He planned to take it slow pero utos ng pagkakataon. Umalpas ng kusa ang kinikimkim na damdamin. Ilang sandaling natigilan lang si Eli. Umawang ang bibig, napatingin sa kawalan, at nang tila makabawi sa kabiglaan ay saka nakuhang magsalita."Huwag mo akong biruin ng ganyan." Gumuhit ang yamot sa mukha nito. Tumalikod at mabilis ang mga hakbang na naglakad palayo sa kanya.Shit!Nasimulan na rin lang, itutuloy na niya. Hinabol niya ito."Eli!"Parang binging nagpatuloy lang ang dalaga. Mas lalong nilakihan ang mga hakbang."Eli, please."Sinubukan niyang pigilan ang kamay nito pero iwinaksi nito ang braso niya. Patakbo itong pumanhik ng bahay at nagtuluy-tuloy sa hagdanan."Let's talk. Huwag mo akong iwasan."Mahigpit niya na itong pigil-pigil sa pupulsuhan pero nagpumiglas ito hanggang sa tuluyan makakalas sa kanya. Nagmamadali itong makaakyat sa itaas nang nakasunod siya. Mas mabuti na ring sa itaas sila mag-usap."Hear me out, Eli, for God's sake!" mahina ngunit mariin niyang pakius
Kanina pa siya nakatingin sa bintana ng silid ni Eli. Babalik siya ng Maynila nang ‘di man lang ito nakakausap. Gusto niya itong katukin, gusto niyang magpaalam pero pinipigilan niya ang impulse na gawin iyon. Babalik siya ng Maynila nang mabigat ang pakiramdam. Masilayan man lang niya sana ang mukha ni Eli, gagaang na sana ang kalooban."Just let her be muna. Baka masyado lang siyang nabigla. Ikaw kasi, itinodo mo kaagad."Siguro nga masyado siyang nagpadalos-dalos. Masyado siyang naging mapusok."Aud, ikaw na muna ang bahala sa kanya, ha?""Trust me, babantayan ko siya for you. So, anong plano mo ngayon?"Kagabi pa niya inisip ang mga hakbang na gagawin. "Kakausapin ang mga magulang natin. I'm gonna make everything right."Pinapangako niya, gagawin niya ang lahat, tatapangan ang sarili at haharapin ang mga magulang at ipagtatapat ang totoo."I'm so proud of you, alam mo ba ‘yon?"Mahigpit siyang niyakap ng nakatatandang kapatid. Mabuti na lang talaga at nasa tabi niya ang kapatid. M
"Si Margaux, umuwi na?"Buong-buong narinig ni Elisa ang sinabing iyon ni Audrey. Nasa gawing likuran lang naman siya nito, binalikan niya si Audrey para tanungin kung ano ang ihahanda niya sa hapunan."Kailan siya bumalik?"Bago pa man mamalayan ni Audrey na narinig niya ang lahat ay tahimik siyang umalis sa kinatatayuan at umakyat muli sa itaas.'Bumalik ka na rin sa wakas, Margaux.'Nakapag-isip na rin siguro.Dapat masaya siya pero hindi niya makuhang makaramdam ng kasiyahan. Nadudurog ang puso niya isipin pa lang na matutuloy na rin sa wakas ang kasal nit okay Lorenzo.Tama lang ang ginawa niya na hindi nagpadala sa bugso ng damdamin dahil madedehado siya sa bandang huli.Ah, siguro dapat na siyang umalis sa bahay na ito. Ano pa ba ang silbi na manatili siya rito?Hindi na siya kailangang protektahan ni Lorenzo. Kasabay ng pagbabalik ni Margaux, nasisigurado niyang burado na rin ang galit ni Sir Deo sa kanya. Makakauwi na rin siya sa kanila sa wakas.Sininop niya ang anumang gami
Nagulat ang lahat sa pagbabalik niya sa hacienda. Si Nana Belya, halos hindi matapos-tapos ang pagyakap sa kanya. Pero higit na masaya ay si Margaux. Habang yakap niya ito, at ramdam kung gaano siya nito na-miss, dinudurog naman ng kunsensya ang puso niya. "Saan ka ba nagsususuot no'ng umalis ka rito?" Simula kaninang dumating siya, panay na kaagad ang interrogation ni Margaux sa kanya. Gusto niya sanang magpahinga muna. Pagod siya mula sa mahabang biyahe. Mula sa Bulacan, ilang sakayan din ang ginawa niya. Nakakapagod. Higit sa lahat, pagod na pagod ang puso niya. Sa barko, habang nakatanaw sa dagat, pakiramdam niya, ang labo ng lahat para sa kanya. Kinumbinse niya lang ang sarili na magiging okay na lahat once nakabalik siya sa hacienda. But she felt so lost. Natutukso siyang sabihin kay Margaux ang totoo, ang lahat-lahat, nang mabawasan ang bigat sa dibdib, pero alam niyang hindi dapat. Kahit mabait ito, hindi pa rin niya hawak ang pag-iisip nito. "Sa isang kaibigan." “Sinong k
"She's got cancer."Cancer. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng doctor. Ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang narinig. Pakiramdam niya, sinubagn siya ng bomba na yumanig sa kanyang buong pagkatao."She's too alive to have cancer," si Margaux na kagaya niya ay natigagal sa sinabing iyon ng doctor. "Kailan pa :to, Doc?""She started coming for treatment months ago. Nakaramdam siya ng mga sintomas. Panghihina, pantal sa balat at the time, I suggested na pumunta siya ng Maynila for further tests. Ginawa nga niya. She sought for second opinion, the tests yielded the same results. I recommended for her to have chemotheraphy but she refused. Sabi niya, ibubuhos na lang daw niya ang nalalabi niyang panahon na mabuhay nang normal at masaya. So she had been prescribed with a pain reliever, instead. Unless the patient agrees we can only do so much as physicians.""She never told us, Doc. Basta bigla na lang siyang nawawala at may pupuntahan daw dito sa Bacolod. I nev
And so, Lorenzo stayed with Eli everyday. Walang araw na lumipas na wala ito sa tabi niya. Pansamantala daw itong naka-leave sa opisina para maibuhos sa kanya ang buo nitong atensyon. Konting kibot ay naroroon na ito lagi. Pinaparamdam kung gaano siya nito kamahal. He never failed to make her feel loved and valued. Araw-araw din ay may mga bulaklak at mga masasayang notes. Minsan pa nga ay nagsuot ito ng mascot at kikengkoy-kengkoy sa harapan niya.Napahalakhak nga siya ng husto nito. Pero iba ang araw na ito.Walang Lorenzo na dumating. Panay tuloy ang pagtitig niya sa gawing pintuan. Her heart silently hoped that any minute now, his smiling face would show.Nagsasawa ka na kaya?May kirot na dulot iyon sa kanyang puso. Well, he deserves a healthier woman. ‘Di gaya niya. Nakabaon na ang isang paa sa hukay."Sigurado ka bang sa bahay ka uuwi?" si Margaux habang katulong si Nanay Belya na inayos ang mga gamit niya."Bakit, ayaw mo na ba ako sa inyo?"Katabi na niya ito at kasalukuyang
Intimate at solemn ang naging kasal nila nina Lorenzo at Elisa. Sa mismong Hacienda Helenita ginanap ang pag-iisang dibdib nila. Para saan pa at naging interior decorator at florist si Audrey kung hindi nagmukhang mas enchanting ang paligid. Syempre, si Caleb ang ring bearer at si Margaux ang maid of honor. "Ang ganda-ganda mo, Eli," si Margaux na inayos pa ang wreath na nakapatong sa kanyang ulo. “You look exquisite.” "Oo nga, anak." Maluha-luhang nakatitig sa kanya si Nanay Belya. Inabot nito ang kamay niya at ginagap. "Nakangiti ngayon ang Nanay mo mula sa langit." Kung sana, nakikita ng nanay niya ang nangyayari sa kanya ngayon. "Nanay, masisira ang make up ni Eli niyan," pabirong saway ni Margaux sa matanda. Naiiyak pa ring bumitaw ang matanda sa kamay niya. Minsan pa ay pinasadahan niya ng tingin ang repleksyon sa salamin. She saw a beautiful bride in the mirror. Lahat naman yata ng bride, ang siyang pinakamagandang babae sa araw ng kasal niya. Ang ganda lang din kasi ng we
Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an