Lampas alas-dose na nang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nakatingala lang sa kisame habang napipilitan ang sarili na makinig sa mga kakaibang sigawan sa kabilang kwarto. Kanina ko pa gustong matulog. Ilang beses ko na ding sinubukang tumuwad, tumambling, tumihaya, at tumagilid sa aking higaan ngunit hindi naman gumagana. Sa huli ay tigang akong nakatitig sa kisame habang pinapakinggan sila.
"Ooh god! That's am-hmmazing... Yeah!"
Lumukot agad ang aking mukha nang marinig ko na naman ang kakaibang boses sa kabilang kwarto. Yamot kong kinapa ang isa ko pang unan at ginamit 'yon upang takpan ang tenga ko para wala na akong marinig, pero nagkamali ako.
"Sh*t! There... You hit the spot!"
Dahil kahit natatakpan na ang dalawang tenga ko gamit ang unan ay dinig na dinig ko pa rin ang kababalaghan na ginagawa nila sa kabilang kwarto.Yes.Kababalaghan or rather should I say, kabalbalan."Do it... H-harder! Yes! Yes!"
Napapikit ako sabay hinga ng malalim. Sh*t!
Nanginginig ako. 'Yong galit na kanina ko pa tinatago ay kusa ng kumakawala nang hindi ko namamalayan. Galit na galit ako. Feeling ko ilang segundo na lang ay sasabog na ako sa galit dahil sa mga boses na 'to.
"A!... Faster! Faster!... Ah! Xeno, I'mma.. I'mma cumming, faster... Ah!..."
Mariin akong pumikit muli bago tumayo at isinuot ang aking robe. Napasabunot na ako sa sariling buhok dahil sa inis nang marinig ko ang pangalan ng ungas na 'yon. Sh*t!
Deprived na nga ako sa tulog tapos nananadya pa sila? Ano 'to audio porn? E, kung kuhaan ko kaya sila ng video at i-upload anonymously sa social media platforms. Ewan ko lang kung may mapaglagyan sila.
Dahil sa naisip ay madaling tinungo ko ang kabilang kwarto. Pigil hininga akong pumanhik sa kabila. Ingat na ingat ang galaw ko nang hindi makagawa ng kung anumang ingay. Mahirap na baka maging bato pa ang plano ko.Pagdating ko sa mismong kwarto ay huminto ako sa paanan ng pintuan dahil sa nakita. Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya ayon! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kahayupang nangyayari sa loob nang sumilip ako.
Can you even imagine my anger seeing my husband f*cking other women inside our supposed- to-be-room?
Ewan ko ba.
Sanay naman na ako sa ganitong eksena tuwing gabing umuuwi siya sa bahay, wala namang bago, pero hindi ko pa rin napipigilan ang sariling hindi kumulo ang dugo sa katawan ko sa tuwing nakikita ko 'to.
"Hmm.. yeah... Ah.. I love it.. faster... Ah! Ah!"
Kahit naman magdrama pa ako sa harap nila o di kaya ay magwala, nothing can change this sorry status I have in his life. I'm his Mrs. Mañuz but for him, I'm not his wife.
Napasandal na lamang ako sa tabi ng pinto at humalukipkip.
"Hindi talaga namamalayan ng mga hayop na 'to. "
Grabe! Nag-e-enjoy talaga sila oh!
"Ahh... Hmm.. ahmm..," ungol nila nang pareho silang nangisay sa kama.
Kita ko kung paano humiga katabi ng asawa ko ang babaeng kaniig niya habang pareho silang naghahabol ng hininga.
Binalingan ng katabing babae ang asawa ko na may nang-aakit na tingin, habang nilalaro nito ang kaniyang labi."The best ka talaga, Xeno! Sex with you was great," malambing niya pang turan saka sumiksik sa dibdib ni Xeno.
Umismid ako.
Nagagawa mo pa 'yan ngayon. Ewan ko na lang kung bukas o sa makalawa ay kaya mo pang gawin 'yan. Siguradong pagsasawaan ka rin ng ungas na 'yan kagaya ng mga nauna sayo. Tsk!
See? Hindi man lang nag-react ang asawa ko sa ginawa ng impaktang kachukchakan niya. Sa halip ay ipinaling niya pa ang mukha paharap sa gawi ko gaya ng nakagawian niyang gawin sa tuwing may dala siyang babae sa kwartong 'to, na para bang alam at sanay siyang nandito lang ako sa tuwing tapos na sila. Pagkatapos ay ngumisi siya.
Aba't! May gana pa talagang ngumisi sa'kin ang ungas na 'yon! Ang kapal!
Umangat ang tingin ng babaeng kayakap niya. Siguro nahalata niya ring hindi ito nakatingin sa kan'ya kaya napalingon rin siya sa'kin."Anong tinitingnan mo—Xeno?" Natigilan rin siya nang makitang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Nanlaki ang kaniyang mga mata saka tumili at nagsisigaw bago tinapisan ang hubad niyang katawan.
"Xeno! Ba't siya nakapasok dito?"
Mapakla na lamang akong ngumiti dahil sa reaksyon ng babae. Tumayo ako ng matuwid saka bugnot ko silang tinapunan ng tingin pareho, keeping my emotions in check.
"Tapos na kayo?" malamig kong tanong sa kanila.
Nakita ko kung paano pumula marahil ay dahil sa galit ang babaeng kachukchakan ni Xeno saka ay ibinato sa akin ang isang unan.
"Will you get out, B*tch? Who the hell let your ass in here?"
Tumaas ang aking kilay ko dahil sa matinis niyang sigaw at hindi dahil sa ginawa niyang paghagis ng unan. She's panting hard. Habang si Xeno naman ay nagsusuot na ng damit at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Ang tapang! Kung makatawag sa'kin ng bitch akala mo kung sinong anghel no? Ang bait-bait ko na nga dahil hindi ko pa sila nire-report ng Adultery eh. Pasalamat 'tong mga 'to dahil ayoko ng iskandalo kung hindi... malamang kanina pa nakarating ang mga pulis sa pamamahay namin at kinaladkad sila sa presinto.
I sighed before I faced Xeno-not minding his untrained bitch.
"Nalugi na ba ang kompanya mo at rito mo na dinadala ang mga alagang mong hayop, honey?" malamig kong tanong sa kaniya, saka pasimpleng sinulyapan ng tingin 'yong babae sa kama.
Hindi ako sinagot ni Xeno kaya nainis na ako."Kung alam ko lang na bankrupt na pala ang kompanya mo," agaran kong dagdag, "sana sinabihan mo ako para MABIGYAN KITA NG PERA PANG MOTEL NINYO. Nakakahiya naman sa inyo. Dito mo pa talaga dinadala ang kabit mo!"
Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagkakataong 'to. Para na akong sasabog sa galit kapag hindi ko pa sinigaw 'yon. I mean how could he! Paano niya naatim na gawin sa'kin 'to ng harap-harapan?
"Pwede ba?" tila kulog ang mahinahon ngunit malalim niyang boses na nagpapitlag sa'kin, saka ay diretso siyang tumingin sa'kin ni hindi man lang nababahiran ng emosyon ang kalmante niyang mukha.
Kumibot muli ang bibig niya. "This is not your house. So I can bring whoever sh*t I want in this house. F*ck whoever I want to f*ck in this house... And you don't need to concern yourself with my company. It's none of your business if it goes bankrupt or not."Umawang ng kaunti ang labi ko dahil sa naging sagot niya. Pagkatapos ay hindi makapaniwalang nakipagsukatan ako ng tingin sa kan'yang mga mata.
"Your house?" buong pagtitimping tanong ko nang makabalik na ako sa realidad. "Aba't! Ang kapal talaga ng mukha mo no?! Wedding gift to ni Lolo Xian sa'tin kaya huwag kang umastang sayo lang tong bahay!"
Kung makapagsalita akala mo siya lang ang nagmamay-ari ng bahay na 'to? Ang kapal talaga ng mukha! Bakit hindi na lang siya lumuhod at magmakaawa sa akin na patawarin siya sa kahayupang ginawa nila! Imbis 'yon ang gawin ay heto siya't may gana pang mag tapang-tapangan!"Isa pa, Xeno," daling agap ko, "...nasa kabilang kwarto lang ang kwarto ko. Alam kong nananadya ka, pero sana naman matoto kang maging considerate sa mga kasamahan mo rito sa bahay at sinabihan 'yang tang*nang kaniig mo na hinaan niya man lang 'yang boses niya. Hindi 'yong sigaw siya nang sigaw na parang asong saka pa lang nakakatikim na kant*tin!"
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta nakarinig na lang ako ng malakas na tunog ng kung anong sampal bago sumakit ang kanang pisngi ko. Saka ko pa lang napagtanto na nasampal niya ako.
Napahawak agad ako sa kanang pisngi ko. Nagbabadya ng manubig ang aking mga mata kasabay nang pag-init ng aking pisngi.Pakla akong natawa. Hindi ko siya magawang balingan ng tingin dahil sa feeling ko, napaka helpless kong tao. Pinunasan ko ang mukha gamit ang sariling palad. Iiyak pa ba ako?! Kung iiyak na lang ako nang iiyak hindi naman malulutas ang problema ko kapag iiyak lang ako eh!
Pagkatapos kong punasan ang mukha ay taas noo ko muling inangat ang tingin sa kaniya. Lumamlam ang mga mata ko nang makitang pagkabigla ang rumihistro sa kaniyang mukha, ngunit napalitan din ng inis.
Ano 'yon nakonsensya siya sa ginagawa niya? E, g*go naman pala siya e! Mananampal 'tapos makokonsensya?"Get out," mahinang bulong ko pero tama lang para marinig niya. "Sabi kong umalis ka na! Get the hell out of my house!" giit ko pa nang hindi man lang siya natinag sa sinabi ko.
Binalewala niya ulit ako at binalingan ng tingin ang babae niya."Bea, wait for me inside the car."
Pinagmasdan ko kung paano kandaugagang nagbihis si Bea bago umalis sa kwarto at naiwan kaming dalawa ni Xeno sa loob.Hindi ako umimik. Galit na galit pa in ako sa kanila – sa kaniya. Sa sariling pamamahay pa talaga namin niya dinadala ang l*tcheng babae niya? Ang kapal ng mukha! Anong akala niya sa'kin, estatwa dito sa bahay at hindi asawa?
Kumunot ang noo ko nang bigla akong abutan ni Xeno ng ilang papel matapos niyang masigurong nakalayo na si Bea.
"Pirmahan mo."
Nagtatakang kinuha ko ang papel mula sa kaniya saka 'yon binasa. Pero hindi ko inaasahan ang mababasa ko. Nakatitig lang ako sa unang letrang kumuha sa atensyon ko.
"Divorce?"
Napahigpit ang hawak ko sa papel at biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang sumampal na sa akin ang katotohanang petition for divorce ang hawak-hawak kong papeles.
Parang may kung ano sa lalamunan ko na bumara kaya napalunok ako ng ilang beses. Unti-unti na ding kumikirot ang dibdib ko sa sakit. Pero huli na nang namalayan kong umiiyak na pala ako nang makitang meron nang ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata na pumatak sa hawak-hawak kong papel
"Anong divorce?" pumiyok na ang boses ko.
Pinagtiyagaan at pinagtiisan ko ang lahat pero ito lang ang makukuha ko sa bandang huli mula sa kaniya? Paano naman ako?
"Ano 'to!" ulit ko pa sa sinabi.
Sh*t! I can take how many women he brought with him in this house, but a divorce? No! Ayoko!
Alam kong katangahan kung hindi pa ako papayag sa gusto niya lalo na't alam ko namang hindi niya ako mahal. Na hindi na ako ang mahal niya.Pero, sh*t!
Does he really need to do this to me?
Paano naman ako?
"It's been two years, no, almost three... so let's end this," malalim ang boses na nagpaurong sa mga luha ko. "Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin."
Mapait na umangat ang tingin ko sa kaniya, saka ay pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha niya kung nagbibiro ba siya o ano. Pero hindi. Walang bahid ng pagbibiro o pag-aalinlangan ang nakikita ko mula sa kaniyang mukha. Ni hindi ko nga siya makitaan ng anumang emosyon.
Bahagya niyang pinaling ang kaniyang ulo sa ibang direksyon bago nagsalita."I can't have you clinging to me any longer than this, Ciara might wake up soon."
Umahon agad sa'kin ang malaking inis nang marinig ko ang pangalan ni Ciara.
Siya na naman?
Puro na lang si Ciara!
Eh, ako?
Kailan naman magiging ako?
Kailan magiging ako ulit?
"No please, Xeno... I love you," hindi ko mapigilang pumiyok muli ang boses ko. Nagdagsaan na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala.
"Shut your trap!" Nag-iba ang timpla ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko.
Nanlisik ang kaniyang mga mata. Naikuyom niya pa ang kaniyang kamay sabay ng pagtiim-bagang ng kaniyang panga. Pagkatapos ay mariin siyang bumuntong hininga."Dalawang taon na ang tiniis ko na pakisamahan ka and I am so f*cking tired with this sh*t, Leylah! Pirmahan mo na 'yang divorce papers para tapos na tayong dalawa!"
Napayuko ako. Tinitigan ko muli ang mga papel na hawak ko kahit hindi ko na masyadong mabasa dahil sa mga luhang humaharang sa aking paningin. Ang sakit.
Ang sakit-sakit. Pero mas lalo lamang akong nasasaktan sa tuwing naiisip ko na iiwanan niya na ako. Iiwanan niya na talaga ako. Ang kinakatakutan kong mangyari ay nangyayari na.
Kahit hindi halos makakita ay inangat ko pa rin ang tingin sa kaniya at mapait ko siyang tinitigan sa mga mata.
"Talaga bang hindi mo ako kayang mahalin?"
But what I get in response was his repulsive look pointed at me na mas lalong nagpakirot ng puso ko.
"Gusto mong malaman?" Pagkatapos ay umismid siya. "Hindi kita mahal at wala akong planong mahalin ka! Kaya tigilan na natin to! Ano nasagot ko na ba?"
Mas lalong nagdagsaan ang mga luha ko sa sinabi niya. Parang sinampal na naman sa katotohanang hindi na nga ako ang taong mahal niya. Kahit alam ko na 'yon pero naglakas loob parin akong magtanong.
Ang tanga lang.
Nakita ko siyang tinalikuran ako saka ay huminto nang nakailang hakbang na siya saka ay nagsalita.
"Because of you, my life got ruined. Why the hell did you even come back here and create this f*cking mess we're in? If it wasn't because of you, I would have been happy living with Ciara years ago!"
Hindi ko na siya nasagot pa. Wala na akong magawa kundi ang umiyak at ngumawa na parang bata habang nakaupo sa sahig. Nakarinig ako ng mga yabag papalayo sa'kin at ang pagpihit pabukas at pasara sa pinto. Pinagmasdan ko na lamang ang pintuan na dinaanan niya na puno ng nangungusap na mga mata.
Ang sakit... Ang sakit sakit... Nasasaktan ako at nakokonsensya dahil alam ko naman kasi na ako ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Ciara dati. Pero higit sa lahat, mas lalo akong nasasaktan, knowing the fact that after all these years, he still can't accept me! He won't ever love me! Again...
Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang sarili kong kamay saka ko binalingan ng tingin ang hawak kong divorce papers. Pinakatitigan ko 'yon ng maayos pagkuway dahan-dahang kong pinunit–pouring all my anger with every ripping sound I heard.
Tumingala muli ako sa kawalan nang kumalma na ako.
"You know nothing with your blindfold covering your eyes, Xeno. Gusto mo ng divorce? Puwes humingi ka ng divorce sa lolo mong may hawak sa'kin, g*go..."
"Hindi pa rin ho ba umuwi si Xeno, Manang?"Natigilan sa pagdidilig ng halaman ang may katandaang si Manang Kora nang bigla ko siyang tanungin. Malungkot siyang tumingin sa'kin bago ako inilingan. "Hindi ko pa siya nakikitang umuwi simula noong biyernes, Hija, e."Sumimangot ang mukha ko sa naging sagot niya. "Ganoon ba?" Napayuko ako sabay ipit ng aking labi. Kailan na naman kaya uuwi 'yon? Magbibilang na naman ba ako ng mga araw kung kailan siya uuwi?E.., may sasunod pa ba?Hindi ko na narinig na sumagot si Manang kaya nang nag-angat muli ako ng tingin ay malungkot na pares na mga mata niya ang sumalubong sa akin."Kapag umuwi siya, paki sabing tawagan ho ako, Manang dahil may pag-uusapan pa kaming dalawa. Baka aalis na naman 'yon ng hindi nagpapaalam sa akin," bilin ko kay Manang bago bumalik sa kuwarto at humiga sa kama.Dalawang araw na din ang lumipas mula nang umalis si Xeno kasama ang babae niya. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko naman nagagawa dahil kahit anong ga
Pabagsak akong umupo sa silya pagkabalik ko sa loob ng resto. Nakakainit talaga ng ulo ang lalaking 'yon! Agh! Bakit ko ba 'yon minahal?! Nakakainis!"Okay, ka lang?" Nilingon ko si Neca na mukhang nag-aalala, saka ay nginitian siya. "Yeah. I'm fine. May nakita lang akong aso sa labas. Alam mo namang allergic ako sa mga aso," paliwanag ko.Mabuti na lang at hindi na nila inusisa pa ang nangyari. Samantalang ako yamot na yamot pa rin dahil sa tarantadong 'yon. Pagbintangan ba naman akong nanlalaki? Baliw ba siya? Hindi kami magkatulad na kung saan siya mapunta may kabila't kanan siyang babae. Sumasakit na nga 'tong ulo ko dahil sa kaniya, dadagdagan ko pa ng isa?! Ay huwag na! Baka makalbo na ako ng hindi pa umaabot ng trenta.At walang-wala sa lugar ang pinagseselosan niya. Si Jerald? Kahit guwapo si Jerald, wala kaming talo no! Magkaibigan lang kami!Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami sa resto."Saan pa kayo?" tanong ni Jerald.Nagkatitigan kaming dalawa ni Neca."Uuwi
Napa-angat ako ng tingin dahil sa taas ng building ng NoMaX Group, ang kompanyang pinapalakad ni Xeno. Napaisip tuloy ako habang tinitingala 'to. Ilang palapag kaya ang binubuo ng building na 'to? Sa pagkakaalam ko hindi lang ito ang pagmamay-ari ng NoMax, e. May headquarters din ang NoMaX sa China? Meron dong building ang NoMaX sa Europe, at South and North America. No wonder kung bakit nahalal siya bilang top one sa 'Top 10: The Most Eligible Young Business Tycoon' sa magazine ng Elites of the Year.I make face dahil sa naisip. Eligible. Pfft... Ano kaya ang magiging reaction ng press kapag nalaman nilang kinasal na ang top one of The Most Eligible Young Business Tycoon nila? Iniisip ko pa lang natatawa na ako. Pero napawi rin ang ngiti ko nang naalalang gusto nga pala niya akong i-divorce. Tss.Pumasok na lang ako sa loob ng building at dumiretso sa reception table. Hindi ko naman gustong pumunta rito e. Ang kaso hindi sinasagot ng napakabait kong asawa ang mga tawag ko, kahapon
"GOOD EVENING PO, LO!"Lumiwanag ang mukha ni Lolo Xian nang nakita niya na kaming papasok sa loob ng pamamahay niya."Mabuti naman at dumating na kayo. Akala ko talaga hindi na kayo makararating, e. Siya't pumunta na tayo sa hapag ng makakain na tayo. Gutom na ako eh."Naunang naglakad sa amin si Lolo Xian habang nakasunod kaming dalawa ni Xeno sa kaniya. And for some reason, hindi ko yata mapigilang mapangiti habang tinatahak namin ang dining area lalo na nang naramdaman kong dahan-dahang pinipuwesto ni Xeno ang kaniyang kamay sa aking bewang.Pinamulahan agad ako ng pisngi nang gawin niya 'yon kasabay ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Wala sa sariling napangiti na pala ako."Stop grinning you look like an idiot," bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng pagkasimangot ko."Bakit ba ang hilig mong mang-badtrip?""Badtrip ka?"Otomatikong umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakakarami na 'to sa'kin, a! Akala ko pa naman mai-enjoy ko ang gabing 'to. Hindi rin pala.Umangat ang dulo ng labi
Pinagmasdan kong umalis sa dining room si Lolo. I wiped my mouth with a towel first before I decided to follow him, but when I passed by Leylah and saw her face beat red, my nerve instantly boiled when I realized she's blushing. Sa inis ko hinila ko ang braso niya and she looked up at me with puzzle in her eyes. "Don't even think na nakalimutan ko na 'yong sinabi mo kay, Lolo, kanina. How dare you told him na ako ang rason kung bakit hindi mo na matatapos ang kolehiyo. It's not like I'm forcing you to stop. I only gave you a suggestion and now you put the blame on me?" I remember a month ago, she asked me if it's okay with me for her to continue her studies. I didn't bother to answer her at first 'cause every time we talk it would always end up on an argument. She always throw a fit for every thing. It's not like I care about her not even less her life. Umasim ang mukha niya. "Bakit may mali ba sa sinabi ko? Totoo naman lahat ng sinabi ko ah." Magsasalita pa sana ako pero tinawag
Ilang minutong katahimikan bago lugmok na napaupo si Lolo pabalik sa sopa. "Alam na pala ni, Leylah ang lahat and the both of you were pretending just now?" Hindi ako sumagot. I just looked away, avoiding his deadly stares. "God! How could you do that to her? She love you so much! Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa, Lola Greta mo kapag nakikita niya tayo ngayon?" I smirked indifferently. "Is this all? Kung wala na aalis na ako. I still have a business trip tomorrow and I'm tired." Saka tumayo na ako at inayos ang suit na suot. "Did you really think that, NoMaX's success was brought by your powers alone?" I freeze from the spot, rooted when I heard him talk. "If you still won't stop with your delusions, Xeno, I'm afraid I might use all my power to put your small business disappear." Nakagat ko ang babang parte ng labi ko dahil sa sinabi ni Lolo. Small business? F*ck! NoMaX is an international conglomerate group! It's not a small business, f*ck! "You think, keeping these un
HE WASN'T THERE.Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang buong katawan at nang kapain ko na ang caviling side ng kama ay wala na siya. Agad kong iminulat ang mga mata at napagtantong tama nga ako. saka ko pa lang nakompirma. Wala siya... Wala na si Xeno.Dahan-dahan akong umupo ngunit napangiwi nang naramdaman na para bang nasagasaan ako ng train sa sakit ng katawan ko ngayon. Sa lahat ba naman nang nangyari kagabi? Hindi na nakapagtataka ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mapalad na nga ako at hindi niya ako binigyan ng kung anong pasa kagabi.Sa tuwing umuuwi si Xeno dito sa bahay ay ito lagi ang ginagawa niya. He loves making me suffer physically and mentally. But last night, it was different. He was angry for some reason.
BAKIT KAYA SIYA NANDITO?Malayo palang ay kitang-kita ko na ang bulto ng lalaki na nakaupo sa sopa habang nanunuod ng t.v., ni hindi man lang niya na malayang nasa bahay na ako dahil sa sobrang focus niya sa panonood. Napailing na lamang ako bago ko siya nilapitan."Magandang gabi lo." Nagmano muna ako sa kaniya at nagkiss bago umupo sa katabing sofa na inuupuan niya."Bakit ngayon ka lang?""Nanggaling kasi ako sa ospital, kaya lang ginabi ako ng uwi."Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Lolo Xian saka ang pag-aliwalas nito. "Huh? Kakasabi ko pa lang kagabi na gusto ko nang magkaapo, pinagbigyan niyo na? Agad-agad pa!"Natawa ako sa naging konklusyon ni Lolo."Hndi po ako nagpa-check-up, Lo, at hindi po ako buntis. Binisita ko lang si, Ate Ciara, kanina kasi matagal na rin noong huli ko siyang nabisita."The air around us suddenly dropped. Para akong nabato sa kinauupuan ko nang marealize kung anong klase 'yong sinagot ko. Crap. Ayaw na ayaw nga pala niyang pinag-uusapan s
Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii
MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m
I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam
"OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m