MABUTI na lamang at naging okay na ang lahat, hindi nakilala ng mga tao ang kapatid ni nanay dahil naka-hoodie ito na itim, usap-usapan naman sa media kung sino ito. Ang sabi nila someone who wanted to kill the new queen ngunit rin naman silang ebedinsiya para roon.Bumalik na ang lahat at ang project ko sa Pilipinas ay magsisimula bukas. Hindi ko pa nasasabi sa mga anak ko na kailangan naming pumunta roon in the meantime.“Mary, nakaimpake ka na ba? Bukas na ang alis natin,” saad ko sa kaniya. Simula noong insidente ay paarang mailap na ito sa akin. I don’t know why.“H-Ha? O-Opo mahal na prinsesa,” magalang na saad niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo dahil kita ko ang pagkailang niya sa akin.“May problema ba, Mary?” tanong ko sa kaniya. Napabuntong hininga ito sa akin at napailing.“Mukhang may problema ka, care to share?” tanong ko ulit sa kaniya.“Nahih
“Okay na ba ang lahat?” tanong ko kay Mary.“Si, Princess Sofia. Hinihintay na lang natin si Prince Tristan,” sagot ni Mary kaya ay napatango ako.Ang tagal naman ng lalaking iyon, sabi ko agahan niya ang pagpunta rito sa palasyo.“Mag-iingat kayo sa byahe, anak. Don’t forget to call me kapag nakarating na kayo sa Pilipinas. Ang mga habilin ko sa’yo huwag mong kakalimutan. If there’s a problem just beep me up, I’ll go to the Philippines, immediately.”Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Parang siyang si Nanay Lilet kung makahabilin naman ay parang hindi na kami magkikita.“Ate, alam mo na. Call me if you need help, kapag may ginawa sa iyong masama si Lilac hayaan mo ako na ang magpapatumba sa kaniya. I will miss you, ate!” naiiyak na saad ni Isabella at agad na niyakap ako ng mahigpit.Masaya ako dahil iiwan ko silang okay na ang lahat.“Mag-iingat din kayo, h
"Ladies and gentleman, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport and we are now taxiing to NAIA Terminal 3. Welcome to Manila! For your safety, please remain seated..."Napakurap-kurap ako nang marinig ang anunsyo ng Flight Attendant. Mukhang narito na kami sa Pilipinas. Muli akong nakaramdam ng kaba at pagkakilabot dahil naalala ko naman ang nakaraan. Napansin kong may maliit na kamay na nakayakap sa aking beywang kaya napangiti ako at napahangos ng maluwag. Mabuti na lang narito ang aking anak na nakakapagpakalma sa akin.Napatingin ako sa aking relo para alamin kung anong oras na, it was 10:00 am. Mukhang ang layo ng binyahe namin. Ilang taon din akong nanirahan sa Spain, ano kaya ang makikita kong pagbabago sa Pilipinas? May pagbabago nga ba? Napalingon ako sa mga nagsisilabasanag pasahero."Paunahin muna natin sila bago tayo lumabas. May bata rin kasi tayong dala," saad ko sa kasama ko. Tulog na tulog pa ang dalawang bata kaya hindi ko na muna s
"Grabe, Princess Sofia ang ganda ng mansion mo knowing na isang buwan mo pa lang ito pinatayo," namamanghang saad ni Mary sa akin. "Mary, huwag mo na akong tawaging princess, Sofia na lang dahil narito naman tayo sa Pilipinas at hindi na ako prinsesa rito, " saad ko sa kaniya na ikinatango niya. Narito na kasi kami sa mansiyon. Sobrang ganda nito at gara. Lahat ng mga furniture ay mamahalin para kang nasa palasyo lang. Napangiti ako nang maalala ko sina nanay at Isabella. Namimiss ko na agad sila."Wow! Mommy, I feel like I'm in Abuela's house," namamangha ring saad ni Mathilda. Nagising kasi ang kambal sa katabilan ni John at Tristan kaninang nasa byahe kami. Tristan is planning to invest doon sa company ng mga Monte Cristo. One of the investor kasi si John doon at gagamitin ko iyon para mas malaki ang share namin kaysa sa mga Monte Cristo. Well, hindi nila alam na may plano akong kunin lahat ng iyon, bali-balita kasi na papalugi na ang kompaniya nila. I don't know wh
Kanina pa ako nagtataka sa mga tao sa mansiyon. Kanina pa nila tinatanong kung anong oras ako uuwi mamaya. Usually kasi gabi na ako nauwi, mga alas syete ng gabi, depende kung marami ang tatrabahuin ko.“Aalis na ako, Mary. Ikaw na ang bahala sa kambal ah,” paalam ko kay Mary na ikinatango niya.“Anong oras ka uuwi, Sofia?” tanong niya sa akin.“Kanina pa kayo tanong ng tanong kung anong oras ako uuwi, sabi ngang alas syete pa,” naiirita kong saad sa kaniya. Kanina pa kasi, tanong ng tanong, paulit-ulit naman akong sumasagot. Una si John, sunod si Tristan, siya na naman ngayon. Anong kasing mayroon?“Wala naman. Oh, siya lumayas ka na baka ma-late ka pa sa meeting ninyo,” ani niya sa akin.“Okay, mag-iingat kayo rito, i-lock ang pinto palagi,” habilin ko pa sa kaniya.“Oo na po, nanay,” natatawang saad niya sa akin na ikinairap ko naman.“Nanay ka riyan!&rdq
Kasalukuyan akong nasa byahe papuntang mansion. Maaga sana akong pumunta sa bahay ngunit pinigilan naman ako ng aking kambal. Gusto raw nila ng Jolibee at mga toys, kung ano-ano ang pinapabili sa akin. Nagulat ako dahil hindi naman sila humihingi ng kung ano-anong bagay, ngayon lang kaya pinagbigyan ko na lang. Bumili na rin ako ng groceries namin para hindi na mamili si Manang Flor, ina ni Mary. I wonder kung nasabi na niya sa kaniyang ina na may jowa siya. Hindi naman siguro magagalit si Manang Flor, hindi ba?Habang pumipila ako sa cashier para magbayad ay agad na nahagip ng mata ko ang pamilyar na lalaki. Nakatingin ito sa akin at gulat na gulat. Hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Emery. Ang dating mayor sa lugar na ito. Balita ko isa na siyang Congressman sa lungsod.“Oh, iha narito ka pala? Kailan ka umuwi? Ang laki na ng pinagbago mo ah,” saad niya sa akin. Napangiti ako ng peke, kahit kailan hindi ko gusto ang pagtingin niya sa akin, parang may
Tawanan ang namayani sa loob ng aking mansyon. I am so happy that I am surrounded by the people that were truly love and accept me. Masaya ako dahil narito sila sa harap ako at kompleto kami. Namiss ko silang lahat, parte rin sila ng aking tagumpay dahil isa sila sa aking inspirasyon.“Kailan ka pala umuwi, Dahlia?” tanong ni Ate Loling sa akin.“Noong nakaraang araw pa, Ate Loling. Pasensiya na kayo kung hindi ko kayo nabisita sobrang busy rin kasi ako sa pag-aasikaso ng bahay at office ko,” saad ko sa kaniya.“Sobrang busy mo na talaga, Dahlia. Huwag mong kakalimutan ang sarili mo ah. Health is important than the career,” ani naman ni Ate Katring sa akin.“Wow, mahal! English iyon ah!” namamanghang saad ni Ate Loling sa kaniya kaya ay napahampas siya sa braso ng kasintahan.“Aba! Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag-english? Baka naaalala mo first honor ako noong elementary pa tayo,&rdqu
“Ano ang pag-uusapan natin, Ethan?” Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon, kitang-kita ko ang nagniningningang mga bituin sa langit at ang liwanag ng buwan. Napakaganda nito. “Uhmm…” Napalingon ako sa kaniya, halata sa kaniya ang kaba at di rin ito mapakali. I don’t know what’s wrong with him, kanina pa siya ganiyan. “Anong problema?” tanong ko sa kaniya. “Wala naman, I’m sorry…” Tinitigan lang niya ako kaya nakaramdam ako ng ilang. “May sasabihin ka ba talaga? Kung wala ay babalik na ako, Ethan. Baka hanapin tayo ng mga kaibigan natin,” saad ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim na para bang humuhugot ito ng lakas sa pamamagitan no’n. “Ang laki na ng pinagbago, Dahlia…” Napataas ako ng kilay sa kaniya at napailing. “Ako pa rin naman ito, Ethan. Ano ka ba?” natatawang saad ko sa kaniya ngunit tiningnan niya lang ako ng seryoso. “Alam ko, ikaw pa rin ang Dahlia-ng kaibigan ko noon, pero ang laki na ng pinagbago