Another Chapter! O ayan na 2 chapters, 4 parts lahat ang update for today para di na kayo magalit. hmp! Kala niyo naman talaga ipagdadamot ko sila Silver at Aeverie sa inyo :›
Kumunot ang noo ni Aeverie nang pumasok si Blue dala ang laptop nito. Halata sa mukha ang pagiging apurado na maipakita sa kaniya ang isang bagay na nasa laptop nito.“What's wrong?” Taka niyang tanong sa lalaki.“Lucinda holds a press conference and wants to apologize publicly to the employees of our hotel.” Imporma ni Blue.Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay.“What?”Tumigil sa harap ng kaniyang mesa si Blue. Inilapag nito ang dalang laptop at iniharap sa kaniya. “Biglaan lang ang press conference na ito, Miss. Tingin ko nakapag-isip na sila sa wakas na kung hindi nila aagapan ay masisira ang reputasyon at imahe ng mga Galwynn sa publiko. They want to at least minimize the impact of Lucinda's scandal.”Hinawakan niya ang laptop ni Blue at mas lalo pang inilapit ito sa kaniya.Napansin niyang live iyon, at halos kalahating milyon na ang nakaantabay sa press conference ni Lucinda.“The website has a lot of viewers now. It’s roughly estimated at five million viewers, both live
“Kuya Uriel.” Bati niya sa lalaki nang sagutin ang tawag nito. “You used the Rolls Royce before, Aeve? Can you locate the GPS location of the car now?” Tanong nito, tensyunado ang boses. Kumunot ang kaniyang noo. “What do you mean? What’s happening, Kuya?” Napasulyap sa kaniya si Blue, nagtataka sa kaniyang reaksyon. Kahit siya ay apektado sa pagiging taranta ni Uriel. Madalas na kalmado ang demeanor ni Uriel, minsan lamang itong magpanic, kaya nagtataka siya sa nangyayari ngayon. “It’s my fault. Okay? I thought it wouldn't affect, Sage. But I should have known better!” Sigaw nito. “Kanina kasi I invited him to have lunch with me and my Mom. And Mom starts to nag about Silvestre and your marriage with him. Nabanggit niya rin ang nangyari sa auction hall. Nasabi niyang halos pagkaisahan ka ng mga Espejo at wala man lang daw ginawa si Silvestre. Mas inuna pa nito si Arsen kumpara sa’yo. I thought it wouldn't really affect Sage. Kalmado naman siya kanina.” Humugot ng malalim na hi
Inayos ni Silvestre ang kaniyang pagkakasandal sa upuan ng sasakyan. Mas lalo siyang nahihilo dahil sa mabilis na takbo nito. “Mr. Galwynn?” Tawag ni Gino na sumulyap pa sa rearview mirror. “Gusto niyong tumigil muna tayo saglit?” Huminga ng malalim si Silver, alam sa kaniyang sarili na marami siyang nainom at lasing na nga siya. Dahan-dahan siyang umiling. “I can still hold it.” Sagot niya. Nagbuntong-hininga si Gino. Kung hindi lamang siya natakot na baka sisantehin siya ni Silvestre ay sana napigilan na niya ito na magpakalasing. “Miss Lucinda Galwynn held a press conference this evening.” Balita ni Gino. “Pero sa nakita ko, mas lalo lamang na naging negatibo ang tingin ng publiko sa kaniya. Natatakot akong baka makaapekto iyon sa reputasyon ng inyong pamilya.” Dagdag ng lalaki. Iniliko nito ang sasakyan sa isang shortcut patungo sa villa ng mga Galwynn. Mas mabilis kung dito sila dadaan kaysa makipaggitgitan pa sila sa mga sasakyan ng ganitong rush hour. Siguradon
Lumapit ito sa kaniya, mabagal ang bawat hakbang. Hindi niya halos marinig ang yapak nito na mas lalong nakakapagtaka para kay Silvestre. How could he not make any noise? “I couldn't remember anyone that I bullied recently. Who is this person you're talking to?” Pinanatili ni Silvestre ang kaniyang pagiging alerto, ngunit blangko lamang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Tumigil sa paghakbang ang lalaki. Pagkaraan tumawa ito, tila isang mapainsultong tawa. “You couldn't remember anyone you’ve bullied recently? Ganoon ba kadali para sa’yo na kalimutan nalang ang babaeng ‘yon?” Pagkatapos na magtanong ng lalaki, hindi niya halos namamalayan na parang dinadala na lamang ito ng hangin palapit sa kaniya. Nasa harap na niya ito at agad na nagpaulan ng suntok. Mabuti na lamang at naiwasan niya ang unang suntok nito. Tumama sa gilid ng kaniyang dibdib ang pangalawa nang subukan niya ulit na umiwas. Napaatras siya, hindi makapaniwala na ganoon kabilis kumilos ang lalaking ito!
“Avi.” Kapos hiningang tawag ni Silvestre nang makita si Avi. “Oh... D*mn it.” Usal ni Aeverie, habol ang hininga. Yakap pa rin ni Aeverie si Sage. Hindi halos nakapagreact si Sage sa bigla niyang pagsulpot. Ramdam niya ang mainit na metal na dumaplis sa kaniyang kaliwanh balikat. Mabuti na lamang na hindi iyon totoong baril dahil mas malaking perwisyo sana ang natamo niya. Nanghihina siyang tumingin kay Sage na gulat na gulat pa rin sa pagdating niya. Namumuo ang pawis sa kaniyang noo at ramdam niya ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang sugat. Nanginginig ang kamay ni Aeverie, ngunit ayaw niyang bitawan si Sage. Nang makita ni Silvestre na pumapatak ang dugo sa mga daliri ni Avi, nanliit ang kaniyang mga mata. Gusto niyang bumangon at tingnan kung saan ito tinamaan ngunit hindi niya magawa dahil sa sakit ng buo niyang katawan. Gulat din siya na nagawa ni Avi na saluhin ang bala ng pistol para sa lalaking ito! Is she really out of her mind?! Biglang nanghina ang si
Pagkaraan ay dumating din ang ambulance na tinawagan ni CK. Mabilis na dinala sa ospital si Silvestre at Gino para gamutin.Mabuti na lamang at hindi malubha ang nangyari kay Silvestre. Maliban sa kaonting galos, pasa at sugat sa labi ay hindi na nagkaroon ng iba pang aberya. Hindi rin apektado ang dating injury ni Silvestre.Kaya nakahinga ng maluwag si Aeverie nang malaman iyon.Hindi umalis si CK sa tabi ni Aeverie, kahit noong ginagamot at tinatahi ang sugat nito sa balikat.Hanggang ngayon, puno pa rin ng pagsisisi ang puso ni CK dahil sa nangyari.Ngunit nang dumating ang isang doktor para kausapin si Aeverie, kinailangan na palabasin si CK.Kaya naman tensyunado ang lalaki habang naghihintay sa labas ng operation room.“Kamusta?” Agap niyang tanong nang lumabas is Aeverie pagkalipas ng halos kalahating oras.“How is it? Is the bone injured?”Umangat ang sulok ng labi ni Aeverie para sa isang matipid na ngiti at marahan na umiling.“I’m fine. There’s no major problem. It's just
“Mr. Galwynn, I solemnly apologize to you for what happened tonight. Alam kong galit ka ngayon, at hindi ako magrereklamo sa bagay na ‘yon. I understand that. Kung gusto mong may managot sa nangyari sa’yo, ako ang magiging responsable. After all, it was all because of me that he hurt you, so I have a full responsibility with this matter.” Banayad ang boses ni Aeverie nang sabihin iyon.“If you want to settle it privately, then I am willing to take responsibility to the end. Ngunit kung gusto mong magreklamo at dalhin sa publiko ang nangyari ngayong gabi… sana maisip mo na ako pa rin ang kahaharapin mo sa korte. Hindi siguro maganda na malalaman ng mga tao ang totoo natin relasyon, hindi ba?”Tumigil sa gilid ng kama si Aeverie. Matuwid siyang tumayo at tinatagan ang kaniyang loob.“Una, gusto kong malaman mo na kilala ka ng lahat. You are a well-known person, and you are about to marry Miss Espejo. Kung magkakaroon tayo ng problema sa korte, baka biglang maungkat ang mga bagay na dapa
Abot-abot ang tahip ng puso ni Aeverie. Pinagpapawisan ng malamig ang kaniyang noo dahilan para itulak niya ng malakas ang dibdib ni Silvestre.Buong lakas niyang itinulak ang dibdib nito upang makawala nang tuluyan. Nang makalayo siya kay Silvestre, wala sa sariling iniangat niya ang kaniyang kamay at malakas na sinapak ang mukha ng lalaki.Nagtatagis ang kaniyang bagang at parang malalagutan siya ng hininga pagkatapos siya nitong halikan.Ramdam niya pa ang init sa kaniyang mga labi. Ang luha ay nangingilid sa kaniyang mga mata.“You b*st*rd! Who gave you the right to kiss me?!” Galit niyang tanong.Namamanhid ang pisngi ni Silvestre na dinapuan ng kamao ni Aeverie. Hindi niya inakala na ganoon kalakas ang babae.Mas lalong hindi niya inakala na hindi lang sampal ang dadapo sa kaniyang mukha, kung hindi sapak.Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Aeverie. Madilim ang ekspresyon ng kaniyang mga mata. Unti-unti siyang nagbaba ng tingin sa mapulang labi ni Aeverie.D*mn it.Pinun
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani