Se connecterMay continuation pa ito, pero bukas ko na i-update dahil di na kaya ng oras. Medyo marami exposure ni CK sa sunod na mga update HAHAHAHAH
Dumiretso sila sa restuarant ng hotel. Sumusunod pa rin si Silvestre at tahimik na nakatingin sa likod ng babae.Narinig niya ang naging usapan ng mga babaeng guest na kanilang nadaanan, ngunit balewala iyon sa kaniya. Nga lang, napansin niyang nilingon saglit ni Aeverie ang mga babae kaya agad na lumayo. Simula kaninang umaga ay may kakaibang kaba sa dibdib niya. Hindi niya magawang kausapin si Aeverie dahil alam niyang magagalit ito sa kaniya lalo pa’t mukhang hindi nito gusto na umaaligid-aligid siya. Kaya mas mabuting tahimik na lamang siyang magtrabaho.Marahil sa susunod na pagkakataon ay magkakausap na sila. Sa ngayon, kailangan niya munang tumahimik at maghintay na ito ang maunang kumausap sa kaniya. “This way, Miss Cuesta.” Sinalubong sila ng usher at iginiya nito si Aeverie. He kept his distance. Ilang hakbang ang layo niya mula sa babae, ngunit sapat lamang ang distansya para hindi ito mawala sa paningin niya at malapitan agad kung kailangan siya. Nang makarating si Aev
“Miss, ipapaakyat na lang po ba sa opisina niyo ang lunch niyo po? O bababa po kayo sa restaurant?” Maingat na tanong ni Janella nang pumasok ito sa kaniyang opisina. It was very late. Twelve-thirty na nang matapos ang meeting at hindi pa siya nakakapag-lunch simula kanina. Maliban sa sweets, coffee, at bottled water na ibinigay sa kanila sa meeting room ay wala nang ibang inihandang pagkain.Kumain lang siya ng kaunting cookies at uminom ng tubig kaya ngayon na nagtanong si Janella ay saka niya lang napagtanto na parang humahapdi na ang kaniyang tiyan. “I’ll go to the resto.” Imporma niya sa assistant. Tumango agad si Janella. “Okay, Miss.” Dahan-dahan itong tumalikod at binuksan ng kaunti ang pinto. Nakatuon naman doon ang kaniyang tingin, ngunit hindi niya nakita kung nasa labas pa ba si Silvestre dahil mabilis din na naisarado ni Janella ang pinto. Huminga siya ng malalim at sinapo ang kaniyang noo. Pagkatapos nang meeting ay umalis din agad si Rafael dahil may aasikasuhin
Hindi nila ma-contact si David. Nasa eroplano pa ito at posibleng hindi nila makakausap ngayong umaga ang matandang Cuesta. Kaya pilit na pinakalma ni Aeverie ang kaniyang sarili at ibinalik ang pokus sa pagtratrabaho. Tinipon nila ang lahat ng may matataas na posisyon sa lahat ng kanilang hotel. Sa meeting room ng Arc Hotel sila nagtipon, habang si Rafael naman ang tumayong speaker ng meeting. “Does it mean your sister will become the acting CEO of the Cuesta's Chain of Hotels?” Nagdududang tanong ng isang matandang lalaki. Nakaupo siya sa kanan ni Rafael. Nasa kabisera ng mahabang mesa ang kaniyang kapatid. Dahil ito pa rin naman ang tumatayong CEO ng AMC Group, nakikita niyang kinatatakutan pa rin ang kaniyang kapatid ng ilang officials at ng board members. Lahat sila’y pinatawag para ipaalam na ililipat na sa kaniyang pangalan ang titulo ng pagiging presidente ng chain of hotels ng kanilang pamilya. Ganunpaman, halatang may ilang tutol sa ideyang iyon. “Yes, she is now the
Aeverie's head feels like bursting. Sa tuwing napapatingin siya sa may pinto at naiisip na nasa labas lamang si Silvestre Galwynn ay mas lalong sumasakit ang kaniyang ulo. She massages the bridge of her nose. Parang pumipintig ang ugat sa kaniyang noo sa tuwing naiisip ang kabaliwan ng kaniyang ama. Why would Old David hire that man?! Sa lahat ng tao ay siya pa? Alam niya sa kaniyang sarili na marami nang kompanya ang naipatayo ng mga Galwynn pero wala pa silang kompanyang pinapamahalaan na related sa security. Kaya paano na-i-hire ni David si Silver bilang bodyguard? Saang agency ito galing? Damn. How can I even work now? Frustrated niyang tanong sa sarili nang mapansin na nakatambak pa rin ang mga folder sa kaniyang harap at ang kaniyang computer ay hindi niya halos magalaw. Unti-unti siyang sumandal sa swivel chair at napatulala na lamang sa pinto. Paano kung pagsubok lamang ito ng kaniyang ama? Patuloy siyang susubukin ni David para makita kung hanggang saan ang pagiging
Everybody knows how much she loves driving. Ngunit overprotective masyado ang kaniyang mga kapatid kaya hindi siya hinahayaan na siya ang magdrive, lalo pa’t alam nila na reckless driver din siya madalas. May kaunting ngiti sa kaniyang labi nang mapasulyap sa rearview mirror at napansin na walang SUV van na nakasunod sa kaniya. Ngayon ay hindi na siya pressured at naiirita dahil sa pagbuntot sa kaniya ng kaniyang mga bodyguard. Ngunit hindi siya gaanong nagtitiwala na tuluyan nang inalis ni David ang kaniyang mga bantay. Pakiramdam niya’y mayroon pa ring nagmamasid sa kaniya, ngunit hindi lamang nagpapakita dahil naiirita siya sa tuwing nalalaman niyang may nagbabantay sa kaniya. Ganunpaman, masaya pa rin siya na hindi na ganoon ka-visible ang presensya ng kaniyang mga bodyguard. Pakiramdam niya’y nagiging normal na ulit ang kaniyang buhay. Nang maiparada niya ang sasakyan sa parking lot ay sinalubong agad siya ng babaeng assistant. Kabado itong ngumiti sa kaniya. Namumukha
Bago ang mismong pag-alis ni David Cuesta ay pinayagan na ulit siyang magtrabaho sa hotel. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang siya general manager ng hotel, acting-CEO at president na rin siya ng Arc Hotel at ng mga branch nito sa Pilipinas. It made her happy. Akala niya’y hanggang sa matapos ang kaso ni Arsen ay ikukulong na lamang siya ng kaniyang pamilya sa mansion upang maprotektahan sa ilang banta sa kaniyang buhay. Mas mabuti nang pinabalik na siya sa hotel dahil may pagkakaabalahan na siyang ibang bagay. Hindi na siya masisiraan ng loob sa pagkabagot. “Ano'ng pinagkakaabalahan ni Blue? He hasn't contacted me for days.” Medyo iritado niyang tanong kay Rafael. Maaga siyang gumising para mag-ehersisyo sa likod ng bahay. Gusto niya rin na sulitin na maganda ang tanawin sa harap ng malaking lawa. Ganitong oras ay narito na si Blue para samahan siya sa mansion. Sabay silang pumupunta sa hotel kapag may trabaho, pero nitong nakaraang linggo ay hindi niya nakita ang sekretaryo.







