Tanya's POVNagpaalam muna ako saglit sa mga kasamahan ko para magpunta saglit sa room namin.Tinungo na niya ang hallway papuntang hotel room kung saan sila naglagi. Bigla siyang napasigaw ng may biglang humila sa kanya."Sir Luke..." tanging nasabi niya. Hinila siya nito at mabilis silang pumasok sa isang VIP room ng hotel." Sir Luke anong ginagawa mo..." hindi ko na natapos ang gusto ko pang sasabihin, bigla nalang akong nilamukos ng halik habang isinandal sa pader." Fuck him, ba' ba siya laging dikit ng dikit sa iyo." agad nitong wika sa nairitang boses. Tama na naman siya naiinis na naman ito kay Jack." Sir Luke, mabait naman si engr.Jack besides asikaso nga niya ako kanina sa lunch eh." Iwan ba niya kung ano ang napasok sa utak niya para sabihin niya dito sa boss niya.Trip lang niya itong inisin. Dahil naiinis siya dito kanina na tuwang-tuwa habang kausap ang mga magaganda at sexy na mga babae.Insecurities hits me. Dinagdagan pa ang naudlot na ganap kagabi kaya pakiramdam n
Tanya's Pov Sa wakas natapos na din ang 3days seminar namin. Pagkatapos ng ganap doon sa room ni sir Luke, hindi siya nakahanap ng tiyempo na masarili niya ako dahil lagi akong sumasama sa mga kasamahan ko. Iniiwasan ko na din ang mapag-isa baka bigla na naman niya akong hilahin papunta sa room niya. Natatawa nalang ako dahil lagi ko siyang mahuhuling lihim na tumitingin sa akin sa kalagitnaan ng seminar. Malulukot ang mukha nito kapag makita niya kaming nagtatawanan ni Jack. Sa kabila ng pagbabawal niya naiwasan ko si Jack hindi ko parin siya sinusunod. Manigas siya, siya nga laging nakabuntot sa kanya iyong babaeng nangangalang Faith. Mabuti narin na hindi na nagtagpo ang landas namin ng babaeng iyon. Kinilig ako sa isiping may damit ako galing kay sir Luke. Wala kasing pagkakataon na masauli ko iyong shirt niya na sinuot ko sa araw na iyon. Angkinin ko nalang iyon para may mayakap ako sa gabi bago matulog.. hekhek..landi ko na talaga. " Hello po sir Luke..." panabay na
Luke's POV Dalawang linggo na hindi ko na kita si Tanya, pagkatapos ng ganap sa apartment ng dalaga. Dahil lumipad ako papuntang Italy dahil nagkaproblema ang isa naming kompanya doon na ako din ang namamahala. Bukod kay Larry na nag-iisa niyang kapatid ay wala ng ibang namamahala sa kumpanya nila. Tinutulungan lang siya minsan ng mga magulang niya kung hindi busy ang mga ito. Fuck! hindi ako to, pero napangiti ako sa tuwing naalala ko ang ginawa namin ni Tanya. Ginusto ko talagang ihatid siya hindi lang dahil kay Mang Lito kundi dahil gusto kong ingatan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mabaling ang atensyon sa anak ng driver namin. What a small world dahil nalaman ko rin na empleyado din pala siya sa construction firm namin isa sa malaking kumpanya kung saan ako namamahala. " Gamitin niyo nalang ang sasakyan ko Mang Lito, para hindi na kayo mahirapan magdala ng mga bibilhin niyo." wika ko kay Mang Lito kasalukuyan akong nagbabasa ng dokumento sa opisina ko.Nagpa-ala
Luke's POV Pagkatapos ng problema sa Italy agad akong umuwi ng pinas. Hindi ko alam pero may rason kung bakit excited akong umuwi, na dati hindi naman ganito ang pakiramdam ko. May hinabilin lang ako ni Mang Lito bago ako sumakay ng private plane namin patungong Cebu. Magsimula na ang seminar bukas kaya ang mga napipiling attendee's dito sa Manila na dapat Linggo palang nandoon na sila sa Cebu. Inalam ko pa sa secretary ko kung dumating na ba ang mga empleyado sa LS Construction-Manila, siyempre nandoon lang naman ang babaeng pinabikan kong makita. " Sir, kasalukuyan kumain ang grupo nila sa turo-turo." imporma ng tauhan ko. Nababaliw na yata ako dahil lingid sa kaalaman ni Tanya, nagawa ko ng magtalaga ng tauhan para sundan ang dalaga sa whereabouts nito lalo na dito sa Cebu. " Stay that place, I'm coming." sagot ko dito. Mabilis ko ng tinawagan ang driver at mga bodyguards ko para puntahan ang nasabing lugar kung saan kumakain ang grupo nila Tanya. " Sir,nandito na
Tanya's POV " Sir Luke,kanta ka din." halos panabay pa ang mga ito bukod kay Tanya na tahimik lang. Kaya naputol na naman ang pagbabalik-tanaw ko.Ano bang problema ng baby ko? H'wag niya sabihin na natamaan na siya kay engr. Muson" Ahm...I can't sing,okay na ako dito." natatawa kong sabi sabay pakita sa kanila ang hawak ko na can beer. " Ahmm...sir Luke pagbigyan mo na kami,birthday ko naman." sabad pa ni engr.Muson.Aba kanina ka pa namumuro sa akin ah.Lipat kaya kita ng ibang branch.Tumingin ako kay Tanya, inirapan lang niya ako. What's wrong this beautiful girl of mine. H'wag niyang sabihin na hanggang ngayon nainis parin siya dahil sa lagi ko siyang binibitin.Kung alam niya lang kung gaano ako nagtitimpi sa sarili ko na gawin sa kanya ang bagay na iyan. Daig ko pa tinorture ang sarili para hindi magawa sa kanya ang mga bagay na hindi pa dapat. She's a precious girl I ever had,kaya malaki ang respeto ko sa kanya. Iba siya sa lahat, siya iyong tipo ng babae na kailangan ingat
Tanya's POV Tahimik lang ako sa lugar na pinagdalhan sa amin ni sir Luke. Iwan ko kung anong trip niya tapos naman kami na kumain. Sa bar sana dito balak ng mga boys mag-inuman at hindi na ako sasama gawa ng medyo na trauma pa ako sa mga nangyari sa akin sa pambabastos ng Trevor na iyon. Ang ganda ng lugar sakop parin ito ng resort na pagmamay-ari ni sir Luke pero malayo lang ng kunti sa mga tao. Napa-irap ako ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin, masyadong naman yata siyang nagpahalata. Akala niya hindi ko nakita ang smack kiss nila dalawa ng babae na iyon. "Come here Tan, joined us." narining ko na sabi ni Jack sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at sabayan sila sa pagkanta. Sa subrang kasiyahan at kakiligan ng mga kasamahan ko, nakalimutan na yata nila na kasama namin si sir Luke ang boss namin. Baby, I will wait for you. If you think I'm fine it just ain't true. I really need you in my life. No matter what I have to do, I'll wait for you. Narinig
Luke's POV Narinig ko na kaarawan ng isang magaling namin na engineer na si Jack Muson. Iwan ko ba nagalingan naman ako sa kanya pero naiinis ako sa lalaking iyon. Yeah, I started to annoying to him ng maging malapit na sila ni Tanya my baby. Fuck! that man, laging dumidikit sa dalaga. Gustuhin ko nalang na ipa-destino siya sa ibang branch para hindi na sila magkasama ni Tanya. Nagkamali pa ako ng pagpili kay engineer Muson na aattend ng seminar. Akala ko masolo ko na si Tanya, na after ng seminar mabigyan kami ng pagkakataon na mailibot ko siya sa resort ko na kami lang dalawa. Nabigyan naman kami ng pagkataon ng minsan sinundan ko siya na papunta sa room nila kaya agad ko siyang hinila papunta sa room ko. Subrang nag-iinit ang ulo ko ng kasisimula ko palang biglang may kumatok sa pintuan ng room ko. Shit! si Faith dela Cruz one of my flings dati dito sa Cebu. Mas lalo akong nababanas ng pagkatapos ng nangyari sa kwarto ko hindi na kami nakapag-usap ng dalaga. I knew it, iniiwa
Tanya's POV" Kuhang-kuha ni sir Luke ang kilig ko teh, kuhang-kuha niya talaga." wika ni Sofie, nakatili pa ito habang ini-imagine ang pagkanta ni sir Luke kagabi.Namiss ko si Mich sa katauhan ni Sofie na patili din magsalita kapag kinikilig. Kumusta na kaya iyon? Naging busy kami sa isa't-isa noong mga nakaraan araw kaya hindi pa kami nagkachat." Ako din kinilig din ako, kaya ang swerte talaga ng maging girlfriend ni sir Luke halos na sa kanya lahat." sabad naman ni Natasha. Kasalukuyan pa kami naghintay sa flight namin pabalik ng Manila." Mayayaman at magaganda din siyempre ang maging girlfriend ni sir Luke. Sila-sila din lang naman iyan ang magkakilala." wika ulit ni Sofie.Napatda ako sa narinig, biglang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Sofie. Nasasaktan ako sa isipin na halos pareho kami ng naiisip. Ang isang Luke Sebastian ay para lang din sa katulad niya na mataas ang antas ng pamumuhay.Paano nalang kapag malaman nila na kami na ni sir Luke. Ngayon palang gusto ko ng mahi
Tanya's POV Napapikit ako ng magsimula ng amoy-amuyin ni Luke ang leeg ko. Ang init ng hininga niya na dumampi sa balat ng leeg ko. " I miss you, my wife...binitin mo ako kanina." paos nitong boses. Hinarap ko siya. Tinitigan ko iyong mga mata niya na una kong nagustuhan kay Luke. Mga matang nakikita ko na mahal na mahal ako. Pero bakit nagawa niyang paglihiman ako. Bakit... nakayanan nito na makipag business partner kay Carlen. Hindi ba niya iniisip na masasaktan ako kapag malaman ko? Bakit ganun nalang kadali sa kanya na saktan ako? Ganito ba talaga siya magmahal? " Hey...why are you crying,my wife?" tanong niya. Umiiyak na pala ako na hindi ko namalayan. Napaka emotional ko sa mga araw na ito. Nasasaktan kasi ako sa nalalaman ko na may nakaraan pala sila Luke at Carlen. " Are you still love her?" diretsong tanong ko sa kanya. Umalis ako sa harapan niya.Umupo ako sa kama.Bigla kasi akong nanghina. Nakapaghina ang araw na ito. Kanina lang masaya kami. Kanina la
Tanya's POV Hindi agad ako umakyat sa kwarto namin ni Luke. Bumulong pa siya sa akin kanina bago siya umakyat sa kwarto namin na bilisan ko daw kumain. If I know, mga galawan niya. Nakasimangot pa nga ito habang kumakain. Kaya mabilis lang siyang natapos. Wala daw siyang ganang kumain dahil sa stress. " Hi Tan, dito ka lang ba sa mansiyon in two weeks? " tanong ni Larry. Nandito kami ngayon tatlo nila Kate sa gilid ng swimming pool. Nagpapahangin muna kami. Madami akong nakain gawa ng paborito kong ulam ang pinaluto ni tita Letty. Nagkibit-balikat ako. " I don't know, balak ko sanang sa apartment muna ako. Pero hindi pa ako nagpa alam kay,Luke." sagot ko. " Bakit? parang wala sa mood kanina si kuya Luke,Tanya? Tahimik lang siya habang masaya naman tayong nagkwentuhan." singit naman ni Kate. " Masakit nga daw ang ulo niya." natatawang sabad naman ni Larry. Tumingin si Kate sa akin na may panunukso.Nagkatinginan kami sabay tumawa ng malakas. " Bakit hindi ka nalang d
Tanya's POV Nagkatinginan na kami ni Kate. Mapait akong ngumiti. Sinadya ba itong sabihin ni tita sa akin sa mismong harapan ko. The way she talk about Carlen, she's very proud like a mother. At ano iyong narinig ko sa kwento nito na pinsan sila Kate at Carlen. Mas lalo akong nanghina sa nalaman ko mula kay tita Letty. She has no idea, na hindi ko pa alam na may nakaraan pala sila Luke at Carlen. Ngayon ko lang din nalaman na magpinsan pala sila Kate at Carlen. " Ahm...tita, may kukunin lang sana akong mahalagang gamit na pinahiram ko kay,Tanya." singit ni Kate. Alam kong palusot lang niya ito para masolo ako. Dahil wala naman akong hiniram na gamit galing sa kanya. " Take your time ladies...by the way, magpaluto ako ng sinigang,iha. Luke told me, pareho kayo ng paboritong ulam." baling nito sa akin. " Ikaw,Kate... dito ka narin kakain para magkwentuhan pa tayo."pahabol pa nito sa amin.Bago kami tuluyang umalis sa living room. Salamat sa walang magawa ni tita Let
Tanya's POV Magkahawak kamay kami ni Luke na lumabas sa kanyang opisina. Habang tahimik lang si Larry na nakasunod sa amin. Bigla ko itong nilingon sa likuran ko. Ngumisi ang loko na parang aso. Kumaway pa ito sa akin. Mabilis nitong nilagay ang kamay sa bulsa. Muntikan pa akong natisod kung hindi pa ako nahawakan agad ni Luke. " Careful,Tanya. Huwag ka kasi lumingon kay Larry. Mas gwapo ako sa kanya." biro niya. Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kagabi naiinis ako kay Larry ngayon naman gusto ko laging tingnan ang mukha niya. " Gusto ko kasing tingnan ang mukha niya,Luke. Guwapong-gwapo ako kay Larry." diretso kong sabi. Napahagalpak naman ng tawa si Larry. Samantalang hindi na maayos ang hilatsa ng mukha ni Luke. " Fuck... Larry, mauna kana sa sasakyan." mabilis na wika ni Luke, na binalingan si Larry. " Masusunod kuya, wala akong kinalaman diyan,ah.Hindi ko na kasalanan na mas gwapo ako kaysa sa'yo,kuya." natatawang wika n
Tanya's POV Warning‼️ SPG Alert‼️ Napabuntong-hininga ako ng mabilis na nagpaalam na si Jack. Inakbayan agad ako ni Luke. " So, saan ang get together ninyo ni Jack. Sa two weeks suspension n'yo." nakangisi nitong baling sa akin. Sarap hambalusin nitong dala kong planner. Ganito siya makaselos wagas. Pero hindi niya iniintindi ang feelings ko. " Pahatid na kita sa mansiyon.Kasama ko si Larry, sa interview mamaya." wika nito na naka akbay pa sa akin. Mabuti nalang hindi sumunod si Carlen. Marunong din pala siyang lumugar. " Pwede naman sasama ako,kahit sa gilid lang ako..." hindi na niya ako pinatapos magsalita. Bigla na nitong pinutol ang ang sasabihin ko. " Hindi pwede iyan ang gusto mo,Tanya. Kilala ka na ng mga tao na fiancee' ko. Ayaw kong mabahiran ng negatibo ang pangalan mo." mahinahon nitong sabi. " Let me handle this..." Nasa loob na kami ng opisina niya. Wala na dito ang mga barkada niya. " Magresign ka nalang kaya,my wife. Alagaan mo nalang ako." na
Tanya's POV Hindi ko na inaantay na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Tinawag pa ako ni Larry,pero hindi ko na siya nilingon pa. Tiyak na iinisin lang naman ako ng lokong iyon. Nakayuko pa ang mga guard ng dumaan ako. Ito iyong malaking pagbabago ng buhay ko. Dating empleyado...ngayon fiancee' na ng CEO ng kumpanyang ito. Ngitian ko ang mga empleyado ni Luke. Ang kapal naman ng mukha ko,kung idamay ko pa sila sa init ng ulo ko. Pumasok ako sa elevator. May isang grupo na nagmamadaling pumasok din sa loob ng elevator na sinakyan ko. " Baka naman kasi, hindi talaga ka approved iyong design ng condominium na iyon. Ina aprubahan lang ng may-ari dahil may namagitan na pala sa kanila ng architect na iyon." mahabang wika ng isa. Talagang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Talagang sinagad ng mga tao sa paligid ko ang araw ko ngayon. Kalmahan mo lang Tanya Medrado... Huwag mong patulan ang mga iyan. Sa isip ko. Exhale and inhale ang ginawa ko sa loob. Kapag makarinig pa ako
Tanya's POV Maingat akong bumaba sa hagdanan para hindi ako makaagaw ng pansin. Madaling araw na pero gising ang diwa ko. " Tanya? What are you doing?" napakunot-noo na tanong ni Larry sa akin. Isa pa ito, wala man lang pakialam sa mga pangyayari. " Larry, pwede bang magpahatid sa'yo sa site?" agad na wika ko. Uminom muna ito ng tubig. Nagpunta muna kasi ako sa kusina para uminom ulit ng tubig.Balak ko sanang puntahan si kuya Edgar sa quarters nila. " Come on,Tan. Just stay here, wala din naman tayong magawa doon. Nangyari na, hindi na natin maibalik iyon." mahinahon nitong sabi. " Really? Hindi ko maintindihan, Larry. Bakit pakiramdam ko,parang wala lang sa inyo ang nangyari. Gumuho iyong part ng building.." " Yeah, gumuho iyong on going construction na building na ikaw iyong nag design." madiin nitong wika. " Diretsahin mo ako,Larry. You blame me?" tinuro ko pa ang sarili. " I don't. Bumalik ka na sa kwarto n'yo,Tan.H'wag munang dagdagan ang problema ni kuya Luk
Tanya's POV Hindi pumayag si Luke sa gusto ng mommy niya na for the girls only ang pag pa spa namin. Talagang pinagpilitan niya din ang gusto niya. Naghahanap pa ito ng kakampi sa katauhan ni Larry at daddy niya. " No,mom...kailangan ako ng asawa ko." sabi pa nito. Hindi ko alam kung matuwa ba ako sa subrang sweet nito sa akin. O wala lang talaga itong magawa sa buhay kaya gusto nitong bantayan ako. Napailing nalang si tita Letty. Napakamot nalang din sa ulo sila Larry at ang daddy nito. Matigaya naman silang naghinhintay sa amin. Pabor pa nga sa mga staff ng nasabing luxurious spa na ito dahil libre ang tingin nila kanila Larry at Luke. Hindi naman pahuli si mister Sebastian na kahit sa edad na ito, makisig parin ito at makita mo talaga ang gandang lalaki nito sa kabataan pa nito. " Gusto mo bang, magpa massage narin,Luke? " tanong ko sa kanya. " No need, massage mo nalang ako mamaya,wife." sagot nito na kinindatan pa ako. Natawa nalang si Larry sa kalokohan ng kuya
Tanya's POV Maaga akong nagising, araw ng linggo kaya magsimba ako mamaya. Kasama ko na sa pagsimba ang pamilyang Sebastian. May mga adjustment na akong ginawa sa sarili ko.Tulad nalang ngayon, kailangan kong magising ng maaga dahil tutulong ako sa pagluluto ng almusal. Dahan-dahan akong bumangon.Dahan-dahan ko ding inalis ang bisig ni Luke, na mahigpit na nakapulupot sa bewang ko. " Where are you going,baby?" agad na tanong nito sa malamyos nitong boses. Kahit anong ingat ko, hindi parin ako nakaligtas kay Luke. Nagising lang naman ito ng inalis ko ang braso nito sa bewang ko. " Maligo na ako, I will cook for your breakfast,Luke." malambing kong wika. Mabilis nitong binuka ang dalawang mata nito. " Hey, you don't have to,baby. Sila manang Tasya na ang bahala sa breakfast natin. It's too early also." wika nito sa namamaos pa na boses. " Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko,Luke. You're will be my husband soon. Kaya gusto ko, tutulong ako sa pagprepare ng breakf