Ilang sandali lang, lumabas ito na may dalang dalawang malaking supot ng plastic. Anong binili niya? Ang dami naman ata!
Nang makarating sa kotse, dumeretso siya sa back seat at nilagay ang binili niya. Sinilip ko naman kung ano yun at namilog ang mga mata ko!
ICE CREAM?! Binilang ko kung ilang ice cream yun, 8pcs na ice cream?! Sobrang dami naman nito!
Meron ding mga chocolate bar at kung ano anong pagkain.
Oo nga pala, si Trishana ang gustong pasalubong ay ice cream, pero bakit ang dami naman niyang binili?!
Pagpasok niya sa kotse, humarap ako sa kanya at tinuro ang mga binili.
"Bakit ang daming ice cream niyan Travis? Pwede mo naman bilhan si Trishana ng isang maliit na ice cream. Bakit ang dami niyan? Puro one galloon pa."
Lumingon ito sakin at sa mga pinamili niya, nakakunot ang noo n
"Kuya are you okay?" Tanong ni Trish. "Yeah." Mahina nitong sagot. "Are you sure? Masakit ba ang ulo mo? Bakit ano bang pinag-usapan niyo nung isang board member?" Bumuntong hininga si Travis bago nagsalita. "Gusto nilang dalawa ang maging pang final na model para sa event. Gusto nilang si Mayell at Aaliyah ang maging model. Parehas daw sikat ang dalawa, pang-akit daw sa mga investor." Nagulat ako sa sinabi ni Travis. Gusto nilang dalawa kami ni Mayell na maging model? "What!? Bakit?! Ang ganda na ng naging desisyon natin diba? Bakit ngayon na nasa kalahati na tayo, doon sila umangal?" Inis na sabi ni Trish, hindi ako umiimik. "Dahil biglang dumating si Mayell kahapon, nalaman ng boardmembers yun at nagbago ang isip nila." Mahinang sabi ni Travis. Sumandal ito sa upuan at pumikit. "Anong nag
Aaliyah's pov. Natapos ang rehearsal ng maayos, walang naging problema. Bukas siguradong perfect na ang lahat at pwede nang hindi mag practice sa mga susunod na araw. Isang linggo na lang ang hinihintay para sa gaganaping event ng Dela Cerna Industry. Bumaba na ako sa likod ng mini stage. Sumalubong sakin si Trish na nakangiti. "Gosh, rehearsal pa lang 'to bes pero ang galing galing mo! Masyado mo namang ginalingan! Si kuya tuloy tutok na tutok sa panonood hihihi. Akala mo mawawala ka sa paningin niya 'e. Ayaw pa pa-istorbo! Yieeee, kinikilig talaga ako sa inyo bes! Lalo na kanina, ang sweet sweet niyong tingnan!" Grabe ang lakas ng boses ni Trish. Napatingin ako sa paligid, ang dami pang tao. Nahiya naman ako dahil yung ibang staff nakatingin samin, tapos ngumingiti ng makahulugan. Hinila ko na lang ang babaeng 'to para makaalis don.
Hindi ko pinansin ang ngisi niya. Lumapit ako ng konti kay Trish at mahinang nagsalita. 'Trish, bitaw ka muna,' 'Ha? bakit?' 'Basta.' 'Ano bang gagawin mo? Nako bes ah, baka pumayag ka sa gusto ng mga yan.' 'Ano ka ba? Hindi. Papakalmahin ko lang si Travis.' 'Ay, ganoon ba? Hihihi sige sige. Support kita here.' Nang bitawan ako ni Trish, lumapit ako kay Travis. Napatingin naman ito sakin. Kung kanina'y seryoso ang mukha nito, ngayon ay naging malumanay. Ngumiti ako sa kanya at dahan dahang humawak sa braso niya na ikinalaki ng mata nito. Hindi ko pinansin ang naging reaksyon ni Travis at tumingin ako sa dalawang board members. Nahagip ng tingin ko ang masamang tingin sakin ni Mayell. T
CHAPTER 17 Sana hindi ako nagkamali na bigyan ka ng second change Travis. Susugal ulit ako, susubukan ko ulit. Sana lang sa pagkakataon na 'to, 'wag mo muli sirain ang unti-unting tiwalang binibigay ko. Magiging marupok ulit ako, para kay Trishana. Para sa hinahangad na buo at masayang pamilya ng anak natin, ibababa ko ang pride ko. ******* Sa kabilang banda.. "Argh! Nakakainis! Walang kwenta na mga board members! Nalaman lang nilang asawa 'yun ni Travis natameme na! Mga duwag! Kayayabang hindi naman pala! Argh! Bwiset ka Alice Mendez! Sinira mo na naman ang plano ko! Ikaw talaga ang panira sa lahat! Akala mo ba titigil ako? Hindi! Sisiguraduhin kong makukuha ko sayo lahat! Panalo ka ngayon pero sa susunod, sisiguraduhi
Nakapamulsa ito habang nakatingin sakin. Ay mali masama pala ang tingin nito sakin! My gosh, bakit biglang sumusulpot ang kuya kong 'to? Ang bilis naman ng radar niya para mapuntahan agad si bes! At talagang narinig pa niya yun. Nako naman! "A-Ah a-ano—uhm, si a-ano—" "Tsk, deny mo pa, narinig ko naman." Masungit na sabi nito. Aba'y attitude na rin siya. Tsaka narinig naman pala niya tinanong pa ako. Naglakad na ito palapit kay bes. Nang makalapit siya, nanlaki ang mata ko ng halikan niya ito sa noo. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ng kaibigan ko, halatang hindi inaasahan ang ginawa ni kuya. Kahit ako hindi ko inaasahan na ganoon gagawin nito. Kakarating lang niya tapos lumapit kay bes tapos hinalikan na sa noo. Ay iba din ang moves ng kuya ko. Ewan ko lang talaga kung hindi bumigay si bes dito 'e, tsk tsk. "Aalis ako wife. May business meeting akong pupuntahan. Two days akong mawawala
Nang mawala na sa paningin namin si kuya, bumaling na ako kay bes at ngumiti ng malawak. "Finally! Makakapag sleep over na ako! Nakaalis na rin ang epal kong kapatid gosh." "Ikaw talaga Trish, grabe ka sa kuya mo." Malawak akong ngumiti dahil sa sinabi niya. "Yiee, pinagtatanggol mo ba siya? Yung totoo bes? Binigyan mo lang ba ng chance si kuya o kayo na ulit? Grabehan kasi at parang natural na lang. Bakit hindi mo na lang kaya sabihin sa kanya na kayo na ulit? Kaloka kasi 'e." "Sira! Katulad ng sinabi ko, hinahayaan ko siyang ipakita sakin na totoo lahat ng sinabi niya sakin. Kaso iba yung way ni Travis. At may agam agam pa rin ako, kaya hahayaan ko na lang muna na ganito." Sabagay, hindi madali ang nangyari sa kanya dati. "Sabagay. Let's go na nga, samahan mo ako sa
"D*mn it! Ano ang ibig sabihin nito!? Bakit nandoon si Mayell sa Cebu? Papaanong pumayag si kuya at—" Napatigil sa pagsasalita si Trish dahil biglang sumingit si Aaliyah na nakatulala pa rin sa TV. "Hindi pa ba obvious Trish? Sa pangalawang pagkakataon, niloko at pinagmukhang tanga na naman ako ng kapatid mo. At ako naman tong si t*nga nagpadala sa mga magaganda niyang salita, naniwala ako na mahal niya ako, pero mali, si Mayell pa rin pala." "Bes.." Naaawang tawag ni Trish sa kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon, nakita na naman niyang nasasaktan ito, at dahil na naman ito sa kuya niya. Litong lito siya. Bakit magkasama ang kapatid niya at ang ex nito? Bakit hindi siya nagtext sa kanila na ganoon pala? Ang daming tanong sa isipan niya. Sobra sobra siyang naguguluhan. Ano na naman ba ito? Matino pa ba ang isip ng kapatid niya? B
Gulat na gulat ito, hindi makapaniwala sa ginawang pag sampal sa kanya ni Trisha. Kahit si Aaliyah na wala sa sarili ay natauhan at nagulat. "H'wag na h'wag mong sasabihin na kinakampihan ko ang kapatid ko! Dahil hindi mo alam ang pakiramdam ko ngayon! Parehas silang mahalaga sakin! Kaya gusto kong malaman ang side ni kuya, paano kung isang pagkakamali lang pala ang nakita natin sa TV? Paano kung set up lang? Ano na naman ang mangyayari?! Mas gugulo. Mas magandang pag-usapan 'to ng maayos bago tayo—si bes mag-desisyon. Ang importante pinakinggan natin ang side ni kuya. Para kung ano man ang kalabasan ng pag uusap at maging desisyon, hindi tayo magsisisi sa huli. At para sabihin ko sayo Jacob, ang hirap ng ganitong sitwasyon dahil naiipit ako, pero pinapalawak ko ang isip ko. Hindi porket kapatid ko si Kuya Travis siya na ang kakampihan ko! Kung alam kong mali ang kapatid ko hindi ko siya kakampihan! Tsaka ramdam ko na totoo lahat ng pinakita ng kap
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng