Home / Romance / His Hidden Wife / Chapter 4: How to Anger Xeno

Share

Chapter 4: How to Anger Xeno

Author: Xunshayn
last update Huling Na-update: 2022-10-12 16:53:53

Napa-angat ako ng tingin dahil sa taas ng building ng NoMaX Group, ang kompanyang pinapalakad ni Xeno. Napaisip tuloy ako habang tinitingala 'to. Ilang palapag kaya ang binubuo ng building na 'to? Sa pagkakaalam ko hindi lang ito ang pagmamay-ari ng NoMax, e. May headquarters din ang NoMaX sa China? Meron dong building ang NoMaX sa Europe, at South and North America.

No wonder kung bakit nahalal siya bilang top one sa 'Top 10: The Most Eligible Young Business Tycoon' sa magazine ng Elites of the Year.

I make face dahil sa naisip. Eligible. Pfft...

Ano kaya ang magiging reaction ng press kapag nalaman nilang kinasal na ang top one of The Most Eligible Young Business Tycoon nila? Iniisip ko pa lang natatawa na ako. Pero napawi rin ang ngiti ko nang naalalang gusto nga pala niya akong i-divorce. Tss.

Pumasok na lang ako sa loob ng building at dumiretso sa reception table. Hindi ko naman gustong pumunta rito e. Ang kaso hindi sinasagot ng napakabait kong asawa ang mga tawag ko, kahapon pa.

Damn. He's really serious about not bothering him at all. But to hell I care with that! Pinapapunta kami ni lolo Xian sa kanila, it's not like I want to bother him. Kaya heto ako ngayon, sinasalakay ang nagrerebelde kong asawa.

"What can I do with you, Ma'am?" polite na bati ng front desk na naka ngiti sa'kin.

'Buti pa 'tong mga tauhan niya sa kompanya may mga asal. Akala ko pa naman lahat ng mga trabahante niya katulad niyang walang asal. Sa bagay, pinanganak nga palang nakabusangot ang ungas na 'yon. Kaya siguro nakalimutan na niyang mag-asal tao.

Nginitian ko ang receptionist. " Ahm..." Napalunok ako. "M-may I know what floor, Mr. Xeno Mañuz's office? I badly need to talk to him."

Mas lalong napangiti sa'kin ang babae, 'yong tipong alam mong plastik.

"May I know if you have an appointment with him, Ma'am?"

Napakamot ako ng noo, "Kailangan pa bang may appointment ako sa kaniya?" bulong ko sa sarili at sa tingin ko ay narinig 'yon ng receptionist kaya nag-iba ang timpla ng mukha niya pero tinatakpan niya parin ng ngiti.

"Yes, ma'am."

Napakamot ulit ako ng ulo. "Hindi ako nakapag setup ng appointment, Miss, e. Diba pwedeng sumingit na lang? Ako lang naman e."

"I'm sorry, Ma'am, but due to our, C.E.O's hectic schedule it is necessary to get an appointment with him or else the, C.E.O won't be able to give you an audience. "

This time napasandal na talaga ako. "Sige na, Miss, please. Just five minutes, or one, may importanting sasabihin lang talaga ako sa kaniya." Sasabihin ko lang naman kay Xeno na kay lolo Xian na kami magdi-dinner e.

"I'm really sorry ma'am, but that's against the company's policy. If you want, you can wait for the C.E.O to pass by the lobby." Pagkatapos ay tinuro ang gawing likuran ko.

Napalingon naman ako do'n sa tinuro niya. May mga sopang nakahilera do'n saka mini table at mga magazine na nakapaloob. Alangang binalik ko ang tingin sa receptionist pero nginitian niya lang ako.

Ipagpipilitan ko pa sana ang sarili kaso baka sa labas na ang bagsak sa susunod na gawin ko 'yon.

"Ang damot. Isang minuto lang pinagdadamot pa. Malulugi na ba ang kompanya nila kapag pinalampas ako kahit isang beses lang? Ang dadamot."

Dahan-dahan akong umupo sa couch bago ko kinuha ang aking cellphone at nag-dial sa number ni Xeno for the nth time.

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later," pero 'yan lang ang paulit-ulit na sumasagot.

After eleven calls I decided to stop calling him. Hindi rin naman niya sinasagot. Naisipan ko pang e-text na lang siya pero baka hindi rin niya basahin. Knowing him, he rather die than read my text. At baka dahil don ay hindi siya makarating mamaya sa bahay ni lolo. Hindi pa naman puwede magalit si lolo Xian, kundi patay kami pareho.

Liningap ko ang buong paligid baka sakaling may mapag lusutan ako. Ako na ang hahanap kung saang floor si Xeno. Walang mangyayari sa'kin dito kung maghihintay pa ako sa kaniyang dumaan. Baka sa backdoor pa 'yon dumaan, e.

Sa pagmamasid ko, hindi ko maiwasang napatingin sa front desk. Lahat ng mga receptionist ay naka tingin sa'kin. May ilan pang nagbubulong-bulungan.

Okay? Baka na sense nila ang gagawin ko? O baka naman gawin nila akong suspicious person? O baka ako lang talaga 'tong praning?

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang tinawag nila ang mga guards. Nataranta agad ako kung ano ang gagawin. Naman e! Bakit kailangan pa nilang gawin 'yon? Halos magkandaugaga na ako kung ano ang gagawin nang makitang papalapit nga sila sa gawi ko. Wala sa sariling napatayo ako.

I camouflaged among the crowd who passed by me, and entered the elevator. Halos lumuwa na ang mga mata ko nang makitang hanggang fifty-story ang building! Damn! Kakayanin ko bang hanapin si Xeno dito? Paano kung wala siya dito? Ano ang gagawin ko?

In the end, I decided to ask. Mas maganda pa 'to kaysa sa manghula. Bumuntong hininga muna ako bago ko kinalabit ang babaeng katabi ko. Nginitian ko siya nang lumingon siya sa'kin.

"Miss puwedeng magtanong?"

Tumaas ang isang dulo ng kaniyang kilay bilang sagot.

"Nakalimutan ko kasing magtanong sa baba kanina. Saang floor nga pala ang sa C.E.O?"

Pag-aalangan ang nababasa ko sa mga mata niya pero sa huli ay sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"Sa twenty-eighth floor," alangan pa niyang sagot bago ako tinalikuran.

Saka pa lang ako nakahinga ng maayos nang unti-unti ng lumiliit ang bilang namin sa loob ng elevator. Nang nasa twenty-eighth floor na kami ay ako lang ang bumaba sa elevator. Kaya siguro lahat sila ay nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa'kin bago magsara ang elevator.

Palinga-linga ako sa buong paligid. Kahit kasi nandito na ako sa palapag kung nasaan si Xeno ay hindi ko pa din alam kung saan siya specifically. Ngayon ko lang din kasi sinubukang pumasok sa kompanya ni Xeno even though ilang taon na kaming kasal.

Malawak ang palapag at lahat ng taong nandito ay abala sa kani-kanilang mga trabaho. Nakagat ko ang aking labi. Saan ba ako dapat mag-umpisa sa paghahanap sa ungas na 'yon? Dinadaanan na ako ng mga tao dito at may ilan pang napatingin sa gawi ko pero hindi ko naman alam kung ano ang dapat gawin. Nakatunganga lang ako habang nakatayo.

Ganun ang situwasyon ko nang may biglang humila sa aking pulsuhan at kinaladkad ako sa kung saan. Balak ko sanang umalma kung hindi ko nakita ang pamilyar niyang likuran na nakaharap sa'kin. Nagbukas siya ng pinto ng isang silid na walang katao-tao at saka ako diniin sa pader. Napadaing ako sa sakit nang tumama ang likod ko sa malamig na semento.

"What are you doing here?" Tila kulog ang dating ng boses niya sa'kin. "Hindi ba't sabi ko huwag na huwag mo akong aabalahin? Tapos ngayon nandito ka pa sa loob ng kompanya ko?"

Nakaramdam agad ako ng takot sa kalamigan ng boses niya. Nagtatalo tuloy ang isip ko kung tama pa ba na nagpunta ako rito pero kung hindi naman ako pumunta, magagalit naman si lolo Xian sa'kin mamaya, at paniguradong pati ang isang 'to ay magagalit din.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Unang nakita ko ang nagsasalubong niyang perpektong kilay pero bukod do'n ay ganun pa rin ang mukha niya. Hindi manlang nakikitaan ng stress habang ako ay stress na stress na dahil sa kaniya.

Kumibot ulit ang mapupulang labi niya. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Baliw na yata talaga ako. Kahit ilang beses na niya akong sinaktan gamit ang labi niyang yan ay sexy pa rin 'yon sa paningin ko. Baliw na talaga ako!

"Hinahanap ka," agap kong sagot.

Lumayo si Xeno sa'kin ng kaunti at humalukipkip. "O, nahanap mo na ako. Anong kailangan mo?"

Pero kahit gaano ka sexy ang dating ng labi niya ay ang talim pa rin ng mga binibitawan niyang salita. Tss...

"You're not answering my calls. I've been calling you since yesterday." I don't even know if it's a good thing that you haven't blocked me yet.

"I told you not to bother with me unless you signed the divorce paper. Napirmahan mo na ba?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Hindi. Ayokong pirmahan 'yon."

Sumama agad ang timpla ng mukha niya. "Then get out. Don't even try to see me again unless you hand me the divorce paper with your signature on it."

"Wala ka talagang kuwenta," bulong ko pero tama lang para marinig niya.

"What did you just say?"

Kinuyom ko ang aking kamao sabay ang pagbaha ng inis sa kalooban ko. "Ang sabi ko wala kang kuwenta," ulit ko pa.

Ni hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko para sabihin ko 'yon sa kaniya.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Salubong ang kaniyang kilay nang magtagpo ang paningin namin. Sa huli ako na ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kaya ang matalim niyang mga mata.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Tumawag sa'kin si, lolo Xian kahapon. Ang sabi niya sa kanila raw tayo mag hapunan mamaya, kaya ako nandito."

Hindi niya ako sinagot kaya nagsalita muli ako. "Pupunta ka ba?"

"I won't. I don't wanna see your faces," malamig pa sa bangkay niyang sagot.

"Well assume that you're ready for, lolo's wrath then!"

Ayaw niyang pumuta do'n? E, alam naman niyang magagalit si lolo sa kaniya kapag hindi siya pupunta. E, di huwag! Kung ayaw niya e di huwag! Pasalamat pa nga siya at pinagsabihan ko pa siya, e. Tsk!

Nang tingalain ko siya ay galit na mga mata ang sumalubong sa'kin. Galit siyang lumapit sa'kin kaya mas lalo akong napausog sa pader.

"You!" pabanta niyang sigaw.

Napapitlag na lamang ako sa gulat nang bigla-bigla niyang sinuntok ang pader sa giliran ko. Napapikit pa ako sa buong akalang ako ang susuntukin niya.

"Stop using, lolo Xian against me, dammit!"

Umismid ako bago ko sinalubong ang matalim niyang tingin.

"Alam mo naman kung anong mangyayari kapag hindi natin sinunod si, lolo 'di ba?" Inalis ko ang braso niyang nakaharang sa'kin. "That's why you don't have a choice to go against him, Xeno. Kung ayaw mong isumbong kita kay, lolo sa divorce na gusto mo, umayos ka."

I saw him gritted his teeth before he took a few steps back. Hindi na siya nagsalita pa na ikinangiti ko ng palihim. Well I know who's the last person Xeno would want to go against with, and that would be his grandfather-Xian. Wala siyang kapangyarihan na suwayin si lolo Xian kaya ganyan na lang siya kung maka react.

Umalis na ako don. Iniwang frustrated si Xeno.

"Dammit!" rinig ko pang sigaw ni Xeno bago ko isinara ang pinto.

You don't want to see me? Well, table is now turned, Darling. Kakampi ko ang alas. Tingnan lang natin kung hindi ka pa titino.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
tanga lang kase
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Hidden Wife   Chapter 5: Our Pretentious Night Full Of Thorns

    "GOOD EVENING PO, LO!"Lumiwanag ang mukha ni Lolo Xian nang nakita niya na kaming papasok sa loob ng pamamahay niya."Mabuti naman at dumating na kayo. Akala ko talaga hindi na kayo makararating, e. Siya't pumunta na tayo sa hapag ng makakain na tayo. Gutom na ako eh."Naunang naglakad sa amin si Lolo Xian habang nakasunod kaming dalawa ni Xeno sa kaniya. And for some reason, hindi ko yata mapigilang mapangiti habang tinatahak namin ang dining area lalo na nang naramdaman kong dahan-dahang pinipuwesto ni Xeno ang kaniyang kamay sa aking bewang.Pinamulahan agad ako ng pisngi nang gawin niya 'yon kasabay ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Wala sa sariling napangiti na pala ako."Stop grinning you look like an idiot," bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng pagkasimangot ko."Bakit ba ang hilig mong mang-badtrip?""Badtrip ka?"Otomatikong umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakakarami na 'to sa'kin, a! Akala ko pa naman mai-enjoy ko ang gabing 'to. Hindi rin pala.Umangat ang dulo ng labi

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • His Hidden Wife   Chapter 6: Thrust of Agony Part 1

    Pinagmasdan kong umalis sa dining room si Lolo. I wiped my mouth with a towel first before I decided to follow him, but when I passed by Leylah and saw her face beat red, my nerve instantly boiled when I realized she's blushing. Sa inis ko hinila ko ang braso niya and she looked up at me with puzzle in her eyes. "Don't even think na nakalimutan ko na 'yong sinabi mo kay, Lolo, kanina. How dare you told him na ako ang rason kung bakit hindi mo na matatapos ang kolehiyo. It's not like I'm forcing you to stop. I only gave you a suggestion and now you put the blame on me?" I remember a month ago, she asked me if it's okay with me for her to continue her studies. I didn't bother to answer her at first 'cause every time we talk it would always end up on an argument. She always throw a fit for every thing. It's not like I care about her not even less her life. Umasim ang mukha niya. "Bakit may mali ba sa sinabi ko? Totoo naman lahat ng sinabi ko ah." Magsasalita pa sana ako pero tinawag

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • His Hidden Wife   Chapter 7: Thrust of Agony Part 2

    Ilang minutong katahimikan bago lugmok na napaupo si Lolo pabalik sa sopa. "Alam na pala ni, Leylah ang lahat and the both of you were pretending just now?" Hindi ako sumagot. I just looked away, avoiding his deadly stares. "God! How could you do that to her? She love you so much! Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa, Lola Greta mo kapag nakikita niya tayo ngayon?" I smirked indifferently. "Is this all? Kung wala na aalis na ako. I still have a business trip tomorrow and I'm tired." Saka tumayo na ako at inayos ang suit na suot. "Did you really think that, NoMaX's success was brought by your powers alone?" I freeze from the spot, rooted when I heard him talk. "If you still won't stop with your delusions, Xeno, I'm afraid I might use all my power to put your small business disappear." Nakagat ko ang babang parte ng labi ko dahil sa sinabi ni Lolo. Small business? F*ck! NoMaX is an international conglomerate group! It's not a small business, f*ck! "You think, keeping these un

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • His Hidden Wife   Chapter 8: Make Me Feel Better. Thank You Lollipop

    HE WASN'T THERE.Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang buong katawan at nang kapain ko na ang caviling side ng kama ay wala na siya. Agad kong iminulat ang mga mata at napagtantong tama nga ako. saka ko pa lang nakompirma. Wala siya... Wala na si Xeno.Dahan-dahan akong umupo ngunit napangiwi nang naramdaman na para bang nasagasaan ako ng train sa sakit ng katawan ko ngayon. Sa lahat ba naman nang nangyari kagabi? Hindi na nakapagtataka ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mapalad na nga ako at hindi niya ako binigyan ng kung anong pasa kagabi.Sa tuwing umuuwi si Xeno dito sa bahay ay ito lagi ang ginagawa niya. He loves making me suffer physically and mentally. But last night, it was different. He was angry for some reason.

    Huling Na-update : 2022-10-13
  • His Hidden Wife   Chapter 9: I'm Waiting For I Don't Know How Long

    BAKIT KAYA SIYA NANDITO?Malayo palang ay kitang-kita ko na ang bulto ng lalaki na nakaupo sa sopa habang nanunuod ng t.v., ni hindi man lang niya na malayang nasa bahay na ako dahil sa sobrang focus niya sa panonood. Napailing na lamang ako bago ko siya nilapitan."Magandang gabi lo." Nagmano muna ako sa kaniya at nagkiss bago umupo sa katabing sofa na inuupuan niya."Bakit ngayon ka lang?""Nanggaling kasi ako sa ospital, kaya lang ginabi ako ng uwi."Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Lolo Xian saka ang pag-aliwalas nito. "Huh? Kakasabi ko pa lang kagabi na gusto ko nang magkaapo, pinagbigyan niyo na? Agad-agad pa!"Natawa ako sa naging konklusyon ni Lolo."Hndi po ako nagpa-check-up, Lo, at hindi po ako buntis. Binisita ko lang si, Ate Ciara, kanina kasi matagal na rin noong huli ko siyang nabisita."The air around us suddenly dropped. Para akong nabato sa kinauupuan ko nang marealize kung anong klase 'yong sinagot ko. Crap. Ayaw na ayaw nga pala niyang pinag-uusapan s

    Huling Na-update : 2022-10-14
  • His Hidden Wife   Chapter 10: Even A Million Is Not Enough Part 1

    "May bisita po kayo, Ma'am Leylah."Nakamot ko ang aking nang marinig ko ang sinabi ni Manang Kora. Wala kasi akong in-expect na bisita dahil wala naman talagang ibang bumibisita rito sa bahay maliban kay Lolo Xian. At kung si Lolo naman 'yon, hindi siya mag-aabala na mag-utos ng katulong upang tawagin ako dahil siya na mismo ang kusang pupunta sa'kin, o hindi kaya ay hihintayin niya ako."Hija?" Tawag muli ni Manang nang hindi ko manlang siyang sinagot. "Papasukin ko ba siya dito, o sa sala ko na lang siya paghihintayin?""Sino po ba 'yon, Manang?" Usisa ko.Nag-iba ang itsura ni Manang na para bang nag-aalangan siya na sagutin ang tanong ko. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa inasal niya. Ngunit nasagot din ang katanungang 'yon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at niluwa ang isang ginang na nagsasalubong ang kilay."Am I a stranger that I'm not allowed inside your room?"Tiningnan niya ng masama si Manang Kora nang nakitang hindi pa rin siya umaalis sa kuwarto. Aligagang uma

    Huling Na-update : 2022-10-16
  • His Hidden Wife   Chapter 11: Even A Million Is Not Enough Part 2

    Napabalikwas ako ng gising. Hindi ko manlang namalayang nakatulog na pala ako sa kakahintay ng reply mula kay Xeno. Kaya bumangon na ako sa couch at nag unat ng katawan. Gabi na pala sa labas at naka sindi na ang ilaw sa loob.Nag-unat ako ng katawan bago tumayo at pumuntang kusina. Saktong napadpad ang paningin ko sa second floor ay may nakita akong lalaking dumaan. Nanlaki ang aking mga mata nang narealize kung sino 'yon."Xeno? Xeno?" tawag ko sa kaniya mula sa sala ngunit hindi naman siya huminto o lumingon.I groaned and hurriedly followed him upstairs. Pagdating ko sa harap ng kwarto ni Xeno ay walang pag-aalinlangang kinatok ko ang pinto."Xeno! Nandiyan ka ba? Kung, oo paki bukas 'tong pinto, mag-usap tayo."Ilang katok pa bago bumukas ang pinto at iniluwa si Xeno habang kumakamot sa sariling buhok at humihikab. Para akong naitutup sa kinatatayuan ko. Hindi ko maipaliwanang ng maayos ang sariling nararamdaman nang nakita ko na siya. 'Yong galit ko sa kaniya nitong nagdaang dal

    Huling Na-update : 2022-10-16
  • His Hidden Wife   Chapter 12: You're Cinderella For A Day

    "Kapag minamalas ka nga naman oo. Hindi pa talaga umabot."Napakamot ako ng ulo. Pagkatapos ay nahiga. Ang naipon ko lang kasi ay hindi humigit kumulang ng two million, four hundred sixty-nine thousand and fifteen pesos. Ang dami ko pang kulang. Nasimot ko na din ang lahat ng pera sa piggy bank ko. Namomroblema tuloy ako kung saan ko kukunin 'yong ibang pera. Haist."Paano ba 'to?" nag-aalalang tanong ko sa sarili. "Kung magbenta na lang kaya ako ng drugs para mabuo 'yong five million?"JOKE. Ayoko pang makulong noh. Wala lang talaga akong maisip na ibang paraan maliban sa pagbebenta ng drugs o ang ibenta ang sariling kong organs, in which I doubt kung magagawa ko.Ang hirap naman kasi nito! Akala ko pa naman ay nabawasan na ng kaunti ang sungay niya no'ng nanggaling siyang Macau dati pero sa tingin ko mas lalo pa 'atang tumaas, e! Kahit kailan talaga damuho ang lalaking 'yon! Kaya pala pumayag sa'kin dahil sigurado siya na wala akong ganoong

    Huling Na-update : 2022-10-17

Pinakabagong kabanata

  • His Hidden Wife   Chapter 142: Thunder, Storm, Tempest! Part 2

    Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna  ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe

  • His Hidden Wife   Chapter 141: Thunder, Storm, Tempest!

    HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B

  • His Hidden Wife   Chapter 140: Calling A Teapot Orange Part 2

    Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma

  • His Hidden Wife   Chapter 139: Calling A Teapot Orange

    Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think

  • His Hidden Wife   Chapter 138: Knocking Inside of Your Door Part 3

    "Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."

  • His Hidden Wife   Chapter 137: Knocking Inside of Your Door Part 2

    "Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo.  Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii

  • His Hidden Wife   Chapter 136: Knocking Inside of Your Door

    MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m

  • His Hidden Wife   Chapter 135: 9:16 PM Part 2

    I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam

  • His Hidden Wife   Chapter 134: 9:16 PM

    "OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m

DMCA.com Protection Status