"Wife, ayaw mo ba talaga?" Pang sampung tanong na niya ito sa 'kin ngayong gabi. Sinamaan ko lang siya nang tingin at sumimangot lang ang mokong sa gilid. Nasa living room kaming dalawa, nanonood ng palabas habang naglalagay ako ng lotion sa katawan. More likely siya lang ang nanonood ng palabas. "Manang, naka lock na po ba ang lahat ng pintuan?" tanong ko. Gabi na kasi. "Opo ma'am Ivory." "Salamat manang. Pwede ho bang paluto kami ng chicken legs at mukhang may bata dito na hay*k sa legs." Sabi ko at sinulyapan si Masson na nakasimangot pa rin. Natawa si manang sa sinabi ko at agad ring sumunod. Pagkatapos kong maglagay ng lotion sa katawan ay lumapit ako sa asawa ko. "Akin na ang kamay mo." Sabi ko sa kaniya. "Bakit?" supladong tanong nito. Aba! Itong lalaki na 'to ay. Pinakita ko sa kaniya ang lotion. "Aanhin ko ‘yan?" aniya na nakasimangot pa rin. "Kakainin Masson, try mo." Naiinis na ‘ko sa kaniya. Parang hayok sa s*x. "Wife naman e," seriously? Itong lalaki na 'to k
Kinabukasan ay ihahatid ako ni Masson sa school. Hindi siya makakapayag na umalis ako nang hindi man lang siya kasama kaya hindi ko na pinapunta dito si Mang Ancio sa villa. Humalik ako sa pisngi ng mga magulang niya bago umalis. "I'll see you later, mom, dad." Sabi ko sa kanila at nagmamadaling lumabas. Narinig ko pa si mommy Madonna na sabihing kumain muna ako pero hindi ko na nagawang sagutin. Kanina pa kasi ako hinihintay ni Masson sa labas. Sabi ko naman kanina na sabay na kami lalabas pero he insisted na mauna na siya at titignan niya muna ang sasakyan niya. Alas singko pa lang ng umaga pero nakahanda na ako sa pag-alis. Si Masson ang magmamaneho at paglabas ko ay naabutan ko siyang pinaglalaruan ang labi niya habang nakasandal sa Fortuner niya. Sandali akong napatigil at tinitigan siya. I can't help myself but to admire him. To admire his looks, his character and his seriousness. Naiinis pa rin ako sa kaniya but hindi rin naman maikakaila ang katangiang taglay niya. Nakita
--------------------- Bago pa man ako lumabas ng sasakyan ay hinigit ako ni Masson kaya napaharap ako sa kaniya. Kunot ko siyang tinignan, naghihintay ng sasabihin niya. Nakatitig lang siya sa labi ko kaya pinagsingkitan ko siya ng mata. “Don’t you dare,” pagbabanta ko. Sinalubong niya ang paningin ko. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa labi niya saka ako pinakawalan. "Goodbye wife," aniya nang nakangiti. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya. Natatawa akong umirap sa kaniya. "Bye hubby," pang-titease ko sa kaniya but ako yata ang naapektuahan dahil kinagat niya ang pang ibabang labi niya sa sinabi ko habang puno ng pagnanasa na nakatingin sa ‘kin. Nang makababa ako ay lahat ng mga studyanteng nakatingin sa sasakyan ni Masson ay bumaling sa 'kin. Pumasok ako sa gate at nang makapasok ay saka ko lang nilingon si Masson na ngayon ay papaalis na. Mukhang hinintay niya pa ako na makapasok. Aalis na sana ako nang tumambad sa harapan ko si David na ikinagulat ko. "What are y
Nang tignan ko ulit ‘yong dalawang lalaki kanina ay nakita kong tinaasan niya ko nang kilay habang nakakunot naman ang noo nong lalaki na katabi niya. Problema nila? May binulong ‘yong lalaki sa naka business suit. Nakatingin lang ako sa kanila, wari ay nakikipag kompetensyahan sa isang paligsahan. Nakita kong tumayo ‘yong lalaki na nakita ko sa bench at papalapit sa 'kin. Agad ding tumayo ‘yong naka business suit para sundan ‘yong lalaki. "Ced, sandali..." Sabi nong naka business suit sa lalaking papalapit sa 'kin. "What kuya? I'm just trying to know her." Tumaas ang kilay ko sa narinig. Obviously they are creeping me out. At bakit niya ako gustong kilalanin? Is he hitting on me? No. Makikita mo kung gusto ka nong lalaki, but their case are different and I can't really tell what it is. Ang weirdo nila pareho. Uubusin ko na itong shake. "Tumigil ka Cedric or dad will screw your ass and send you back to L.A. Choose," tila nanghahamon na sabi nong naka business suit sa lalaking tinaw
Nandito na ako sa bahay at nandito kami sa Stable kasa ni Masson. Natatawa ako sa mga kalokohan niya. Nakahawak siya sa reins ni Massi habang ako ay nakasakay dito. Naglalakad kami habang siya ay panay kwento nong kabataan niya. "Well, hindi naman talaga ako marunong lumangoy kaya ayaw kong maligo sa ilog dati." Aniya "Ang sabihin mo hindi ka lang talaga naliligo." Natatawang sabi ko sa kaniya at lalong natawa nang makita na sinamaan niya ko ng tingin. "Ang happy mo ah?" pambabara niya, tila nanunuya ang tono. Nginisihan ko lang siya na ikinatawa niya sabay iling. "Nasaan nga pala sina mommy at daddy?" tanong ko. Hindi ko kasi sila nakita kanina nang makauwi kami. Isa pa, pag-uusapan yata namin ang about sa wedding. "They are in the plantation. I told them I wanna spend this day with you. Kaya sabi nila, kakausapin nalang nila tayo mamaya." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Anong spend day with you? Parang tanga ‘to. Nang balingan ko si Masson ay nakangisi siya habang nakating
Lumapit kami kay Massi doon sa lugar na kinatatayuan ko kanina. Umiiyak si ate habang nakatingin sa 'min. Wala namang emotion ang mukha ni Masson. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nang tignan ako ni Masson, sinamaan niya ko nang tingin. Salubong ang kilay niya at naka igting ang panga. Anong ginawa ko? Dahil nilayo ko siya kay ate? "Let's go home," aniya. Tinignan ko pa ulit si ate bago sumunod kay Masson na nakahawak na sa reins ni Massi. Pag dating namin sa bahay ay hindi niya ko pinapansin. Kada tumitingin siya sa 'kin ay iniirapan niya ‘ko. Gusto ko siyang tanungin kung anong pinag-usapan nila ni ate Dainne pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng pride. At konti nalang din, liligwatin ko na ang balls niya sa mga mata niya kakairap. Pagkatapos naming kumain ay agad umalis si Masson. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Lumabas din ako, nagbabasakali na makikita ko siya but hindi ko siya nakita sa labas. Ang nakita ko ay si Primor. Tinawag ko siya at bah
Binabagabag pa rin ako nang sinabi nong Monez sa 'kin kahit lumipas na ang isang linggo. Hindi ko alam kung anong atraso ni Masson sa kaniya at iniinis niya ito. Hindi na rin ako nag tanong at baka sabihing nangingialam ako. Sa loob ng isang linggo, walang David at walang Dainne na nagpakita sa 'kin sa school o dito sa hacienda. It’s a good thing dahil wala rin ako sa mood na kausapin sila. Nasa plantation ngayon si Masson. Kasalukuyan ko siyang pinaghahandaan ng pagkain. Aalis kami mamaya 3pm dahil inimbetahan siya ng mayor para sa pagbubukas ng bagong negosyo na naitayo sa bayan. "Manang, handa na po ba ang susuotin ni Masson mamaya?" Tanong ko kay manang habang nilalagay ang huling pagkain sa basket. Unconciously, nagiging hands-on rin ako sa mga bagay-bagay. Ang iniisip ko nga noong una ay hindi talaga kami magkakasundo sa isang bagay but naging maayos naman ang pagsasama namin dalawa. "Opo ma'am." "Salamat po." "Alam mo ma'am Ivory, natutuwa po ako na ikaw ang naging asaw
"Wife, do I look good?" Nag angat ako nang tingin kay Masson habang nagpapahid ng lotion sa katawan. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. He looks good but magulo pa ang necktie at kwelyo sa polo niya. "Come here," utos ko sa kaniya. Sumunod naman siya kaagad. Umupo siya sa kama at tumayo ako para lumapit sa kaniya. Pumunta ako sa harapan niya at pabukakang umupo ako sa mga hiya niya. Agad na namutawi sa mga mata niya ang pagnanasa na tinawanan ko lang. "Behave Masson," bulong ko dito. Inayos ko ang kwelyo at necktie niya. Kinuha ko rin ang suklay sa gilid niya na nakapatong sa kama. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ang mabagal na paghinga nito. "Can we do the quickie?" namula ako sa sinabi niya at agad siyang sinapak. "Ouch!" d***g niya na inirapan ko lang. "Tumigil ka. Malapit na mag alas tres oh." Sabi ko sa kaniya at agad na inayos ang buhok niya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang sinusuklayan siya. Nang satisfy na ako ay ngumiti ako ng malapad. "Ang gwapo naman n
Inis na binalingan ni Banx si Laris na wala namang paki alam sa kaniya. Natawa ako ng mahina. Mabuti nga sa kaniya dahil pagnagkataon na hinawakan niya ako sa mukha ay baka nasapak ko na siya. "Eda, kamusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni tito Cedric sa akin. "Ayos naman po tito," sabi ko. "I heard na top 1 ka raw no'ng pasukan." Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Proud ako sa 'yo." Aniya sa akin. "Salamat po tito," magalang na sabi ko. "Speaking of, may nanlilgaw na ba sa' yo?" dagdag niyang tanong. Lumingon ako kay Banx na tahimik lang "Kuya, bakit ba curious ka sa buhay ng anak ko?" nakasimangot na sabi ni mama "What? Of course, princess. She's my niece kaya normal lang na concern ako kung sino itong mga nagtatakang manligaw sa kaniya." "Hindi po ako nagpapaligaw tito kaya wala po." Sabi ko. Narinig ko mahinang tawa ni tito. "Just like your mom." Sabi niya sa akin. Lumabi naman si mama at hinayaan si tito sa sinasabi nito. "Totoo naman ah. Naalal
Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ni mama at papa na may galak na makita sina tito, mamala at papalo. Pumasok kami sa bahay ngunit bago iyon ay hinabilinan ako ni mama na samahan muna si Banx sa loob ng bahay. Nag-usap pa ang mga matatanda habang ako ay naatasan na samahan muna si Banx sa sala kahit na okay naman na pabayaan lang siya dahil makapal naman ang mukha niya kaya alam kong hindi siya mahihiya dito sa loob. Bakit ba kasi nag punta pa dito itong dugyot na ito? Para siyang kabute na bila nalang sumusulpot e. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. "Inimbitahan ako ng tito mo na pumunta dito kaya huwag kang feeling diyan." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nanood nalang ng palabas. Wala talagang araw na nagkakasundo kami. Bakit kaya hindi nalang siya kina tita Dainne at mukhang sila ang nagkakasundo ni Scarlet kesa sa amin. As if naman na mag fi-feeling rin ako na ako ang pinuntahan niya dito like hello, nakakain
BUSY kaming lahat ngayon dahil pupunta dito si tito Cedric. Kasama niya sina papalo at mamala. Dadalaw sila sa amin lalo’t matagal na rin silang hindi nakakadalaw o kami sa kanila buhat ng busy na sina mama at papa sa hacienda at iba pa nilang negosyo sa Manila. Nasa labas ako ng villa at hinihintay ang pagdating ni tito dahil sabi ni mama na hintayin ko raw sila dito sa labas. May hot choco sa harapan at ini-enjoy ko ang pagkain ng hopia ng may langaw na dumating. Ako lang mag-isa nang biglang dumating itong Banx na 'to para na naman bwesitin ang araw ko. Ito yata ang talent niya. Ang mambwesit kasi bentang benta sa akin. "Eda!" tawag niya sa akin. Sinamaan ko lang siya nang tingin at hindi na nag abala ba na pansinin siya. Sayang lang siya sa oras. "Ang sungit mo naman." Aniya. Wow. I'm surprised na alam niyang masungit ako kaya sana naman ay lubayan na niya ako. "Pwede ba Banx? Wala akong oras makipag bardagulan sa 'yo. Kaya paki usap lang na lubayan mo na ako at naiinis ako s
Nang mapagod ako kakaiyak ay saka lang ako humarap sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung mugto ang mata ko pagka tapos nito. Sa tindi ba naman ng pag-iyak ko. Humarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilaamg pisngi habang sinasalubong ang mga titig ko. Heto na naman ang mga titig niya sa akin. Iyong para bang pati kaluluwa ko ay tinitignan niya, hinahalukay niya. "I'm so jealous, Laris." Pag-amin ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Nakita kong lumamlam ang balikat niya at mapupungay na nakatingin sa akin. Hidni rin nakaligtas sa akin ang sayang dumaan sa mga mata niya matapos kong sabihin iyon. "Tell me more," bulong niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nalulunod ako sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon at bahala na kung anong susunod na mangyari. "Nagseselos ako kay Regina." Sabi ko. "Ayaw kong hina
Kinabukasan, nakasakay ako kay Massi habang nililibot namin ang Hacienda Villaranza. Wala namang klase ngayon dahil summer kaya sinusulit ko ang bakasyon. Napadaan ako malapit sa boundary ng Vitaliano households at nakita ko si Laris. Nakita ko siyang kasama niya si Regina, babaeng isa sa kababata niya. “Magandang umaga po ma’am Eda,” Bati sa akin ng mga magsasaka habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sinundan ulit nang tingin si Laris na papasok sa mga cottages. ‘Saan sila pupunta?’ nagtataka kong tanong. Bumaba ako kay Massi at pinuntahan ang pinuntahan ni Laris kasama ni Regina. Alam ko namang kaibigan niya si Regina pero ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. Bata palang ako ay maltdita na ‘yon at halatang ayaw sa akin kaya ayaw ko rin sa kaniya. Hindi naman ako mamimilit sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw sa ‘kin, ayaw ko rin sa kanila. Ganoon lang naman ka easy ‘yon. Kung m*****a siya, pwes m*****a din ako. Nakita ko sila na papunta nga sa cottage. Nasa likuran la
Papaandarin na sana ni Laris ang motor niya nang biglang may sasakyang huminto sa harapan namin. Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang mukha ni Banx na mayabang na nakasandal sa sasakyan niya. “Eda, sa akin ka na sumakay. Ihahatid kita sa inyo,” sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Laris dahil ayaw kong sumama kay Banx. Nababadtrip ako sa mukha niya at isa pa, ang yabang niya sobra. Matagal ko na siyang kilala at nanliligaw sa akin pero ayaw ko talaga dahil aside sa hindi ko siya gusto, ayaw ko rin sa ugali niya. “Hindi mo ba nakikita na nakasakay na ako? Kaya umalis ka na dahil hindi ako sasama sa ‘yo. Si kuya Laris na ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.” Sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga sa mukha niyang magaspang. Mas lalo na sa ngisi niya sa mukha niya na ansarap tapalan ng nalusaw na metal para hindi na siya makangiti pa. “Bakit ka sasakay sa cheap na motor niya? Dito ka nalang sa akin sasakay dahil komporta-ble pa ang upo mo.” Aniya sa akin. At talagang nilait
-----15 YEARS LATER--- ALL ABOUT ANDROMEDA! “Look at this side! Pose! ANOTHER! OKAY, GOOD! PERFECT! .. 15 minutes break..” Tinanggal ko na ang ngiti sa labi ko at dahan-dahang umalis sa stage. Uminom ako ng tubig na inabot sa akin ni Hyacinth pagkapunta ko sa kinauupuan niya. Masiyadong nakakapagod ang araw na ito sa akin. “Eda, ang galing mo!” Bati ng mga nakakakilala sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at hindi na nagsalita pa. Ayaw kong sayangin ang laway ko sa hindi ko naman close. Kinuha ko ang cellphone ko at kunot noo nang makita ang chat ni kuya Laris sa akin. “Where are you?” aniya sa chat niya. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? “Pake mo!?” Send ko pabalik. Naiinis ako sa kaniya mula pa kanina. Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha niya. Ewan! Hindi naging maganda ang araw ko dahil hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay kanina. “Hinahanap ka ng mga magulang mo,” sabi niya. Hinahanap? E si mama nga nagpahatid sa akin dito kanina. “Don’t bUllshit
“MAMA!!” Malakas ang sigaw ng anak ko habang tumatakbo sila ng papa nila sakay ang kabayo ni Maddox. “Be careful!” Sigaw ko at nakasakay ako kay Massi na nakasunod naman sa kanila. Umalingawngaw ang tawa ng anak namin habang mahina silang tumatakbo palibot sa harapan ng villa. It’s Sunday at ngayong hapon, napagkasunduan namin na mangabayo kami. This is Eda’s favorite activity. Gustong-gusto niya ang mangabayo kami kasama ng papa niya. “Mama! Faster!” Sigaw niya na binuntutan ng tawa. Nakita ko pang may ibinulong si Masson sa anak namin dahil humagikgik pa ito. Sumimangot ako dahil tingin ko ay pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. “You’re so pretty mama,” sabi ni Eda. Ngumiti ako dahil kinikilg ako sa sinabi niya. “Papa said,” nakagat ko ang png ibabang labi ko nang balingan si Masson na pulang pula na habang nakatingin sa akin. Kasalanan ng anak naming madaldal. “And you’re amazing mama in the whole world,” dagdag ni Eda. “Sabi ni papa?” tanong ko but our little Eda giggled a
Pag-uwi ni Masson ay agad nitong tinawagan si Sadik para hingin ang number ni Ivory. Kakapasok pa nga lang niya sa loob ng condo niya ay excited na siya kunin ang number ni Ivory. "Akin na ang number ni Ms. Vitaliano." Aniya nang sagutin ni Sadik ang tawag. Hindi man lang niya pinag hello ang kaibigan. “Ah.. Oh…” Tumawa si Sadik sa sinabi agad ni Masson. “Hello Masson.. Hindi uso ang hello sa ‘yo?” sarkastikong ani ni Sadik. “I don’t have time for that.” Masungit na sabi ni Masson dito. "Nagkausap na kayo?" tanong ni Sadik. Tumango si Masson kahit hindi naman siya kita nito. "Yeah." "That's good then. Sobrang coincidence nga e na naghahanap ka ng pakakasalan at siya naman ng pekeng mapapakasalan." Sabi ni Sadik at binuntuan pa niya ito ng tawa. Fake? Sorry, baby but ayaw ko ng peke. I want it real. "But you know what bro, pwede mo namang gawing peke lang ang kasal niyo e since hindi ninyo kilala ang isa't-isa. Ipalabas lang ninyo na kasal kayo gaya ng sabi mo na madaling ka ne