beses samantala, napatingin naman siya sa direksyon ng sala kung nasaan ang kaniyang asawa. Nang masigurado niya na hindi sila nakita ni Vincent ay pinandilatan niya ng mga mata ang lalaking wala sa wisyo."Anong naisip mo bakit mo ginawa 'yon?! Gusto mo ba talaga kaming masira na mag-asawa?!" nagtatagis ang mga ngipin niyang pabulong na tanong kay Tristan. Ngunit sa halip na bumalik ito sa katinuan ay pagak itong natawa kaya naman lalong nagusot ang kaniyang mukha. "M-Matagal nang sira ang relasyon niyo, Laila. I-Ikaw lang itong si tanga na umaasa pa na maaayos pa. B-Bakit hindi mo pa iwanan ang lalaking 'yan? P-Puro sakit at sama ng loob lang naman ang ibinibigay niya sa'yo. S-Sa akin ka na lang sumama."Hinawakan nito ang isang kamay niya ngunit mabilis siyang pumiksi kasunod ang paglapat ng kaniyang pal
Bunga ng ilang araw na hindi pagkikita, naging mainit ang palitan ng kanilang mga halik. Bugso ng damdamin at matinding pananabik ang nagdala sa kanila sa malambot na kama upang doon pawiin ang pangungulila nila sa isa't isa."Ang buong akala ko ay ayaw mo na sa akin dahil nakahanap ka na ng ipapalit sa akin ... P-Please, Mommy ... H-Huwag mo akong iiwan ..." malamlam ang mga matang pakiusap ni Vincent habang naka-ibabaw kay Romana.Sinuklay ni Romana ang buhok ng lalaki gamit ang kaniyang mga daliri saka buong pagmamahal na sinalubong ang malungkot na mga mata nito."Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na palitan ka, Vincent. Ikaw lang ang lalaki na nais kong makasama habang buhay. Patawad kung nagawa kitang iwasan ng ilang araw, nais ko lang hanapin ang sarili ko. Ngunit alam mo ba? Hindi ko nahanap ang sarili ko sapagkat ang puso, isip, at katawan ko ay ikaw ang tunay na hinahanap-hanap."Nagpalit sila ng posisyon. Si Romana ang umibabaw. Nagmamadali na tinanggal nito ang suot na
Matamis ang ngiti sa maputlang labi ni Laila nang pumasok siya sa silid nito. "Asawa! Buntis ako!" masayang pagbabalita nito.Wala siyang ipinakita na kahit na anong emosyon. Hindi niya magawa na maging masaya hindi dahil ayaw niya sa bata na nasa sinapupunan nito kundi dahil sa uri ng pamilyang kabibilangan ng kaniyang magiging anak.Hindi na niya mahal si Laila ngunit mapagbiro talaga ang tadhana, biniyayaan pa sila ng anak."H-Hindi ka ba masaya na magkakababy na tayo?" Nabura ang ngiti sa labi ng babe.Tahimik na naupo siya sa sopa na naroon at napahilamos na lang sa mukha."Base sa reaksyon mo ay hindi ka masaya na buntis ako! Ano, Vincent?! Galit ka ba dahil nagbunga ang mga ginawa natin?!"Matalim ang kaniyang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa babae."Tumahimik ka, Laila! Alam mo naman na matagal nang hindi maayos ang pagsasama natin, hindi ba?! Bakit nagpabuntis ka pa?! Bakit hindi ka gumamit ng kahit na anong contraceptives para hindi na tayo nagkaanak?!" mataas ang
Maaga pa lang ay gumising na si Laila upang ipaghanda ng almusal ang kaniyang asawa. Ngayon din niya balak na magpasama sa lalaki para magpacheck-up sa isang OB doctor.Nakapaglagay na siya ng mga plato sa mesa nang bumangon si Vincent. Messy pa ang medyo mahaba nitong buhok habang kinukusot ang mga mata nang pumasok ito sa kusina."Magandang umaga, Asawa! Nakapagluto na ako para sa almusal natin! Halika na, kumain na tayo!"Hindi tumugon ang lalaki. Nilagpasan siya nito at dumiretso sa banyo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya kahit na magkakaroon na sila ng anak.Wala pa rin itong imik nang lumabas mula sa banyo. Dumiretso na ito sa mesa para umupo at kumain nang wala man lang pagbati sa kaniya. Pinilit pa rin na ngumiti ni Laila para hindi masira ang araw nito. Mabilis mainis si Vincent kahit na sa napakaliit na bagay kaya ingat na ingat siya na makagawa nang pagkakamali."Oo nga pala ... Ngayon ang first check up ko para sa baby natin. Puwede mo ba akong samahan sa dok
"Puwede mo bang sabihin sa akin kung saang clinic ka magpapacheck up?" Tigalgal na napatingin si Laila kay Tristan. Ang mga mata nito ay nakatutok lang sa kalsada habang seryoso na nagmamaneho ng tricycle. "A-Akala ko ba ...""Akala mo ano? Na dadalahin kita sa lugar kung saan ka liligaya? Hindi ka ba liligaya kung sa ospital kita dalahin? Saan lugar ka ba liligaya, Laila? Puwede naman kitang ihatid doon, okay lang naman sa akin."Sumilay ang matamis na ngiti sa mapulang labi ni Tristan. Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin na mas lalong nagpa-angat sa kaguwapuhan nito. Naglakbay ang kaniyang mga mata pababa sa malapad nitong balikat hanggang makarating ang kaniyang tingin sa malaki at maugat nitong mga kamay. Hindi niya namalayan ang matagal na pagtitig sa lalaki kaya naman nagulat siya nang biglang dumampi ang dalawang daliri nito sa kaniyang baba at saka marahan itong inangat."Itikom mo 'yang bibig mo, baka pasukin ng langaw. Hindi ko alam kung saan tayo pupunta
"Oh, fuck! Sige pa, Mommy!" halinghing ni Vincent.Hindi na sila umabot sa condo ni Romana. Ipinarada na lang niya ang kanilang kotse sa pinakadulong bahagi ng parking area at doon na lang nagparaos ng init ng kanilang mga katawan sa gilid ng kanilang sasakyan."Lower your voice, Baby. Nasa public place tayo at eskandalo ito kapag may nakakita sa atin. Let's just do it quickly." Muli nitong isinubo ang kaniyang kargada at sinimulang ilabas pasok muli sa mainit nitong bibig ngunit pakiramdam niya ay hindi sapat ang ginagawa ni Romana."M-Mommy, ipasok na lang natin. M-Matatagalan pa akong labasan kung ganito lang ang gagawin natin," may paghihirap sa tinig ni Vincent.Binuksan ni Romana ang pintuan ng kotse kasunod ang pagtanggal niya sa suot niyang thong panty. Patuhad siyang pomosisyon sa harapan ni Vincent habang ang kaniyang mga kamay ay nakatukod sa upuan ng kotse."Bilisan mo na, Baby. Baka may makahuli pa sa atin dito."Pumuwesto naman kaagad sa puwitan niya si Vincent. Napakis
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor