Aurora's Point of View "Sabi sa'yo, Kuya Alted. Hindi ka na niyan babalikan." Mahina ngunit dinig kong sabi ni Elizabeth na sinundan pa ng mahinang tawa. "Babalik siya, Liza. Babalikan niya kami." Mabagal ngunit may diin niyang sagot. My throat went dry. My heart stopped beating. The world suddenly stopped spinning. Malakas na tumawa si Elizabeth at naglakad palapit para lang punasan ang mga luha ni Snow. Pinutol ko agad ang tingin kay Alted at itinuon iyon kay Elizabeth na ngayon ay bumaling na rin sa akin at ngumiti. Nakita niya rin ang luha sa mga mata ko. Lumiit ang kaniyang ngiti, ngunit mas naging payapa ang emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko na nakita ang pag-aalala. "Uwi ka na raw," aniya sa nang-aasar na tono. "Baka mamaya si Kuya Alted naman ang umiyak kapag hindi ka pa sumama." Binuksan niya ang pinto ng backseat at tiningnan si Winter na tahimik sa tabi ko. Sumunod siya nang ngumiti si Elizabeth. Pumasok si Winter sa sasakyan at saglit pa akong sinulyapan. Tinin
Aurora's Point of ViewMarahan na tinapik ni Elizabeth ang likod ko."Stop thanking me, Aurora." Turan niya sa mababang boses."I did it because you took care of my family too. My kindness was just a reflection of your kindness to my family. It means a lot to me, knowing you took good care of my nieces."Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. May kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan."Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa'yo." Dagdag niya.Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. Hindi niya kailangan magpasalamat, dahil wala naman akong nagawa para sa kaniya. Kung ang pag-aalaga kay Snow at kay Winter ang ipinagpapasalamat niya, ginawa ko iyon dahil mahal ko ang dalawa, at pakiramdam ko responsabilidad kong alagaan at protektahan sila.Alted stood behind me. Naramdaman ko ang presensya niya, kaya saglit ko siyang nilingon.Naging malambot ang emosyon sa kaniyang mga mata nang magtama ang aming tingin."Sige n
Aurora's Point of ViewNaramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko."Mommy.""Don't tap her too hard, Snow." Narinig ko ang mahinang boses ni Winter na tila sinasaway ang kapatid.Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Snow at ni Winter. Nasa driver's seat silang dalawa at halos hindi na magkasya.Ngumiti ng malapad si Snow nang magtama ang aming tingin.Ang mala-anghel niyang mukha, ang inosinteng mga mata, ang matamis na ngiti, parang may nabubuo na kakaibang simbuyo sa dating nanlalamig kong puso. The warmth of her smile, I missed it so much."We're already here, Mommy." Balita niya.Dahan-dahan akong umayos ng upo nang mapagtanto na nakatulog pala ako sa byahe. Nagbaba ako ng tingin sa maliit na kumot na nasa dibdib ko. Maayos pa rin iyon na nakalagay, kahit na naibaba ng kaonti ang upuan ko.Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Lanayan. Buong akala ko e mananatiling gising ang diwa ko sa byahe. Siguro dala na rin ng pagod kaya
Aurora's Point of View "Manang Osmet, pakihatid siya sa kaniyang kwarto." Turan ni Alted. Humarap siya sa mga bata at nginitian sila Snow. "Would you like to help me in the kitchen?" Ngiting tanong niya sa kambal. Agad na tumango si Snow at si Winter sa tanong. Humagikhik si Snow. "Yes, Daddy." "Okay, let's make dinner now." Dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Alted at bumaling sa akin. "Ihahatid ka ni Manang Osmet sa kuwarto mo." Aniya. Tumalikod din agad siya para maglakad papunta sa kusina, kaya naguguluhan akong sumunod ng tingin sa kaniyang bultong papalayo. "Pupunta kami Mommy sa kwarto mo mamaya. Come on, Winter. Daddy needs us." Sabi ni Snow na humagikhik na naman. Bumitaw siya sa kamay ko, at nginitian uit ako bago sumunod sa ama na tinatahak na ang daan papuntang kusina. Si Winter din ay bumitaw sa kamay ko at bumaling din sa akin na may maliit na ngiti sa labi. "We're going to cook dinner for you." Masaya niyang sabi. "Magpahinga ka, Mommy." Patakbong sumunod
Aurora's Point of ViewInilibot ko muli ang mga mata.Malinis at organisado ang lahat ng gamit. Mayroong maliit na pasilyo na patungo sa banyo at may isang pinto sa kaliwa ng pasilyo na hula ko'y patungo sa walk-in closet.Mayroong malaking irregular na hugis ng salamin malapit sa malaking bintana. Sa gilid, katapat lamang ng bintana, ay ang study table, drawer, at maliit na bookshelves.Ang isang dingding ay napapalamutian ng dalawang mamahaling gitara. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay itim. Medyo mataas ang kinalalagyan kaya mukhang mga palamuti lamang.Malaki pa ang espasyo. Kahit siguro sampung tao pa ang matulog sa carpeted floor ng kuwarto ay kasya pa rin at hindi magsisiksikan."Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Manang Osmet.Tiningnan ko siya at marahan na tumango. Mas gusto ko ang bagong kuwarto dahil presko, organisado, at kaunti lamang ang mga gamit."Hindi na pinalagyan ni Señorito ng ibang muwebles at palamuti. Naisip siguro niya na mas mabuti na ikaw na ang magdagdag para
Aurora's Point of ViewInilibot ko muli ang mga mata.Malinis at organisado ang lahat ng gamit. Mayroong maliit na pasilyo na patungo sa banyo at may isang pinto sa kaliwa ng pasilyo na hula ko'y patungo sa walk-in closet.Mayroong malaking irregular na hugis ng salamin malapit sa malaking bintana. Sa gilid, katapat lamang ng bintana, ay ang study table, drawer, at maliit na bookshelves.Ang isang dingding ay napapalamutian ng dalawang mamahaling gitara. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay itim. Medyo mataas ang kinalalagyan kaya mukhang mga palamuti lamang.Malaki pa ang espasyo. Kahit siguro sampung tao pa ang matulog sa carpeted floor ng kuwarto ay kasya pa rin at hindi magsisiksikan."Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Manang Osmet.Tiningnan ko siya at marahan na tumango. Mas gusto ko ang bagong kuwarto dahil presko, organisado, at kaunti lamang ang mga gamit."Hindi na pinalagyan ni Señorito ng ibang muwebles at palamuti. Naisip siguro niya na mas mabuti na ikaw na ang magdagdag para
Aurora's Point of View "Nasa baba sila ngayon, nagluluto. Si Señorito ang magluluto ng hapunan dahil unang gabi mo ngayon sa mansyon." Masayang sabi ni Sonya. Napalunok ako. "Bababa na lang muna ako, Sonya. P-para may maitulong naman ako." Kahit paano, ayaw kong dalhin sa puso ko ang mga sinabi ni Sonya. Gusto ko lang isipin na dahil kay Snow at kay Winter kaya ako dinala ni Alted sa mansyon. Kung naging matamlay ang kambal dahil sa pagkawala ko, siguro mas mabuti na rin na bumalik ako para kahit paano ay maalagaan sila. Baka gusto lamang ni Alted na aliwin ko saglit ang mga bata. Maliban pa roon, wala na dapat akong asahan pa. Nakasunod sa akin si Sonya pababa ng hagdan. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya tahimik kaming nakarating sa kusina kung saan naabutan kong kumakain ng ice cream si Snow habang nakatingin lamang si Winter kay Alted na ngayon ay abalang naghihiwa ng mga gulay. Siya nga ang magluluto. "Mommy!" Sigaw ni Snow nang makita ako. Natigil si Alted sa pagh
Aurora's Point of View Ayaw umalis ng kambal sa kusina, ngunit ayaw din ni Alted na tumulong kami. Maliban sa pagbabalat ng mga gulay, wala na siyang ibang iniutos sa akin. "Winter joined a spelling bee contest, Mommy. She won first prize." "Talaga?" Gulat akong tumingin kay Winter dahil sa balitang iyon galing kay Snow. "Yes. Tell her about the contest, Winter." Panghihikayat ni Snow sa kakambal. Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ni Winter. Pakiramdam ko, lumubo ang puso ko dahil sa tuwa na malaman na sumali siya sa isang contest at nanalo pa! "Ah..." Namula ang pisngi ni Winter kaya mahina akong natawa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hindi na napigilan ang sarili sa sobrang pagkatuwa. Kinintilan ko ng halik ang tungki ng kaniyang ilong. "That was great, baby!" Maligaya kong sabi. "Kinabahan ka ba?" Tinitigan ko siya sa mga mata para makita niyang intresado akong marinig ang sasabihin niya kaya hindi niya kailangan na mahiya. Tumango si Winter at ngumu
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea