Aurora's Point of ViewShe talks like she's an expert in dealing with this situation. Sinong t*ng* ang sasabihin sa isang tao na magpanggap bilang siya kapalit ng isang bagay? I should know better, isang Candice? Nagamit niya noon ang lahat ng taong nasa paligid niya para sa sarili niyang interes kaya gagawin niya rin iyon sa akin. Nakakaawang babae, buhay pa siya pero nakasanla na ang kaluluwa niya sa impyerno."Alam mo, maganda ka sana pero mukha kang pera." Banayad ngunit may diin kong salansa. "Wala na bang mas mahalaga sa'yo kung hindi ang manggamit ng ibang tao? Ganiyan ka ba kahina kaya kailangan mo ng ibang taktika sa buhay? You're not mentally wise, you're just a cunning b*tch who tries to fit in the society where you don't belong. You could do so much better in life Candice, hindi mo kailangan na manlamang sa kapwa mo tao para lang umangat ka."Her cold stares changed. Tila may lumiyab na galit sa mga mata niya dahilan para maupos ang nang-iinsulto niyang ngiti. This ti
Aurora's Point of ViewFrom being a b*tch into a good dealer? Hindi pa siya gaanong kumakalma pero nakikita ko ang panghihikayat sa mukha niya. I can see myself from her, masyado lang sigurong nadepina ang maganda niyang mukha at nadagdagan iyon ng malamig niyang mga tingin. She looks like a desperate gold-digger. Gusto kong maawa sa nakikita ko ngayon, she's not begging but I know she is, dinadaan niya lang sa ganito para hindi siya magmukhang kawawa. "Hindi ako ikaw," tiningnan ko siya at sinalubong ang mga mata niya."Magkaiba tayo Candice. Maaaring magkamukha tayo, maaaring marami tayong pagkakapareho sa panlabas na anyo pero hindi ako katulad mo. Hindi ko sila ginag*g*, nagpanggap ako dahil kailangan ko, hindi dahil sa gusto ko silang lokohin."Naningkit ang mga mata niya. Nanantya at nagtitimpi dahil anong oras man pwede niya akong saktan ulit."You're st*p*d, huh?" She smiled devilishly. "You could be me, minsan lang sa buhay mo na magkakaroon ka ng pagkakataon na maging
Aurora's Point of View Kung sabihin niya iyon para bang napaka-eksperto niya. Tumango na lamang ako, hindi na umapila pa, para hindi na humaba pa ang usapan. She started saying things regarding about the deal. Sa dami ng sinabi niya isa lang ang nagagawa ko, ang tumango kahit hindi na iyon pumapasok sa isip ko nang maayos. Nang hingin niya ang numero ko walang pag-aalangan ko iyong ibinigay. "I'll call you whenever I need money. Matatagalan pa naman bago ulit ako manggulo kaya walang makakapansin sa ginagawa natin. Not even Alted. Maging mabait ka lang na asawa sa kaniya, hindi siya magtatanong sa iyo nang tungkol sa kahit na ano." Matamis siyang ngumiti sa akin. Kung dati, sinasabi ko sa sarili ko na hihiramin ko lang sila Alted at ang mga bata, ibabalik ko rin sila kung sakaling bumalik si Candice. Ngayon iba na ang pananaw ko, bumalik man siya at masira ang lahat ng meron ako hindi ko hahayaan na makabalik siya sa buhay nila Alted. She doesn't deserve them, wala nang mas mahalag
Aurora's Point of ViewTAHIMIK ako buong byahe at nang makarating sa bahay ay agad din na umakyat para magpalit ng damit.Kailangan ko munang kalmahin ang sarili at magplano ng mga susunod na hakbang. Kailangan doblehin ang pag-iingat. Tama ang naiisip ko kanina, masyadong maiksi ang pasensya ni Candice. Agresibo rin siya sa lahat ng bagay, kapag hindi niya makuha sa pakiusap ang isang bagay ay idadaan niya agad sa dahas.Buong buhay ko marami akong kinatatakutan, kahit ang mahimbing kong pagtulog sa gabi. Marami akong pangamba sa buhay noon pa man, hindi nawawala ang mga negatibong bagay sa isip ko. Walang kapaguran ang damdamin ko sa takot kaya sa huli nilalabanan ko iyon. Laging mataas ang pader na nakapalibot sa akin, laging alisto sa lahat, laging nakaplano sa mga sumusunod na mangyayari. Kailanman hindi ako nilubayan ng takot pero mas lalong hindi ako nagpagapi sa takot na iyon.Sa ngayon hindi sarili ko ang dapat kong ingatan, mas kailangan nila Snow at Winter iyon.May isang
Aurora's Point of ViewBumalik siya para kunin ang gatas niya. Tahimik lamang ako habang tinitingnan silang ubusin ang gatas. Hindi na ako tinapunan ng tingin ni Snow at halata ang pagiging alarma niya dahil sa presensya ko. Nasasaktan ako dahil alam kong nakikita niya ako bilang isang halimaw at hindi bilang isang kaibigan.Nang maubos nila iyon, si Winter ang nagbalik ng baso sa tray. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makausap sila. Hindi ako lalabas ng kwarto na hindi ito naaayos."Snow..." masuyo kong tawag sa kaniya. "I have to ask you something."Marahan akong naglakad palapit sa kama kung saan naroon siya pero agad niyang hinila ang kumot at iniyakap niya iyon sa sarili. Natigilan ako dahil sa pinakita niyang takot."Mommy we want to sleep. Please leave us." May pagmakakaawang saad ni Winter na kusang humarang sa harap ko.Nagbaba ako ng tingin sa kaniya at nang magsalubong ang mga mata namin, nakita kong puno iyon ng pangamba at takot."Please, leave us." She begged.Mara
Aurora's Point of ViewNang makalayo siya ay agad kong sinalubong ang tingin niya. Pulang-pula ang kaniyang mga mata, ilong at pisngi. Basang-basa rin ang mukha niya dahil sa pag-iyak. Marahan kong pinalis ang mga luhang iyon habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. I could cry for them, I can accept any kind of pain for them, lahat kakayanin ko para lang hindi ko sila makitang umiyak.Nabigo ako, dahil noon, sinabi kong hindi ko sila sasaktan, pero ngayon parang ako ang dapat sisihin dahil sa kapabayaan ko."Anong ginawa ko, Snow?" Muli ay tanong ko habang patuloy na pinupunasan ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.Umiling siya, dahilan para matigil ako sa pagpunas ng kaniyang mga luha. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang nakatingin pa rin sa akin. Malinaw sa akin kung paanong naglumikot ang takot sa mga mata niya."H-hindi ko naman sinabi kay D-daddy. Hindi k-kami nagsumbong. P-please, don't hurt me again..." mula sa pagtingin sa akin napunta iyon kay Winter."Win
Aurora's Point of View Hinintay kong matapos ang pagriring. Nang matapos, bumungad sa screen ang litrato naming apat nila Alted. Kuha iyon nang nagbakasyon kami. Buhat-buhat ni Alted si Snow habang yakap ko naman si Winter. Nasa dalampasigan kami, maagang-maaga na kitang-kita ang magandang kulay ng kalangitan sa likod dahil sumisilip na ang araw sa matatayog na bundok sa dulo ng mawalak na karagatan. Si Sonya ang kumuha ng litrato, nagustuhan ko iyon lalo na at napakanatural ng lahat. Ngiting-ngiti kami dahil sa nag-aasaran si Snow at si Winter nang mga oras na yon. Their smiles were genuine. Nang makita ko ito pakiramdam ko lumukso ang puso ko. It pictured a perfect family with happiness and contentment tucked in. Kapag nakikita ko ito, naiisip kong si Aurora ang nakasama nila at hindi si Candice. Minahal ko sila bilang si Aurora hindi dahil sa nagkukunwari akong si Candice, naging masaya ako sa kanila bilang ako at hindi bilang ibang tao. Now, I want to protect them as long as
Aurora's Point of View MASYADONG normal ang mga nagdaang araw. Napakanatural ng lahat na hindi mapapansin ninuman ang mga nakaantabay kong plano. Sadyang pagkakataon lang ang hinihintay ko pero mukhang palihim iyong pinagkakait sa akin. Tatlong beses kung tumawag si Candice; sa hating gabi, sa madaling araw at sa oras na makaalis si Alted sa umaga. Hindi ko tinatanggap ang tawag niya. Wala naman akong natatanggap na kahit na anong pagbabanta galing sa kaniya maliban lamang sa isang mensahe noong nakaraang araw na nagsasabing hindi na niya nagugustuhan ang mga ginagawa ko. I am not afraid, though. Kung kapakanan nila Snow at Winter ang pag-uusapan, maayos naman ang lahat, hindi nila malalapitan ang mga bata. Hindi na rin naman ako tinanong ni Alted sa paglalagay ko ng bantay para sa kanila. Mukhang naiintindihan niya iyon kahit hindi na ako magpaliwanag. "Mommy? Susunduin niyo ulit kami mamaya?" Ang malambing na boses ni Winter ang humila sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea