Kanina pa ako nagtataka sa mga tao sa mansiyon. Kanina pa nila tinatanong kung anong oras ako uuwi mamaya. Usually kasi gabi na ako nauwi, mga alas syete ng gabi, depende kung marami ang tatrabahuin ko.
“Aalis na ako, Mary. Ikaw na ang bahala sa kambal ah,” paalam ko kay Mary na ikinatango niya.
“Anong oras ka uuwi, Sofia?” tanong niya sa akin.
“Kanina pa kayo tanong ng tanong kung anong oras ako uuwi, sabi ngang alas syete pa,” naiirita kong saad sa kaniya. Kanina pa kasi, tanong ng tanong, paulit-ulit naman akong sumasagot. Una si John, sunod si Tristan, siya na naman ngayon. Anong kasing mayroon?
“Wala naman. Oh, siya lumayas ka na baka ma-late ka pa sa meeting ninyo,” ani niya sa akin.
“Okay, mag-iingat kayo rito, i-lock ang pinto palagi,” habilin ko pa sa kaniya.
“Oo na po, nanay,” natatawang saad niya sa akin na ikinairap ko naman.
“Nanay ka riyan!&rdq
Kasalukuyan akong nasa byahe papuntang mansion. Maaga sana akong pumunta sa bahay ngunit pinigilan naman ako ng aking kambal. Gusto raw nila ng Jolibee at mga toys, kung ano-ano ang pinapabili sa akin. Nagulat ako dahil hindi naman sila humihingi ng kung ano-anong bagay, ngayon lang kaya pinagbigyan ko na lang. Bumili na rin ako ng groceries namin para hindi na mamili si Manang Flor, ina ni Mary. I wonder kung nasabi na niya sa kaniyang ina na may jowa siya. Hindi naman siguro magagalit si Manang Flor, hindi ba?Habang pumipila ako sa cashier para magbayad ay agad na nahagip ng mata ko ang pamilyar na lalaki. Nakatingin ito sa akin at gulat na gulat. Hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Emery. Ang dating mayor sa lugar na ito. Balita ko isa na siyang Congressman sa lungsod.“Oh, iha narito ka pala? Kailan ka umuwi? Ang laki na ng pinagbago mo ah,” saad niya sa akin. Napangiti ako ng peke, kahit kailan hindi ko gusto ang pagtingin niya sa akin, parang may
Tawanan ang namayani sa loob ng aking mansyon. I am so happy that I am surrounded by the people that were truly love and accept me. Masaya ako dahil narito sila sa harap ako at kompleto kami. Namiss ko silang lahat, parte rin sila ng aking tagumpay dahil isa sila sa aking inspirasyon.“Kailan ka pala umuwi, Dahlia?” tanong ni Ate Loling sa akin.“Noong nakaraang araw pa, Ate Loling. Pasensiya na kayo kung hindi ko kayo nabisita sobrang busy rin kasi ako sa pag-aasikaso ng bahay at office ko,” saad ko sa kaniya.“Sobrang busy mo na talaga, Dahlia. Huwag mong kakalimutan ang sarili mo ah. Health is important than the career,” ani naman ni Ate Katring sa akin.“Wow, mahal! English iyon ah!” namamanghang saad ni Ate Loling sa kaniya kaya ay napahampas siya sa braso ng kasintahan.“Aba! Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag-english? Baka naaalala mo first honor ako noong elementary pa tayo,&rdqu
“Ano ang pag-uusapan natin, Ethan?” Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon, kitang-kita ko ang nagniningningang mga bituin sa langit at ang liwanag ng buwan. Napakaganda nito. “Uhmm…” Napalingon ako sa kaniya, halata sa kaniya ang kaba at di rin ito mapakali. I don’t know what’s wrong with him, kanina pa siya ganiyan. “Anong problema?” tanong ko sa kaniya. “Wala naman, I’m sorry…” Tinitigan lang niya ako kaya nakaramdam ako ng ilang. “May sasabihin ka ba talaga? Kung wala ay babalik na ako, Ethan. Baka hanapin tayo ng mga kaibigan natin,” saad ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim na para bang humuhugot ito ng lakas sa pamamagitan no’n. “Ang laki na ng pinagbago, Dahlia…” Napataas ako ng kilay sa kaniya at napailing. “Ako pa rin naman ito, Ethan. Ano ka ba?” natatawang saad ko sa kaniya ngunit tiningnan niya lang ako ng seryoso. “Alam ko, ikaw pa rin ang Dahlia-ng kaibigan ko noon, pero ang laki na ng pinagbago
Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon, kasama ko ang kambal, si Mary, John at Tristan. Nag-re-request kasi itong mga chikiniting ko na mamasyal kami sa mall dahil na-bo-bored na raw sila sa mansion. Kay laki ng mansion ko tapos mabuburyo lang sila. May entertainment room, at theater room. Kompleto na roon sa mansion, talagang pinagawa ko iyan dahil mahilig sa laro si Matthew at si Mathilda naman mahilig manuod ng History and Discovery. Mukhang nagsawa na siguro roon kaya napagpasiyahan sigurong pumunta sa mall.“Dito lang kayo kay Tita Mary niyo ah, mommy will go to the C.R. muna,” saad ko sa aking kambal.“Yes, mommy! Behave lang kami rito,” sagot ni Matthew sa akin. Napatingin ako sa aking anak na babae. Siya kasi ang makulit dito, hindi mapalagay sa isang lugar.“Yes po, mommy. I’ll behave as well.”“Good, Mary ikaw na muna ang bahala sa kanila,” saad ko at mabilis na pumunta sa rest room. Nasa rest r
"Mommy..."Napalingon ako sa aking likuran, kita kong gising na pala ang aking anak na si Mathilda. Kasalukuyan kong inaasikaso ang mga papers ko sa office habang nakabantay sa kanila."Yes baby? Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling lamang ako ito sa akin."Mommy, can I ask you something?" Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi."Ano iyon, baby?"Nakayuko lamang ito sa akin at parang walang balak akong harapin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil doon. "Ano iyon, anak?" tanong ko ulit. Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito. Kita kong naiiyak na ito at patulo na ang kaniyang luha. Napakagat ako ng labi. "What's wrong? Sabihin mo kay mommy. Do you have a nightmare, again?" tanong ko sa kaniya. Umiling lamang ito sa akin. "Do we have a father, mommy? Kita ko po sa picture ang papa namin at kamukha po iyon ng mister sa mall," wika niya.Pagkagulat ang rumehistro sa aking mukha. Nanginig ang ak
Naghanda ng pa-welcome party si Ms. Strella sa amin. Nagulat nga ako dahil nag-abala pa siyang gumawa ng party, naisingit pa nito ito sa schedule niya kahit sobrang busy na namin.“You don’t need to worry, Ms. Sofia. Balak ko rin talaga magpa-welcome party sa inyong dalawa ni Ms. Lilac. Kayo ang main guest dito sa kompaniya dapat lang na gawin naming sa inyo ito. Nakakahiya naman kung wala,” saad ni Ms. Strella. We’re currently in her office, pinatawag niya kasi kami ni Lilac para sabihin na may party daw mamayang alas syete ng gabi para sa amin.“You don’t need to be plastic, Sofia. Alam ko namang gusto mo itong party eh, isa pa napaka-unprofessional din naman nila kung hindi nila tayo winelcome, remember isa tayo sa sikat na fashion designer sa mundo. They are really lucky,” mayabang na saad ni Aira sa akin na ikinangiwi ko.Seriously? In front of Ms. Strella talaga?“Tumahimik ka na lang Lilac kung wala k
Marami ang mga taong nagsisipasukan sa venue ng party. Kararating lang namin at kasalukuyan kaming nasa loob ng aking kotse. “Mommy, can we go now?” tanong ni Mathilda sa akin. “Papasukin muna natin ang mga tao sa loob anak, mamaya na tayo pumasok,” saad ko sa kaniya. “Mommy, marami bang mga foods at children doon sa party?” tanong pa niya sa akin. Si Matthew ang busy sa kaniyang tablet at naglalaro ng Roblox. “Maraming foods doon anak hindi ko lang alam kung may mga bata roon,” ngiti kong saad sa kaniya. “Matthew, kanina ka pa diyan sa tablet mong ‘yan baka masira na mga mata mo niyan ah,” sambit ko sa aking anak na lalaki. “Sorry po, mommy,” saad nito at agad na pinatay an
Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kambal ang rason kung bakit ako nagkaganoon. Hindi ko rin gustong mag-panic dahil hindi ko inaasahang nakita ko si Travis at Emery rito sa party. I should act tough dapat pero hindi ko alam kung bakit nanghina at natakot ako.“Okay ka lang ba, Sofia?” tanong ni Tristan sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa table namin. Hindi ko alam kung nasaan na sina Travis ngunit wala na akong pakialam sa kanila. Aalis na sana ako kanina para sundan ang kambal ngunit kinorner naman agad ako ni Ms. Strella. Ilang minuto na lamang daw ay i-me-mention na ang special guest which is kami ni Lilac.“Sobrang nasaktan ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin bigla na lamang akong nag-panic na baka kunin niya ang kambal,” problemadong saad ko sa kaniya.