Nang tignan ko ulit ‘yong dalawang lalaki kanina ay nakita kong tinaasan niya ko nang kilay habang nakakunot naman ang noo nong lalaki na katabi niya. Problema nila? May binulong ‘yong lalaki sa naka business suit. Nakatingin lang ako sa kanila, wari ay nakikipag kompetensyahan sa isang paligsahan. Nakita kong tumayo ‘yong lalaki na nakita ko sa bench at papalapit sa 'kin. Agad ding tumayo ‘yong naka business suit para sundan ‘yong lalaki. "Ced, sandali..." Sabi nong naka business suit sa lalaking papalapit sa 'kin. "What kuya? I'm just trying to know her." Tumaas ang kilay ko sa narinig. Obviously they are creeping me out. At bakit niya ako gustong kilalanin? Is he hitting on me? No. Makikita mo kung gusto ka nong lalaki, but their case are different and I can't really tell what it is. Ang weirdo nila pareho. Uubusin ko na itong shake. "Tumigil ka Cedric or dad will screw your ass and send you back to L.A. Choose," tila nanghahamon na sabi nong naka business suit sa lalaking tinaw
Nandito na ako sa bahay at nandito kami sa Stable kasa ni Masson. Natatawa ako sa mga kalokohan niya. Nakahawak siya sa reins ni Massi habang ako ay nakasakay dito. Naglalakad kami habang siya ay panay kwento nong kabataan niya. "Well, hindi naman talaga ako marunong lumangoy kaya ayaw kong maligo sa ilog dati." Aniya "Ang sabihin mo hindi ka lang talaga naliligo." Natatawang sabi ko sa kaniya at lalong natawa nang makita na sinamaan niya ko ng tingin. "Ang happy mo ah?" pambabara niya, tila nanunuya ang tono. Nginisihan ko lang siya na ikinatawa niya sabay iling. "Nasaan nga pala sina mommy at daddy?" tanong ko. Hindi ko kasi sila nakita kanina nang makauwi kami. Isa pa, pag-uusapan yata namin ang about sa wedding. "They are in the plantation. I told them I wanna spend this day with you. Kaya sabi nila, kakausapin nalang nila tayo mamaya." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Anong spend day with you? Parang tanga ‘to. Nang balingan ko si Masson ay nakangisi siya habang nakating
Lumapit kami kay Massi doon sa lugar na kinatatayuan ko kanina. Umiiyak si ate habang nakatingin sa 'min. Wala namang emotion ang mukha ni Masson. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nang tignan ako ni Masson, sinamaan niya ko nang tingin. Salubong ang kilay niya at naka igting ang panga. Anong ginawa ko? Dahil nilayo ko siya kay ate? "Let's go home," aniya. Tinignan ko pa ulit si ate bago sumunod kay Masson na nakahawak na sa reins ni Massi. Pag dating namin sa bahay ay hindi niya ko pinapansin. Kada tumitingin siya sa 'kin ay iniirapan niya ‘ko. Gusto ko siyang tanungin kung anong pinag-usapan nila ni ate Dainne pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng pride. At konti nalang din, liligwatin ko na ang balls niya sa mga mata niya kakairap. Pagkatapos naming kumain ay agad umalis si Masson. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Lumabas din ako, nagbabasakali na makikita ko siya but hindi ko siya nakita sa labas. Ang nakita ko ay si Primor. Tinawag ko siya at bah
Binabagabag pa rin ako nang sinabi nong Monez sa 'kin kahit lumipas na ang isang linggo. Hindi ko alam kung anong atraso ni Masson sa kaniya at iniinis niya ito. Hindi na rin ako nag tanong at baka sabihing nangingialam ako. Sa loob ng isang linggo, walang David at walang Dainne na nagpakita sa 'kin sa school o dito sa hacienda. It’s a good thing dahil wala rin ako sa mood na kausapin sila. Nasa plantation ngayon si Masson. Kasalukuyan ko siyang pinaghahandaan ng pagkain. Aalis kami mamaya 3pm dahil inimbetahan siya ng mayor para sa pagbubukas ng bagong negosyo na naitayo sa bayan. "Manang, handa na po ba ang susuotin ni Masson mamaya?" Tanong ko kay manang habang nilalagay ang huling pagkain sa basket. Unconciously, nagiging hands-on rin ako sa mga bagay-bagay. Ang iniisip ko nga noong una ay hindi talaga kami magkakasundo sa isang bagay but naging maayos naman ang pagsasama namin dalawa. "Opo ma'am." "Salamat po." "Alam mo ma'am Ivory, natutuwa po ako na ikaw ang naging asaw
"Wife, do I look good?" Nag angat ako nang tingin kay Masson habang nagpapahid ng lotion sa katawan. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. He looks good but magulo pa ang necktie at kwelyo sa polo niya. "Come here," utos ko sa kaniya. Sumunod naman siya kaagad. Umupo siya sa kama at tumayo ako para lumapit sa kaniya. Pumunta ako sa harapan niya at pabukakang umupo ako sa mga hiya niya. Agad na namutawi sa mga mata niya ang pagnanasa na tinawanan ko lang. "Behave Masson," bulong ko dito. Inayos ko ang kwelyo at necktie niya. Kinuha ko rin ang suklay sa gilid niya na nakapatong sa kama. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ang mabagal na paghinga nito. "Can we do the quickie?" namula ako sa sinabi niya at agad siyang sinapak. "Ouch!" d***g niya na inirapan ko lang. "Tumigil ka. Malapit na mag alas tres oh." Sabi ko sa kaniya at agad na inayos ang buhok niya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang sinusuklayan siya. Nang satisfy na ako ay ngumiti ako ng malapad. "Ang gwapo naman n
Nagsitayuan ang lahat even my husband para makipag kamay kay Mr. Wang kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Kumapit ako sa braso ng asawa ko at tahimik na sinalubong si Mr. Wang. Kami ang huling sumalubong sa kaniya. "It's nice to see you, Mr. Wang." Ani ni Masson at nakipag kamay kaya ganoon na rin ang ginawa ko. "It's so nice to meet one of the famous son of Antonio and Madonna Villaranza." Sagot ni Mr. Wang na may ngiti sa labi nito. "By the way, this my wife, May Ivory Vitaliano-Villaranza." Aniya at pinakilala ako. Bumaling sa 'kin si Mr. Wang at naroon talaga ang kakaiba sa paningin niya. Naramdaman ko ito sa magkapatid sa Downtown na sina Cedric at Oliver. "Oh, the heiress of Vitaliano married to a Villaranza." Sabi nito at bumaling sa mga magulang ko. "Right, Fidel?" Tumawa si dad. Umalingawngaw ang boses niya sa venue. "Well, my daughter can stand out with the name of Villaranza. She bears my name. She's my daughter after all." Buong pagmamalaki na sabi ni dad kay Mr. Wang.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil agad akong dinala ni mommy sa sasakyan. At inutusan si mang Ancio na iuwi agad kami sa bahay. Puno nang pagtataka nang balingan ko siya nang tingin. "Let's talk when we get home." Sabi lang nito sa 'kin kaya tumahimik nalang ako. Pagdating namin sa bahay ay naalala ko ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. For sure Masson is calling me now. At totoo nga dahil may more than 10 ng missed calls si Masson. I texted him na kasama ko si Mommy at pauwi na kami sa bahay. "What are you doing, mom?" Tanong ko sa kaniya. Bakit tayo umalis? May masama bang nangyayari? You look pale. "You're not safe there, Ivory. Just tell Masson to go to our house." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "What's the problem my? Bakit ba nagmamadali ka?" "May Ivory, it’s nothing. Just call your husband, darling. Malapit na tayo.” Nakauwi kami sa bahay na tahimik lang si Mommy. Maya-maya pa ay, agad na pumasok si daddy kasunod si ate Dainne. Agad na lumapit si Dad kay Mom at
"Fidel! Your daughter." Hindi makapaniwalang ani ni Mommy. Pumikit si dad. Kita sa mukha niya na parang maiiyak siya. "Parang kamakailan lang nagrereklamo ka dahil hindi ka mapagbigyan sa luho mo.” Natatawang sabi ni Dad. Ngumuso ako at yumakap sa kanila. "This is the only thing you ask na ikinasaya ko anak. Cause you ask for your future and he is your future." Tumingin ako kay Dad at nakitang parang naiiyak na siya. Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang OA. “Go back to sleep. I’ll tell him to get you here. Basta, huwag kang umalis dito na ikaw lang mag-isa.” Aniya. Tumango ako at pumasok ulit sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Masson. Ilang ring palang ay sinagot na niya ang tawag. “Wife,” mahihimigan sa boses niya ang pagod. “Are you okay?” tanong ko. “Yeah. Ikaw?” “Ang boring dito. Wala akong kabangayan.” Sabi ko at narinig ko siyang natawa. “Anong nangyari?” tanong ko. “May pumutok na tangke sa bodega. Buti nalang walang nasaktan at naagapan agad.” H