Aurora's Point of View Hindi ako intresado kung magkaano-ano sila, gusto ko lang kalimutan ang nararamdamang kaba sa dibdib ko. Kailangan kong baliwalain iyon at maghanap ng mabilis na paraan, kailangan ko lang ma-distract. Humigpit ang yakap ni Alted dahilan para mapatingin ako sa kaniya, nakatingin din siya sa akin at magkasalubong na naman ang makakapal na kilay. Madilim ang mga mata at may misteryosong emosyon roon. "We're cousins. Hindi lang halata kasi mas gwapo ako." Pabirong sagot ni Zychi nang bumaling ulit ako sa kaniya. Nakangisi pa rin siya at nakatingin kay Alted ang mapang-asar nitong mga mata. "Tumigil ka, Zy." Ani Cassiopeia nang mapansin din iyon. Tumawa lang si Zychi at kalaunan hinapit ang bewang ng babae at may ibinulong na naman. Sinamaan ng tingin ni Cassiopeia ang lalaki pero ngumiti lang ito. "We are actually here to stroll around, masyadong abala sa resort ngayon dahil sa paghahanda ng kasal nila First at Sanchel. Nabanggit ni Khallel na narito k
Aurora's Point of View Nagsimula siyang purihin ang dalawa, na manang-mana ang kambal sa amin ni Alted. Mukha rin daw itong mababait na tinawanan ko lamang. Mababait, minsan mga pasaway din naman. "If ever magkaroon ako ng kids, gusto ko kambal din. Kagaya nila." Wala sa sariling bumuntonghininga siya kahit may ngiti naman sa labi niya. Bumaling siya sa akin at nang makitang titig na titig ako sa kaniya ay unti-unting naglaho ang ngiti niya. "Pwede naman iyon mangyari, besides ikakasal ka rin naman kay Zychi. Sana magkaroon din kayo ng kambal." Pagpalubag-loob ko sa kaniya. Ang lungkot sa mga mata niya ay dumaan na naman. Hindi na iyon nakaligtas sa paningin ko kahit pa nag-iwas siya ng tingin. May problema kaya sila ni Zychi? "Pero mukhang mahirap magkaroon ng kambal." Turan niya pagkaraan uminom ng juice. Mababaw siyang tumawa. "Cesarean section ka ba? Kasi mostly sa naggi-give birth ng kambal dumadaan sa cesarean section." Ang kuryuso sa mga mata niya ang nagbigay
Aurora's Point of View HAWAK ko ang kamay ni Winter habang si Snow naman ay hawak ni Alted. Marami na ang tao kaya magulo na rin nang dumating kami sa venue. Sa dalampasigan gaganapin ang kasal. Nakaharap sa malawak na karagatan ang mga upuan at nakikita ang ganda ng tanawin. Mayroong mahabang lamesa na natatabunan ng puti at makapal na tela sa dulo kung saan tatayo mamaya ang pari na magkakasal. The theme for the wedding is rosy pink and white. May mga bulaklak na idenisenyo sa paligid at lahat iyon ay naaayon sa tema. Ang mga upuan ay gawa sa metal pero nauukitan ng mga bulaklak ang sandalan. May iilan na mga pabilog na mesa sa paligid at ang sentro nito ay mayroong mga bulaklak ng pinaghalong white at rosy pink. Mayroon din talulot ng bulaklak na nagkalat sa aisle. Curtains are decorated properly and chairs are on the right places. Designs, props and other beauty enhancer are perfectly decorated. Hindi ako magaling sa paglalarawan ng mga ganitong event dahil ito na y
Aurora's Point of View Kagaya nang inaasahan ko, nakipagbeso siya sa akin at hinalikan din sila Snow at Winter bago bumaling kay Alted at ngumiti ng matamis. Ang kasama niyang babae ay ngumiti din sa amin. "This is Bella, my cousin." She sweetly introduced the woman. "Bella, this is Alted Dela Fuente and Candice Dela Fuente. And their little princesses, Snow and Winter. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanila ang sino." Ngumiwi pa siya nang mapatingin sa kambal. They look the same now. Hindi talaga makikilala kung sino si Snow at sino si Winter kung hindi nila lubos na kilala ang dalawa. Nakipagbeso rin sa akin si Bella at nakipagkamay kay Alted bago bumaling sa kambal. Rumehistro ang paghanga sa mga mata ng babae bago masuyong dinampian ng halik ang kambal. "They look so cute and .. gorgeous. Kung magkakaroon ako ng kambal gusto ko ganiyan din." Mapangarap na saad ni Bella na tinawanan ni Cassiopeia. "That's the same thing I said yesterday. I want a twin like them."
Aurora's Point of View Sa paraan ng pagpapalitan nila ng mga pangako, higit nitong pinasaya at binigyang emosyon ang paligid. Dahil sa pagmamahalan nila naging perpekto ang lahat. Hindi tungkol sa kung gaano kaengrande ang kasal, tungkol iyon sa dalawang tao na nangangako sa ilalim ng basbas ng Maykapal. Tuloy-tuloy ang pagdiriwang hanggang sa mapunta kami sa reception hall sa mismong loob ng hotel. Kahit ang reception hall ay nagsusumigaw ng karangyaan. Naisip ko tuloy kung gaano sila kaabala kahapon para mapaghandaan nang ganito kaengrande ang buong lugar. Nakaupo kami sa isang malaking pabilog na mesa. Pinakilala rin ako ni Cassiopeia sa ilan niya pang kakilala na imbitado rin sa kasal. Sa mesa namin ay puro mga babae lang din naman, si Bella at Cassiopeia sa aking tabi, kasunod ay si Desiree, iyong maid of honor ng kasal, si Paula, Kelly at sa harap ko ay si Elizabeth na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Kinakausap siya ni Paula pero panay tango at i
Aurora's Point of View "Kiss!" Sigawan ng mga tao. Mas lalo pang nag-ingay lalo na nang sumigaw si Zychi at Khallel sa kabilang mesa. "Kiss!" Kasunod no'n ay ang tawanan at kantyawan. Agad na hinanap ng mga mata ko ang bagong kasal na ngayon ay sumasayaw na pala sa gitna. Tumigil nga sila at pinagbigyan ang mga bisita. Mas lalo pa tuloy umingay ang buong paligid. Sa pagkakataong ito, tumagal na ang tingin ko kay First at Sanchel. Unti-unti akong napangiti pero may kung ano sa puso ko na hindi maintindihan. Lungkot? Hindi ko rin alam, samantalang masaya naman ako. Ilang sandali pa ang lumipas, tumayo sila Kelly at si Paula dahil lalapit daw sila kay Sanchel. Si Bella ay umalis din at may lalapitan din siya. Nang makatayo si Bella ay siya namang pag-upo ni Alted sa bankanteng upuan na naiwan ng babae. Sa naiwang upuan ni Kelly naupo si Zychi katabi si Cassiopeia. Dalawa pang lalaki ang naupo at nakisali sa aming mesa, ang isa ay sa tabi ni Elizabeth at ang isa ay sa tabi n
Aurora's Point of View TAHIMIK ang daan pabalik ng summer house. Wala rin akong imik habang pinapakiramdaman ang haplos ng hangin sa balat ko. Buhat-buhat ni Alted si Snow na ngayon ay nakahilig na sa braso niya at mukhang makakatulog na bago pa man kami makarating. Si Winter naman ay nakakapit sa kamay niya at nagkwekwento sa ama tungkol sa kung paanong ayaw niya nang maulit na sumama sa kasal. "They are all looking at us, daddy. Some pinched my cheeks and some took a photo of mine and Snow." Sumbong ni Winter kay Alted. Marahan na tumawa si Alted dahil sa sinabi ng anak. "One day when I grow up, Daddy. I won't do the same thing they did. They call it a wedding but it isn't. ‘Di ba po ang kasal dapat sa church?" Muli ay batikos ni Winter. "Well, what happened back there is a wedding, Winter. Naroon naman ang priest, hindi ba? Actually, pwede naman kahit saan idaos ang kasal. Pwedeng sa bahay lang, sa garden, sa beach, sa church, or even in a municipal hall. Ang mahalaga, may ba
Aurora's Point of View Iniangat niya ang tasang may kape at dinala iyon sa salas. Naiwan naman ako sa island counter at sinundan siya ng tingin. Kagaya ng ginawa niya, sumunod ako sa kaniya sa salas dala ang gatas ko at nang maupo siya sa mahabang sofa ay naupo naman ako sa pang-isahan. "Gusto ko nga sabay tayo." Pamimiliit ko pa rin. Alam ko naman e, sa huli paaakyatin niya lang ako at hihintayin niyang makatulog ako para hindi ko na mahintay ang pagpasok niya dahil siguradong sa sahig na naman siya matutulog. Bigla ay natawa siya habang inilalapag ang tasa sa coffee table na nasa gitna. Naiiling na tumingin siya sa akin at may kung anong emosyon sa mga mata niya. Iyon na yata ang unang pagkakataon na makita kong may pagkalito at paghanga sa mga mata niya. Ibinaba ko rin sa coffee table ang gatas ko at tiningnan siya. "You need to rest, okay?" Ngumiti siya ng matipid. "Mukhang napagod ka kanina kaya kailangan mo nang magpahinga. Susunod agad ako." Umiling naman ako.
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape