Hindi na nag abala pang bumaba si Nenita ng sasakyan at alalayan si King dahil todo asikaso sa kanya si Lorraine. Wala ring pagpipilian si King kundi ang makisama dahil nakikita niyang wala naman talagang pakialam si Nenita.Ilang minuto palang silang nakalabas ng sasakyan namumuo na kaagad ang pawis ni Lorraine ngunit hindi iyon dahilan para mabawas ng gada niya. Kahit simple lang ang ayos nito lumititaw parin ang natural niyang ganda.Napakislot si Nenita nang lumingon sa gawi niya si King. Kahit hindi siya nakikita ng lalaki sa loob nakaramdam parin siya ng kaba. Kaswal lang itong nakatingin, tingin na walang pinapahiwatig na ipararating.Nakikita ni Nenita sa mukha ni Lorraine ang malasakit niya kay King. Na hindi lang sa salita niya pinapakita ang pagmamahal niya sa lalaki kundi pati na rin sa gawa. Kung titingnan ni Nenita ang sitwasyon ng dalawang tao sa kanyang harapan, masasabi niyang walang nagbago sa kanilang dalawa dahil makikita paring parang kilala na nila ang isa't isa
Enrico is right. Masyado ng nilamon si King sa takot niya na pati sa sarili nito ay takot narin siya at wala ng tiwala na makakaya niya ang lahat na walang kinakapitan na iba. Sa subrang makasarili niya pati mga magulang niya hindi niya hinayaan na tulungan siya sa sinapit niya. Hindi niya hinayaan na tulungan siya ng mga taong malapit sa kanya dahil para sa kanya si Nenita ang lakas niya, na ang lahat ng ito ay para kay Nenita. Si Nenita parin ang iniisip at inuuna niya kahit pa si Nenita ang isa sa dahilan bakit ganito ang kinahinatnan niya. He never blame Nenita. Ngunit hindi maikaila na kasali rin si Nenita dito dahil dalawa sila ng ama niya ang nagplano ng paghihingante."Pagod na ako," King clenched his fist. "Ilang taon na si Nenita sa poder niyo, ilang ebedinsya na ang pinain sa kanya, to the point na naging buntot na niya ako," isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan, "Pero bakit hanggang ngayon hindi parin nareresulba ang plano nila? Ano pa ba ang gusto nila, a
A sweeties smile appears on King's lips habang marahan na pinasadahan ng daliri niya ang leeg na may tattoo. Finally, natupad na rin niya ang isang bagay na gusto niyang mangyari. Hindi dahil ang parteng iyon ng katawan niya ay gusto ni Nenita, kundi simbolo rin ito ng pagmamahal niya sa dalaga. Na sa tuwing makikita niya iyon sa salamin pinapaalala nito kung gaano niya ka mahal si Nenita. Ang hirap at sakripisyo na ginawa niya maipaglabanan lang ang pagmamahal na iyon.Nang tuluyang nahulog ang puso niya kay Nenita, wala siyang ibang iniisip kundi ang babae, ang future nilang dalawa, ng maging pamilya nila.Wala pa mang kasiguraduhan ngunit ang lahat ay pinaghandaan at pinagplanuhan ni King para sa hinaharap. Isa lang talaga ang problema niya kung bakit hindi pa matupad ang isa niya pang hilig—si Hernan. Hindi alam ni King paano harapin si Hernan para pormal na humingi ng permiso rito na pakasalan niya si Nenita.Galit siya kay Hernan. Galit na galit siya dahil muntik na siyang mama
Ang sitwasyon na kinakaharap nilang pareho ay hindi madali pagkatapos ng lahat na narinig ni Nenita, habang si King naman dahil sa mga death treats na natanggap.Noong una wala lang iyon sa kanya. Nakayanan niya pang i-handle ang takot na naramdaman ngunit hindi na sa puntong ito nang makatanggap siya mismo ng isang package na ang laman ay isang uri ng sariwang laman-loob ng hayop. Wala siyang idea kung kanino ito galing. Hindi niya rin maaring pagbintangan si Hernan dahil hindi na niya ito nakikita pa na nagpapakita sa labas ng kanilang bahay. Ngunit wala rin siyang ibang alam kung sino ang nangahas na manakot sa kanya dahil maliban sa usaping negosyo, si Hernan lang ang alam niyang may kaya na gawin ang bagay na ito."Hindi... Hindi... Hindi..." Sunod-sunod ang pag iling na ginawa "Imposibleng si Nenita ang may gawa. Fuck! Baka nagsabotahe na naman sila ng tatay niya. Posible nga ba gayong siya ang tiga hatid ng mga package sa akin?" Nanginginig, takot na takot, namamawis, kinakap
Masama ang loob. Galit na umuwi si Nenita sa kanilang bahay. Sa loob ng halos sampung buwan na hindi nagparamdam at nagpakita sa pamilya, walang kasabikan na namutawi sa puso ni Nenita na binabagtas ang maliit na daan patungo sa kanilang bahay. Ginawa niya ang lahat ng paraan para walang ibang madamay sa paghihiganteng gusto ng kanyang ama. Lahat ng mga taong nasa paligid niya pinotrektahan niya pero sumablay parin siya. At hindi niya matanggap na sa kanyang pagprotekta kay King siya sumablay. Nagpapasalamat siya na nasa eskwela ang mga kapatid. Ayaw niyang marinig ng mga kapatid niya ang sasabihin niya sa ama. Walang nagbago sa kanilang bahay. Kung ano ito noong huli niyang pag uwi, ganito parin ang nadatnan niya. Maliban nalang sa bakuran na may tanim ng mga bulaklak. Hindi na nagulat si Hernan nang makita si Nenita. Mukhang inaasahan ng matanda ang pagpapakita ni Nenita sa kanya. Tinapunan niya lang ito ng walang kwentang tingin at bumalik sa loob ng bahay. Hindi na siya natata
Lahat ng paghihirap at pasakit ay may hangganan ngunit hindi mo ito malalaman kung kailan. At wala kang pagpipilian kundi ito ay indahin at labanan dahil hindi pagsukoang solusyon para ito ay ma wakasan.Ang pakiramdam na makalaya sa kadenang ilang taong nakagapos ay malaking kaginhawaan kay Nenita. Nawala ang kanyang takot at lalo pa siyang pinagtibay ng kanyang mga pinagdaan sa buhay. Ngunit may isa pa siyang misyon na dapat gawin. At kapag nagawa niya ang bagay na ito, tuluyan na siyang makalaya sa sariling aninong kasalanan.Mabigat man ang desisyong ito ngunit kailangan niyang gawin. Nang sa ganun malaya na siya sa lahat, walang kinakatakutan, walang panggamba. Gabi na nang makarating siya sa mansyon. Ang tahimik ng bahay, ang payapa. Ngunit iba ang pakiramdam kaysa sa sarili nilang bahay siya tumuntong. Doon kahit pakiramdam niya hindi siya belong sa pamilya iba parin ang saya sa puso na hatid nito sa kanya.Ang bahay na ito ay espesyal sa kanya. Kahit saang sulok nito ay may
How can she ignore her child after knowing that she is alive? After her father's death, Ashnaie's husband also died of illness. She promised to her self na bago rin niya lisanin ang mundo makaganti man lang siya sa mga taong sumira ng buhay niya, sa mga taong nanloko at nang traydor sa kanya. Wala na siyang pamilya. Walang kahit isang kaibigan. Sarili lang niya ang mayroon siya dahil kinamumuhian siya ng sariling anak na akala niya napatay niya noon. Hindi siya babawi, hindi siya hihingi ng tawad dahil wala siyang karapatan sa laki ng kasalanang ginawa niya sa anak. Gusto niya lang itong makita, matanaw sa malayo, at masubaybayan, kahit doon lang na paraan mapunan lang ang pangungulila niya sa anak. Hindi niya alam kung saan matagpuan si Nenita. Kung saan niya ito pwedeng hanapin at puntahan ng direkta. Hindi kasi siya pwedeng basta-basta nalang lalabas at magtanong dahil wanted parin siya. Ang una niyang pinuntahan ay ang lumang bahay ni Hernan na sinunog niya. Nagbakasali siy
Tulala parin si King hanggang ngayon sa mga rebelasyong narinig. Hindi parin ma proseso ng lubos ng kanyang isipan ang mga nalaman. Gulong-gulo parin ang isipan niya. Hindi niya alam kung anong hakbang ang susunod na gagawin pagkatapos malaman ang katotohanan.Pabagsak na sumandal siya sa headboard ng kama niya. Hindi na niya kailangang mabasa ang librong iyon dahil alam na niya. Isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan. "Pero ano ang puno't dulo bakit sa amin naghihigante si Hernan kung walang kinalaman si mama sa ambush na sinasabi ni dad?"Nagmadali siyang bumangon upang pumunta sa kabilang bahay. "Si Tito Emmanuel lang ang makasagot ng mga katanungan ko. Kung bakit si Ashnaie ang tinuturo ni mama na salarin sa lahat."Kung totoong walang kinalaman si Hernan sa nangyari sa pamilya ni Emmanuel, kinakailangan ni King humingi ng tawad kay Nenita sa pambibintang nito kay Hernan. Naintindihan niya ngayon kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Nenita sa sagutan nilang dalawa