~Part 2 of the special chapter, still on Kien Limansag's POV~She rolled her eyes when she saw my reaction. Chaka niya ah. May tirik-tirik ng nalalaman."Anong guwapo don? E, mukhang pinagsakluban lagi ng langit at lupa ang mukha," saad niya before she sipped her coffee."Makalait ka, parang hindi ka rin tumili dati nang nakita mo siyang nag speech dati sa University, a."Kapal ng mukha ng bruhidang 'to. Laitin ba naman ang crush ko sa aking harapan. Aba! Landi first before friendship no! Isa pa, wagas kaya 'yang tumili dati noong nag-speech si Mr. Mañuz sa University namin nong first year pa lang kami. She even claimed she's his wife. Kung hindi lang ako naawa nito dati kasi wala pa siyang friendship baka pinadispatiya ko na siya dati pa. "Totoo naman e. He look like a walking zombie with his messy hair and eyebags. Hindi na nga 'yon naligo nang pumasok siya sa opisina kanina, e." "Walking zombie." I mumbled as I nod my head. Bakit ibang klaseng walking zombie ang naiimajen ko? Ba
~LEYLAH MONTENEGRO MAÑUZ'S POV~Hindi ko talaga maiwasang matawa sa reaction ni Kien, gulat na gulat talaga siya basi sa panlalaki ng kaniyang mga mata when Xeno cut me off and told him he's my husband. To think na hindi niya ako pinaniniwalaan kanina about my claim Xeno being my husband. Pfft. O, ano ka ngayon bakla, nganga? "Hi," bati ni Kien nang naka recover na siya before he extended his other hand for a hand shake, in which Xeno obliged. "Hi..." sagot then sa kaniya ni Xeno while shaking Kienna's hand.Just a simple information, Kienna's gay by the way. His real name is Kien. My first friend when I entered college years ago in which my best bud among our barkada later on. Pareho silang bumawi ng sariling kamay after a few seconds of handshake. I giggled.Nagsisimula na naman itong si Kienna. Kakatayin ko talaga ng buhay 'to mamaya. Paano ba naman, namumula na naman siya! Anong klaseng imagination na naman ang naisip niya?"Excuse me, mag si-CR lang ako," paalam ni Kienna, l
*Flashback*"XENO, saan ba kasi tayo pupunta?" Kasalukuyan kasing natatakpan ang aking mga mata ng kakarampot na piraso ng tela habang akay-akay naman ako ng isa sa mga maid ni Xeno.Narinig ko siyang tumawa bago nagsalita. "Basta maglakad ka na lang. Sigurado akong magugustuhan mo rin 'to promise." Mas lalo tuloy akong na-curious sa sinabi niya. Ano kayang pakulo 'to at kailangan pa talagang piringan ang dalawang mata ko? Napakamot na lang ako sa sariling ulo dahil sa kawalan ng alam sa mga nangyayari. Haist.Maya-maya ay pinahinto ako ng kamay na umaakay sa akin bago ko narinig muli ang boses ni Xeno. "Sige, tanggalin mo na."Iyon ang ginawa kong hudyat upang tanggalin ang telang nakapiring sa akin. Pagkatapos ay dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Bumungad agad sa aking harapan ang napakamaraming stuff toys at balloons at syempre ang paborito kong red Tulip na pumuno sa loob ng aking kwarto. I was an awe to the view. Halos hindi ako makapagsalita.I turned to face Xeno
NAAGAW ang atensyon ko dahil sa bati ni Hans kaya napalingon ako sa kaniya. "Good morning," dagdag niya pa na kinairita ko.Here we are again with that smug face of his. Nakakainis. Ano bang ginagawa niya sa pamamahay ko? Akala ko ba allergic siya sa tuwing nakikita ako? Tinaasan ko nga siya ng kilay. "What are you doing here?" "Sitting and taking a rest?" pamimilosopo niya pa.Ibitay ko kaya 'to patiwarik?Napamewang ako. "Hindi ako bulag. What are you doing here? Akala ko ba ayaw mong nakikita 'tong pagmumukha ko?" He smirked. " Nothing's bad with a change. Si Xeno nga nakaya mong baguhin malay natin baka pati ako magbago."Napaawang ako ng bibig dahil sa sagot niya. Typical for a Hans."Siguro kung sumikat ang araw sa kanluran, baka maisipan ko pang magbabago ka. But the likes of you? I don't think so. Kaya anong pakay mo at nagpakita ka sa harapan ko?" I asked sternly and glared at him.Kilala ko si Hans. He's nothing but a stupid psychopath. Nagtaka nga ako dati kung bakit nag
LEYLAH MONTENEGRO MAÑUZMatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. May bukod kasi akong bathroom doon. Nadaanan ko pa ang sala kanina ngunit wala na si Hans at Xeno do'n. Tss. I'm sure ako na naman ang pinag-uusapan ng dalawang 'yon. O baka nga may balak na namang masama sa akin ang Hans na 'yon. Hay naku! Simula't sapol talaga nang magtagpo ang landas namin ng hinayupak na Hans na 'yon ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipahamak ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo at tinungo kung saan naroroon ang closet. Huminto ako sa tapat nito bago ito binuksan. Saka ay tinanggal ko ang natatanging bumabalot sa aking katawan. Kinuha ang lotion at marahang nilagyan ang aking balat habang nagha-hum. Ayokong sirain ang araw ko dahil sa Hans na 'yon noh! Hindi na nga maganda ang naging tulog ko at panaginip, pati ba naman ang araw ko masisira dahil sa kaniya?! I refuse."Leylah?"Nabato ako sa kinaroroonan ko nang narinig ko ang boses ni Xeno sa labas ng
Kung noon 'to nangyari... malamang tumatalon na siguro ako sa tuwa knowing that Xeno have this kind of surprise for me. Pero ngayon? Mas lalo niya lang pinamumukha sa aking 'act' niya lang ito lahat. Nakakalito and yet, I'm scared and happy."O bakit ka naman umiiyak?" Mukhang nagulat pa siya sa naging reaksyon ko at nagtangkang pahiran ang mga luha ko pero inunahan ko na siya."Wala. Ang daya mo lang kasi." Ang daya mo kasi ang galing-galing mo talaga sa mga ganito. "Then why did you cry? May masakit ba? Should we head to the hospital instead?" Umiling lang ako sa kaniya. "No need. Okay lang ako. I just can't believe that you remembered the date." Then I smiled weakly"Bakit ko naman makakalimutan ang araw na 'to? This day is special. Special to sa atin ang araw na 'to. That's why I can't forget." My heart twist into knots. Why is he telling me these? Why is he lying? Special? Kung ganoon bakit ang lungkot-lungkot ng mga mata niya? Hindi ba talaga niya kayang kalimutan ang araw
Gosh, how many years has it been since I walked with him in public like this? To top it off, holding hands? I think the only genuine one was before he got amnesia and after that.., now. I don't know. Wala naman kasi siyang sinserong pinapakita sa akin dati, ever since nang magka-amnesia siya. Even today... I don't think I can say it's real. That everything that is happening today is genuine, since I know it's not.'yan ka na naman, Leylah, nagiging makakalimutin ka na naman. Remember, never, as in never ever forget that everything, that all of this is a lie. Because once you forget, then that will be your another downfall. Magiging kawawa ka naman.'I felt despondent as my conscience utter those words. Oo nga naman. I should never forget the purpose as to why I'm doing this. I-I can't fall even more deeper than this. I can't. But I still don't know how, knowing that the risk I'm risking is too much for me to ask. Haist.... ewan. Maybe for now, I should focus more of what is important
Paglingon ko ay si Angel ang babaeng nakita ko sa may di kalayuan sa akin. I just wave at her as a hi."Woah! Talagang dinalaw mo ang shop ko, a," she said between grinning.Nagtaas baba lang ako ng balikat saka siya sinagot. "What can I do, I have to buy your exotic clothes so you could make profit." Pagkatapos ay nakipagbeso sa kaniya nang huminto siya sa harapan ko.Si Angel Mercado Hermosa, she's one of my classmates when I was a first year college dati noong old curriculum pa lang ang system ng education. We we're both taking up arts and design at ka-block ko siya dati. But somehow, hindi lang arts ang kinahiligan ng bruhang 'to. Mas napalapit sa puso niya ang fashion. Kaya ayon, matapos ang first sem, lumipad siya sa Paris para mag-aral ng Fashion. Kaya heto ang Lola niyo, nakabalik sa Pinas na bigating pasyonistah!Nakita ko siyang umismid. "F. Y. I, Dearest, ang dami kayang bumibili dito sa shop ko.""Kita ko nga." Makahulugang nakipagsukatan siya ng tingin sa akin."Ba't ka
Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii
MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m
I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam
"OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m