XENO LU MAÑUZRaymond?Hmmm...I tilt my head and furrowed by brows as I watched that man leave. That guy, somehow, his face looks familiar. Even his voice sounds familiar. Nagkita na ba kami dati? Mas lalo ko pang inalaala kung kailan ko nakita ang mukhang 'yon, ngunit kahit gaano pang pagrere-call ang gawin ko ay hindi ko pa rin maalaala. His face and voice though was familiar. Nagkibitbalikat na lamang ako at pinagtuunan ng pansin ang mga bagong dating sa harapan ko. Lahat sila ay hindi nagsasalita. Tahimik lang na nakatingin ang mag-asawa kay lolo Leon na nasa tabi ni Leylah na mukhang iiyak ilang minuto na ngayon. Kumunot muli ang noo ko nang may naalala ako saka sila tinanong."Sino 'yong lalake kanina?" Kanina pa talaga ako curious sa kaniya. Bakit bigla na lang siyang sinampal ni mama Leah kanina? Bakit hindi nagalit 'yong lalaki nang sampalin siya? Ano ang ibig sabihin nila nang sabihin ni mama Leah na p
Nabalin muli ang atensyon ko nang bumukas ang pinto. Niluwa no'n ang aking bubutihing lolo na naka sombrero kasama ang kaniyang personal nurse. Sinenyasan naman ni Lolo Xian ang kaniyang personal nurse na magpaiwan sa labas bago nito sinara ang pintuan. Nilapitan siya ni Lolo Leon at nakipaghand shake. "President," ani lolo Leon na para bang isang napakagalang-galang na tao ng aking Lolo, na mas mataas pa ang estado nito sa buhay kaysa sa kaniya. "Mabuti naman at nakapunta ka," dagdag pa niya habang inaakayan si lolo Xian palapit kay Leylah. "Pupunta talaga ako. Lalong-lalo na't si Leylah ang pinaguusapan dito."Tumango si lolo nang tawagin ni papa Sebastian ang kaniyang pangalan at pati si mama Leah ay tinanguan rin nang magtagpo ang mga mata nila. Samantalang nang makita niya ako ay dinaanan niya lang."Kumusta na pala ang lagay niya?" Tanong ni Lolo Xian patungkol kay Leylah."Tulog pa rin siya dahil sa itinurok ng doctor sa kaniya n
Madilim ang buong paligid kung kaya ay wala akong makita. Subalit may isang malamig na patak ng tubig ang bumuhos mula sa itaas. Mukhang umuulan yata. Napayakap ako sa sarili pinapakiramdaman ang ginaw na bumabalot sa akin. Pagkatapos ay dahan-dahan ko' itinaas baba ang mga palad ko habang nakahawak sa aking mga braso para kahit papaano ay maiinitan ako. Muli ay inilibot ko ang aking panangin. Saan ba ako?Anong lugar 'to? Bakit wala akong makitang liwanag?Everything that I see is dark-nothing but pitch black.Muli ay inilibot ko ang aking panangin pero ganun pa rin. Wala parin akong makitang liwanag. Shit! Anong klaseng laro ba 'to? Saan ba ako?"You never listened!" Napatakip ako ng tenga dahil sa biglang pagbulyaw na 'yon ng malalim pero may pagkamatinis na boses ng isang lalake o babae? Basta. Umi-echo ang boses ng ilang ulit bago nawala pero sinundan na naman."Kung nakinig ka sana eh di masaya sana!"Pagkatapos no'n ay sinundan ng napaka
Napalunok ako ng sariling laway at nakipagsukatan ng tingin kay Mama. Total nagsalita naman na ako mas mabuti pang panindigan 'to. I can't turn my back now. Can't I?"H-Ha?" "Anong oras ako makakalabas?" Pagulit ko pa."I-Ikaw, gusto mo na bang lumabas ngayon?" "You're suffocating," is what I want to say, pero hindi ko sinabi. "Yeah. It's suffocating here.""Ganuon ba?" Aniya at nilapitan ang sa may aircon. "Umaandar naman ng maayos ang aircon ah. Kailan mo pa 'yan nararamdaman?" Dagdag niya pa bago lumapit sa akin. Damn. She's showing that concern face again. I just can't read her. First she showed her dislikes against me. Then next, she'll get disgusted. Then she'll get irritated. But time to time, I'll found myself being taken aback with her unknown concern for me. Then suddenly she'll revert back to her old self. What the hell? Nanay ko ba talaga 'to? Bakit hindi halata?I recoiled when I felt her cold hand against my forehead. "Good
BRIAN CLYDE DE JESUS"IKAW NA KASI.""I-ikaw na nga lang. Ikaw naman ang may kailangan kay sir, e."Kunot noo akong nakatingin kina Ella at Raul habang nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ni Xeno. Anong problema nila? Mukha kasi silang naiihi na ewan e habang pinagpasa-pasahan ang isang folder."Sabi mo tutulungan mo ako.""Hindi mo naman kasi sinabi na kay Mr. Mañuz ka pala pupunta.""Kasi naman kapag sasabihin ko, malamang kakaripas ka lang ng takbo.""Malamang. Ayokong magisa ng buhay no.""Eeeeeeh, Raul naman e." Pagpapadyak ni Ella na kinalaki ng mga mata ko.Nang hindi ko na matiis ang ang scenario sa harapan ko ay nilapitan ko na sila. "G-ganito na lang. Ako ang kakatok, ikaw na bahala pagkatapus. Ano, deal?" Tumango sa kaniya si Ella. Siguro fix na 'yong pinag-usapan nila kaya humarap na silang dalawa sa pintuan ng opisina ni Xeno, kaya lang ay ako ang unang bumungad sa kanilang mukha. Kaya ayonon, halos atakihin na sila sa puso nang makita ako.Nginitian ko sila pareho.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Haah?" Di makapaniwalang reaksyon ko. "T-teka nga, nabingi ba ako? E ang sweet-sweet niyo pa nga dati noong huling nandito si Leylah. Akala ko pa nga nagkabati na kayo... Anong nangyari?"Imposible! Hiwalay na sila? E ang alam ko ayaw na ayaw ni Leylah na pumayag sa alok na dibursyo ni Xeno? Bakit nagbago ang isip niya?***XENO LU MAÑUZI AVERTED my gaze from Brian's questioning eyes. "Anong nangyari?" He asked."I don't know. She just, suddenly said she quit. So, she quit.""Ganun lang? Umayaw na siya ng wala manlang dahilan? Napakaimposible. E, sa halos buong taong kinasal kayo, divorce na 'yong gusto mo pero pinagpilitan niyang umayaw and then suddenly papayag na siya? Anong nakain non?" Umiling ako sa kaniya and rolled my eyes before I stood up para uminom ng tubig. For sure, Brian's baffled. Can't blame him. Gaya niya rin naman ako dati. Pagbalik ko sa mesa ay problemadong nakau
WHAT'S WRONG WITH HER? Why did she suddenly leave when she knows that she's still not in a good shape? I shouldn't have convinced her doctor if this is going to happen. Wait, why was Leah crying before? Napangiwi ako. May mali yata sa paningin ko kanina. It's impossible for Leah to cry especially if the reason for it was her daughter. Napaka imposible talaga. Kasalukuyan ay nasa Condominium building ako ni Leylah. Nang bumukas na ang elevator sa sixth floor ay umalis na agad ako at hinanap ang flat niya. Nang mahanap ko na 'yon ay pinindot ko agad ang buzzer. Ilang pindot pa pero wala namang nagbubukas ng pinto.Baka wala siya dito?Kung wala siya rito ay nasaan siya? Feeling hopeless ay sumandal ako sa pinto. To think that I was in a hurry to see her before because I need to ask her something. Yet in the end, it ended up in vain. I sighed and then fished my phone inside my pocket at hinanap ang picture na naisend sa akin ng taong 'yon
LEYLLAH MONTENEGRO MAÑUZ"ARE YOU sure you'll be fine alone?"Nginitian ko si Cayster. "Yup. I'll be fine," I assured him before I grab the car's door.I heard him grumbled inside. "Arg! Ihahatid na nga lang kita sa unit mo. Baka mahilo ka pa habang naglalakad, e."Natawa ako sa naging reaksyon niya. Napakamot siya ng ulo habang umikot sa sasakyan at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto."Sabi ko naman kasi sayo kaya ko na ang sarili ko," natatawa ko pa ding ani."Hindi ko na pagkakatiwalaan 'yang alibay mo na 'yan. Kanina nang sabihin mo 'yan sa'kin bigla ka na lang nahilo. Isipin mo ah, magkasama pa tayo no'n. Paano nalang kung ikaw nalang mag-isa, ano ang gagawin mo?""Eh, okay na nga kasi ako?" "Kahit na," giit niya rin. "Ihahatid lang kita hanggang sa unit mo. Pagkatapos no'n aalis na ako. Sisiguraduhin ko lang na maayos ka."Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Sige na nga. Pero aalis
Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii
MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m
I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam
"OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m