Mas binilisan pa ni Jarred ang ginagawang paglabas-masok ng kaniyang dalawang daliri sa loob ni Jasmine. Ramdam niya ang katas nito na bumabalot sa kaniyang daliri na mas lalo pang nagpadagdag sa pagnanasang kaniyang nararadaman. Inilabas niya ang daliri at ipinakita iyon kay Jasmine na nakaawang ang labi na nakatingin sa kaniya, dahan-dahan niyang inilabas ang dila at dinilaan iyon. Napapikit siya sa lasa niyon. "Baby..." ani Jasmine at napalunok ito habang nakatingin sa kaniya. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata, titig na titig sa kaniya ang kasintahan at kitang-kita sa mga mata nito ang pagnanasa. "You taste good, baby." aniya habang matiim na nakatitig rito. Tumaas-baba ang dibdib ni Jasmine. Bumangon ito at dahan-dahang tinanggal ang suot nitong long dress, tinulungan niya ito. Siya na ang nagtanggal ng heels nito. Habang nagtatanggal ito ng dress, tinanggal na rin niya ang kaniyang amerikana. Nang parehas na silang walang suot na damit. Pinasadahan niya ng tingin si Jas
Ala-una ng hapon ng dumating si Judge Imperal sa mansiyon ni Jarred Racqueza. Naroon na rin sina Dante at Celeste Racqueza, ganun din sina Adhalia at Samuel Saderra. Maging sina Sean Custaño at Celine Lagrado ay naroon para saksihan ang kanilang kasal. Nagsimula ang seremonya ng kasal, maikli lamang iyon dahil pipirma lamang sila ng papel na katunayan na ikinasal na sila. May kinuha si Jarred sa bulsa ng suot nitong amerikana. Napasighap si Jasmine dahil alam niya kung ano ang laman niyon. Dalawang singsing! Kinuha ni Jarred ang kaniyang kamay at isinuot roon ang isang singsing. Napakaganda niyon, hindi niya maiwasang titigan ang brilyante na nasa itaas niyon at kumikinang-kinang. Tinitigan niya ito."Thank you, baby. Grabe! Napakaganda nito! Hindi ko na tatanungin kung magkano ito dahil baka malula lang ako." aniya na bahagyang natawa. Natawa na rin si Jarred at tinitigan siya ng buong pagsuyo at pagmamahal."Ang singsing na iyan ay sumisimbolo ng pagmamahal ko sa iyo. Ang brilyante
Nanggigigil sa inis si Jarred dahil kay Ronnel, salamat at napakalma siya ni Jasmine. Pinaupo siya nito sa sofa. Pumunta ito sa kabinet at kinuha ang first aid kit. Nang makuha iyon, lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya. Binuksan nito ang first aid kit at naglabas ng alcohol at cotton buds."Hindi mo dapat iyon ginawa, baby." anito habang ginagamot ang napuruhan niyang labi dahil sa pagsuntok sa kaniya ni Ronnel. Tiningnan niya ang asawa na nakatingin lamang sa sugat niya at dinadampihan iyon. Napapaigik siya dahil sa hapdi niyon."Baby, dahan-dahan naman!" pagmamaktol niya. Tiningnan siya nito ng masama."Kasalanan mo yan kaya tiisin mo." anito sa seryusong tinig. Lumambot ang ekspresyon niya habang tinitigan ito. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Hindi naman niya kakikitaan ng galit ang mukha nito pero gusto pa rin niyang itanong para makasiguro siya. Ayaw pa man din niya na nagagalit ito sa kaniya at baka makasama din ito sa sanggol na nasa sinapupunan nito. Iyon ang kahul
Napabaling ang atensyon ni Jarred sa pintuan ng opisina ng bumukas iyon. Sumilip ang ulo ng kaniyang Sekretarya na si Iyah."Sir, busy po ba kayo?" tanong nito. Umiling siya. Patapos na kasi ang ginagawa niya at katatapos lang niyang kausapin ang kaniyang maybahay at kinamusta ito. Ang sabi nito ay hindi pumasok si Ronnel at hindi nagpadala ng email rito kung bakit hindi ito pumasok. Dahil ba sa nangyari kahapon kaya hindi ito pumasok? Kung anuman ang dahilan nito ay wala na siyang pakielam. "Hindi naman, bakit po?" magalang niyang tanong. Mas matanda ito sa kaniya kaya marapat lamang na lagyan niya ng "po" kapag kinakausap niya ito. Tuluyan na itong pumasok sa opisina. "Nais po kayong makausap ni Mr. Viesta, Sir. Papasukin ko na po ba?" Tumango siya bilang tugon. "Sige, papasukin mo na." aniya. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ang bisita niya."Pasok na po kayo, Mr. Viesta." anito. Pumasok si Mr. Allan Viesta, nang magtama ang kanilang mga mata ay ngini
Pagdating ni Jarred sa Sycel Unique Restaurant, dito kasi gusto makipag-date ni Genesaret. Sinabi iyon ni Mr. Viesta kanina sa opisina niya. Pagpasok niya sa restaurant, iginala niya ng paningin sa loob niyon. Nakita niya si Genesaret na nakaupo sa isang pandalawang mesa malapit sa entrance. Nang makita siya nito, dali-dali itong tumayo at sinalubong siya na may masuyong ngiti sa mga labi."Salamat sa pagpapaunlak ng aking imbitasyon, Jarred. Sobrang saya ko ngayon dahil ikaw ang kasama ko ngayong kaarawan ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." anito ng nasa tapat na siya nito at naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. Tumango-tango siya. Ayaw niyang makipagplastikan rito, ang ngiti niya ay para lamang sa kaniyang maybahay na si Jasmine. Kung hindi lang dahil kay Mr. Viesta nunkang tatanggapin niya ang imbitasyon nito. Kung sakaling tumutol man si Jasmine ay susundin niya ito."Dahil nakisuyo sa akin ang iyong ama. Malaki ang respeto ko sa iyong ama at pumayag naman s
"So, tinulungan ka ni Khael?" tanong ni Jarred kay Jasmine habang sila ay nakahiga sa kama ng gabing iyon. Mabuti naman at hindi na nagseselos ito kay Khael. Nakaunan siya sa braso nito at nakayakap sa maskulado nitong katawan. Wala kasi itong pang-itaas na damit kaya malaya niyang nahahawakan ang mga pandesal nito sa katawan. Batak na batak ang katawan ni Jarred at alaga sa ehersisyo. Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa asawa. Naamoy niya ang mabango nitong amoy."Oo, sa kaniya ako humingi ng tulong, baby. Galit ka ba dahil hindi ko sinabi sa iyo ang balak ko o kaya ay galit ka ba dahil humingi ako ng tulong kay Khael?" nag-aalala niyang tanong tsaka ito tiningala. Ito ang kauna-unahang desisyon na hindi niya ipinaalam dito. Nagtama ang kanilang paningin dahil nakatingin rin pala ito sa kaniya. Napakagwapo talaga nito. Iniangat ni Jarred ang kaliwang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi at pinakatitigan siyang maigi. Titig na nagsasabi na siya lang ang pinakamaganda sa pani
Huminga ng malalim si Jasmine pagkalabas ni Ronnel ng kaniyang opisina. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito dahil sa naging desisyon niya. Oo, hindi talaga maganda ang naging desisyon niya pero yun lang ang naisip niyang paraan para magtanda ito. Dalawang buwan lang iyon at pwede na itong mag-apply sa ibang kompanya. Hindi siya ganoon kasama para hindi ito tuluyang makapaghanap-buhay. Alam niya kung gaano kahirap ang walang trabaho lalo at may pamilya ito. Napahilot siya sa kaniyang sentido dahil biglang sumakit iyon. Bawal sa kaniya ang nae-stress pero stress itong mga ginagawa niya. Mabuti nalang at nagta-take siya ng vitamins para sa kaniyang pagbubuntis. Hinihilot niya ang kaniyang sentido ng biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa mesa, ang ring tone niyon ay para kay Jarred lamang. Kaya alam niyang si Jarred ang tumatawag. Kaya dinampot niya iyon at sinagot."Baby, kamusta? Okay ka lang ba? Hindi ka ba ginawan ng masama ni Ronnel? Please tell me, kanina pa ako nag-
"Hello, baby. Mukhang busy tayo ngayon ah?" tanong ni Jasmine sa asawa nang madatnan itong nakaharap sa computer at nakakunot-noo. Mula sa ginagawa ay nag-angat ng tingin si Jarred. Ngumiti siya ng magtama ang kanilang mata. Tumayo ito at sinalubong siya tsaka hinapit palapit ang katawan niya palapit dito. "Sorry, baby. Hindi ko napansin na dumating ka. May ginawa kasi ako." hinging-paumanhin nito. Hinalikan niya ito sa pisngi."It's okay, baby." aniya. Ilalapat na sana ni Jarred ang labi sa kaniyang labi ng biglang may kumatok sa pintuan. Natawa siya ng umasim ang mukha nito. Kinurot niya ang pisngi nito."Later, baby." aniya at kinindatan ito. "Ako na ang magbubukas." aniya. Hinalikan siya nito sa noo."Okay, baby later." anito tsaka nagtungo sa sofa at naupo habang nakatingin sa kaniya. Ramdam niya mainit nitong mga mata sa kaniyang pang-upo.Siya naman ay naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa kaniyang harapan ang nakangiting sekretarya ni Jarred. Ginantihan n
Makalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R
Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s
Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Habang hinihintay ni Jasmine ang asawa na mga sandaling iyon ay patungo na sa Breadshop para bilhin ang ube cake na pinaglalawayan niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Pupunta siya sa Cruz Drug Store di-kayuan sa gusali para bumili ng pregnancy test."Mrs. Racqueza saan po kayo pupunta?" tanong sa kaniya ni Claria ng matapat siya sa mesa nito. Mula sa ginagawa ay nag-angat ito ng tingin. Lumingon siya rito at nginitian ang dalaga."Pupunta ako ngayon sa Cruz Drug Store para bumili ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung buntis nga ba talaga ako lalo at nagcra-crave ako ng ube cake. Nagpabili nga ako kay Jarred eh," pagbibigay-alam niya. Kahit papaano naging malapit na sina Jasmine at Claria kaya nasasabi na rin niya rito ang ibang mga bagay patungkol sa kaniya. Natutop ni Claria ang labi kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat."Baka na po kayo?!" mangha nitong tanong."Hindi pa naman ako sigurado. Baka nagcra-crave lang ako pero..." Huminto siya sa pagsasalita ng maisi
Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal nina Jasmine at Jarred. Bumalik na rin siya sa trabaho sa Saderra Coffee Factory. May mga trabaho man siyang nadatnan dahil sa isang buwan na pagkawala, hindi naman niya kailangan gawin iyon kaagad. Kasama naman niya si Claria na tapusin ang mga iyon. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok sa opisina. Inihatid siya ng asawang si Jarred. Nagsuhesiyon siya na kumuha na lang sila ng private driver para hindi ito mahirapan lalo at may kalayuan ang Racqueza Steel Corporation pero tumanggi ito. Ang sabi nito, mas mabuti na ito pa rin ang maghatid sa kaniya dahil ayaw nitong ihabilin siya sa iba. Bilang asawa, obligasyon nito ang kaligtasan niya at ayaw nitong ipasuyo sa iba ang bagay na kaya pa naman nitong gawin. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila tungkol doon. Kitang-kita sa mga mata ni Jarred ang labis na pagmamahal at pagtangi sa kaniya. Na sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi iyon nagbago bagkus mas lalo pa iyong lumal
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan."Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya. "Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa. "Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.
Napabaling ang tingin ni Jasmine sa pintuan mula sa binabasang report galing sa isang branch nang marinig niya ang pagsigaw ni Jayron. Napangiti siya ng makitang nakatayo ang kaniyang anak at ang kaniyang butihing asawa sa pintuan na may ngiti sa mga labi. Bakas ang kasiyahan sa mukha."Mommy!" masiglang sigaw nito. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas sa mesa."Baby Jayron!" aniya at sinalubong ang anak nang patakbo itong lumapit sa kaniya. Yumuko siya para mayakap at anak at binuhat ito. "I miss you, baby," aniya at hinalikan ang pisngi nito. Hawig na hawig talaga ito ni Jarred. Wala man lang itong nakuha sa kaniya. Ayos lang. Malay mo sa susunod na magbuntis siya kamukha niya na."I miss you too, mom," tugon nito at mas niyakap siya ng mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at muling hinalikan sa pisngi."Kamusta ang pag-aaral. Nakikinig ka ba kay teacher?" tanong niya. Ngumiti ito."Okay naman po. Madami po akong natutunan at nakinig po akong mabuti ka
Si Jarred na ang naghatid kay Jayron sa eskwelahan. Hindi na sumama si Jasmine dahil may mga aasikasuhin pa ito sa opisina. Preparatory na siya ngayon. Nang marating ang eskwelahan, inihatid na niya sa silid-aralan ang anak. Ipinakisuyo niya ang anak sa guro nito na si Mrs. Lee."Kayo na po ang bahala kay Jayron, Ma'am Lee," aniya. Tumango na may kasamang ngiti ang guro."Oo naman po, Mr. Racqueza," sagot nito."Susunduin ka ni Daddy mamaya, huh?" aniya."Okay po," sagot nito. Inakay na ni Mrs. Lee si Jayron patungo sa silya nito.Nginitian niya ang guro at umalis na ng silid-aralan. Nang marating niya ang kanyang mamahaling kotse, pumasok siya at pinasibad iyon patungo sa Jewelry Shop ni Celeste. Nang marating iyon, ipinark niya ang sasakyan sa parking area ng shop saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng jewelry shop. Nang makapasok siya, ngiti ang ibinungad sa kaniya ng saleslady."Good day, Sir Racqueza," bati nito. Tipid niya itong nginitian."Good day rin. Nandiyan ba si M
Pagdating nila Jasmine at Jarred sa mansiyon. Nagkatinginan silang dalawa ng makitang may itim na sports car sa labas ng gate. Lumabas si Jarred ng lamborghini at nilapitan ang gwardiya."Kanino pong sports car, iyon?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa sasakyan."Bianca Cardova po kasama po niya ang anak niya. Pinapasok na po ni Tessa," pagbibigay-alam nito. Marahil alam ni Tessa na walang gagawing masama si Bianca kaya pinapasok na ito sa bahay. Hindi rin maganda kung sa labas sila mananatili. Lumabas si Jasmine at nilapitan ang asawa."Sino daw iyon, baby?" tanong niya. Liningon siya ni Jarred."Si Bianca at Beatriz, baby. Nandito sila sa bahay," anito. Tumango-tango siya. Marahil ay may sadya ang mga ito kung bakit sila narito."Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay para makausap na rin natin sila," aniya na tinugon naman ng tango ni Jarred. Bilang gentleman, pinauna siya ng asawa maglakad at hindi napigilan ni Jasmine mapangiti sa ginawa ng asawa. Nang makapasok sila sa