CHAPTER 4
PHOEBE'S POV
Where am I? Anong nangyari? I could feel someone holding my hand and hugging me so tight.
Gising ako pero hindi ko maibuka ang aking mga mata para tignan kung sino itong yumayakap sa akin. Naririnig ko rin ang mabigat nitong paghinga na para bang kanina pa ito umiiyak at humihikbi.
"I love you. I love you. I love you. Please come back." Paulit-ulit nitong tanong at gustong-gusto kong sumagot at gumalaw para patahanin ito pero hindi ko magawa. For some reason, his voice felt so familiar at nananakit ang d****b ko habang pinapakinggan ang boses nito na may bahid ng sakit at paghihirap.
"Please, Love... I don't like this. Open your eyes. I'll be good. Please, baby."
Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko sa paa sa isipin na kapag naigalaw ko ito ay maigagalaw ko na rin ang buong katawan ko and I did! Kasabay ng pagbukas ng mata ko ay nakita ko si Keyden na naglalakad palayo kaya pinilit kong tumayo at humabol dito. Pilit kong inaabot ang kamay ng binata upang pigilan ito at pero nang mahawakan ko ito ay halos manghina ako sa itsura ni Keyden nang humarap ito sa akin.
Pulang-pula ang mga mata nito mula sa pag-iyak at ang laki ng ipinayat nito na para bang hindi nito naalagaan nang maayos ang katawan nito. What happened to him? Kitang-kita ang lungkot at paghihirap sa mata nito.
Gustuhin ko mang ibuka ang bibig ko ay para akong bumalik sa estado ko kanina na hindi maibuka ang bibig at hindi makagalaw.
"Why did you leave me? Please come back." Naiiyak nitong sabi. Ito nga ang kanina ko pang naririnig na umiiyak kanina.
Pero sino ang nag-iwan dito? Ako ba? Pero kung ako, bakit naman ito iiyak nang ganito kalala? Hindi ba dapat ay matuwa ito at nakalaya na ito sa akin?
Ang dami kong tanong pero unti-unti ay naglaho ang lalaking nasa harapan ko at pilit ko man itong hawakan ay hindi ko ito mapigilan.
"Wait! Keyden!"
NAGISING ako nang sobrang sakit ang aking katawan. Para akong nakipagbakbakan sa isang gyera pero kahit ganun ay sinubukan kong bumangon.
Ilang segundo akong natulala habang inaalala kung ano nga ba ang napaginipan ko. Pakiramdam ko ay may napaginipan akong mahalagang bagay pero kahit anong pilit ko ay hindi ko ito maalala pero napatigil ang pag-iisip ko nang mapansin ang paligid ko.
Una kong napansin ay hindi ako nakahiga sa kama ko. Hindi ito ang kwarto ko. Ano ba ang nangyari?
Bago ko pa maisip ang nangyari sa akin ay may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko at halos kapusin ako ng hininga nang makita kung sino iyon.
"K-Keyden." Bulalas ko nang bigla niya akong hilahin pahiga nang makitang gising na ako. Para pa nga itong nataranta kung hindi ako nagkakamali.
"Don't do that again." Bulong nito habang nakapalibot ang mga kamay sa aking bewang at nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg. Damang-dama ko naman ang init sa aking pisngi dahil sa ginagawa nito. Ito na naman ang epekto ni Keyden sa katawan ko. Alam kaya nito na sa tuwing hinawakan niya ako ay pakiramdam ko, safe ako?
"K-Keyden, ayos ka lang ba?" Tanong ko nang mapansin kong bumigat ang kaniyang paghinga. Bigla naman itong bumangon at matalim ang mata na tumingin sa akin.
"Ano nalang ang sasabihin ng magulang mo 'pag nalaman nila ang nangyari sa'yo kanina lang? Hindi ka ba nag-iisip? Kung masama ang pakiramdam mo, sana sinabihan mo ako para alam ko ang gagawin ko at hindi nalang ako magugulat na nakabulgta ka na." Sermon nito kaya napayuko nalang ako dahil sa hiya.
Ang tanga mo talaga, Phoebe. Tama naman ito pero hindi ko naman kasi in-expect na mawawalan ako ng malay kanina. I need to consult my doctor about this. Normally, ayos na ako after ko uminom ng gamot, eh.
"Magbihis ka." Bigla nitong sabi matapos ang ilang minutong katahimikan.
"H-huh?" Sige, tama yang ginagawa mo, Pheobe. Kumilos ka na!
"A-ano, sige magbibihis muna ako." Sabi ko nang mas tumalim ang tingin nito sa akin.
Tumayo na ako sa kama at akmang lalabas ng pinto nang biglang may kamay na humawak sa aking braso at hinatak ako pabalik. Namalayan ko nalang na nakayakap akong muli kay Keyden.
"Pinag-alala mo ako." Bulong nito tyaka mabilis na kumalas at pumasok sa banyo habang ako ay naiwang nakatigalgal sa nangyari. Si Keyden ba talaga iyon?
HINDI ko alam kung ano ang dapat kong suotin kaya simpleng crop-top at denim jeans ang aking suot na pinaresan ko ng rubber shoes. Naglagay na din ako ng manipis na kolorete sa mukha nang mapansin ko na ang putla kong tignan at hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking straight na buhok.
Agad na akong lumabas nang makitang presentable na akong tignan. Agad kong nakita si Keyden na nasa ibaba ng hagdan at halos maglaway ako sa itsura nito. Simpleng white tee-shirt lang naman ang suot nito at jeans pero sobrang gwapo nitong tignan.
Agad itong lumingon sa gawi ko nang marinig ang aking yabag at kung hindi ako nagkakamali ay para itong natigilan habang nakatitig sa akin. May mali ba sa itsura ko? Pangit ba ako? Nakakahiya ba itsura ko?
"A-Ano yun?" Tanong ko nang hanggang sa makababa ako ay nakatitig pa rin ito sa akin. Para naman itong nagising at nagmamadaling lumabas ng bahay kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman.
Hindi niya ako sinagot kaya hindi ko nalang pinilit dahil baka mabwisit pa ito sa akin at bigla nalang akong itulak palabas ng sasakyan. Mahirap na.
Tahimik lamang sa loob ng sasakyan kaya naisipan kong ilabas ang aking cellphone at earphone para magsound trip nalang habang nasa byahe. Mukha namang walang pakielam ang kasama ko kaya isinaksak ko na sa tenga ko ang earphone at namili ng kanta tyaka nilagay sa full volume. Nakasandal ako paharap sa bintana dahil naiilang ako kay Keyden. Ilang minuto na akong nakikinig sa kanta nang marinig ko ang boses ng binata kaya tinaggal ko ang earphone sa tenga ko.
"-ako." Natulala na lang ako habang iniisip kung anong sinabi nito. Nakakahiya! Ano kaya ang sinasabi nito? Kinakausap kaya niya ako? Alam ba niyang hindi ko siya naririnig? Shucks!
At dahil wala akong kaide-ideya sa kaniyang sinabi ay nagpilit ako ng tawa para hindi halatang hindi ko siya narinig. Kumunot naman ang noo nito at halatang hindi nagustuhan ang reaksyon ko kaya mas napakagat ako sa aking labi. Shit, ano ba kasi ang sinabi nito?!
"O-oo nga eh. Grabe talaga." Sabi ko para hindi ito makahalata pero umiling na lamang ito na para bang sinasabing alam niyang hindi ko siya narinig. Nakakahiya talaga! Tinago ko na lang ang earphones ko para sakaling may sasabihin ulit ito ay maayos ko nang marinig.
Napatingin ako sa paligid nang mapansin na tumigil ang sasakyan at halos takasan ako ng dugo nang makita na nasa ospital kami. Sa lahat ng lugar ay ospital ang pinakaayaw ko. Mula pagkabata ay nandito na ako kaya nang hinayaan akong makalabas ay ipinangako ko sa sarili na hindi na ako babalik dito pero dahil sa kondisyon ko ay wala akong nagawa kung hindi ang bumalik dito palagi para imonitor ang kondisyon ko.
"K-Keyden, bakit tayo nandito?" Kinakabahan kong tanong. Ayokong malaman niya ang kalagayan ko. Ayoko. Sigurado akong kaaawaan lang ako at ayoko nun. Hindi ako papayag.
"Kailangan natin magpacheck-up. Nang mahimatay ka kanina ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang nangyari sa'yo kaya kailangan mong magpatingin just to make sure na wala tayong dapat ipag-alala. Halika na." Sabi nito habang inaalis ang seatbelt na suot. Natataranta naman akong lumabas ng sasakyan at humarang sa dinaraanan niya para pigilan siyang makapasok. No, I won't let him know about my condition.
I planned to let him go after a year and then spend my remaining days alone near the sea. Iyon ang plano ko pero nararamdaman ko na hindi ko iyon magagawa kapag nalaman ni Keyden ang kondisyon ko.
"K-Keyden, wala lang 'yun! Ano ka ba. Tara na, umuwi na tayo." Sabi ko habang pilit siyang hinihila papunta sa sasakyan pero masyado itong malakas at madali lang nitong nakalas ang pagkakahawak ko.
"No. We need to check if you're okay. Ako ang mananagot sa magulang mo kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo." Sagot nito habang tuloy-tuloy na naglalakad sa parking lot ng ospital.
Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko siya mapapa-alis dito. Hindi niya pwedeng malaman ang kalagayan ko!
"Keyden! Gusto ko ng ice cream. Pwede ba tayong mag ice cream?" Tanong ko. Ang totoo ay hindi naman ako mahilig sa ice cream pero wala akong magagawa. Kailangan ko siyang mapigilan pumasok at ipatingin ang kalagayan ko kung hindi ay malalaman niya ang kondisyon ko.
Tinitigan niya naman ako na parang sinusuri kung talagang gusto ko ng ice cream kaya nag-inarte ako na natatakam. Umiling-iling naman ito bago ako hinila sa kamay papunta sa park na malapit lang sa ospital.
"Ayun oh!" Turo ko nang makakita ng stall na may nagbebenta ng ice cream. Agad kami roon lumapit at napanganga ako nang makita ang nagbebenta. Napaka-gwapo ng lalaki at ang aliwalas ng mukha dahil nakangiti agad ito pagkakita sa amin.
"Hi, ice cream?" Tanong nito nang makalapit kami.
Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Keyden, "No." Matalim ang mata nitong sagot tyaka ako hinila palayo roon pero hindi ako napapigil at hinila ko agad ang kamay ko dahil baka bumalik kami sa ospital. Hindi pwede!
"Ano ka ba naman Keyden! Gusto ko ng ice cream. Mukha naman malinis ang ice cream niya eh." Sabi ko habang nakasimangot.
"Ice cream ba talaga ang gusto mo? O yung nagbebenta ng tang'nang ice cream na 'yon?" Tanong nito habang magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay.
Anong problema nito?
"Gusto ko ng ice cream, Keyden." Madiin kong sagot.
"Sa iba nalang tayo bumili." Sabi nito habang naglalakad palayo.
"Pero wala nang nagbebentang iba! Tignan mo oh! Tara na roon." Sabi ko habang tinuturo ang paligid na kung hindi mga fishballs ang binebenta ay mga cotton candy at balloons naman tyaka nagsimulang bumalik kay kuyang ice cream na halatang pinapanood kami.
Nang makalapit ako ay ngumiti ito nang nanunukso sa akin. "LQ? Nagseselos ata ang nobyo mo sa akin." Natatawa nitong tudyo.
Natigilan naman ako. Si Keyden? Nagseselos? Mapait akong napangiti.
"Imposible."
-END OF CHAPTER 4-
CHAPTER 5PHOEBE'S POV"Keyden, sandali lang!" Habol ko rito. Kanina pa ito naglalakad at kanina pa ako panay ang sunod rito pero hindi ako makahabol-habol dahil napaka-laki ba naman ng biyas nito!Mukhang napansin nito na hinahabol ko na ang hininga ko kaya bahagya itong tumigil at tinignan ako nang masama. "Sino ba kasi ang nagsabi na sumunod ka sa akin?" Pagalit nitong tanong at sasagot sana ako rito nang maglabas ito ng panyo at marahang ipinunas iyon sa noo kong may pawis.Para akong natulala sa gwapo nitong mukha na napakalapit sa akin.Nananaginip pa ba ako?Nang matapos itong magpunas ay mukhang doon lang nito napansin ang pagkakalapit namin at bumakas ang gulat sa gwapo nitong mukha. Agad itong dumistansya sa akin at mahinang ibinato ang hawak na panyo sa mukha ko."Punasan mo ang pawis mo. Ako pa ang pinagpunas, kapal nito." pabulung-bulong niton
CHAPTER 6PHOEBE'S POVILANG araw na kaming hindi nagkikibuan ni Keyden hindi dahil sa umiiwas ako sa kaniya kung hindi dahil umiiwas siya sa akin. Mula noong umuwi kami galing sa parke ay parang nabalot kaming muli ng yelo. Walang nagtangkang magsalita o iopen-up ang tungkol sa sinabi ni Keyden. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig at hindi ako umasa dahil alam na alam ko sa sarili ko na mas hinigpitan ko ang kapit ko kay Keyden nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Akala ko ay may magbabago na sa samahan namin. Well, may nagbago nga pero imbis na mapalapit kami sa isa't isa ay parang mas lalong tumibay ang pader na humaharang sa amin. Para bang mas lumayo kami sa isa't isa dahil lang sa mga katagang sinabi nito noong isang araw at an
CHAPTER 7PHOEBE'S PParang may milyon-milyong kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko habang nakatingin sa papalayong kotse ng asawa ko. Umalis siya para pumunta sa iba. Para puntahan yung totoong mahal niya. Alam ko naman eh. Alam ko naman na hindi niya ako kailanman mamahalin dahil inialay na niya ang puso niya kay Charity. Sa bestfriend ko. Kaya dapat, imbes na umasa ako na baka pwede kaming dalawa ay umpisahan ko na dapat ang napagkasunduan namin na paglalapitin ko silang dalawa kahit alam ko na hindi na kailangan dahil halata naman na gusto nila ang isa't-isPumasok na ako sa loob ng bahay at kinuha ang aking cellphone. Tinext ko si Charity upang ipaalam na pupunta na sa kaniya si KeydenI think hindi ko na sila kailangan pang paglapitin. Halata naman na kahit wala akong gawin ay magiging sila pa rin. Pero kung wala naman pala akong gagawin ay bakit pumayag pa si Keyden na pakasalan ako kung gayong
CHAPTER 8 PHOEBE'S POV TULALA ako habang hinahalo ang aking gatas. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na nag-momol na kami. Akala ko ay babagsak na ang bataan kagabi pero habang hinuhubad ni Keyden ang damit ko ay bigla na lang siyang nakatulog at nakakahiya man aminin pero sumakit talaga ang puson ko. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko nang maalala ang pagkabitin ko kagabi. Hindi ako makapaniwala na halos murahin ko si Keyden dahil bigla na lamang itong nakatulog sa ibabaw ko nang akma na nitong huhubarin ang suot ko. Nawala ako sa pag-iisip nang may biglang naglapag ng kape sa aking harapan at umupo doon si Keyden at nagsimulang uminom nang kape nang hindi manlang ako tinitignan o binabati man lang. Ano pa nga bang aasahan ko? Alam ko na mangyayari itong pag-iwas muli sa akin ng asawa ko kapag nasa huwisyo na ulit siya. Hinayaan ko na lamang siya at s
CHAPTER 9 PHOEBE'S POV NAGISING ako nang madilim na sa labas at may kung sinong walang tigil ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang bagong ligong si Keyden at mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin dahil bakas ang iritasyon at pagkainip sa mukha nito pero nang makita ako ay bigla iyong nagliwanag sa isang iglap. Parang gusto ko na naman tuloy magtatalon at magtitili sa kilig. "Hey, sorry, did I wake you up?" Tanong nito pero halata naman na hindi ito sincere sa paghingi ng tawad. Tumango naman ako dahil nagising naman talaga ako dahil sa kaniya. Bigla naman itong ngumiti nang nakakaloko bago nagsalita ulit, "Good. Tara doon sa graden, ang daming stars, ang sarap panoorin." Yaya nito tyaka umalis nang hindi manlang hinihintay ang sagot ko kung payag ba akong sumama. 'Di manlang ako binigyan ng pagkakataong magpabebe diba? Ngunit ilang segundo lang ay bumalik na naman ito sa harapan ko na para bang may nakalimutang sabih
CHAPTER 10 PHOEBE'S POV ILANG ARAW na pero pakiramdam ko ay namumula parin ang pisngi ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa may pool. Matapos kasing sabihin ni Keyden ang mga salitang iyon ay bigla nalang akong tumakbo palayo sa kaniya at hindi na lumabas maghapon. Hindi rin kaming sabay kumain tulad ng dati dahil bumababa lang ako kapag alam kong wala na doon si Keyden at natutulog na. Ewan ko ba, ilang na ilang ako sa kaniya at the same time ay nahihiya din. Ngayon ay nagi-impake na ako ng mga damit dahil ngayon ang uwi namin ni Keyden sa aming bagong tayong bahay. Excited na akong makita ang disenyo nito at the same time ay kinakabahan dahil ngayon nalang ulit kami magkikita ng binata dahil sa loob ng natitirang tatlong araw namin dito ay wala akong ginawa kung hindi ang iwasan siya at mukhang nahalata naman iyon ni Keyden at lumayo nalang din. Pagkatapos kong magimpake ay agad ko iyong hinila palabas ng kwarto at ibinaba sa may sala. Agad binundol ng kaba ang
CHAPTER 11PHOEBE'S POVTAMA NGA ako ng iniisip habang papasok kami ng bahay. Mas maganda nga talaga sa loob. Simple lang pero napaka-elegante. Buhay na buhay ang loob dahil sa kulay ng pintura. Siguradong mas magkakaroon ng buhay ang bahay na 'to kapag nagkaanak na kami ni Keyden. Mapait akong napangiti. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip ko dahil first, hindi ako maaaring magbuntis dahil sa kalagayan ng puso ko. Ilalagay ko lang sa kapahamakan ang sarili ko at ang nasa sinapupunan ko kung nagkataon na may ibang mahal si Keyden at hindi ko sisirain ang buhay niya dahil lang sa nagkaroon siya ng anak sa akin. Hindi kami pwedeng magkaanak dahil maghihiwalay din kami."Grabe, parang masyadong malaki itong bahay para sa ating dalawa." Kumento ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Hindi ko naitago ang paghanga sa boses ko nang magsalita ako kaya hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang halakhak ni Keyden pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nito sa ak
CHAPTER 12PHOEBE'S POV NAKAKAILANG siguro ang tamang word para ma-idescribe ang sitwasyon namin ngayon. Nasa harap namin si Charity na napakalapad ng ngiti habang nakaupo kaming tatlo sa sofa. Magkatabi kami ni Keyden na kataka-takang masama ang bukas ng mukha habang nakatingin kay Charity. Para bang hindi ito masayang makita ang dalaga. Hindi ba dapat ay halos magtatalon ito sa tuwa dahil sa wakas ay nakita niya ulit ang babaeng mahal niya?"So, how's your honeymoon? Masaya ba?" Masiglang tanong ni Charity. Base sa tono ng boses nito ay para lamang itong kaibigan na excited na magpakwento sa mga nangyari sa amin ni Keyden pero alam kong sarkastiko iyon dahil sa talim ng kaniyang mata na ibinibigay sa akin. Para akong nahiya habang kaharap ang kaibigan ko. Pakiramdam ko ay trinaydor ko siya. Nangako akong ilalakad si Keyden kay Charity kahit na ba parang hindi na kailangan iyon dahil halata namang sila na dahil sa usapang narinig ko noon. Ang tanong, bakit parang
Epilogue -No Sequel KEYDEN'S POV DALAWANG ARAW na mula nang mawalan ng malay si Phoebe at sa awa ng panginoon ay nagising na ito pero ang kondisyon nito ay mas lumala. Sa dalawang araw na wala itong malay ay ilang beses na nawala sa akin si Phoebe pero ang sabi ng mga doktor ay lumalaban daw ito para mabuhay. Hindi parin ako pinapayagang pumasok sa ICU hanggang ngayon. Nakausap ko na ang ama ni Phoebe nang dumalaw ito sa ospital at nagkausap na din kami. Nasabi ko na dito ang plano kong sa ospital nalang kami magpakasal at pumayag naman ito. Hanggang ngayon ay hinihintay ko parin si Akihiro na bukas pa ang dating. Hindi na ako makapaghintay. Plano na namin na pagkatapos gamutin si Phoebe ay agad kaming magpapakasal. Though hindi ko alam ang gagawin nila para mangyari iyon ay pumayag nalang ako. Ang mahalaga mailigtas ang mag-ina ko. Nakahanda na ang lahat. Ang kasal namin, ang bahay namin. Siya nalang talaga ang kulang. "Sir?" Napatingin ako sa nurse nang tawagin nito ang atensyo
CHAPTER 25 KEYDEN'S POV PARANG GUSTO kong umiyak habang hinahagod ang likod ni Phoebe habang sumusuka ito. Pagkagising nito kanina ay bigla na lang itong tumakbo sa banyo at nagsuka. Buti nga at naalalayan ko ito papunta sa banyo kung hindi ay baka sa tiles ito magsusuka panigurado. Parang dinudurog ang puso ko habang walang tigil ito sa pagsusuka. I feel like my whole word shut down when I saw her coughing blood. Holyshit! Iyak nang iyak si Phoebe at halatang may masakit dito dahil sa higpit ng kapit nito sa gilid ng lababo at wala akong magawa kung hindi ang hagurin ang likod nito. I feel so useless, damn it! "Shh, I love you. I love you. You're gonna be okay, baby. You're gonna be okay." Paulit-ulit kong bulong habang tinutulungan ang asawa ko na punasan ang bibig niya pagkatapos magmumog. "Can you get me the towel please?" Nanghihina nitong bulong. Without a word ay lalabas na sana ako ng banyo para kunin ang towel sa may ka
CHAPTER 24 PHOEBE'S POV NAKATITIG AKO nang matiim kay Keyden habang abala ito sa pagbabalat ng mansanas para sa akin. Matapos ang nangyari kanina ay hindi na kami nagkibuan ulit. Ewan ko ba pero habang lumalapit siya sa akin, imbis na kasiyahan ay takot ang lumulukob sa akin. Takot sa pwedeng mangyari sa akin. Takot sa pwedeng mangyari kay Keyden. I'm scared. "I'm scared to death." Wala sa sarili kong naibulalas at natauhan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Keyden sa pisngi ko. Tinuyo pala nito ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo. "You won't die. Hindi mo ako iiwan. Hindi pwede. Bubuo tayo ng pamilya at tutuparin ko ang pangako ko sa'yo sa altar noon na pahahalagahan at mamahalin kita. Hayaan mo akong tuparin 'yun, Phoebe. Hayaan mo akong alagaan ka at ang magiging anak natin." Sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko. Right there and then, paran
CHAPTER 23 KEYDEN'S POV "I SAID I won't kill my baby!" Histeryang sigaw ni Phoebe nang dumating ang ama nito at sinabi dito ang balita ng doktor tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi ako nakisabat dahil maging ako ay ayaw kong mawala ang bata pero... May posibilidad na si Phoebe naman ang mawala sa akin kapag nagkataon. Mas hindi ko siguro kakayanin na mawala ang babaeng 'to sa'kin. Hindi pa ako nakakabawi. Kailangan kong bumawi pero paano ko gagawin 'yun kung galit ito sa akin? I never seen her so mad pero hindi ko naman siya masisisi. I was an asshole to her. A jerk. I can still remembered how she cried when she told me how much she regret loving me. Hindi ko na kayang makita siyang ganun. Ni isipin ang itsura niya nun ay hindi ko magawa dahil parang dinidikdik sa sakit ang puso ko. And it's all my fault. "Baby, you're not going to kill your child. You're just go
CHAPTER 22KEYDEN'S POVMAHIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Phoebe habang nakaupo ako sa silya sa tabi ng higaan nito. Ayokong bitawan ang kamay niya dahil pakiramdam ko... Pakiramdam ko sa pagkakataon na 'to mawawala na siya sa akin nang tuluyan. Ayoko. Hindi ako papayag.Halos mamatay ako sa kaba nang sabihin nung Andrei- na naalala kong siya pala yung nagbebenta ng ice cream malapit sa ospital na 'to- na wala na si Phoebe. Paulit-ulit akong nagdadasal at nagmamakaawa na bigyan pa ako ng pagkakataon na makausap at mahalin nang buo ang asawa ko.Mukhang dininig ng panginoon ang pakiusap ko dahil nang makarating ako sa ospital ay na revived nila si Phoebe matapos maging tuwid ang linya nito pero parang hindi ata kami titigilan ng problema.Ngayon ay nakikinig ako sa usapan ni Andrei at ng doktor ng asawa ko tungkol sa kondisyon niya. "We really need to perform a heart transplant right away but b
CHAPTER 21KEYDEN'S POV"HOW ARE you?" I immediately asked as I entered Charity's room. She immediately smiled at me but I can see another emotion in her eyes...Guilt."Hey, are you okay? Why are you looking at me like that? Something wrong? May masakit ba sa'yo? Tell me." I worriedly asked as I sat in the chair next to her bed. I think this is the only thing that I could do for her after all the pain that I've caused her. She deserve all the care and love she can hold. Charity is an amazing woman. If only I can just fall for her instead of my bitch of a wife."Keyden, I-I have-" Hindi pa natatapos ni Charity ang sinasabi nito nang biglang bumukas ang pinto at nang lingunin ko kung sino ang pumasok ay bigla nalang akong napatayo nang makita ang ama ni Phoebe. Bakas ang galit sa mukha nito at nang makalapit ito sa akin ay agad kong naramdaman ang kamao nitong tumama sa mukha ko.Narinig ko pa a
CHAPTER 20PHOEBE'S POVI WOULD NEVER forget the look on Keyden's face nang isugod namin sa ospital si Charity. Puno ng pagtataka at katanungan ang ekspresyon ng mukha nito at mas lalo akong naguilty kasabay ng pagbigat ng damdamin ko ay paninikip ng puso ko. Too much emotion is bad for me but I can't help it.Napatayo ako nang makita ko si Keyden na naglalakad nang nakayuko sa may hallway. Kitang-kita ang panlulumo nito base palang sa itsura nito. Kinausap nito ang doktor kanina para alamin ang kalagayan ni Charity habang ako ay nanatili sa upuan sa may hallway."Keyden, a-anong nangyari? Ayos lang ba siya? Oh god, is it bad?" Agad kong tanong. Nilulukob ng pag-aalala ang sistema ko pero mas lamang ang guilt dahil kung hindi sana ako pumatol ay hindi mangyayari ito. Ako ang may kasalanan kung bakit na-ospital si Charity.Napansin ko na nakatitig si Keyden sa akin nang matiim matapos kong magt
CHAPTER 19PHOEBE'S POVHINDI ko alam ang dapat sabihin habang magkaharap kami ni Charity. Masyadong matalim ang tingin nito sa akin. Naninisi. Nanunumbat. Umakyat ako kanina sa kwarto namin ni Keyden para sana makaiwas ngunit hindi ko inasahan na sinundan pala ako ni Charity."So, why did you came back? Para manira ulit ng buhay? Shame on you, Phoebe! Hindi ka pa ba nakuntento sa paninira mo sa aming dalawa ni Keyden noon?! Kunyari ka pang tutulungan mo kami pero may hidden agenda ka pala. I shouldn't have trusted you! Ngayon naman na unti-unti nang nabubuo ang mga sinira mo noon ay babalik ka nalang bigla? How dare you!" Sigaw nito sa akin at rinig na rinig sa bawat pagbigkas nito ng salita ang sakit at panunumbat sa akin. Puno ng galit ang mga mata nito habang nangingilid na ang mga luha.Dahil sa nakikita kong itsura ni Charity ay para akong nanghina. Hindi ako handa sa sakit na sumalakay sa akin dahil sa reak
CHAPTER 18PHOEBE'S POVONE MONTH. One month na akong naka-admit sa ospital na ito and day by day, I can feel that I'm getting worst. Araw-araw ay pahina nang pahina ang katawan ko. Sabi ng doktor ay kailangan daw magperform ng operation sa akin. Sa isang buwan na namamalagi ako sa ospital na 'to ay si Andrei at Dad lang ang kasama ko. Hindi ko sila pinayagang ipaalam kay Keyden ang kalagayan ko. Alam kong masaya na siya ngayon at ayoko nang manggulo pa.Agad akong ngumiti nang makita si Dad na pumaso sa kwarto ko. May ngiti din sa mga kaniyang mga labi pero bakas parin ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin."How are you feeling, baby?" Masuyo nitong tanong at agad naman akong ngumiti nang maluwang. "I'm fine, dad." Sagot ko naman agad pero hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha nito kaya napahinga nalang ako nang malalim. Alam na alam nitong hindi ako ayos. Never akong naging ayos sa araw-araw na