FOR the rest of the day, Ashley couldn’t help but stare at her phone, hoping and praying na tatawag na sila. Ngunit wala. Hanggang sa kinabukasan, yung konting pag-asa na mababayaran niya ang kanilang utang at overdue rent, unti-unting naglaho.
'Huwag kang umasa,' she scolded herself. 'Akala mo talaga, magkakachance ka sa ganitong kalaking kumpanya? Nakakatawa.'
She spent the morning sulking around their small apartment, wondering how she could keep going. Then, bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone, and her heart jumped.
“Hello?” she answered, almost breathless, hope flickering back to life. “Sino 'to?”
“May I speak to Ms. Fernandez?”
“Speaking,” she replied, trying to keep her voice calm.
“This is Jimenez Corporations calling. We are pleased to inform you that you’ve been selected for the position of personal secretary to the CEO, Mr. Danielle Jimenez. We would like to confirm your salary expectations.”
Halos malaglag ang phone ni Ashley sa sobrang tuwa. “Oh my god! Totoo ba 'to? Thank you so much for this opportunity!”
“Of course, Ms. Fernandez. Mayroon ka nang starting date, and we would like you to come in tomorrow at 8 a.m. to finalize everything.”
“Tomorrow?” Ashley repeated, almost in disbelief. Bukas agad?
“Yes, we’ll also be going over the details of your contract and discussing your work arrangements.”
“Okay po, I’ll be there! Thank you so much!” Ashley hung up, feeling like she was floating on air.
Napatingin siya sa maliit nilang apartment. The worn-out sofa, the peeling paint, and the stack of overdue bills sa lamesa. For the first time in a long time, she felt a sense of hope.
'Makakabawi din kami ni Papa,' she thought. Ashley quickly grabbed her bag at tumakbo palabas. She needed to get her papers ready, and if she was going to start tomorrow, she would need a decent outfit for her first day.
'Isang magandang damit, isang bagong simula,' she thought as she hurried through the crowded streets. As the sunset painted the sky in shades of pink and orange, Ashley felt that maybe, just maybe, everything was finally falling into place.
The next morning, she stood outside the towering Jimenez Corporation building, her heart racing. 'Kaya mo 'to, Ash.' With a deep breath, she stepped inside, ready to start the next chapter of her life.
Nang tumingin si Ashley kay Danielle, hindi niya mapigilang mapansin kung gaano ito kagwapo. Matangkad, malinis ang hiwa ng panga, at napakatalim ng mga mata—parang kaya nitong basahin ang iniisip mo. His neatly styled dark hair added to his serious and commanding aura, na tila laging in control. Sa bawat galaw niya, ramdam mo ang power at authority na dala ng kanyang posisyon. Hindi siya ngumingiti, ngunit ang kanyang mga mata ay may kakaibang init at lalim, na parang malalim ang pinagmumulan ng kanyang mga iniisip.
'Grabe, ang gwapo niya', bulong ni Ashley sa sarili, hindi makapaniwala na makakatrabaho niya ang isang taong ganito. She straightened her back, feeling the pressure to impress him even more. Sa presensya pa lang nito, alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.
Dinala siya ng HR papunta sa office area kung saan naroon ang iba pang empleyado. Agad na napansin ni Ashley ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya. Mabait at accommodating ang karamihan, may mga ngumiti at bumati pa, tila masaya silang may bagong kasamahan.
"Hi! Ikaw si Ashley, 'di ba?" isang babaeng jolly at energetic ang lumapit sa kanya. Blonde ang buhok nito at may kakaibang kinang ang mga mata, parang laging masaya. "Ako si Des, Marketing Department. Huwag ka nang mahiya, friendly kaming lahat dito!"
Agad na nakavibe ni Ashley si Des dahil sa pagiging sobrang chika nito. Tila walang awkward moment habang binibigyan siya nito ng tour sa office, ipinapakita ang iba't ibang desks at departments.
"Masarap dito sa canteen namin, promise! Tapos, kung kailangan mo ng kahit ano, lapit ka lang sa akin, ha? Wag ka nang mahiya!" masayang kwento ni Des habang tinutulungan siyang mag-settle.
Nang makarating sila sa pantry, bahagyang bumaba ang tono ni Des at lumapit pa ito kay Ashley, parang may sikreto. "By the way, may ideya ka ba sa ugali ni Sir Danielle Jimenez, ang boss natin?" tanong nito, sabay nguso pabalik sa direksyon ng opisina ni Mr. Jimenez.
Nagulat si Ashley sa biglang seryosong tanong ni Des. "Ah, wala pa masyado. Pero mukhang strict siya," sagot niya.
Napailing si Des bago sumeryoso. "Strict? Girl, understatement 'yan. Masyado siyang seryoso at masungit! Kaya marami sa mga naging secretary niya, hindi tumatagal." Umiling ito bago suminghot. "Kahit gwapo siya, ubod naman ng sungit. Kaya ikaw, be careful ha? Medyo mataas expectations niya. Pero don’t worry, nandito naman kami."
Naramdaman Ashley ang bahagyang kaba sa sinabi ni Des, pero tinatagan niya ang loob niya. Alam niyang mahirap ang posisyon na napasukan niya, pero hindi siya papatalo agad. "Salamat, Des. I'll do my best."
Ngumiti si Des, tapos ay masiglang tinapik si Ashley sa balikat. "Good luck, girl! Kailangan mo 'yan," biro nito bago bumalik sa desk niya. Naiwang mag-isa si Ashley sa pantry, iniisip ang mga sinabi ni Des. Gwapo nga si Danielle Jimenez, walang duda, pero kung ganoon siya kaseryoso at kasungit, tila malaking hamon ito para sa kanya.
Bumalik si Ashley sa maliit niyang workspace malapit sa opisina ni Danielle. Simple lang ito—may desk, isang computer, at ilang folders na kailangan niyang ayusin. Habang inaayos niya ang gamit, hindi niya maiwasang makaramdam ng tensyon, lalo na’t alam niyang nasa kabila lang ng pintuan ang boss na winarningan siya ni Des tungkol.
Maya-maya, bumukas ang pinto ng opisina ni Danielle. Agad tumayo si Ashley, at bahagyang humarap sa kanya ang lalaki na may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi makapagsalita si Ashley, hindi niya alam kung paano siya pakikitunguhan nito.
"Ashley," malamig niyang sabi, kasabay ng paglapit. "Make sure to organize all the meetings for this week. I need everything ready by tomorrow morning."
Agad tumango si Ashley. "Yes, sir. I'll take care of it."
Hindi na sumagot si Daniellee at bumalik na sa kanyang opisina, pero bago ito tuluyang pumasok, tumingin pa ito saglit kay Ashley. Tila sinusuri siya ng mga matang iyon, pero hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng boss niya. Nang sumara ang pinto, huminga nang malalim si Ashley at muling naupo sa desk niya.
Habang tinatapos ang mga task, narinig niyang muli ang boses ni Des mula sa kabilang cubicle. "Girl, sabi ko na nga ba, no? Ang lamig ng boss naatin, parang walang emosyon," bulong nito habang nakangiti pa rin, tila nag-eenjoy sa kanilang maliit na usapan.
Tumawa nang bahagya si Ashley, pero sa loob-loob niya, iniisip pa rin kung gaano kahirap makipagsabayan sa isang boss na ganito kaseryoso. Mahirap nga, pero naramdaman niyang ito ang chance niya para patunayan ang sarili.
Maghahapon na pero nasa kompanya pa rin si Ashley, abala sa pag-aayos ng mga schedule para sa meetings ni Danielle. Napapansin niyang lahat ng staff ay tahimik na nagtatrabaho, at parang hindi uso ang masyadong pakikipagkwentuhan sa floor na ito—maliban na lang kay Des, na maya’t maya’y dumadaan sa cubicle ni Ashley para mangumusta.
"Okay ka pa ba d'yan, girl?" tanong ni Des habang nakasandal sa gilid ng desk ni Ashley.
"Medyo nalulula pa ako," amin ni Ashley habang nagti-type sa computer. "Pero kakayanin naman."
Ngumiti si Des, ngumunguya ng chewing gum. "Wag kang mag-alala. Mahirap lang sa simula. Basta iwas ka na lang kay Mr. Danielle Jimenez, ha. Huwag kang masyadong lapit sa office niya kung hindi ka naman kailangan."
Natawa si Ashley. "Seryoso ba talaga siyang ganun kasama?"
"Well..." Nagkibit-balikat si Des. "Hindi naman siguro ‘kasama.’ Sadyang seryoso lang talaga. May mga araw nga na feeling ko wala siyang ibang iniisip kundi trabaho. Kaya nga walang nagtumatagal na secretary sa kanya, di ba? Buti na lang, andito ka. Mukha namang matiyaga ka."
Napailing si Ashley. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat o mag-alala pa lalo sa sinabi ni Des. Hindi biro ang responsibilidad niya bilang personal secretary ng isang CEO na kilalang sobrang metikuloso at mahigpit sa trabaho.
Biglang tumunog ang telepono sa desk niya. Mabilis na kinuha ni Ashley ang receiver, umaasa na hindi si Danielle ang nasa kabilang linya.
"Hello, Ashley speaking," sagot niya nang mahinahon.
"Ms. Fernandez, could you come to my office? I need you to prepare some documents." Mabilis at diretso ang boses ni Danielle. Walang pagbibigay ng detalye o paliwanag, basta utos lang.
"Right away, sir," sagot ni Ashley bago niya ibinaba ang telepono.
Kinabahan siya pero sinikap niyang magpakita ng professional na aura habang kumakatok sa pintuan ng opisina ni Danielle. Pagkapasok niya, nakita niya si Danielle na nakatingin sa laptop screen. Hindi siya tumingin kay Ashley, kaya tila mas lumala pa ang tensyon sa loob ng silid.
Naghintay si Ashley ng ilang segundo bago nagsalita si Danielle, hindi inaalis ang mga mata sa screen. "Here are the files. Make sure they’re ready first thing in the morning."
"Yes, sir," sagot ni Ashley habang kinuha ang mga papeles sa mesa.
Nang lumabas siya ng opisina, nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya, unti-unti siyang nasasanay sa presensya ni Danielle, kahit pa seryoso at parang walang emosyon ang kanyang boss.
Pagbalik ni Ashley sa kanyang desk, dala-dala ang mga papeles mula kay Danielle, agad siyang sumubsob sa trabaho. Hindi pa man natatapos ang isang task, sunod-sunod na naman ang mga mensaheng dumarating sa kanya—mga utos ni Danielle na kailangang gawin agad-agad. Halos wala nang tigil ang kalansing ng kanyang keyboard habang nagma-multitask siya sa pag-aayos ng mga dokumento, email, at schedule ng kanyang boss.
"Tinatambakan ka na ba ni boss?" tanong ni Des na lumapit sa kanya, hawak ang isang folder. "Hay nako, ganyan talaga si Mr. Danielle. Kahit bago ka pa lang, hindi ka niya palulusutin."
Tumango si Ashley, pinipilit ngumiti. "Mukha nga. Pero ayos lang, kaya ko 'to."
"Tiwala lang, girl. Pero kung ako sa'yo, mag-prepare ka. Ganyan din ang ginagawa niya sa mga naunang sekretarya. At kapag hindi nila natapos o nagkamali lang, naku, tanggal agad."
Napalunok si Ashley. Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na tila mas lumalaki pa habang tumatagal siya sa kompanya. Pero hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang ipakita na kaya niyang makipagsabayan, kahit gaano pa kabigat ang trabaho.
Habang lumilipas ang oras, unti-unti niyang natatapos ang mga task, pero hindi ito napapansin ni Danielle. Wala siyang naririnig na kahit anong papuri o appreciation, basta dire-diretso lang ang pagbigay ng mga bagong gawain.
Nagpatuloy siyang magtrabaho, hindi alintana ang oras o ang pagod. Sa isip niya, wala siyang ibang pagpipilian kundi tapusin ang lahat ng utos. Kailangan niyang patunayan na kaya niya—para sa sarili, at para hindi siya sumuko tulad ng mga naunang sekretarya.
AFTER asking around for what felt like forever, Ashley finally found the files for Jimenez Corporation’s business interactions with other companies. Of course, si Mr. Jimenez didn’t even bother to give her any instructions or directions kung saan hahanapin ‘yung mga files na ‘to, parang magic lang na dapat alam niya na. When she opened the storage cabinet, her eyes widened—ang daming binders! Each day had its own thick binder, sobrang punong-puno ng detailed reports on every interaction the company had. Just looking at the pile of papers, napagod na siya agad. "Grabe, ang dami nito, paano ko matatapos to?!"She sat down at her desk and started reading. Page after page, report after report, siniseryoso niya lahat. Sumakit na yung mata niya. Her head started throbbing, parang nagha-hangover pero sa sobrang daming text na binasa. Worse? It had taken her over three hours just to read that much. Three hours, and ang dami pang natitira! Ashley glanced up from the endless pile of papers an
"KAYONG dalawang mag-ama! Alam kong andiyan kayo sa loob!!!" sigaw ni Mrs. Domingo mula sa kabila. "Meron pa kayong utang na 4 months sa renta! Hindi ko na ito kayang tiisin! Dapat may deposit ka na bukas o tatawagin ko na ang police!"Sa loob ng maliit na apartment, pinigilan ni Ashley ang kanyang hininga at nagpasya na lang na huwag gumawa ng ingay. Para sa nakaraang buwan, dalawang beses na dumaan si Mrs. Domingo—once in the morning at once sa evening—para sa overdue rent. Kung meron lang siyang pera, hindi siya sana umiwas, pero yun na nga, wala talaga siyang pera at wala na siyang ibang mapupuntahan.Ngayon, halos katapusan na ng buwan.Nang marinig niyang unti-unting nawawala ang footsteps ay nagbigay ito kay Ashley ng pagkakataong makabawi. Sa wakas, nailabas niya ang isang malalim na buntong hininga. Nakatayo pa rin Ashley sa pintuan ng maliit nilang apartment, watching her dad throw another betting slip sa basura. Ulila na siya sa kanyang ina na namatay sa kidney failure, at