Share

Chapter 5

Seina Riley Point of View

Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Marcus. Naguguluhan pa rin ako hangang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kanina.

"I will do everything to protect you, Sei and this time I won't let them hurt you. You will stay in my place starting today and until you recover your life again."

What is he talking about? May alam ba siya sa akin? But how?

"Are you okay? You look upset," usal nito pagkatapos patayin ang makina ng kaniyang sasakyan.

I let out a deep sigh and shook my head. "Nothing..."

"Kung iniisip mong nagbibiro ako sa sinabi ko kanina... nagkakamali ka. I mean it, I really do mean it. You will stay in my place while working to your company," he said and walk towards the entrance of Rolex Condominuim.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniyang likuran. Paano niya nasasabi ang mga iyon? Hindi nga niya ako kilala eh. How could he let me stay in his place kung kakakilala lang namin? Unless, he know me from the start we've met in the Club.

I merely shook my head. It's impossible that he know me.

Sobrang impossible dahil hindi ko naman siya kilala at sino ba naman ako para kilalanin niya diba? I mean, I am nothing but a puppet of my own parents.

"Hey! Come on! Tatayo ka na lang ba diyan?" Pasigaw na tanong nito. "Halika ka na at pagod na ako. Hindi ba sumasakit iyang ulo mo? Remember marami kang nainom kanina."

Umiling-iling ako at naglakad na pasunod sa kaniya. Medyo sumasakit na rin iyong ulo ko at kailangan ko nang magpahinga. Medyo nawala na iyong kalasingan ko ngunit masakit talaga iyong sentido ko.

Uminom ka pa, Seina!

"Tara na," ani ko at hinawakan na siya sa kaniyang kamay. Naglakad na kaming dalawa patungo sa elavator. Pinindot na niya iyong floor unit ng condo niya, 10th floor.

Hinilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat habang nakasandal. Pinikit ko ang aking mga mata dahil ramdam ko na talaga iyong pagpikit ng tulakap ng aking mga mata. Inaantok na ako at gusto ko na lang matulog.

"Tsk. Maglalasing kasi tapos hindi naman kaya!" Pasingahal nitong usal at inakbayan ako para alalayan na huwag matumba.

"Hindi ako lasing. Masakit lang ulo ko at puwede ba huwag mo akong sigawan," naiinis kong usal sa kaniya. "Mas lalong sumasakit ulo ko sa 'yo eh."

He tsked. "Tumahimik ka na lang kaya 'no?"

Sasagot na sana ako ngunit biglang bumukas ang elavator. Inalalayan niya akong maglakad palabas ng elavator patungo sa unit niya. Kaya ko naman maglakad pero dahil over acting itong kasama ko ay inaalalayan ako.

He opened the door for the both of us and silently enter his unit. Pinaupo niya ako sa sofa at siya naman ay naglakad patungo sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya ro'n at kung ano man iyon ay wala na akong pakialam.

I rolled my eyes and let out a deep sigh.

Bahala nga siya diyan. Makatulog na nga!

Hihiga na sana ako ngunit bigla itong nagsalita mula sa kusina para magpatigil sa aking gagawin na paghiga sa mahabang couch na kinauupuan ko ngayon.

"Don't you dare sleep in that couch, Seina..." He warned me.

"I'm sleepy, Marcus. Please! Let me sleep!"

Hindi na ito muling sumagot pa bagkus ay nakita ko na lang siya sa aking harapan na may hawak-hawak na isang basong tubig.

"Drink this water with honey para mawala iyang kalasingan mo," wika nito at inabot nga sa akin iyong isang basong tubig.

Kinuha ko na iyon at mabilis na ininom. Gusto ko nang matulog kaya hindi na ako nagsalita pa. Bukas na kaming magtutuos na dalawa. Wala ako sa mood makipagtalo at wala rin naman ako sa mood na awayin siya. Bahala siya diyan.

"Oh! Happy? Can I sleep now?" I asked sarcastically.

He tsked and nodded his head. "But in my room. I won't let you sleep here and please change your clothes."

I rolled my eyes in annoyance. "Fine!"

Tumayo na ako at naglakad patungo sa kuwarto niya. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong naglakad sa closet niya para maghanap ng masusuot na damit. Wala akong damit dito kaya damit niya lang susuotin ko. Hindi naman siya magagalit at isa pa it his fault why I am here.

Isang malaking pares ng pantulog ang kinuha ko sa kaniyang closet bago nagtungo sa shower room. Maghihilamos muna ako bago magbihis. Ang lagkit ko kaya kailangan ko muna maglinis ng katawan bago matulog ng mahimbing sa kama niya.

After hundred million years ay nagbihis na ako ng pantulog at mabilis na humiga sa kama niya. I close my eyes and let the darkness eat my whole being.

"Good morning," Marcus greeted me as I open my eyes.

I looked at his eyes and I tsked when I saw him smilling like and idiot. Gagalaw na sana ako at kakalas sa pagyakap niya ngunit mas lalo niyang hinigpitan iyong pagyakap niya sa beywang ko.

"Bitaw kasi!"

He just laughed. "No!"

"Marcus naman eh!" Patuloy pa rin ang pagkalas ko mula sa pagkayakap niya sa akin ngunit mas malakas talaga siya. Kapag natatanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin ay binabalik niya ulit.

"I want to go to the bathroom!" I uttered pissing off tone.

Mahina siyang tumawa habang binibitawan ako mula sa pagkayakap niya. Naiinis akong tinampal siya sa balikat at bumangon na mula sa pagkahiga.

"Nakakainis ka!"

"You are hot in my pajama." He smirk as he spoke while looking my body up and down. "But you're more than hot without that Pajama of mine."

"Siraulo!" Singhal ko sa kaniya at tinapunan pa siya ng unan bago tuluyang naglakad papasok ng banyo. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago ko tuluyang isara ang pintuan.

Gosh! Agang-aga eh. Siraulo talaga. Tsk!

Paano ko ba siya matatagalan? Paano ko matatagalan ang kakulitan niya. Yes, makulit siya tapos siraulo.

Pero, gusto mo naman siya?

What the! Hindi ko siya gusto!

I shook my head and tapped my face while looking at the mirror. I saw my reflection and I can tell that this is not me. Why I am smiling? Hindi naman ako ngumiti tuwing umaga ah? Gosh! Tumigil ka, Seina. Stop what you are doing. Tumigil kana para hindi ka masaktan in the near future.

"Seina, the breakfast is ready!" I heard him shouted outside the shower room. "Na-flush ka na ba at sobrang tagal mo diyan?"

I rolled my eyes. "Maghintay ka diyan, Kupal!"

Umiling-iling ako at naghilamos ng mukha. Nagpunas na ako ng kamay at mukha gamit ang towel na nakasabit rito sa loob ng shower room niya. Malinis naman kaya bakit ako mag-iinarte? At saka malinis naman siyang tao.

Lumabas na ako ng banyo at nakasalubong ko siya sa pintuan. Inirapan ko siya ng makita ko ang nakaguhit na ngisi sa kaniyang labi.

"Pahiram ng damit... iyong maayos na damit." Nilagpasan ko na siya at nagtungo sa closet niya para maghanap ulit ng masusu-ot na damit. Hindi ako puwedeng gumala sa condo unit niya ganito ang ayos ko.

He laughed jokingly. "Maghanap ka na lang diyan tapos sumunod ka sa akin sa baba at pagkatapos nating kumain ay bibili tayo ng mga damit mo."

"Pera mo ang gagamitin since ikaw naman nag-insist na dito ako tumira kasama mo," saad ko ng makahanap na ng masusuot.

Plain V-neck white shirt and cotton short na panlalaki. Mukhang kasya naman sa akin. Sinarado ko na iyong closet niya at humarap sa kaniya. Pinagtaasan ko siya ng kilay ng makita ko siyang nakangising nakatingin sa akin.

"Baka gusto mong lumabas ano? Magbibihis po ako kaya lumabas ka na!"

Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin habang may mga ngisi sa kaniyang labi. Tsk! Manyak na siraulo.

"What?!" Naiinis na tanong ko.

Umiiling-iling ito at tumatawang tumalikod. Naglakad na ito palabas ng kuwarto niya.

I tsked.

Siraulo talaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status