Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Haah?" Di makapaniwalang reaksyon ko. "T-teka nga, nabingi ba ako? E ang sweet-sweet niyo pa nga dati noong huling nandito si Leylah. Akala ko pa nga nagkabati na kayo... Anong nangyari?"Imposible! Hiwalay na sila? E ang alam ko ayaw na ayaw ni Leylah na pumayag sa alok na dibursyo ni Xeno? Bakit nagbago ang isip niya?***XENO LU MAÑUZI AVERTED my gaze from Brian's questioning eyes. "Anong nangyari?" He asked."I don't know. She just, suddenly said she quit. So, she quit.""Ganun lang? Umayaw na siya ng wala manlang dahilan? Napakaimposible. E, sa halos buong taong kinasal kayo, divorce na 'yong gusto mo pero pinagpilitan niyang umayaw and then suddenly papayag na siya? Anong nakain non?" Umiling ako sa kaniya and rolled my eyes before I stood up para uminom ng tubig. For sure, Brian's baffled. Can't blame him. Gaya niya rin naman ako dati. Pagbalik ko sa mesa ay problemadong nakau
WHAT'S WRONG WITH HER? Why did she suddenly leave when she knows that she's still not in a good shape? I shouldn't have convinced her doctor if this is going to happen. Wait, why was Leah crying before? Napangiwi ako. May mali yata sa paningin ko kanina. It's impossible for Leah to cry especially if the reason for it was her daughter. Napaka imposible talaga. Kasalukuyan ay nasa Condominium building ako ni Leylah. Nang bumukas na ang elevator sa sixth floor ay umalis na agad ako at hinanap ang flat niya. Nang mahanap ko na 'yon ay pinindot ko agad ang buzzer. Ilang pindot pa pero wala namang nagbubukas ng pinto.Baka wala siya dito?Kung wala siya rito ay nasaan siya? Feeling hopeless ay sumandal ako sa pinto. To think that I was in a hurry to see her before because I need to ask her something. Yet in the end, it ended up in vain. I sighed and then fished my phone inside my pocket at hinanap ang picture na naisend sa akin ng taong 'yon
LEYLLAH MONTENEGRO MAÑUZ"ARE YOU sure you'll be fine alone?"Nginitian ko si Cayster. "Yup. I'll be fine," I assured him before I grab the car's door.I heard him grumbled inside. "Arg! Ihahatid na nga lang kita sa unit mo. Baka mahilo ka pa habang naglalakad, e."Natawa ako sa naging reaksyon niya. Napakamot siya ng ulo habang umikot sa sasakyan at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto."Sabi ko naman kasi sayo kaya ko na ang sarili ko," natatawa ko pa ding ani."Hindi ko na pagkakatiwalaan 'yang alibay mo na 'yan. Kanina nang sabihin mo 'yan sa'kin bigla ka na lang nahilo. Isipin mo ah, magkasama pa tayo no'n. Paano nalang kung ikaw nalang mag-isa, ano ang gagawin mo?""Eh, okay na nga kasi ako?" "Kahit na," giit niya rin. "Ihahatid lang kita hanggang sa unit mo. Pagkatapos no'n aalis na ako. Sisiguraduhin ko lang na maayos ka."Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Sige na nga. Pero aalis
Paano ba 'to? Kailangan ko talagang makatakas dito e. Arg! Bahala na nga si Batman! Nagtipa muli ako ng message para kay doctor Cayster.To Doc Cayster: Sa *** mall na tayo magkita. Huwag mo na akong tawagan pagkatapos nito kasi palowbat na ako. Kailangan ko ng mag charge. Hintayin na lang kita doon.From Doc Cayster: Sige Sige.From Doc Cayster: Ingat ^°^Denelet ko na ang messages namin pati na ang call history. Mahirap na baka may makaalam, iiwan ko pa naman dito ang cellphone. Hindi na ako magdadala dahil tatadtarin naman nila ng tawag ang cellphone ko. O di kaya ay ipapa-trace.Nang matapos ko na 'yong gawin ay tumayo na ako at naghanap ng pambihis."Saan ka pupunta Ma'am Leylah?" Rinig kong tanong ni Manang.Kinuha ko muna ang isang floral dress na yellow bago siya hinarap. "Makinig ka Manang," pagsisimula ko. "Kailangan kong umalis dito dahil kapag hindi baka isama ako nila oama sa bahay niya at alam kong alam mo
"BAKIT HINDI MO DINADALA ANG CELLPHONE MO!"Halos mabingi ako nang may biglang sumigaw sa likuran ko sabay hila nito sa'kin patalikod. Kumabog agad ang dibdib ko nang bumungad sa akin ang pares ng galit na mata. No way... Paanong nandito siya?!"X-Xeno?" I asked confusedly.He's fuming mad at hindi ko alam kung bakit, and why is he here by the way?! Paanong nalaman niyang nandito ako?"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala?" I can sense the bitterness in his voice. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka sa kinikilos niya.Binawi ko muna ang aking braso mula sa pagkakahawak niya saka ko siya taas noong tinitigan."Ano bang pakialam mo kung nandito ako? At saka anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako ngayon?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay nanliksi pa lalo ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay hinila na naman niya ang pulsuhan ko at kinaladkad ako palayo sa elevator.
Puwede naman niya 'yong gawin hindi ba? Para sa amin naman 'yon, e. Para makapag-move on na din ako sa kaniya."Pero hindi ko alam kung paano."Kumunot lang ang noo ko nang narinig ko ang mahinang sagot niya. Anong hindi niya alam kung paano? "Hindi ko alam kung paano gagawin 'yong pinapagawa mo sa akin Leylah," sagot niya as if nababasa niya ang iniisip ko.Umarko agad ang 'sang dulo ng labi ko. "Hindi mo alam? E, all those years na mag-asawa tayo, 'yon yata ang pinaka expert mong gawin. Ang baliwalain–""Hindi ko alam kung paano gawin 'yon," putol niya agad sakin, "dahil hindi ko na alam kung paano!"Natanga ako sandali. Wait, what is he babbling?I saw him frustratedly combed his hair before he sighed. "Sa totoo lang hindi ko na alam ang sarili ko this past months," he started in a low tone. "I wanted you out. I wanted to get rid of you. I even did things para lang kusa ka ng lumayo sa akin. But y
"Ang daya mo talaga Xeno. Napaka daya mo. Pero I'm sorry but not really sorry. Gaya nga ng sinabi ko sayo dati, pagud na ako. Pagud na ako sayo–SA INYO. At ayoko na ng anumang kaugnayan sa inyo.""Ito naman ang gusto ninyo. Ito 'yong hinihiling mo matagal na. Kaya ano pa bang problema at ayaw mong tanggapin? Hindi ko nga alam kung may natira pa ba akong pagmamahal sayo matapos mo akong ipagtabuyan."Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong makita ang anumang reaksyon sa mukha niya. Ayoko. Pagud na akong maging maamo dahil diyan. I just wanna get myself back and heal everything. Wala akong panahon para magbago ng isipan. Mabuti na lang at hindi siya sumasagot sa akin. Pinakalma ko muna ang sarili bago siya hinarap muli. "Kung 'yan lang rin naman ang sasabihin mo ay mas mabuti pang babalik na ako sa loob. At pakiusap lang, hayaan niyo na ako. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko na kailangan ang mga katulad niyo." Pagkatapos ay umalis doon at b
"HERE CALM YOURSELF FIRST." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko 'yon at nakita si Cayster na inaabot sa akin ang basong may laman ng tubig. Nahihiyang tinanggap ko 'yon saka ay ininom. "Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?" Tumango ako sa kaniya. "I'm fine now. Thank you." Saka ay matamlay akong ngumiti."Mabuti naman," aniya. Pagkatapos ay umupo sa kabilang silya na kaharap ko ngayon.Currently nasa mini resto kami ng condo sa ground floor. Dito namin napagpasyahang pumunta matapos kong ngumawa sa harapan niya kanina. At sa totoo lang, ngayon ko pa napagtantong nakakahiya pala 'yong ginawa ko. 'Yan tuloy hindi ko siya magawang tingnan ng maayos sa mga mata. "Ahm... Sorry nga pala tungkol sa nangyari kanina," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya."Sorry? Tungkol saan naman?""S-Sa ano... S-Sa... Dahil sa ano." Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko.Dapat ko bang sabihin na tungkol 'yon sa pag
Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii
MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m
I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam
"OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m