Dahlia’s POV
Nang makauwi ako sa mansion ay agad akong pumasok sa kwarto ng kambal ngunit nabigo akong kausapin sila dahil tulog na tulog na ang mga ito. Napabuntong hininga ako dahil doon. Dahan-dahan ang aking paglakad papalit sa kanila para hindi sila magising pa.
Nang makalapit ako ay agad akong umupo sa tabi nila. Napangiti ako dahil mahimbing na mahimbing ang kanilang pagtulog, humihilikpa nga si Matthew. Hinalikan ko sila sa kanilang noo ng marahan.
Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kanila ang lahat, iyong hindi sila masasaktan. Kaya ko bang sabihin sa kanila ang totoo o magsisinungaling na naman. Ayaw kong masaktan ulit sila dahil hindi ko sa kanila sinabi ang lahat pero may mga bagay nga talagang hindi dapat sa kanilang talakayin pa. They were so young and innocen
Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap ang party. Back to normal na rin kaming mag-iina. Napangiti ako nang maalalang nag-absent pa ako noon dahil gusto ng kambal na pumunta sa Echanted Kingdom para raw makapag-bonding kami. Hindi namin sinama si Mary dahil may date sila ni John, tanging kami lang ng kambal ang namasyal. Kung tatanungin kung nasaan si Prince Tristan, umuwi muna ito sa Spain dahil may emergency raw sa palasyo nila. Hindi ko na inalam dahil nagmamadali rin itong nagpaalam sa akin. Nakakalungkot nga dahil hindi man lang siya nakasama sa pamamasyal sa E.K. plano pa naman namin ito noong nasa Spain pa lang kami pero may next time pa namin siguro pagbalik na lamang niya, babalik ulit kami sa Enchanted Kingdom.Kasalukuyan akong nasa office at nagtitipa sa aking laptop. Marami pa kasi akong dapat trabahuin at i-review. I have different brands around the world at kailangan kong review-hi
Tuluyan na ngang na-terminate si Lilac dahil sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko alam na marami pa pala siyang masamang ginawa rito sa kompaniya. She even made the employees here a slave kagaya ng ginawa niya sa akin noon. Hindi na nga talaga ito magbabago, napailing ako sa aking sarili.I am here at my office pinaghahandaan ang pagpunta ko sa kompaniya ng mga Monte Cristo. I have meeting there with Travis at na-e-excite na ako na makita ang kaawa-awa niyang mukha. Yes, he is the father of my twins pero it doesn’t mean na magiging okay kaming dalawa. I am civil kapag nariyan ang kambal ngunit kapag kaming dalawa na lang ibang usapan na iyon.Napalingon ako sa telepono kong tumutunog, it was John kaya agad ko itong sinagot.“Narito na ako sa kompaniya ng mga Monte Cristo, I already talk to
“Ms. Sofia, may naghahanap po sa inyo,” saad ng aking assistant sa akin.“Let him or her in,” saad ko sa intercom at nagsimula ulit magtrabaho. Marami kasi akong tatapusing mga papeles ngayon. Ilang araw na ang nakalipas simula noong pumunta ako sa kompaniya ng mga Monte Cristo. Mabuti na lang at hindi na ako ginulo ni Travis pa. Maiinis lang ako sa kaniya.Napalingon ako nang bumukas ng aking pinto sa office. Ngingitian ko na sana ang pumasok na bumisita ngunit agad akong napasimangot dahil sa lalaking nakangiti sa harap ko. May dala-dala itong boquet of roses. Maganda na ang kaniyang postura kumpara noong makita ko siya sa kaniyang kompaniya.Napairap ako at hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako sa aking trabaho. Wala akong panahon sa kalokohan niya.
Travis POVNapangiti ako ng mapait nang makaalis ako sa opisina ni Dahlia. Agad akong pumasok sa aking kotse at napasandal sa manibela. Sobrang sakit marinig ang mga salitang binitawan niya kanina ngunit kailangan kong tanggapin iyon dahil mas masakit pa rin ang mga ginawa ko noon kaysa sa kaniya.Alam ko may plano siyang saktan ako kaya ng madali itong magbago ng isip. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil wala naman akong magagawa gusto kong makilala at makasama ang aking mga anak. Hindi ko mapigilang umiyak o maging emosyonal kapag ang mga anak ko na ang pinag-uusapan. Masakit para sa akin na tinago sila ni Dahlia ng mahabang panahon ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil sinaktan ko siya, naging masama akong asawa sa kaniya. Subalit lahat ng ginawa ko may rason. Hindi ko ginustong iwan siya, mahal na mahal ko siya sobra ngunit kailangan ako
Dahlia’s POV “Mommy, can we go to the mall?” tanong ni Mathilda sa akin at nag-pout. Wala akong masiyadong trabaho ngayong araw kaya hindi na ako pumasok sa kompaniya. Mag-wo-work from home na lamang siguro ako. Wala na akong balita kay Lilac, siguro ay umuwi na iyon sa Spain, good for her hindi siya belong dito. Pasalamat siya walang employee-ng kumakalat sa ginawa niya, kung ‘di bagsak na ang career ang kaniya. “Mommy,” tawag sa akin ni Matthew. “Ah sige, we will go to the mall and eat Jollibe there, want that?” tanong ko sa kanila. Masigla naman silang tumango at niyakap ako. “Thanks, mommy!”
Naka-receive ako ng text galing kay Travis na naroon na siya sa harap ng aming mansion ngunit pinagsawalang-bahala ko lamang ito. Bahala siyang maghintay riyan, narito pa ako sa kwarto at naliligo ang kambal naman ay naglalaro.Nag-ring ulit ang aking cellphone, tumatawag na ito ngunit hindi ko lamang pinnsin. Bahala siya riyan, alas tres ng usapan pupunta-punta ng alas dos. Naniwala naman agad sa akin na dapat alas dos ay narito na.Ngumiti ako at uminom ng wine. Marami pa akong gustong gawin kay Travis, na-e-excite na akong makitang nasasaktan siya. Simula pa lamang ngayon. May worst pa akong gagawin sa kaniya. Sunod naman ay si Emery, iyong bruha na iyon, hindi ko man lang nakikita. Natatakot sigurong makita ako, dapat lang na matakot siya ‘no.Tumunog naman ang aking telepono kaya nairita
“Daddy, gusto po ni Matthew, mag-baskteball! Marunong po ba kayong maglaro?” tanong ni Mathilda sa kaniyang ama. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse papunta sa mall. Nasa likod ang dalawang bata at nasa harapan kami ni Travis. Nasa driver’s seat siya at ako naman ay nasa passenger’s seat.“Oo naman baby, favorite ko ‘yong larong iyon,” ngiting sagot ni Travis sa kaniyang anak. Kita ko ang saya ng kanilang mga mukha, ngunit ako? Hindi ko alam. Tila ba wala akong nararamdaman ngayon, parang blanko lamang ang lahat. Tama ba ang ginagawa ko?“Okay ka lang?” tanong ni Travis sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.“O-oo okay lang ako, malapit na ba tayo?” tanong ko sa kaniya. Sinilip ko ang nasa labas at tiningnan kung nasa mall na ba kami.&nb
Simula noong pumunta kami sa mall ay parating nasa mansiyon na si Travis. Siya na rin ang nagbabantay minsan sa dalawa kung wala ako at si Mary. Hindi naman kasi puwedeng si Manang na ang magbabantay sa kanila dahil sabi ko nga, matanda na si manang hindi na niya kayang mag-alaga sa dalawang kong makukulit na anak.Hindi ako makapaniwalang natitiis kong makipag-usap kay Travis kahit si Mary ay hindi rin makapaniwala. Noong umuwi kami galing mall ay hinatid pa kami nito sa mansiyon. Advice ko nga noon sa kaniya na kami na lang ang maghahatid sa kaniya dahil wala naman siyang dalang kotse. Mahirap ang byahe kapag naka-commute ngunit hindi siya pumayag. Nang makarating kami mansiyon, nakita nga kami ni Mary na kasama si Travis. Tuwang-tuwa naman ang kambal na ikuwento ang ginawa namin sa mall.Bago nga kami natulog ay nag-usap muna kami ni Mary.