Brenda “Nag-order ka ng ganitong kadami pagkain?” tanong ko pagdating namin ni Kuya Cezar sa lamesa. Dinaig pa ang fiesta sa daming putaheng ulam nakahanda sa lamesa. Bigla tuloy akong natakam at nakaramdam ng gutom. "Sana ginising mo ako ng maaga. P'wede naman ako na lang ang magluto. Kahit paano may alam ako sa pagluluto," wika ko ulit kay Mattheus, kasi nasa isip ko gumastos pa si Mattheus. Hindi rin namin kayang ubusin. Mapipilitan ako mamaya buhayin ang refrigerator ni Tiya Alona, dahil dito. "Upo na, ang daldal mo,” sabi ni Mattheus sa ‘kin kaya kinasimangot ko. Bawal ba dumaldal? Bulong ko pa tinaasan lang nito ako ng kilay. Pero bawi naman din naman agad. Kasi pinauna nito ako pinaupo bago siya maupo sa silya katabi ko. Si Kuya Cezar, pagngisi-ngisi nauna pa umupo sa ‘min ni Mattheus. “Gusto ni boss na busog ka, Ms. Brenda. Ganiyan mag-alaga si, Sir Mattheus, kapag especial ang babae sa kaniya," wika ni Kuya Cezar hindi lang siya pinansin ni Sir Mattheus. Napanguso
Brenda Nang umalis si Kuya Cezar. Hindi rin ako nagtagal sa sala. Nag-umpisa na rin kasi si Mattheus matrabaho. Naligo na rin ako habang busy si Mattheus, sa harap ng laptop nito. Pagdaan ko nga sa sala maingat ang kilos ko ayaw ko kasi makaistorbo rito sa ginagawa nito. Nahihiya pa nga akong dumaan sa sala. Pumaling ng tingin muli rin naman binalik ang atensyon nito sa harapan ng laptop niya. Nagkunwari na lamang akong hindi siya napansin. Deresto at mabilis akong naglakad patungo sa kuwarto ko. Bago pa ako makapasok. Mayroon tumatawag sa phone ni Mattheus. Narinig ko pa malambing nito sinagot hindi ko lang nilingon. Saktong pagpasok ko sa k'warto ko. Nasa pinto pa ako ng maramdaman ko sumunod si Mattheus. Lumingon ako sa kaniya may kausap sa cellphone ngunit nakatingin siya sa ‘kin. Nataranta ako't inayos ko ang nakabalabal na tuwalya sa dibdib ko. Dahan-dahan niya akong pinasadahan ng tingin ni, Mattheus. Tila akong mauubusan ng hininga sa paninitig nito sa 'kin. Lentek na 'yan
Brenda “Dammit!” narinig kong nagmura si Mattheus sa labas ng pinto sabay kumatok ng malakas ngunit hindi ko iyon pinansin. “Brenda!” ani nito halatang galit hinayaan ko lang at siniguro kong maayos iyon naka lock ang pinto ng silid ko at itinuloy na ang pagbibihis. Para akong shunga nakangiti habang ako'y nagsusuot ng damit. Paanong hindi ako masaya. Hindi na gaanong masungit si Mattheus. Nabibiro ko na ang seryoso kong amo. Kahit na minsan hindi ko gusto ang naka o-offend nitong salita ngunit hindi maipagkakaila may care ito sa ‘kin hindi lang maipakita ng binata. Pasaan ba’t mahuhulog din si Mattheus sa mga kamay ko at makalilimutan din niya ang ex-girlfriend ika nga kapag may tiyaga tagumpay ang bunga. Pero paano kung hindi? Tumutol ang isip ko. Iibig si Mattheus sa ‘kin hindi ako nawawalan ng pag-asa. Always positive ako. Bawal akong nega kahit isunuko ko na ang iniingatan puri sa boss ko. Nang matapos akong magbihis. Nilapitan ko ang phone ko sa higaan ko. Nakita ko a
Brenda Bumalik kami ng ospital hapon na. Tinapos kasi ni Mattheus ang meeting kanina via zoom kaharap ng members of the board at Daddy nito. Hindi nito maiwan tulad ng sabi nito sa ‘kin sasaglit lang siya. Hindi nakatakas sa Daddy nito, nagyabang pa sa ‘kin tatapusin daw ng maaga at bahala na sa Dad nito ang meeting. Pero pagdating kay chairman hindi siya nakapalag. Dahil wala naman din akong gagawin. Nanatili ako sa silid ko hanggang hinila ako ng antok ko. Kung hindi pa sa malakas na pagkatok ni Mattheus sa k'warto ko. Baka hanggang umaga rin ako tulog pa. Ilang araw ba naman akong puyat kaya naipon talaga ngayon ang antok ko. “Naiinip ka na dito ano? Kaya pinabilis mo ang iskedyul ng bypass surgery ni Tiya Alona?” “Hindi gano'n, Brenda,” “Weh? Maniwala…Sabi ko naman sa ‘yo umuwi ka na lang ng Maynila. Gusto mo pang manatili rito, boss." Sinubukan kong pisilin ang ilong nito kung magrereklamo. Waah...sobrang saya ko ngumiti si Mattheus hindi nagalit. "Saya natin huh?"
Brenda Tahimik kami ni Mattheus hanggang makarating kami sa St. Luke's hospital. Si Kuya Cezar, pinauwi na niya. Tatawagan na lang daw nito kapag kailangan niya ang, Kuya Cezar. Mukhang magtatagal si Mattheus sa hospital, kasi pinauna na umuwi ang Kuya Cezar. Pagpasok namin ng St. Luke's. Parang artista si Sir Mattheus. Maraming napapalingon dito. Alam pala nito saang floor sila Tiya Alona at Tiya Agnes kaya mabilis kami nakarating sa kwarto para sa Tiya Alona. Nadatnan naming nag-uusap si Tiya Agnes at Tiya Alona. Natigil lamang mag-usap ang dalawa kong Tiyahin ng nararamdaman nila dumating kami ni Mattheus. May ingay pa rin kasi ang pinto, kahit mahina pang patulak ni Mattheus. Nag-hi ako sa lalaking nurse na kausap ko kanina sa airport. Naabutan pa kasi namin ito kinukuhanan ng blood pressure ang Tiya Alona. Alangan naman hindi ko ito batiin kasi wala akong nakikitang mali at magalang din naman akong nginitian. Itong si boss Mattheus lang talaga ang pakialamero. Kasi tum
Brenda “Ms. Brenda!” may tumawag sa ‘kin kaya lumingon ako upang hanapin kung sino. Nang mapunta ang mata ko sa pinto ng Jollibee. Napangiti ako ng makita ko si nurse Dean pala ang tumawag sa ‘kin. Sabi ko na parang kilala ko ang boses kasi ang bagong kakilala ko pala na si nurse Dean ang dumating. Hindi ko naman makawayan dahil may hawak ako sa kamay ko tango at ngiti na lang tugon ko rito. Nakangiting kinakawayan nito ako. Sumenyas kung tapos na akong umorder. Inirapan ko ito kasi ang obvious naman may laman na ang hawak kong tray. Nagkamot ito sa kilay animo nahihiya dahil sa aking pag-irap sa kaniya. Ngunit binawi ko rin ang pagsusuplada ko sa kaniya kasi tumango pa rin naman ako at iniangat ko pa ang hawak na tray upang ipakita tapos na ako. Natawa pa ako kasi napapitik ito sa daliri nito animo sinasabi na ‘sayang’ hindi niya ako naabutan pumunta rito. Nginuso ko ang p'westong kinaroroonan ng Tiya Agnes. Sumenyas ako pumunta na lang siya roon after n'yang makaorder. Iti
Brenda “Andiyan na pala si nurse Dean,” wika ni Tiya Alona kaya tumingin din ako kinawayan ko si Dean. “Ang g'wapo rin nitong si nurse Dean ano, Brenda? Kung bata pa ako at kasing edad mo. Akin na lang ang binatang ‘yan. Aba'y hindi pahuhuli sa boss mo kung kakisigan lang ang pag-uusapan.” “Ay sus naman Tiya Agnes. Ngayon ka pa po nagka crush kung kailan po tumanda na,” nakalabi ko sabi sa kaniya. Naningkit ang mata nito kaya nagtaas ako ng magkabila kong kamay upang ipakitang sumusuko ako. “Hehehe, Tiya Agnes. Joke lang po,” “Paano ako noon magka jowa wala naman guwapo noon sa panahon namin,” laban pa nito. “Sabihin mo po Tiya Agnes, wala po nanligaw sa inyo kaya gano'n.” “Aba't bastos kang bata ka ah,” aniya kaya napanguso ako. “Ang totoo niyan mayroon naman nanligaw sa ‘kin. Kaso lang iyan si Ate Alona ang aking problema. Sobrang man hater nadamay ako sa kabiguan niya noon kay Celso. Ayun wala na maglakas loob na umakyat ng ligaw sa ‘kin dahil pagsasaraduhan naman ng pinto n
Brenda Nang tuluyang makapasok si Dean sa entrance ng hospital walang imik na iniwan ko si Mattheus, upang pumasok na rin sa loob ng ospital. Naiinis ako rito dahil walang modo sa kaibigan ko. Naturingan edukadong tao ang bastos lang nitong amo ko. Walang pinipiling lugar sa pagiging bipolar nito. “Brenda!” tinawag ako ngunit hindi ko siya pinansin. Iiling-iling akong nagpatuloy lumakad. Ngunit hindi pa ako nakalalayo nahuli ako ni Mattheus sa palapulsuhan ko. Napasinghap ako ng hawakan ako ng madiin ang hawak nito. Mahigpit ‘yon lihim akong napadaing sa sakit ngunit hindi ko ipinakita rito nasasaktan ako. Baka nga bumakat pa ang daliri nito sa palapulsuhan ko kung saan niya ako mahigpit na hawak. Tila naman narinig nito ang aking pagdaing kaya naramdaman ko niluwagan nito ang paghawak sa ‘kin. Ngunit may higpit pa rin naman hindi pa rin ako makawala kung hindi nito ako binitiwan ng tuluyan. “Mattheus ano ba?! Papasok na ako sa loob ng ospital!” may babala sa tinig ko na wi
Brenda Akala ko nasa airport na sina Tita Anaren paglapag ng sinakyan naming eroplano sa NAIA kasi iyon ang sabi nito sa ‘kin. Aabangan nila kami ni Atlas para agad kami makauwi ng bahay niya. Nakatulog na si Atlas sa likot ng anak ko plakda ito nakayupyop sa balikat ko. Kaya ito karga ko na habang nag-aantay kami dumating ang Tita Anaren. Kasi sabi niya siya na lang susundo nakipag-unahan pa sa Daddy. Kaya ako'y natatawa na lang sa kanilang magkapatid. Nasa loob pa kami ng airport hindi muna ako lumabas hangga't wala pa si Tita Anaren. Kasi mainit katirikan ng araw alas-dos ba naman ng hapon masakit sa balat ang sinag ng araw. Sleeveless blouse pa naman ang suot ko ngayon. Hindi kaya ng init sa labas. Muli kong tinatawagan ang Tita Anaren. Lowbat yata kasi unattended ang sagot ng telephone operator. Pwede naman kami mag-taxi ni Atlas, kaya lang iniisip ko naman baka nagkasalisi kami ni Tita Anaren kasi hindi ko naman makontak. Nagpalakad lakad na lang muna ako sa loob n
Brenda Ang liit ng mundo ang taong palagi kong hinihingian ng tulong na si Tita Anaren, ay kapatid pala ng aking ama. Kaya pala hindi ako nahihiya magsabi ng problema rito kasi totoo ko pala siyang kamag-anak. “Tito Aristeo," sabi ko kasi hindi pa ako sanay tawagin siyang Daddy. Nakapaninibago naman talaga ang pangyayari kaya nag-a-adjust pa ako. “Tito? Anak nakatatampo naman. Ayaw mo bang tawagin akong Daddy?” ani nito parang nagtatampo. “Gustong-gusto po Daddy,” sabi ko malambing na yumakap sa kaniya. Napangiti ito pabiro akong kinurot sa pisngi ko. Bahagyang umatras si Daddy. “Magkakaapo na rin ako sa bunso ko,” sabi nito nakangiti tumingin sa malaki ko ng tiyan.” Si Tita Anaren. Kaya pala parehong magaan ang loob namin sa isa't isa dahil pamangkin ako ng Tita Anaren at Tatay ko si Aristeo Cornejo. Kada linggo nasa Catbalogan sila ni Tita Anaren para dalawin ako. Minsan ang dalawa kong Tiyahin na si Tiya Agnes at Tiya Alona ang dumadalaw sa ‘kin. Kahit nawala sa ‘k
Brenda Pagkalipas ng dalawang linggo. Kukunin ko na ang passport ko. Rush ang pagkuha ko kaya mabilis lang may passport na agad ako. Pagkatapos dadaan ako sa RDO para sa medical ko. Pagkadating ko roon isang magandang balita ang halos lumukso ako sa tuwa dahil umaapaw sa labis na kasiyahan ang dibdib ko. Isang himala nga dahil sa medical ko nakita ng doktor na buntis ako. “Pero dok! Nakunan po ako, one month na ang nakararaan,” saad ko pa rito kasi hindi ako makapaniwala. Pero sa puso ko walang pagsidlan ang aking kasiyahan may baby ako sa sinapupunan. “Para sure tayo magsasagawa tayo ng ultrasound,” sabi nito at itinuro sa ‘kin ang k'warto para sa ultrasound. May customer pa nga dalawa sinundan ko, pero ayos lang kasi gusto ko rin narito ang Tita Anaren, bago ako sumalang. “Dok, p'wede po antayin ko po ang Tita ko bago po ang ultrasound?” “Sure Ms. Polido. No worries,” mabait nitong tugon sa ‘kin. Buo kong pagmamahal na hinaplos ang maliit ko pang tiyan habang mag-isa
Brenda “Mommy…. faster po! Excited na po akong makita si Lolo at Lola,” apuradong boses ng anak ko ang nasa labas ng pinto sa kuwarto ko. May kasama pa iyon mga katok hindi lang kontento tinawag na niya ako gusto pang kalampagin ang pinto sa k’warto ko. Bumungisngis ako panigurado salubong na ang kilay nito same sa ama niyang masungit kapag naiinip. Napairap ako ng maalala ko si Mattheus. Hmp! Palagi kong nakikitang kasama niya ang Samanthang 'yon napaka playboy talaga. Pagkatapos kay doktora Neng-neng ako, tapos ito si Samantha ang kasama sa mga party akala niya hindi iyon nakararating sa 'kin. Lagi-lagi n'yang kasama pero hindi naman sinasabi sa madla kung anong real score nila ni Samantha. Hilig nito magpaasa sa babae kapag inlove na sa kaniya iiwan ng luhaan. Nagulat ako ng sunod-sunod ulit na katok ng anak ko sa labas ng pinto. Natampal ko ang noo ko halata nga naiinip na ang batang bibo. “Oh, c’mon, Mommy. Nasa airport na raw po si Lolo,” saad pa nito sa labas. Yes!
Mattheus Nagpaalam ako kay Ms. Anaren lalabas muna upang ipagamot ang labi ko. Napangiwi ako ng kumikirot iyon. Ngayon lang ako nasaktan ni Dad malala naman. Pumunta ako ng nurse station. Naga-agawan pa ang mga nurse upang gamutin lang ako pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko. Alam ko naman may idea na sila kung saan ko ito nakuha kasi maraming napadaan kanina ng malakas akong sinapak ni Daddy dahil sa nangyari kay Brenda. Nang matapos nila akong gamutin, nagpasya akong magtungo muna ako sa kotse ko kasi naiwan ko ang phone ko. Gusto kong kontakin si Matthias, upang puntahan muna nito ang RMTV. Fvck! May mga press pa rin at gusto akong ambush interview. ‘President, totoo po bang nakunan ang sekretarya n'yo at ikaw raw ang ama?’ Shit! Ang dami nilang tinatanong. ‘President kaano-ano ng sekretarya mo ang rival n'yong television. May nakakita kay President Cornejo, bumuhat sa sekretarya mo galing sa loob ng sasakyan mo. Umpisa na ba ito ng pagsasanib pwersa ng dalawang m
Mattheus Nakaalis na sila Mommy at Daddy roon pa rin akong nakatingin sa dinaanan nila kahit wala na sila sa paningin ko. I sighed. Even if the hope is not clear. I will do everything. Just for Brenda to come back to me. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya. Gagawin ko, ‘wag lang siyang mawala sa buhay ko. Nasanay na ako marinig ang boses niya. Hindi ko kaya tuluyan siyang lalayo sa ‘kin. Paulit-ulit akong hihingi ng ‘sorry’ sa kaniya mahalin niya lang ulit ako. Pagkalipas ng sampung minuto. Bumukas ang pinto ng delivery room. Mahimbing ang tulog si Brenda sa stretcher bed. Dalawang nurse ang nagtutulak sa kanahigaan niya. Agad kong nilapitan pinigilan ko ang dalawang nurse, gusto kong kasama ako magtutulak patungo sa k'warto niya. Ngunit natigilan ako ng magsalita si Ms. Anaren na kinalingon ko sa kaniya. “Ipagamot mo muna iyang putok mong labi at hayaan mo muna makapag pahinga si Brenda,” malamig ang boses na saad nito sa 'kin.. Napahilot ako sa batok ko. Fvck! S
Mattheus POV “Mattheus anak anong nangyari kay Brenda? Totoo ba itong nakarating na balita sa ‘min na dinugo siya dahil nagkasagutan kayo sa RMTV?” Dahan-dahan akong tumango. “Anak daming press sa labas. Gagawan namin ng paraan para walang lumabas sa nangyare. Kasi may third party na sinasabi.” “Dumating po kasi si Neng-neng,” Napatakip sa bibig niya si Mommy. Si Daddy napa 'tsk' alam kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. “Kaya ba ayaw mo na kay Brenda?” anang Mommy nakahawak sa noo niya. “Gusto ko siya,” “Eh, kung gano'n bakit nangyare ito kung gusto mo siya?" malamig na saad ni Dad sa 'kin. “Kasalanan ko po,” pag-amin ko. “Oh my God. Anak naman, bakit naman kasi padalos-dalos ka,” anang Mommy na may inis sa boses. Kahit sa pagkamot sa buhok niya galit din. Natigilan ito tila ngayon lang nakita sila Ms. Anaren at Mr. Cornejo. Nanlaki ang mata ni Mommy ng makita ang seryosong si Mr. Cornejo at Ms. Anaren. Hindi ko alam paano nag-krus ang landas nila ni Bren
Brenda "Hindi na po Kuya guard," anang ko at aalis na lang sana kaya lang nakalapit na si Mattheus na seryoso mukha. "Anong kailangan mo?” walang emosyon na tanong ni Mattheus. “Nandito ka rin lang naman sasabihin ko na. Wait lang pala,” wika ko at lumapit sa kaibigan ko. “Ayan. Is*ksak mo sa baga mo animal ka. Ayaw ko ng magkaroon kahit anong koneksyon sa ‘yo kaya ibabalik ko itong bigay mo. Oo nga pala. Kinuha ko ang susi sa loob ng bag ko. Nandoon sa taas ang passbook ko. Naiwan ko sa drawer. Hindi na ako papasok simula bukas—” “Hindi pwede!” malamig niyang sabi pagkatapos lumakad na upang bumalik sa kotse nito. Hinabol ko siya naabutan ko at hinawakan ko sa siya braso niya buti tumigil. Humarap sa 'kin tumingin ako sa mukha niya wala na ang Mattheus na dating puro lambing ang sinasabi sa 'kin. “Anong hindi p'wede?! Ayaw ko ng pumasok sa kompanya mo bakit hindi p'wede?!” “Dahil malaki pa ang utang mo. Kung babayaran mo lahat ngayon. Sige, malaya ka ng maghanap ng trabaho sa
Brenda “Besh, hello, ayos ka lang ba?” “Alam mo na?” “Si Nanay ang nagbalita sa 'kin. Kasi nagkasalisi lang kayo. Pagdating niya sa bahay ni Ma'am Anaren. Iyon ang usap-usapan ng mga kasambahay." “Wala na kami ni Mattheus,” “Weh? Legit ito?” “Oo bumalik na si doktora eh. Naabutan ko sila noong Sabado sa condo.” “Putrages na iyan! Nagawa niya iyan sa ‘yo!?” gigil na sabi ni Angela. Kung nakikita ko ito ngayon I'm sure galit na galit ang kaibigan ko. “Hey, okay lang ako, besh. Hindi naman talaga siya naging akin. Kaya hayaan na natin siya,” saad ko. “Pero mali pa rin eh! Sana kung bumalik na ang ex niya maagap na sinabi sa ‘yo. Naku kung hindi ko lang amo iyon. Bibingo sa ‘kin iyon.” Bumungisngis ako. “Salamat, besh. Love mo talaga ako.” “Of course para na kitang kapatid. Ang tanga ni President. May babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya pero binasura niya. Balang araw gagapang iyan sa lusak. Tingin ko na confused lang iyan sa pagdating ng ex. Kasi sabi-sabi dati.