Share

Chapter 24

Author: Diena
last update Huling Na-update: 2024-04-23 16:50:51

Hindi niya alam kung saan niya ibunton ang galit niya at ang frustration na naramdaman. Dahil kung iisipin wala namang masama sa ginawa ni King. Naging big deal lang sa kanya dahil hindi niya iyon magawa sa kaniyang pamilya. At nahihiya siya kay king sa sitwasyon ng pamilya niya habang siya maganda ang buhay sa piling ng mga Montefalco.

Sa kabilang banda nagpapasalamat siya sa ginawa ni King ngunit hindi parin maibubura niyon ang galit niya sa lalaki.

"Net, can we talk?" Maingat na pakiusap ni King. Sinadya niya si Nenita sa mansyon nang malaman na mag-isa lang ang dalaga nang sa ganoon makausap niya ito ng maayos.

"Anong pag-uusapan natin?" Nenita looked at him blankly. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong tulungan ng walang ka hirap-hirap ang pamilya ko samantalang ako hindi magawang magpakita sa kanila. Ganoon ba?"

Umawang ang labi ni King sa sinabi ni Nenita. Nagulat siya na ganoon ang salita na binitawan ng dalaga, na mali pala ang dating sa kanya ang magandang layunin ni King sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • His Personal Maid   Chapter 25

    Daig niya pa ang nakalunok ng tinik sa binitawang salita ni King. Puno ito ng sinseridad. Lihim siyang tumikhim upang mawala ang bikig sa lalamunan. Iniwas niya ang paningin kay King dahil hindi niya ito kayang makipagtitigan pa sa lalaki nang mapagtanto ang ginawa nila."Don't move," malambing na usal ni King nang makita niya ang pagngiwi ni Nenita nang akma itong ilayo ang katawan sa kanya.Ang damit ni King na hinubad niya ginawa niyang pamunas iyon sa sariling dumi na nakakalat sa hita ni Nenita. Habang si Nenita ay nasa malayo ang tingin dahil sa hiya.Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinayaan niyang mangyari ito.Hinayaan niyang bihisan siya ni King. Masakit ang ibaba niya kapag gagalaw at pakiramdam niya parang binugbog ang katawan niya.She is a whore. Iyan ang bukambibig ni Nenita sa sarili. Kasi kung hindi bakit niya hinayaan na may mangyari sa kanila ni King gayong wala naman silang relasyon dalawa? Sa gilid n

    Huling Na-update : 2024-04-23
  • His Personal Maid   Chapter 26

    Wala ng dahilan pa para umiwas si Nenita.Sinadya niyang iwasan ang lalaki, ang hindi ito pansinin at 'wag bigyan ng pagkakataon na magkausap sila dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraang linggo. Gusto niya ring makapag-isip ng mabuti si King. Ayaw niyang magdesisyon ang lalaki ng basta-basta na hindi ito pinag-iisipan ng maayos. Hindi rin naman siya papayag na hahantong sila sa kasal dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Sagrado ang kasal at hindi iyon laro na kapag ayaw mo na ay basta ka na lang titigil at kakalas. At isa pa, hindi naman siya mabubuntis kaya wala talagang rason para mag-isip si King na papakasalan siya. "Net—""Kung uungkatin mo na naman iyong nangyari sa'tin, please lang wag mo na ako kausapin kahit kailan, " naubusan ng pasensya na usal ni Nenita at kusang kumalas sa yakap ni King. "Subukan mong banggit may kalalagyan ka," panakot niya pa."Sorry na—oy saan ka pupunta?" Humabol si King sa kanya at hinawakan ito sa pulso. Sambakol ang mukha na nag angat ng

    Huling Na-update : 2024-04-25
  • His Personal Maid   Chapter 27

    FlashbackSi Hernan ay isang driver ni Cathalea at matagal nang gusto ni Ashnaie ang lalaki. Inilihim niya iyon dahil ayaw niyang magkasiraan silang dalawa ni Cathalea because they were bestfriend. And besides, she had already a boyfriend.Ngunit kapag may pagkakataon na sila lang dalawa ng lalaki hindi mapigilan ni Ashnaie na magbigay ng motibo dito na may gusto siya kay Hernan. And Hernan likes her too.Hindi nga lang sila pwede dalawa dahil sa agwat ng pamumuhay mayroon si Hernan. At takot rin si Ashnaie sa kanyang ama. Hindi niya maipaglaban si Hernan kung sakali dahil siya ay ipinagkasundo na ng kanyang sa ama sa boyfriendnito.When they confess their feelings to each other, nakontento na lang sila sa patagong pag-ibigan, nakaw na sandali, magkausap kahit saglit kahit alam nilang pareho na mali. Pareho nilang hindi napigilan ang bugso ng mga damdamin.Thier relationship goes well. Masaya silang dalawa sa patago na relasyong kanilang binuo. Masaya sila kahit na may tao silang na

    Huling Na-update : 2024-04-26
  • His Personal Maid   Chapter 28

    TRIGGER WARNING: SELF HARM(skip this chapter)Hindi alintana ni Nenita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa bawat ragasa ng tubig-ulan sa kanyang katawan, bumubuhos rin ang mga luha sa kanyang mata. Nakidalamhati ang kalangitan sa kanya. Hindi niya kayang panghawakan ang sakit sa damdamin na naramdaman. Kahit anong pag-iyak, pagsigaw ang ginawa niya hindi parin naibsan kahit kauting ang sakit sa kanyang puso."They wanted me to gone... They wanted me to disappear. Why?!" naghihinagpis na sigaw niya. "Kung ganon, ibibigay ko ang gusto niyo! Kung dito kayo masaya, sige! Ibibigay ko sa inyo ang matagal niyo ng hiling dahil pagod na rin ako... Pagod na pagod na ako..."Sumasabay sa kanyang pagtangis ang masamang panahon. Nakaluhod siya sa putikan hinihiling na sana sa kanya tumama ang kidlat mula sa kalangitan.Kanina pa siya umiiyak ngunit hindi parin nauubos ang mga luha niya. Pagod na siya pero hindi parin siya tumatahan mula sa pag-iyak. "Bakit niyo ako pinaparusahan? Anong kasalan

    Huling Na-update : 2024-05-02
  • His Personal Maid   Chapter 29

    "Oy, anong ginagawa mo? " Nauutal sa hindi maipaliwang na naramdaman na usal ni Nenita nang bigla siyang yakapin ni King. Sa kanyang pagkakaalam walang rason para maglambing sa kanya ang lalaki.Isinubsub ni King ang mukha ni Nenita sa kanyang dibdib nang tangkain ni Nenita na tingalain siya."Na miss lang kita... Wag kang malikot. " naka igting ang panga na usal niya. Naghahalo-halo ang kanyang nararamdamn ngayon ngunit nangingibabaw ang awa niya sa babae. Gusto niya itong tanungin, gusto niyang marinig mismo galing kay Nenita kung ano ang ibig sabihin ng ankle bracelet niya. Pero naduduwag siya, natatakot, nasasaktan at hindi niya alam kung makaya niya bang marinig ang mga iyon once na sasabihin iyon ni Nenita sa kanya.Ang magagawa niya lang ngayon ay ang iparamdam sa dalaga na hindi siya nag-iisa, na may masasandal ito kapag ramdam niyang pinanghihinaan na siya. Ilang minuto ang lumipas hindi nakatiis si Nenita kaya tiningala niya si King. Namilog ang kanyang mata at dumagund

    Huling Na-update : 2024-05-23
  • His Personal Maid   Chapter 30

    Tama nga ang kanyang nanay Fatima, matalino, marangya ang buhay ng totong nanay niya. At base dito sa kwento na sinulat ni Debbie ay masaya ang totoong nanay niya sa boyfriend nito. Kaya naguguluhan siya paanong nagkagusto pa ito sa tatay Hernan niya."Ang talino na mayroon ako ay namana ko pala sa nanay ko—walang kwentang nanay," puno ng hinanakit na usal niya."Kaya pala parang madali lang sa akin ang lahat noong nag-aaral ako dahil nananalaytay na sa dugo ko ang katangiang iyon," nagtangis ang mga ngipin niya, mariing nakakuyom ang mga kamao. "Ang rangya ng buhay mo... pero bakit nakayanan mong iabanduna ang anak mo at hindi sinuportahan... bakit ninais mo akong patayin?"Hinayaan niyang pumatak ang kanyang luha. Ang sakit parin ng sampal ng katotohanan sa kanya. Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap at maintindahan ang lahat. Wala lang siyang pagpipilian kundi ang magpanggap, magbulagulagan at maging bingi."Wala akong plano na kilalanin ka, makita o kahit masilayan ang anino

    Huling Na-update : 2024-05-24
  • His Personal Maid   Chapter 31

    SUMASAKIT na ang ulo ni Nenita sa buong magdamag na nakatutok sa kanyang laptop ngunit iilang impormasyon lang ang nakuha niya kay Ashanaie—sa totong ina niya.Pati ang balita na sangkot ang dalawang pamilya ng kaibigan ni Debbie ay hindi na rin iyon makita pa sa internet. Wala ng bakas kahit maliit na impormasyon man lang.Napahilamos siya sa kanyang mukha at pabagsak na humiga sa kama. Alas-kwatro na ng madaling araw. Mahapdi na ang mga mata niya, nangangalay na ang likod at batok niya. Niligpit niya ang mga gamit niya. Hindi siya susuko sa paghalungkat sa katauhan ng nanay niya hangga't wala siyang nalalaman.Tatlong oras lang ang tulog niya. Uuwi siya ngayon sa kanila kaya pagkatapos niyang magluto ng agahan ay gumayak na siya. Nagkagulatan pa sila ni Enrico pagkababa ng lalaki. Bihis na bihis ito ay mukhang may event na pupuntahan.Nenita smiled awkwardly. "Good morning. Naka luto na ako ng agahan, ipaghanda ba kita?" she manage to say at nagpapasalamat siya dahil hindi siya na

    Huling Na-update : 2024-06-01
  • His Personal Maid   Chapter 32

    "Nabasa mo na ba iyong libro? "Natigil ang mahinang pagpisil si King sa beywang ni Nenita, katatapos lang nila magtalik dalawa sa glass house at madaling araw na silang natapos dalawa. Naka upo ngayon si Nenita at taging kumot lang ang takip sa harapan habang nagb-browse sa laptop. "Libro? " nagtataka na tanong ni King. "Yung kay ma'am Debbie. "Inawat niya ang kamay ni King nang humaplos ito sa kanyang tagiliran paakyat sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng init sa katawan sa kiliti na hatid niyon. Ngunit katatapos lang nila at mahapdi ba ang ibaba niya. Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki. Ngayon lang siya tinablan ng hiya ngunit kanina ay wala ito sa sarili habang inuungol ang pangalan ng King. Hindi pa klaro sa kanya ang nararamdaman niya kay King ngunit hindi malabo sa kanya ang kagustuhan na muling magpaubaya dito. Hindi man tama, hindi man dapat nila ito ginagawa ngunit alam nilang pareho sa kanilang sarili na gusto nila ito. Nahulog na ang puso niya sa lalaki ngunit hin

    Huling Na-update : 2024-06-06

Pinakabagong kabanata

  • His Personal Maid   Epilogue

    Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin

  • His Personal Maid   Finale

    Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot

  • His Personal Maid   Chapter 70

    “Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H

  • His Personal Maid   Chapter 69

    Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap

  • His Personal Maid   Chapter 68

    “Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang

  • His Personal Maid   Chapter 67

    Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.

  • His Personal Maid   Chapter 66

    The power of being Montefalco is that they do something you don't expect. The Montefalco’s along with Hernan decision, they agreed to take down the news towards Ashnaie. Siniguro din nila na hindi lalabas sa balita ang pagkitil ni Ashnaie sa sarili. Ginawa nila ito para kay Nenita dahil kalabisan na ito para sa dalaga kung kakalat pa sa balita ang tungkol sa ginawa ng kanyang ina. Hindi man nila nakuha ang makatarungan na hustisyang nararapat sa kanila, gayunpaman sapat na sa kanila na maging tahimik na ang kanilang buhay at nalinawan sa lahat ng mga tanong na kay tagal nalutasan. “Kumusta na siya?” tanong ni Emmanuel kay Hernan nang makarating agad siya sa bahay. Umupo sila sa lantay sa labas ng bahay. “Nagmukmok sa kwarto. Panay parin ang pag iyak,” madamdaming usal ni Hernan. Naka ilang balik na siya sa kwarto ni Nenita upang tingnan ang anak ngunit hindi niya magawang silipin gayong hikbi ni Nenita ang kanyang naririnig sa labas. “Bigyan muna natin siya ng mahabang oras. Hi

  • His Personal Maid   Chapter 65

    KAYA BA NIYA?Habang papunta sila sa pinaglamayan ni Ashnaie unti-unting naninikip ang dibdib ni Nenita. At habang papalapit sila ay para ring hinihiwa ang puso niya ng dahan-dahan. Hindi niya kaya. Napakasakit sa kanya na harapin ang wala ng buhay niyang ina. HIndi niya maipaliwanag ang nararamaman niya basta ang alam niya lang subrang sakit sa dibdib, mabigat, hindi niya kaya. Napa angat siya ng tingin kay King nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She saw a concern, sympathy in King's eye's while looking at her. Si King na hindi siya iniwan. Si King na hindi narindi sa mga iyak niya. Si King na kahit nahihirapan sa kalagayan niya dinamayan parin siya. “H-huwag mo na a-ako ihatid," nahihiya na siya sa abalang ibinigay kay King. “P-pwede ka na umuwi. Mag… magpahinga ka na,”aniya at binawi ang kamay.Mariin siyang napalunok at naiilang na sinalubong ang tingin ni King nang mahigpit na hinawakan ni King ang kamay niya upang hindi niya iyon mabawi. King didn't answer her. “Gusto mo

  • His Personal Maid   Chapter 64

    Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Nenita ang kamatayan ng kanyang ina ang hindi niya makayanang tanggapin, hindi niya magawang intindihin, unawain ang sitwasyon kung bakit ito nagawa ng kanyang ina. Wala man silang pinagsamahan ng kanyang ina ngunit napakahirap sa kanya na gawing madali ang lahat. "After all, nagpakaina ka parin sa akin... I thought you abandoned me. I thought you don't love me but I was wrong. I'm so sorry... I'm sorry wholeheartedly for being to late to realize how important you are to me, " puno ng luha ang mga mata na hinaplos niya ang litrato nilang dalawa ni Ashnaie. "Nagsisisi ako kung bakit ko pinairal ang pagmamatigas na hindi ka kilalanin. Now, that you're gone, paano ako babawi sayo? Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga. "Hindi na natiis ni King na lapitan si Nenita. Nais na niyang ilayo si Nenita rito ngunit hindi niya alam paano patahanin ang babae. "Net, kailangan na nating umalis rito. "Piniga ang puso ni King nang makita ang namumugto na mata ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status