NAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan. "Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hin
PABALING-BALING si Gwen sa kaniyang higaan. Laman pa rin ng isipan ang tagpo kaninang umaga. Napahinga siya ng malalim at napagpasiyang bumangon na lamang. Naupo siya sa gilid ng higaan at mataman na nag-isip. "Sana pala'y hindi na lang ako sumama sa bar, disinsana ay wala akong problema ngayon. Hayst! Gwen, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tuluyan siyang tumayo, saka ay lumapit sa bintana. Maliit lamang ang espasyo ng kaniyang kinaroroonan niya at sa loob ng dalawang taon ay iyon na ang naging tahanan. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang. Matapos niyang makapagtapos ng pag-aaral ay nagtungo na agad siya sa siyudad para magtrabaho. Sa isang supermarket siya kasalukuyang nagtatrabaho na kung saa'y pagmamay-ari ng ama ni Zabrina. Napahinga siya ng malalim. "Zabrina," mahinang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naging magkaibigan sila noong elementary pa lang, bagong lipat ito sa school na pinapasukan niya. At tanging siya lamang ang nakipag-usap dito, dahil ang ibang bata ay ilag
PUMASOK na kinabukasan si Gwen, kahit pa nga halos lumuwa na ang eye bag niya dahil na rin sa halos magdamag na gising. Tila nakalutang siya habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Isa siyang store manager roon. Sa ilang taong pagtatrabaho, unti-unti ay umangat siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay sumulpot si Celly, casher naman ito at nakapalagayang loob na niya. Nauna lang siya rito ng ilang buwan. Bago sila mag-umpisa sa trabaho ay magkukumustahan muna silang dalawa. Nakasanayan na nila ang ganoong gawain. Minsan ay dumadalaw roon si Zabrina, tumutulong din ito sa kaniya, ngunit ngayo'y hindi niya alam kung pupunta pa ito roon o kaya ay kakausapin siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Napahinga siya't napailing. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Pumasok siya sa kaniyang opisina. Ipinalagay iyon ni Zabrina para sa kaniya., para hindi raw siya mahirapan pa. "At bakit?" tanong nito ngunit maya't maya rin ay napitik nito ang daliri. "Ah, alam ko na.
Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang m
"GIAN!" Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture fram
NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya. "Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Aga
HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
Humingi ng paumanhin si Sylvia kay Gwen sa inasal ng anak. Ipinagpapasalamat na lang niya dahil mabait ang ginang at hindi siya nito pinababayaan. Hiling lang niya na sana ay hindi ito magbago. Kahit alam niyang kampi ang ginang sa kaniya ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. "Naiintindihan ko po iyon. Marahil ay hindi pa lang talaga niya ako matanggap." May bumikig sa lalamunan niya matapos banggitin ang salitang iyon. Kung alam lang ng ginang na hanggang langit ang galit ng anak nito sa kaniya. Ayaw naman niyang sabihin dahil baka ay madagdagan pa ang galit ni Gian sa kaniya. Iiwasan na lang niya ang binata.Isinama siya ng ginang sa mall, Hindi na siya nakatanggi nang ipamili siya ng mga damit, shoes, bags at kung ano pa ang kaniyang kailangan sa bahay. "Lets eat, iha. Nagugutom na ako." Sumunod siya sa ginang. Ang ilan sa pinamili ay ito ang nagdala kaya lalong nadagdagan ang hiya niya. Sa isang mamahaling restaurant sila pumasok. Habang hini
INIS na inis si Celly, pero kahit ganoon ang naramdaman ay wala siyang ibang choice kundi ang pakisamahan si Adrix. Napahiya rin siya kay Gian nang magtalo sila sa harapan ng mag-asawa habang kumakain ang mga ito."Kundi ba naman isang tanga at kalahati!" pabulong niyang sabi, umiikot pa ang dalawang itim ng mata. Tinapunan nito ng pagkain ang waiter na nag-serve sa kanila sa restaurant. Pero ang mokong na 'to, siya ang sinisisi kung bakit nito nagawa 'yon. Nakikipagtitigan daw siya sa waiter."As if namang nakikipagtitigan ngang talaga ako, duh!" Muling umikot ang itim ng mata niya. Tumingin siya sa labas, nagbabaka-sakaling mawala ang inis niya sa binata.Ngayon ay nasa sasakyan siya nito. Ihahatid na raw siya, pero daraan muna sila sa mansyon ng McCollins dahil sa naiwang gamit doon. Hindi rin niya maipaliwanag ang sarili kung bakit inis na inis siya sa tuwing magkakamali ito. Para sa kaniya'y wala itong alam kundi ang uminom sa bar, lustayin ang pera sa walang kabuluhang bagay at
ANG sama ng tingin ni Gian sa asawa, nasa labas na sila ng room, pero bahagyang nakaawang ang pinto ng silid dahil sa natutulog na anak. Umi-echo ang boses nito, mabuti na lamang dahil soundproof ang office niya, kung hindi ay nagtaka na ang mga empleyafo niya sa labas. Ang asawa niya, pinagtitripan lang pala siya. Hindi pala ito galit sa nagawa niyanh pagsigaw dito. Oo, nainis ito pero nang makita ang reaksyon niya na halos umiyak na sa paghingi ng tawad dito at ngayon ay humagalpak ng tawa. Gayunpaman ay nawala ang anumang nasa isipan niya. Ang sarap lang pakinggan ng tawa nito. Nakahahalina. Namimilipit na ito sa pagtawa, may kasama pang hampas pa sa bangko. Ang mukha'y nammumula na. Sa ilang taon nilang magkasama, ngayon lang niya ito nakita kung paano tumawa nang walang pag-aalinlangan. Parang nakalaya ito sa madilim niyang anino. "Sweetheart, ang sakit na ng tiyan ko," sabi nitong nakahawak sa tiyan. Napangiti siya. Tumayo siya't lumapit dito. "Silly girl!" Tuluyan na siyang
NAISABUNOT ni Gian ang mga daliri sa sariling buhok. Nang dahil sa takot ay hindi sinasadyang nasigawan niya ang asawa. Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito susuyuin. Bumalik ang alaala ng pagmamalupit niya rito, ang mga panahong palagi niya itong sinisigawan at sinasaktan. Tulad noon, wala pa rin itong imik. O baka'y kinimkim lang nito ang galit sa kaniya. Shit! Nahihiya siya sa asawa. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha, saka'y tumingin sa asawang katabi ng anak. Hindi niya alam kung tulog ba ito at hindi rin niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Namalayan na lang niyang tinatangay siya ng mga paa patungo rito. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at ginawa ang pagkakahiga ng asawa. Ipinatong ang braso sa baywang nito. "I'm sorry..." Nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan. Paano kung magtampo ito nang husto sa ginawa niya? Kung bakit naman kasi pinairal niya ang init ng ulo. "A-are you m-mad!" Tinamaan siya ng lintik dahil bahagya siyang pumiyok. Kapag g
HINDI mapigilan ni Gwen ang tuwa habang nasa clinic sila ni Celly. Nagkandahaba ang nguso nito at halos hindi maipinta ang hitsura, daig pa ang nalugi sa negosyo. Tumawag sa kaniya si Gian, nagtatanong kung natuloy ba ang appointment niya sa doktor ni Andrei. Alibi lang pala 'yon ng asawa, dahil ang totoo'y sinisigurado nito kung magkasama sila ng kaibigan. Nasa tabi nito si Adrix na naghuhurumintado dahil sa pagtakas ng kaibigan. "Hoy! Wala tayong relasyon para ipaalam ko pa sa iyo ang lahat ng aking gagawin!" bulyaw ni Celly sa kabilang linya. "Lower your voice," aniya rito, inihele pa niya ang natutulog na anak. Pinagbigyan niya ang hiling ni Adrix na makausap si Celly, kaya ngayo'y inis na inis ang kaniyang kaibigan. Masamang tingin ang itinugon nito sa kaniya na lalo niyang ikinatuwa. Kung nasa sariling pamamahay lang siguro siya ay humagalpak na siya ng tawa. Kaagad din nitong tinapos ang makikipag-usap sa nasa kabilang linya at padaskol na iniabot sa kaniya ang cellphone.
"SAAN ka pupunta?" Sumalimpat ang tingin ni Celly kay Adrix. Nakatayo ito sa harapan niya. Salubong ang kilay, mukhang aburido. Hindi na lang niya ito pinansin at akmang lalabas ng pinto ngunit maagap nitong iniharang ang katawan. Umikot ang kaniyang mata. Sa halip na lumabas ay malakas niyang isinarado ang pinto. Narinig pa niya ang hiyaw ng binata ngunit hindi niya pinakinggan, bagkus ay ini-lock pa. "Agang-aga nakakabwisit!" angil pa niya, kasabay ng marahas na paglalakad patungo sa likurang bahagi ng tinutuluyan.Simula nang dumating sila galing Isla Paradise ay palagi siyang binibisita nito. Tuwing umaga ay lagi niyang nakikitang nag-aabang sa labasan, kung hindi naman ay nasa harap ng pinto. Naiirita na siya rito. Sinabi na niyang tumigil na dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, pero napakakulit talaga. Hindi raw ito naniniwala sa kaniya."Nakakainis!" Binuksan niya ang bintana, siinuri ang paligid. Hindi 'yon kataasan, hanggang baywang lang niya at kaya niyang dumaan, ang
HINDI maalis-alis ang lagkit ng tingin ni Gian sa asawa. Gandang-ganda siya rito. She's so gorgeous with her looks. Para itong beauty queen na kahit simple lang ang kasuota'y nagiging kaakit-akit sa paningin niya. The way she walked, even her smile, lahat ng 'yon ay parang diyamante sa kaniyang paningin at kung sinuman ang magtangkang humawak o kahit tumingin dito'y dudurugin niya. A delicate smile drew on his lips when they stopped walking. His eyes also showed a lot of admiration. Kasalukuyan silang nasa veranda sa second floor, naliligiran ng iba't ibang uri ng halaman at sa kalangitan ay nandoon ang nagkikislapang mga bituin. "Ang ganda, sweetheart!" buong paghangang sambit nito. Umikot pa habang nakatingala at nakamasid sa mga bituin. Naisip niyang palagyan extension ng tulad nito ang kanilang room. May veranda rin ang silid nila pero maliit ang espasyo at hindi rin napagtutuonan ng pansin ang paligid. Bahagyang kumislot ang puso niya nang lumapit ito sa pinakadulo at kumapit
SHE'S wearing a purple velvet dress, above the knee at hukab ang likuran. Terninuhan niya ng silver na three inches sandals. Ang buhok na lampas balikat ay inayos ni Tina. Matamis na ngiti ang iginawad niya sa reflection sa harap ng salamin. Niyaya siya ni Gian na mag-date ngayong gabi. Ang asawa niya'y kanina pa naghihintay sa ibaba, nandoon din ang kanilang anak. Matapos ma-i-check ang gatas at damit ni Andrei ay lumabas na siya ng silid. Iiwan niya ito sa kaniyang Mommy Sylvia at ngayon pa lang ay nag-aalala siya nang husto. Minsan kasi ay umiiyak ito sa gabi, baka'y hindi kayang asikasuhin ng ginang. Kahit pa sinabi nitong nandoon din si Tina at Lanie na makakatulong nito'y hindi pa rin maalis sa isipan niya ang sobrang pag-alala. Nakapaskil ang matamis pa ring ngiti nang lumapat ang paa niya sa ibaba ng hagdan, she went straight to the living room, from the door she could clearly see her husband playing with their child. Nandoon din si Sylvia na nasa labi rin ang ngiti. Hindi si
PINAGKAGULUHAN si Andrei nang makarating si Gwen at Gian sa mansyon. Hindi pa man sila lumalabas ng kotse ay nakaabang na si Sylvia, atat na atat na raw itong mahawakang muli ang apo. Nagkakawag ang kanilang anak, humagikgik rin ng tawa, waring alam nito na nakabalik na sila at makikita na ang mamita."Apo ko, ilang araw lang tayong nagkawalay ay sobra na kitang na-miss. Hindi kumpleto ang araw ko dahil wala ka rito," sabi ni Sylvia, sinabayan pa ng pagpupog ng halik kay Andrie. Lumapit si Trina at Lanie para kunin ang kanilang mga gayak sa sasakyan. Ganoon din sana ang gagawin ni Aling Marthe pero nang makita si Andrei ay huminto ito. Sabay na pinanggigilan ng dalawang ginang ang kanilang anak. Napailing si Gian habang nakamasid sa mga pumapasok. "Paano kaya kung isang taon kaming nawala rito?" "Ano na naman ang binubulong-bulong mo?" sikmat sa kaniya ni Gwen. Ngumuso siya sa direksyon ng dalawang ginang. "Look at them. They really love our son." Hinapit niya sa baywang ang asawa
NANG makabalik sa room ay maingat na inilapag ni Gwen ang nahihimbing na anak, nilagyan niya ng harang ang magkabilang gilid nito, saka'y pumasok ng banyo para mag-shower. Isa-isa niyang hinubad ang ginamit sa pagbabad sa pool, maingat 'yong ipinatong sa sink, balak niyang banlawan, saka patutuluin bago ilagay sa plastic. Binuhay niya ang shower, mabilis na dumaloy ang maligamgam na tubig sa katawan niya. Nagsasabon na siya nang may kamay na umagaw sa hawak niyang sabon. At ang kamay na 'yon ang nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Habang ikinakalat nito ang sabon ay dumadampi ang labi nito sa leeg at balikat niya. Ang isa nitong kamay ay may pagpisil na sa kaniyang breast, habang ang isa ay patuloy na ikinuskos sa mabagal na ritmo ang hawak ba sabon sa parteng tiyan niya, paikot sa may pusod niya. Nang dahil sa ginagawa ng asawa'y humulagpos ang mabining ungol sa bibig niya. Napapikit pa upang damhin ang idinudulot na ligaya. Nabubuhay na naman ang init sa katawan niya, init na alam na