Home / Romance / His Hidden Wife / Chapter 121: Bonus Me Up to Up

Share

Chapter 121: Bonus Me Up to Up

Author: Xunshayn
last update Huling Na-update: 2023-10-15 13:30:23

"NAKATULALA KA NA NAMAN DIYAN SA CELLPHONE MO?"

Napalingon ako kay Maricar na ngayon ay nakatingin sa'kin.

Itinago ko agad ang cellphone. "Ah may hinihintay kasi ako." Pagkatapos ay alangan akong ngumiti sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at ibinalik ang tingin sa laptop niya. Habang ako ay kinuha muli ang aking cellphone at tinitigan na naman ito.

Tama nga si Maricar. Kaninang umaga pa ako pabalik-balik na nakatulala habang nakatingin sa cellphone ko. Ilang araw na kasing hindi nagpapakita si Cayster sa'kin. Tinatawagan ko at tinitext pero hindi naman niya ako sinasagot. Panay send lang siya sakin ng flowers. Nag-aalala lang ako at baka na paano na siya. Hindi niya kasi ugaling hindi man lang ako tawagan o and i-text man lang ng ilang araw. Tapos awkward pa 'yong huli naming pagkikita.

The truth is, I'm not yet prepared to see him. Sino nga ba ang handa? E alam ko namang naghihintay siya sa isasagot ko, but, I'm afraid to tell him my
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • His Hidden Wife   Chapter 122: Bonus Me Up to Up Part 2

    "Hindi ako aalis, maniningil pa ako ng utang, e," aniya sa pabirong boses pagkatapos ay lumabi sa'kin.Mas lalo lang uminit ang ulo ko. Masakit na nga 'tong ulo ko dinagdagan niya pa! Kaasar!"Aalis ka o tatawigin ko ang guard dahil nag trespassing ka?" banta ko sa kanya.Para naman akong nabunutan ng tinik nang makita kong nabato siya dahil sa sinabi ko. Takot naman pala, e.Malungkot siyang tumingin  "Ipapa guwardya mo ako?" "Oh, please don't look at me like that," angal ko sa kanya. Paano ba naman kasi nag puppy eye siya sa'kin!"E, Princess maniningil lang naman ako ng utang sayo, e. Diba sabi ko tatawagan kita kapag may naisip ako?"Nanliksi ang mata ko. "So ang naisip mo ay 'yong mag trespass sa bahay ko?" Nginitian at tinanguan naman niya ako. "May naisip na kasi, ako. Pero bago ko sabihin sayo kung ano 'yon." Humarap siya sa akin at pagkatapos ay nginuso ang stove. "Let's have a dinner first. I'm starv

    Huling Na-update : 2023-10-16
  • His Hidden Wife   Chapter 123: It's Not a Raising Temperature

    SHE SLAMMED HER ROOM'S door shut and that rendered me to shook my head. This is the second time she did that today. The first was my office door and the second now. But nonetheless I smiled because of it knowing that she's affected by my presence.Natigilan ako sa paghahalo ng niluto ko nang biglang may tumawag mula sa cellphone ko. Pinunasan ko muna ang aking kamay saka ko iyon dinampot, but my mood got spoiled when I saw who's the caller."Ba't ngayon ka lang tumawag?" mahinang asik ko sa kabilang linya."You're not the one to decide when will I call, Xeno. It's me, kaya huwag mo kung simulan," aniya at halata ang inis sa boses niya.Bumaha agad sa'kin ang inis. "Then you should have keep your words! Para akong tangang naghihintay sa office ko kung kailan ka magpapakita. Sino ka ba talaga?"This man's making me impatient! Ang sabi niya sa'kin last time he called, magpapakita na siya sa'kin and tell me everything but he didn't show up!

    Huling Na-update : 2023-10-17
  • His Hidden Wife   Chapter 124: It's Not a Raising Temperature Part 2

    Get a grip, Xeno! May sakit si Leylah ngayon kaya huwag kang tralala. Umayos ka kung ayaw mong makatikim na makakita ng falling star kapag na suntok ka niyan dahil diyan sa hilig mo! Tandaan mo may sakit 'yan!Nag-iwas agad ako ng tingin kay Leylah. At ilang beses na pinagsalitaan ang sarili pero iyong pahamak na demonyitong bahagi ng utak ko nagdahilan pa!Pero kailangan mong punasan ang pawis niya, Xeno kasi baka magka-pulmonya siya niyan. Ano pa bang kinahihiya mo, e nakita mo na lahat ng bahagi ni, Leylah? Huwag feeling virgin, hindi bagay sayo! Hubaran mo na 'yan at punasan! Ahihihi...Umiling-iling ulit ako. Kung gusto ko pang mabuhay bukas pwede po bang magdasal na sana hindi magalit sa akin si Leylah sa gagawin ko? Wala na akong choice kundi ang gawin ang napagpasyahan ko ng gawin. Ilang beses muna akong bumuntong hininga at lumunok habang pinapakiramdaman ang unti-unting pumupukaw sa aking init bago ko pikit matang binasa ang b

    Huling Na-update : 2023-10-18
  • His Hidden Wife   Chapter 125: Soon to Daze on the Ride

    "HUH?"Saglit akong natanga habang pinoproseso ng utak ko ang nangyayari. Nasa kama ako at kaharap ko naman ngayon ay siya, na may pilyong ngiti sa labi.  Tapos kani-kanina lang ay magkadikit ang mga labi namin, tongue in and intertwining.Loading....Loading......Loading............WHAT THE F*CK DID I JUST DID?!Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa aking napagtanto. Kaya pala ang laki ng ngisi ng kumag na 'to dahil may ginawa siya sa akin – I mean kami! And I just thought na nananaginip lang ako. God! Can someone come here and bury me to the ground please? Nakakahiya! Seconds lang ang pagitan ng reyalisasyon kong 'yon nang maramdaman kong uminit ang mukha ko. Pero tinatagan ko ang aking loob at masama ko siyang tiningnan."Anong ginawa mo sa'kin?!" I asked, giving him an accusing look. Sabay hila sa kumot ko palapit sa akin.Pinaling niya lang ang mukha niya sa ibang direksyon habang hi

    Huling Na-update : 2023-10-19
  • His Hidden Wife   Chapter 126: Soon to Daze on the Ride Part 2

    Ilang beses ko pang pinagsalitaan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa. Pero wala na. Nangyari na ang nangyari. Tapos na ang isa pang katangahan moment ko. Ba't ko pa kasi siya pinapanaginipan? Kainis! Napahiya na naman tuloy ako.Ilang sandali pa ay bumalik na si Xeno. May dala siyang bed tray. Pagkatapos ay ngumiti siya nang magtagpo ang mga mata namin. Nilapag niya sa kama ang dalang tray. "Kumain ka na. Alam kong gutom ka na."Alangang kinuha ko ang tray. "Salamat," mahinang sambit ko.Kahit inis na inis ako sa sitwasyon ko ay marunong pa rin akong magpasalamat. Hindi naman bastos para hindi magpasalamat sa kanya. Nang nanuot sa ilong ko ang maasim aroma ng sinigang ay natakam ako. Nakalimutan ko na palang gutom ako kanina dahil nakatulog ako. Kaya nang makita ko 'yong tray kanina ay kumalam ang agad ang tiyan ko.Umangat ang tingin ko nang makita ko siyang tumayo. "Wait here," aniya pagkatapos ay umalis sa k

    Huling Na-update : 2023-10-20
  • His Hidden Wife   Chapter 127: At the Peak of Your Fountain

    "GISING KA NA PALA?" Tumaas agad ang kilay ko nang marinig kong sabihin niya 'yon matapos umangat ang tingin niya sa akin. "Did you slept well? Hindi ka naman na siguro binabangungot kagaya noong nasa hospital ka pa, hindi ba?" dagdag niya pa saka ay inabot niya ang kamay niya sa may noo ko. Iilagan ko sana ang kanyang kamay pero hindi naman ako nakagalaw agad. Nakatitig lang ako sa kanya habang naninibago sa kilos at itsura niya. Magulo ang kanyang buhok, pero maliban doon ay ganoon pa rin ang mukha niya, kaaya-aya pa ring tingnan lalo na't sumasagi ang liwanag sa kanyang mukha."Buti naman at tuluyan ng nawala ang lagnat mo," aniya matapos niyang ilagay ang likuran ng palad niya sa noo ko.I just stared at him. Bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya? Hindi ba't sinabihan ko na siyang umuwi kagabi? O baka naman matigas lang talaga ang kukote niya kaya ayaw niya akong sundin."Your fever went up again last night when I c

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • His Hidden Wife   Chapter 128: At the Peak of Your Fountain Part 2

    "God, it's good that your okay. Raymond just called me saying you were having a high fever last night, you got me worried sick!"Pagkatapos ay naramdaman kong nagdikit ang katawan naming dalawa."Buti na lang at nawala na ang lagnat mo," dagdag niya pang sabi nang maglayo ang katawan namin. "Uminom ka na ba ng gamot? Have you eaten yet?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, kaya hindi ko mapigiwang matawa dahil doon ng kunti. Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay kinurot ko ang tagiliran niya saka ko siya sinamaan ng tingin. "May kasalanan ka pa sa'kin," saad ko sa pabirong paraan.Napakamot naman siya sa bandang kinurot ko kasabay ng pagkusot ng mukha niya. "Naging busy kasi ako sa hospital. Madaming naging pasyente kaya wala na akong halos oras para hawakan ang cellphone ko."I clicked my tongue. "Excuses. Sinagot mo kaya ang tawag ni Raymond." Tapos ang sa'kin hindi.Ang daya talaga ng isang 'to.

    Huling Na-update : 2023-10-22
  • His Hidden Wife   Chapter 129: No ID, No Pastry

    "YOU STAY HERE. MAY SAKIT KA PA."Huminto si Leylah dahil sa sinabi ni Xeno. Nakita ko pa siyang nagkibit balikat bago siya pumalatak."Wala na akong lagnat at hindi rin ako tanga para iwan ang sarili kong pamamahay."Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumingon siya sa'min na bahagyang nakaarko ang isang kilay. "The one who should leave here is you, Xeno. Kaya dapat pagbalik ko dito ay wala ka na."Pagkatapos ay umalis na si Leylah papuntang kuwarto niya, naiwan kaming dalawa dito ni Xeno sa may sala. While I subtly smile sending her with my gaze to her room. Hearing Leylah rejecting Xeno's presence inside her house made me happy, kahit pa na banas ako kanina kasi nalaman kong nandito si Xeno kagabi pa. Damn! I shouldn't have avoided her calls kung alam ko lang na maiiwan silang mag-sulo sa isang gabi dahil sa lagnat niya. God knows what dirt went through my mind when I saw Xeno's presence inside her unit. I could barely control

    Huling Na-update : 2023-10-23

Pinakabagong kabanata

  • His Hidden Wife   Chapter 142: Thunder, Storm, Tempest! Part 2

    Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna  ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe

  • His Hidden Wife   Chapter 141: Thunder, Storm, Tempest!

    HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B

  • His Hidden Wife   Chapter 140: Calling A Teapot Orange Part 2

    Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma

  • His Hidden Wife   Chapter 139: Calling A Teapot Orange

    Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think

  • His Hidden Wife   Chapter 138: Knocking Inside of Your Door Part 3

    "Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."

  • His Hidden Wife   Chapter 137: Knocking Inside of Your Door Part 2

    "Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo.  Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii

  • His Hidden Wife   Chapter 136: Knocking Inside of Your Door

    MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m

  • His Hidden Wife   Chapter 135: 9:16 PM Part 2

    I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam

  • His Hidden Wife   Chapter 134: 9:16 PM

    "OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m

DMCA.com Protection Status