Brenda "Hindi na po Kuya guard," anang ko at aalis na lang sana kaya lang nakalapit na si Mattheus na seryoso mukha. "Anong kailangan mo?” walang emosyon na tanong ni Mattheus. “Nandito ka rin lang naman sasabihin ko na. Wait lang pala,” wika ko at lumapit sa kaibigan ko. “Ayan. Is*ksak mo sa baga mo animal ka. Ayaw ko ng magkaroon kahit anong koneksyon sa ‘yo kaya ibabalik ko itong bigay mo. Oo nga pala. Kinuha ko ang susi sa loob ng bag ko. Nandoon sa taas ang passbook ko. Naiwan ko sa drawer. Hindi na ako papasok simula bukas—” “Hindi pwede!” malamig niyang sabi pagkatapos lumakad na upang bumalik sa kotse nito. Hinabol ko siya naabutan ko at hinawakan ko sa siya braso niya buti tumigil. Humarap sa 'kin tumingin ako sa mukha niya wala na ang Mattheus na dating puro lambing ang sinasabi sa 'kin. “Anong hindi p'wede?! Ayaw ko ng pumasok sa kompanya mo bakit hindi p'wede?!” “Dahil malaki pa ang utang mo. Kung babayaran mo lahat ngayon. Sige, malaya ka ng maghanap ng trabaho sa
Mattheus POV “Mattheus anak anong nangyari kay Brenda? Totoo ba itong nakarating na balita sa ‘min na dinugo siya dahil nagkasagutan kayo sa RMTV?” Dahan-dahan akong tumango. “Anak daming press sa labas. Gagawan namin ng paraan para walang lumabas sa nangyare. Kasi may third party na sinasabi.” “Dumating po kasi si Neng-neng,” Napatakip sa bibig niya si Mommy. Si Daddy napa 'tsk' alam kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. “Kaya ba ayaw mo na kay Brenda?” anang Mommy nakahawak sa noo niya. “Gusto ko siya,” “Eh, kung gano'n bakit nangyare ito kung gusto mo siya?" malamig na saad ni Dad sa 'kin. “Kasalanan ko po,” pag-amin ko. “Oh my God. Anak naman, bakit naman kasi padalos-dalos ka,” anang Mommy na may inis sa boses. Kahit sa pagkamot sa buhok niya galit din. Natigilan ito tila ngayon lang nakita sila Ms. Anaren at Mr. Cornejo. Nanlaki ang mata ni Mommy ng makita ang seryosong si Mr. Cornejo at Ms. Anaren. Hindi ko alam paano nag-krus ang landas nila ni Bren
Mattheus Nakaalis na sila Mommy at Daddy roon pa rin akong nakatingin sa dinaanan nila kahit wala na sila sa paningin ko. I sighed. Even if the hope is not clear. I will do everything. Just for Brenda to come back to me. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya. Gagawin ko, ‘wag lang siyang mawala sa buhay ko. Nasanay na ako marinig ang boses niya. Hindi ko kaya tuluyan siyang lalayo sa ‘kin. Paulit-ulit akong hihingi ng ‘sorry’ sa kaniya mahalin niya lang ulit ako. Pagkalipas ng sampung minuto. Bumukas ang pinto ng delivery room. Mahimbing ang tulog si Brenda sa stretcher bed. Dalawang nurse ang nagtutulak sa kanahigaan niya. Agad kong nilapitan pinigilan ko ang dalawang nurse, gusto kong kasama ako magtutulak patungo sa k'warto niya. Ngunit natigilan ako ng magsalita si Ms. Anaren na kinalingon ko sa kaniya. “Ipagamot mo muna iyang putok mong labi at hayaan mo muna makapag pahinga si Brenda,” malamig ang boses na saad nito sa 'kin.. Napahilot ako sa batok ko. Fvck! S
Mattheus Nagpaalam ako kay Ms. Anaren lalabas muna upang ipagamot ang labi ko. Napangiwi ako ng kumikirot iyon. Ngayon lang ako nasaktan ni Dad malala naman. Pumunta ako ng nurse station. Naga-agawan pa ang mga nurse upang gamutin lang ako pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko. Alam ko naman may idea na sila kung saan ko ito nakuha kasi maraming napadaan kanina ng malakas akong sinapak ni Daddy dahil sa nangyari kay Brenda. Nang matapos nila akong gamutin, nagpasya akong magtungo muna ako sa kotse ko kasi naiwan ko ang phone ko. Gusto kong kontakin si Matthias, upang puntahan muna nito ang RMTV. Fvck! May mga press pa rin at gusto akong ambush interview. ‘President, totoo po bang nakunan ang sekretarya n'yo at ikaw raw ang ama?’ Shit! Ang dami nilang tinatanong. ‘President kaano-ano ng sekretarya mo ang rival n'yong television. May nakakita kay President Cornejo, bumuhat sa sekretarya mo galing sa loob ng sasakyan mo. Umpisa na ba ito ng pagsasanib pwersa ng dalawang m
Brenda “Mommy…. faster po! Excited na po akong makita si Lolo at Lola,” apuradong boses ng anak ko ang nasa labas ng pinto sa kuwarto ko. May kasama pa iyon mga katok hindi lang kontento tinawag na niya ako gusto pang kalampagin ang pinto sa k’warto ko. Bumungisngis ako panigurado salubong na ang kilay nito same sa ama niyang masungit kapag naiinip. Napairap ako ng maalala ko si Mattheus. Hmp! Palagi kong nakikitang kasama niya ang Samanthang 'yon napaka playboy talaga. Pagkatapos kay doktora Neng-neng ako, tapos ito si Samantha ang kasama sa mga party akala niya hindi iyon nakararating sa 'kin. Lagi-lagi n'yang kasama pero hindi naman sinasabi sa madla kung anong real score nila ni Samantha. Hilig nito magpaasa sa babae kapag inlove na sa kaniya iiwan ng luhaan. Nagulat ako ng sunod-sunod ulit na katok ng anak ko sa labas ng pinto. Natampal ko ang noo ko halata nga naiinip na ang batang bibo. “Oh, c’mon, Mommy. Nasa airport na raw po si Lolo,” saad pa nito sa labas. Yes!
Brenda Pagkalipas ng dalawang linggo. Kukunin ko na ang passport ko. Rush ang pagkuha ko kaya mabilis lang may passport na agad ako. Pagkatapos dadaan ako sa RDO para sa medical ko. Pagkadating ko roon isang magandang balita ang halos lumukso ako sa tuwa dahil umaapaw sa labis na kasiyahan ang dibdib ko. Isang himala nga dahil sa medical ko nakita ng doktor na buntis ako. “Pero dok! Nakunan po ako, one month na ang nakararaan,” saad ko pa rito kasi hindi ako makapaniwala. Pero sa puso ko walang pagsidlan ang aking kasiyahan may baby ako sa sinapupunan. “Para sure tayo magsasagawa tayo ng ultrasound,” sabi nito at itinuro sa ‘kin ang k'warto para sa ultrasound. May customer pa nga dalawa sinundan ko, pero ayos lang kasi gusto ko rin narito ang Tita Anaren, bago ako sumalang. “Dok, p'wede po antayin ko po ang Tita ko bago po ang ultrasound?” “Sure Ms. Polido. No worries,” mabait nitong tugon sa ‘kin. Buo kong pagmamahal na hinaplos ang maliit ko pang tiyan habang mag-isa
Brenda Ang liit ng mundo ang taong palagi kong hinihingian ng tulong na si Tita Anaren, ay kapatid pala ng aking ama. Kaya pala hindi ako nahihiya magsabi ng problema rito kasi totoo ko pala siyang kamag-anak. “Tito Aristeo," sabi ko kasi hindi pa ako sanay tawagin siyang Daddy. Nakapaninibago naman talaga ang pangyayari kaya nag-a-adjust pa ako. “Tito? Anak nakatatampo naman. Ayaw mo bang tawagin akong Daddy?” ani nito parang nagtatampo. “Gustong-gusto po Daddy,” sabi ko malambing na yumakap sa kaniya. Napangiti ito pabiro akong kinurot sa pisngi ko. Bahagyang umatras si Daddy. “Magkakaapo na rin ako sa bunso ko,” sabi nito nakangiti tumingin sa malaki ko ng tiyan.” Si Tita Anaren. Kaya pala parehong magaan ang loob namin sa isa't isa dahil pamangkin ako ng Tita Anaren at Tatay ko si Aristeo Cornejo. Kada linggo nasa Catbalogan sila ni Tita Anaren para dalawin ako. Minsan ang dalawa kong Tiyahin na si Tiya Agnes at Tiya Alona ang dumadalaw sa ‘kin. Kahit nawala sa ‘ki
Brenda Akala ko nasa airport na sina Tita Anaren paglapag ng sinakyan naming eroplano sa NAIA kasi iyon ang sabi nito sa ‘kin. Aabangan nila kami ni Atlas para agad kami makauwi ng bahay niya. Nakatulog na si Atlas sa likot ng anak ko plakda ito nakayupyop sa balikat ko. Kaya ito karga ko na habang nag-aantay kami dumating ang Tita Anaren. Kasi sabi niya siya na lang susundo nakipag-unahan pa sa Daddy. Kaya ako'y natatawa na lang sa kanilang magkapatid. Nasa loob pa kami ng airport hindi muna ako lumabas hangga't wala pa si Tita Anaren. Kasi mainit katirikan ng araw alas-dos ba naman ng hapon masakit sa balat ang sinag ng araw. Sleeveless blouse pa naman ang suot ko ngayon. Hindi kaya ng init sa labas. Muli kong tinatawagan ang Tita Anaren. Lowbat yata kasi unattended ang sagot ng telephone operator. Pwede naman kami mag-taxi ni Atlas, kaya lang iniisip ko naman baka nagkasalisi kami ni Tita Anaren kasi hindi ko naman makontak. Nagpalakad lakad na lang muna ako sa loob ng
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.
Andrea Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Erica. Sa mommy niya kami lumapit ni Atlas. Ganun pa rin tulala pa rin si Olivia. Bumuntonghininga ako sana lang hindi lang siya umaarte. Sa kabilang banda gusto kong gumaling agad si Olivia para sa mga anak niya. Nakita ko si Erica, nasasaktan sa nangyari sa mama niya kahit wala itong banggitin nagsasabi ang malungkot nitong mata. Nang tumingin ito sa mama niya bago sumakay sa taxi naluha si Erica. Dumating din pala ang kaibigan ni Atlas na head director ng rehabilitation center. Sinundo si Olivia. Si Atlas siguro ang tumawag kanina kasi marami naman tinawagan bago kami pumunta rito. May kasamang anim na mga nurse. Dalawang babae at apat na lalaki. Van ang dala naisakay na sa loob si Olivia ngunit nakasarado naman ang pinto at napalibutan siya ng apat na lalaking nurse. Kausap pa ni Atlas ang kaibigan n'yang head director. Maraming bilin si Atlas. Soon dadalaw kami. Baka kailangan din kasama si Erica sa pagdalaw para hindi maramda
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang
Andrea “Daddy!” nagmamadali akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Daddy pagkatapos kong makipagusap kay Erica. Si Atlas tinatawagan si Balthazar. Sabi ko kami na lang ang pumunta kasi si Olivia lang naman ang kalaban. Hindi lang sumangayon ang asawa ko sa suggestion ko. Maigi raw makasigurado kami dahil wala na sa tamang pag-iisip si Olivia. Baka kung anong gawin mahirap sa huli pa kami magsisi kung mayroon ng ginawa si Olivia. "Hello, Neil. Malapit na ba kayo?" tanong pa ni Atlas sa bodyguard at driver ko. Huminto magsalita si Atlas. Mayroon siguro sinabi si Kuya Neil sa kaniya kaya tumigil sandali si Atlas. "Okay. Aantayin ka namin," tugon ni Atlas bago putulin ang tawag. "Tapos na akong makipagusap kina Neil at Balthazar. Ipinaalam ko na rin kay Mommy at Daddy. Antayin lang natin dumating si Sonny at Neil. At saka ko tayo lalakad." Tumango ako. Bumukas ang pinto naghihikab pa si daddy ng bumungad sa 'min. “Anak may kailangan ka?” nagtataka pa n'yang tanong. “Daddy, haw
Andrea Hindi kami umuwi ni Atlas sa condo namin. Dito kami sa bahay natulog. Maging ang ate Lucy, narito din sa silid ni ate Jane nakitulog. Natawagan na rin ni Atlas ang professor ko hindi ako papasok bukas dahil hindi pa ako uuwi sa condo. Aantayin ko na hanggang sa Sabado ang araw ng pamanhikan nila dito muna ako sa bahay mananatili. Pero papasok si Atlas bukas. Kaya maaga kaming natulog medyo malayo kasi ang aming bahay sa office ni Atlas. Nag-a-adjust siya ng gising bukas. Unti ng mahimbing ang tulog ko ng maulinigan kong may tumatawag sa cellphone ko. Hinayaan ko muna dahil gusto ko ng matulog. Subalit ayaw tumigil sa pagri-ring Iniisip ko si Atlas masarap ang tulog may pasok din si Atlas bukas kaya napilitan akong bumangon upang sagutin iyon. “Baby saan ka pupunta?” paos ang boses ni Atlas. Nagkamot ako sa buhok ko. Shit! Kay lakas ng pakiramdam ni Atlas. Mahimbing na ang tulog nito pero isang kilos ko lang nagising na agad. “Andrea Keth?” inulit pa at bumangon na rin ito
Andrea “May masama bang nangyari doon sa bahay n'yo?” hindi nakatiis na tanong ng ate Lucy. Kanina pa kasi patingin tingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa mata niya. Oo nga naman ang tahimik ko kasi simula kanina paglabas ng condo hanggang ito malapit na kaming makarating sa bahay. “Ate Lucy nawawala po si Alvina,” Napatakip ng bibig si ate Lucy animo nabigla siya ng sobra. “S-sino naman ang kumuha na pakawalang puso noon.” “Ate wala pa kaming nakuhang lead. Pero sana okay lang ang kapatid ko. Baka kung anong gawin kay Alvina ng kumuha sa kaniya. Baby pa niya para makaranas ng ganitong ganid na tao.” “Sobrang lakas ng loob noon. Sa bahay n'yo pa dinukot si Alvina…sandali nga senyorita. Baka naman Ina ni Alvina ang kumuha. Kasi nga malayang nakakilos sa loob ng bahay n'yo.” “Ate same tayo ng iniisip. Kung nagkataon na si Olivia ang kumuha kay Alvina. Sana lang hindi niya pabayaan si Alvina. Nasaksihan ko kasi paano niya pinabayaan ang bata. Kahit may sakit hindi inaalagaa
Andrea Nang matapos kong tawagan si Daddy. Sinubukan kong kontak-in si Erica. Subalit unattended lang ang sumalubong sa ‘kin ilang dial na ang ginawa ko. Nailing ako kasi dati naman nag-ri-ring ang phone ni Erica. Ilang beses ko kasi si Erica tinawagan tungkol kay Alvina. Kung gusto n'yang alagaan ang kapatid niya bago magdesisyon si dad na akuin na si Alvina. Hindi sinasagot ni Erica bawat tawag ko. Ginagawa ko na lang nag-message na lang ako kung sakali man mababasa nito. Ako: Erica, si Andrea ‘to. Kung nasa inyo si Alvina mas okay. Pero kung wala. May kumuha sa kaniya. Kapatid mo pa rin ‘yon kahit na anong mangyari. Si mama mo rin nawawala sa rehabilitation center. Kung ako sa ‘yo. Hayaan mo gumaling ang mama mo. Wala na siyang kinikilala ‘wag mong hayaan na mapahamak pa pati ikaw at si Alvina. Nagpadala na lang ako ng text kung sakaling buksan n'ya ang phone papasok naman panigurado ang mensahe ko sa kaniya. “Bakit anong nangyari?” nagtataka si Atlas ng halos takbuhin ko an
Andrea “Ang lalaking nagbigay ng wine sa ‘kin doon sa Soltero noong gabing nag-break kami ni Kier, ay boyfriend ni Maxine?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Atlas. “Baby tama naman ang narinig mo,” tugon ni Atlas. “Sigurado ka ba rito ha, Atlas? Baka nagkamali lang ‘yang si Balthazar sa report niya sa ‘yo. Sandali nga. Iyon pala ang totoo mong pakay kaya nakipagkita ka kay Balthazar, ng pagkatagal tagal? Sabi mo dahil sa pinadala ni Kier, na picture kaya may usapan kayo ni Balthazar? Bakit ngayon pati na si Maxine?” “Tsk. Baby, bakit ba ang hilig mong banggitin ang pangalan ng ex mo,” may inis sa boses ni Atlas. Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy akong magtanong sa kaniya. “Ang OA mo Atlas. Magkakaanak na nga tayo at hello? Pangalan lang iyon ni Kier selos na selos ka pa,” “Damn pinagdiinan pa ang pangalan ni ex,” bubulong bulong si Atlas. “Ayaw kong sasambitin mo ulit ang pangalan noon. Baby naman,” Inukotan ko ng mata ko. Hanggang ngayon napaka big deal dito ang