Brenda Bumalik kami ng ospital hapon na. Tinapos kasi ni Mattheus ang meeting kanina via zoom kaharap ng members of the board at Daddy nito. Hindi nito maiwan tulad ng sabi nito sa ‘kin sasaglit lang siya. Hindi nakatakas sa Daddy nito, nagyabang pa sa ‘kin tatapusin daw ng maaga at bahala na sa Dad nito ang meeting. Pero pagdating kay chairman hindi siya nakapalag. Dahil wala naman din akong gagawin. Nanatili ako sa silid ko hanggang hinila ako ng antok ko. Kung hindi pa sa malakas na pagkatok ni Mattheus sa k'warto ko. Baka hanggang umaga rin ako tulog pa. Ilang araw ba naman akong puyat kaya naipon talaga ngayon ang antok ko. “Naiinip ka na dito ano? Kaya pinabilis mo ang iskedyul ng bypass surgery ni Tiya Alona?” “Hindi gano'n, Brenda,” “Weh? Maniwala…Sabi ko naman sa ‘yo umuwi ka na lang ng Maynila. Gusto mo pang manatili rito, boss." Sinubukan kong pisilin ang ilong nito kung magrereklamo. Waah...sobrang saya ko ngumiti si Mattheus hindi nagalit. "Saya natin huh?"
Brenda Tahimik kami ni Mattheus hanggang makarating kami sa St. Luke's hospital. Si Kuya Cezar, pinauwi na niya. Tatawagan na lang daw nito kapag kailangan niya ang, Kuya Cezar. Mukhang magtatagal si Mattheus sa hospital, kasi pinauna na umuwi ang Kuya Cezar. Pagpasok namin ng St. Luke's. Parang artista si Sir Mattheus. Maraming napapalingon dito. Alam pala nito saang floor sila Tiya Alona at Tiya Agnes kaya mabilis kami nakarating sa kwarto para sa Tiya Alona. Nadatnan naming nag-uusap si Tiya Agnes at Tiya Alona. Natigil lamang mag-usap ang dalawa kong Tiyahin ng nararamdaman nila dumating kami ni Mattheus. May ingay pa rin kasi ang pinto, kahit mahina pang patulak ni Mattheus. Nag-hi ako sa lalaking nurse na kausap ko kanina sa airport. Naabutan pa kasi namin ito kinukuhanan ng blood pressure ang Tiya Alona. Alangan naman hindi ko ito batiin kasi wala akong nakikitang mali at magalang din naman akong nginitian. Itong si boss Mattheus lang talaga ang pakialamero. Kasi tum
Brenda “Ms. Brenda!” may tumawag sa ‘kin kaya lumingon ako upang hanapin kung sino. Nang mapunta ang mata ko sa pinto ng Jollibee. Napangiti ako ng makita ko si nurse Dean pala ang tumawag sa ‘kin. Sabi ko na parang kilala ko ang boses kasi ang bagong kakilala ko pala na si nurse Dean ang dumating. Hindi ko naman makawayan dahil may hawak ako sa kamay ko tango at ngiti na lang tugon ko rito. Nakangiting kinakawayan nito ako. Sumenyas kung tapos na akong umorder. Inirapan ko ito kasi ang obvious naman may laman na ang hawak kong tray. Nagkamot ito sa kilay animo nahihiya dahil sa aking pag-irap sa kaniya. Ngunit binawi ko rin ang pagsusuplada ko sa kaniya kasi tumango pa rin naman ako at iniangat ko pa ang hawak na tray upang ipakita tapos na ako. Natawa pa ako kasi napapitik ito sa daliri nito animo sinasabi na ‘sayang’ hindi niya ako naabutan pumunta rito. Nginuso ko ang p'westong kinaroroonan ng Tiya Agnes. Sumenyas ako pumunta na lang siya roon after n'yang makaorder. Iti
Brenda “Andiyan na pala si nurse Dean,” wika ni Tiya Alona kaya tumingin din ako kinawayan ko si Dean. “Ang g'wapo rin nitong si nurse Dean ano, Brenda? Kung bata pa ako at kasing edad mo. Akin na lang ang binatang ‘yan. Aba'y hindi pahuhuli sa boss mo kung kakisigan lang ang pag-uusapan.” “Ay sus naman Tiya Agnes. Ngayon ka pa po nagka crush kung kailan po tumanda na,” nakalabi ko sabi sa kaniya. Naningkit ang mata nito kaya nagtaas ako ng magkabila kong kamay upang ipakitang sumusuko ako. “Hehehe, Tiya Agnes. Joke lang po,” “Paano ako noon magka jowa wala naman guwapo noon sa panahon namin,” laban pa nito. “Sabihin mo po Tiya Agnes, wala po nanligaw sa inyo kaya gano'n.” “Aba't bastos kang bata ka ah,” aniya kaya napanguso ako. “Ang totoo niyan mayroon naman nanligaw sa ‘kin. Kaso lang iyan si Ate Alona ang aking problema. Sobrang man hater nadamay ako sa kabiguan niya noon kay Celso. Ayun wala na maglakas loob na umakyat ng ligaw sa ‘kin dahil pagsasaraduhan naman ng pinto n
Brenda Nang tuluyang makapasok si Dean sa entrance ng hospital walang imik na iniwan ko si Mattheus, upang pumasok na rin sa loob ng ospital. Naiinis ako rito dahil walang modo sa kaibigan ko. Naturingan edukadong tao ang bastos lang nitong amo ko. Walang pinipiling lugar sa pagiging bipolar nito. “Brenda!” tinawag ako ngunit hindi ko siya pinansin. Iiling-iling akong nagpatuloy lumakad. Ngunit hindi pa ako nakalalayo nahuli ako ni Mattheus sa palapulsuhan ko. Napasinghap ako ng hawakan ako ng madiin ang hawak nito. Mahigpit ‘yon lihim akong napadaing sa sakit ngunit hindi ko ipinakita rito nasasaktan ako. Baka nga bumakat pa ang daliri nito sa palapulsuhan ko kung saan niya ako mahigpit na hawak. Tila naman narinig nito ang aking pagdaing kaya naramdaman ko niluwagan nito ang paghawak sa ‘kin. Ngunit may higpit pa rin naman hindi pa rin ako makawala kung hindi nito ako binitiwan ng tuluyan. “Mattheus ano ba?! Papasok na ako sa loob ng ospital!” may babala sa tinig ko na wi
Brenda “Saan ka pupunta?!” suway ni Mattheus, ng balak ko ng buksan ang pinto. “Really, Brenda, lalabas ka talaga ng hindi man lamang nagpapaalam sa ‘kin?” saad nito parang malaking kasalanan ang nagawa ko dahil sa reaksyon niyang dismayado. Napalunok ako. Lihim kong sinamaan ng tingin si Mattheus. Animal ang lakas naman ng pakiramdam ng tukmol na ito aba, akala ko nga mahimbing na ang tulog nito kasi nakapikit naman at walang imik. “Lalabas na. Mattheus alam ko pupunta ako ng hospital. Nasabi mo naman na ang gusto mong sabihin diba?” ani ko salubong kilay ko. “Ganiyan ka ba talaga? Hindi ka pa nga nagpaalam, lalabas ka ng pinto ng walang sabi, sabi. Nice, Brenda,” nag-isang linya ang kilay nito na stress na naman ang amo ko. “Akala ko kasi tulog ka,” “Ayan sa inaakala mo kaya madali lang sa 'yo magsinungaling. Akala mo siguro, hindi ako pupunta rito. Akala mo siguro, mapagkakatiwalaan ang nurse na iyon,” Inirapan ko si Mattheus. Hindi pati pala maka move on doon kay Dean
Brenda Saktong isang linggo lang si Tiya Alona sa ICU. Pinayagan na siyang ilipat sa kuwarto na para talaga sa kaniya. Maganda ang progress ng recovery ni Tiya Alona. Kaya sabi ni Dra. Tan. Hindi raw ito aabot ng twelve weeks sa St. Lukes Hospital. Maaari na ito iuwi sa bahay. Nakapag paalam na rin ako sa may-ari ng boarding house ko. Pansamantalang mananatili ang dalawa kong Tiyahin sa akin, kapag tuluyang pinalabas ang Tiya Alona. Bumili lang ako ng extra foam para sa amin ni Tiya Agnes. Kasi si Tiya Alona, sa kama ko. Nagdagdag lang ako ng upa ngunit ayos lang. Ayaw ko pa muna sila pauwiin ng Samar, at least hindi na ako gaanong mag-alala kasi magaling na talaga ang Tiya Alona bago sila tuluyang bumalik ng province. Humugot ako ng hangin. Nakatulala ako nasa kay sir Mattheus ang isip ko. Namimiss ko na si Sir Mattheus. Bakit kaya hindi man lang ako nito naalala. Simula ng magpaalam ito na aalis pa Dubai. Hindi pa ito bumabalik. Hindi rin nagte-text kahit kumusta lang.
Brenda “Nagugutom ka po ba, Tiya Alona?” tanong ko rito pagkatapos tumayo rin ako ngunit agad nito akong pinigilan pinabalik niya ako sa upuan ko. Nakangiting minamasahe ni Tiya Alona ang palad ko. Nahawa ako sa masaya nitong ngiti kaya nakangiti ako habang pinanood ko siya malambing niyang pag-massage sa palad ko. “Masakit po ba ito, Tiya Alona?” ani ko itinuro ang mga bakas ng karayom sa tinanggalan ng dextrose. Naghilom na ang ibang dating nagpasa dahil sa tusok ng karayom. “Medyo, kailangan nga lang tiisin para mabilis gumaling,” saad nito bahagya pa iniangat ang kamay na may nakalagay na dextrose. “Ang galing mo nga po Tiyang kasi ang tapang mo po. Sabi pa ni Dra. Tan. Hindi tayo aabot ng four months dito. Matagal na ang dalawang buwan,” sagot ko sa kaniya. “Dahil sa ‘yo hija. Labis akong nagpapasalamat sa pagpapagamot mo sa ‘kin. Kung hindi mo ako pinagamot. Baka hindi ko na abutan ang iyong pag-a-asawa,” nakangiti nitong sabi, umangat ng tingin at pinagmasdan nito a
Andrea “Ah, ‘yan pala si Jhen?” tanong ko sa ate Lucy ng hindi na nag-reply si Maxine sa 'kin. Bumalik ulit sa telebisyon ang atensyon ko. Nakangiting pinanood ko ito. Tumango ito. “Diba senyorita kasing ganda mo siya? Siguro ka height mo rin siya at magkasing katawan,” puno ng paghanga na wika ng ate Lucy para sa idol niyang artista. “Parang malabo po ang mata mo ate Lucy. Ang ganda-ganda po niya. Lalo na siguro sa personal lalo ‘yan maganda. Parang bata pa po ate Lucy, 'no? Para siyang eighteen lang," saad ko sa kaniya. “Twenty three na raw ‘yan sabi noong dating interview sa kanilang dalawa siya mismo ang nagsabi. Baby face lang talaga,” “Updated ate ah,” biro ko pa. Muli na lang akong nanood. Kaya lang napapangiwi ako sa walang katapusan na palakpak ni ate Lucy, kaya bigla akong bumungisngis at pabirong pinagsabihan ‘to. “Ate Lucy, nabibingi na po ako sa ginagawa mo. Parang gusto ko na lang bumalik sa k'warto,” “Ahehe sorry senyorita. Babawasan ko na lang ang boses
Andrea Alas-dos na ng hapon. Wala pa rin si Atlas. Naiinip naman akong mag-antay sa k'warto namin muli akong bumangon at ni off ang bukas na TV. Lumabas ulit ako't bumalik sa sala. Naabutan ko pa si ate Lucy roon sa sala ang lakas ng hagalpak ng tawa ni ate Lucy sa pinanonood niyang noontime show. Hindi pa pala tapos sa ganitong oras? O baka patapos na rin. Ang alam ko kasi hanggang 2:30 pm lang ang haba ng oras ng pinanonood ni ate Lucy na noontime show sa RMTV. Certified talagang artista fanatic si ate Lucy. Pero nakatutuwa rin naman sa kabila ng edad ni ate Lucy, kung kiligin sa mga genZ love team abot hanggang talampakan. Ang dami nitong kilalang artista ng RMTV. Mapa bagets at mga batikang artista halos kilala ni Ate Lucy. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa ako napapansin sa labis n'yang katuwaan sa pinanonood niya. May paghampas pa nga sa sofa kapag tatawa ito ng malakas. “Ate Lucy overacting ka po,” pang-aasar ko pa sa kaniya. Bumungisngis lang
Atlas Paul Trinidad? Bunsong anak ni Senator Alan Trinidad. Anim na taon ng hiwalay sa asawa nitong dating beauty international title holder. Thirty four years old. Car dealer ang business nito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Kapag nagsawa ay parang basahan na ididispatsa ang babae at ipapalit ang latest nagustuhan nito. Sa nakalap ni Balthazar na impormasyon. Binubugbog daw ang asawa kaya iniwan si Paul Trinidad. Nakulong daw ito dahil denemanda ng asawa. Ngunit wala pang dalawang buwan na abswelto si Paul at ang asawa nito ay sa province piniling manirahan. Last year lang may nagreklamong model dito kay Paul sa kasong pang-aabuso na katulad din sa kaso ng asawa nito. Ngunit binasura lang ang kaso dahil wala raw sapat nakuhang ebidensya ang nagsampa ng kaso. Bali-balita rin nasuhulan ang pamilya ng biktima upang manahimik. Dahil hindi lang isang beses itong nagkaroon ng kaso na ganito itong si Paul Trinidad. Pangatlong kaso ng pala same ang isinampa. Pang-aabuso ng
Atlas Napangiti ako ng tulyan akong makalabas ng condo. Kung hindi pa niya ako itinaboy. I had no intention of leaving yet. Kung p'wde ko lang siyang isama araw-araw kapag aalis ng bahay. I truly enjoy doing it. Subalit ito mismo ang unang tutol dahil nag-aaral pa at ayaw ng asawa ko na istorbohin ako sa trabaho ko. Nag-ring ang phone ko hinugot ko sa pants ko. Nang makita ko na si Balthazar ang tumatawag. Napakamot ako sa kilay ko. Naiinip na siguro dahil sabi ko within fifteen minutes nasa condo na niya ako. Kanina ko pa siya na text. Thirty minutes na ang nakalipas kaya tinawagan na ako. “Hello, patungo na ako riyan,” anang ko pigil ang tawa. “Ulol! Huhulaan ko, paalis ka pa lang Martinez. Dammit! Naiintindihan kong inlove ka masyado at hindi maiwan iwanan ang asawa mo. But I have an important matter to attend to at this moment, so please hurry up, Atlas Martinez.” “Antayin mo ako paalis na ako.” “What the heck. Totoo ngang paalis ka pa lang tarantado ka, Martinez. Kahit
Andrea Katatapos lang ng klase ko. Two hours lang ako ngayon kaya eleven ng umaga tapos na kami ng professor ko. Lumipas ulit ang isang araw naka survive naman ulit ako sa homeschooling kahit nasa time pa ako ng adjustment. “Bye po ma'am Sigrid. Ingat po sa biyahe,” “Salamat Mrs. Martinez, see you on monday,” tugon nito't kumaway din sa akin. Lunes hanggang huwebes lang kasi ang turo nito. Hindi kagaya sa normal class. Monday to Friday. Kapag homeschooling sa Immaculate University. Hanggang Thursday lang. Nang tuluyang makalabas ang professor ko. Bumalik ako sa sala upang iligpit ko ang laptop at iba ko pang gamit nakakalat sa ibabaw ng center table. Pinagsama sama ko lang ang notebook ko at pinasok muli sa backpack ko kasama ng laptop ko. Hindi ko muna inalis sa ibabaw ng center table. Mamaya pa kasi akong papasok sa k'warto dinadala ko iyon pagkatapos ng aking klase. Pero ngayon gusto ko munang tumambay rito sa sala. Kapag sa kwarto hilahin na naman ako ng tulog kapag nak
Andrea Sa pangatlong araw ko tambay sa condo. Magaan ang pakiramdam tuwing gumigising ako kinabukasan. Wala na si Atlas sa tabi ko kun'di ang amoy nito ang naiwan sa unan, kaya niyakap ko at inamoy amoy ko na lang iyon habang nakayakap sa unan na gamit ni Atlas. Gustong-gusto ito ng baby ko hindi ako nahihilo kapag inaamoy ko si Atlas. Hindi talaga ako pinayagan ni Atlas na pumasok sa Immaculate University. Mabilis nitong inayos kinabukasan ng walang kahirap-hirap na inilipat niya ako sa homeschooling program. Dahil din ayaw ko naman na mag-away pa kami kagaya noon na tatlong araw na walang kibuuan. Sinunod ko na lang si Atlas. Sabi ni daddy. Pakinggan ko ang asawa ko kasi alam ni Atlas ang ginagawa nito kaya magtiwala lang daw ako rito. Para din sa kapakanan ko ang iniisip ni Atlas. Ano pa edi oo na lang kaya ang ate Lucy. Tuwang-tuwa kasi araw-araw na raw siya may ka chismisan dahil kasama na niya ako. Hmp ang aga naman gumising ng asawa ko hindi ko lang namalayan umalis sa
Andrea “Nightmare?” He gave me a serious look, and I could see the fear in his eyes. “Kanina pa kita ginigising,” umiigting ang kaniyang panga habang nakatingin siya sa akin. Pinunasan nito ang pisngi ko basa pala talaga? Seryoso talaga nga umiyak ako pero panaginip lang iyon ang iyak ko ay totoo. Mariin akong napapikit. Akala ko totoo ang nangyari kanina. Parang totoo kasi katunayan masakit ngayon ang dibdib ko. Hinaplos ko iyon. Doon napunta ang mata ni Atlas at salubong ang kilay. “May masakit sa iyo, mmm?” puno ng pag-aalala ang boses nito. “Baby, maybe you need to rest; I'm worried about you.” Dali-dali akong lumingon sa paligid kung nasaan ako. Pagkatapos ay kinapa ko pa ang dibdib ko para i-check kong wala ba talaga akong tama ng bala. Nang wala akong makapa animo nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Umiiyak na pala ako ng tahimik dahil sa labis na galak kasi kasama ko pa si Atlas. Makikita ko pa ang daddy ko at higit sa lahat. Masisilayan ko pa ang mga anak namin ni Atlas
Andrea "H'wag mong ituloy ang balak mo please! Hindi pa huli ang lahat. May mga anak ka. Kahit mapatay mo ako ngayon. Hindi ka rin makaliligtas dahil hahabulin ka ng batas," puno ng pakiusap na wika ko sa kaniya. "Wala na akong pakialam kung saan ako pupulutin pagkatapos nito. Ang tanging mahalaga sa 'kin. Ang mabura ka sa mundo!" nanlilisik ang mata na sabi nito sa 'kin. Sandali akong pumikit namalisbis ang luha sa aking pisngi. Tatanggapin ko na lang ba na hanggang dito na lang ako? Ngunit hindi ako papayag. Magkakaanak na kami ni Atlas. Makababalik ako kay Atlas. Magkakaroon pa kami ng maraming anak. Humakbang ng isa si Olivia papalit sa 'kin ngunit hinayaan ko kasi hindi ako makakilos. Dammit! Kung aatras ako, sa bangin ang bagsak ko. Maari akong tumakbo ngunit anong laban ko sa baril na hawak ni Olivia. Susubukan ko pa rin siyang kausapin baka makinig. Dahil naniniwala ako kapag isang ina. Makaaalala sa anak nila. Baka ito ang magligtas sa 'kin. Hahayaan niya akong makauw
Andrea (Warning! Read at your own risk) “Okay na ba, besh?” mabilis akong nilapitan ni Vianca ng matapos kaming mag-usap ni Kier. "Woi!" Check pa nito ang kamay ko, braso ko, pisngi ko kung mayroon daw akong pasa dahil ipapupulis niya ulit si Kier. "Sigurado ka hindi ka ginawan ng masama ng supot na iyon?" nasamid ako sa sinabi nito. "Magsabi ka besh! Alam ko ikaw hangga't kaya mo itago pagtatakpan mo," sabi pa nito nag-aala. “Hoy," halakhak ko kinurot ko pa sa tagiliran niya kasi makulit talaga 'to. "Paano siya maka porma kung nakabantay si kuya Neil. Nakamasid sa 'min. Ikaw rin naka pamaywang pa at seryosong nakatingin sa 'min. Salamat bff palagi mo akong pinagtanggol kapag mayroon nang-aapi sa 'kin." “Aba mahirap na magkaroon ulit ng pasa ang palapulsuhan mo kun'di pakukulam ko na iyon!” gigil niyang sabi. “Pasaway ka. Wala, kasi mabait na siya at sana tuloy-tuloy na ganun si Kier. Para naman tanggapin na siya ni San Pedro,” pabiro kong saad sa bestfriend ko. “Halleluja