“It's very important, babe!” Kunot ang noo kong wika kay Ilham. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pumayag siya. Hindi pwedeng lagi na lang niyang sinasakripisyo ang lahat para sa akin. Kung hindi lang tumawag ang secretary niya ay baka hindi ko pa malalaman. He declined the important offer in Taiwan. Makakatulong pa lalo iyon sa kompanya niya para lumago pero tinanggihan niya iyon sa kadahilanang wala akong makakasama dito. “But you're more important in that. You can't change my mind. Ayokong iwan ka dito.” Umiling siya at niyuko ang mga papeles na nasa harap niya. Pinadala niya ang papeles sa bahay para dito na lang siya pansamantalang magtatrabaho. Ganito talaga siya kapag sinusumpong ang sakit ng ulo ko. Ayaw niyang nauulit iyon. Ayaw niyang sumasakit ang ulo ko ng wala siya. Ayaw niyang may nangyayaring hindi maganda sa akin. Gusto lagi niyang nasa ligtas na kalagayan ako. “Kaya ko na, babe.” Umupo ako sa harap niya, bumuntonghininga. “Ilham, hindi pwedeng lagi na lang
“Haera?”Nakatulalang nakatitig lamang ako sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay ang laki-laki ng kasalanan ko. Ngunit kanino? Wala akong maalalang may ginawan ako ng masama. “Hoy, ayos ka lang?” Simula nang umalis ako sa hospital ay daladala ko ang pakiramdam na iyon. Habang humahakbang papalayo doon ay nasasaktan ako lalo pa noong tinawag nila ako. Sino sila? Bakit ganoon na lamang sila sa akin? They call me Mommy, why? Kamukha ko ba ang Mommy nila? Napalabi ako. Napakuyom ang kamay ko nang maalala ang mga sinabi ko. Hindi ko sila kilala. Akala ko ayos na ako, na kaya ko nang humarap sa ibang tao. Pero bakit nang makaharap ko sila ay sumakit na lang ang ulo ko? They are the one who trigger my illness, iyon lang ang alam ko. Napapikit ang mga mata ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. Naalala ko ang nangyari kanina sa hospital. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang naging reaksiyon ko nang marinig ang kanilang boses. Anong gagawin ko? They are
Pagkatapos naming maligo ay umakyat na kami sa kwarto namin. Bagsak na nakatulog agad ang mga bata nang matapos magbanlaw. Nag order na lang din ng pagkain si Craine sa kwarto dahil hindi din namin sila maiwan dito. Kaming tatlo na lamang ni Nanay at Craine ang gising. Pagkatapos namang kumain ay nauna nang matulog si Nanay. “Gusto ko sanang pumunta doon sa mini bar sa rooftop.” Nakangusong lumapit sa akin si Craine at hinawakan ang kamay ko. “Samahan mo ako, please. Hindi naman tayo magtatagal.” “May mini bar sa taas?” nagugulat kong tanong na kinatango niya. Dahil na din sa kuryosidad ay sumama ako sa kanya. Pagdating sa taas ay nabigla ako. Totoo ngang may mini bar doon. May swimming pool din sa gitna. Hinila ako ni Craine patungo sa kung saan. Hindi ko iyon napagtuunan ng pansin dahil patuloy akong namamangha sa nakita.Maraming tao doon. May naliligo at sumasayaw sa isang gilid kung saan may roong umiilaw doon. Umawang ang labi ko nang may makitang naghahalikan sa pool. Akma n
Babe? Where are you? Dapat ay hindi na kita iniwan diyan o hindi na lang ako umalis. We're worried to you. Uminom lang kayo ni Craine sa rooftop pero hindi ka sa kwarto natulog. Nasaan ka ngayon? Saan ka natulog? Papunta na ako sa airport, I'm going home.”Napangiwi ako nang iyon ang bumungad sa akin pagsagot niya ng tawag ko. Plus that Craine was giving me a death glare. Halos mabaliw daw siya kakahanap sa akin kanina. Pumunta pa siya sa kabilang hotel para magtanong baka daw sa sobrang lasing ko ay kung saan-saan na ako napapadpad. Hindi naman kasi ako lasing kagabi. Mariin kong ipinikit ang mga mata para mag-isip ng sasabihin sa kanila lalo na kay Ilham na nagbabalak pang umuwi. “Babe, I'm okay. Ano ka ba, go back on your hotel. May meeting ka pa mamaya, hindi ba? Walang nangyari sa akin. S-Sa kubo ako natulog kagabi. Plano ko lang naman kasi magpahangin doon kaso bigla akong inantok at tinatamad na akong umakyat kaya doon na ako natulog.” Umirap ako kay Craine nang simangutan n
Pagdating namin sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto namin ni Ilham. While looking at the necklace I'm thinking about something. What inside of this necklace, bakit natatakot akong buksan? Natatakot ako sa makikita ko sa loob nito.Bumuntonghininga ako at naglakad patungo sa lagayan ng mga alahas ko. Hindi pa akong ready na tingnan ang nasa loob no'n. Nilagay ko sa lagayan ang necklace. “Mommy, I'll sleep beside you please.” Nang gumabi ay gusto ni Gelle na doon sa kwarto namin ng Daddy niya matulog. Mayroon siyang sariling kwarto. Sinasanay din namin siyang matulog doon. But everything her father was not around, ay sa tabi ko siya gustong matulog. Ayos na ayos din iyon sa akin dahil talagang hindi ako makakatulog nang hindi nakakatabi si Ilham. Minsan ay nananaginip pa ako nang masasama. Ilham presence make me feel safe and calm. Kapag nangyayari iyong masamang panaginip ko ay ang yakap ni Ilham ang nagpapakalma sa akin... siya ang lagi kong hinahanap. Kaya din siguro may pa
Kumatok ako sa pintong pinasukan kanina ni Mrs. Verdadero ngunit walang sumagot. Luminga-linga ako sa paligid at muling kumatok. Until I feel someone stand beside me. Nilingon ko ito at muling nakita ang lalaki.“Hindi ako mahilig sa playboy,” iyon agad ang sinabi ko.Ilang minuto bago ko siyang narinig na tumawa. Hindi ko na lang siyang pinagtuunan ng pansin. “Ang sungit mo na ngayon, ah.” Inis ko siyang tiningnan at agad naman siyang humakbang paatras habang nakataas ang parehong kamay na animo'y sumusuko. Natatawa pa siya kaya napailing ako. Muli akong kumatok sa pinto. “Don't tell me you think that I'm hitting on you? Oh men, that's a no. Patay ako sa mylabs ko.” Masyado siyang madaldal. Walang emosiyon ko siyang binalingan. “Talaga, may lumatol sa 'yo? That's a miracle, you think?” Umirap pa ako sa kanya at dahan-dahang nginuso ang pinto. Bago pa siyang makapagsalita ay tinulak ko na siya patungo sa pinto. Bumuntonghininga siya saka ito binuksan na lang. “Tita? Your daughte
While sitting at the bed, hindi ko maiwasang mapamguso habang tinitingnan ang mga damit namin ni Gelle na nakakalat sa kama. Iyon kasi ang dadalhin namin sa Palawan ng araw na iyon. Si Ilham ay sa susunod na araw pa makakauwi kaya mauuna na kami roon, at susunod na lamang siya. Kailangan ko pang sunduin sila Grace mamaya. Alas singko pa lamang naman ng umaga ay nagising na ako para ayusin ang mga gamit namin. Hindi ko nagawang mag-empake kagabi dahil napuyat ako sa kakanood ng Chinese drama. Ayos lang naman dahil alas otso pa ang alis namin. Dadaan muna siguro ako sa Rainne's Boutique, to meet Tita. Tumayo ako mula sa kama at nilagay ang mga damit na dadalhin sa maleta. Nagdala na din ako ng konting damit ni Ilham. Pagkatapos ay ginising ko na si Gelle para sabay na din kaming maligo. Nagluto na ako ng agahan namin kaya pagbaba ay bitbit ko na ang maleta at nakaayos na kaming pareho ng anak ko. Inasikaso ko muna siya bago ako kumain. “Mommy, mababait po ba ang people there like Lol
Bakit nandito ang mag-amang iyan? And why he's with a girl? Nangunot lalo ang noo ko nang makitang pumulupot ang kamay ng babae sa braso ni Ghon. He's Ghon Angeles, multi-billionaire. I tried to search him last night dahil talagang hindi ako pinatulog ng maayos ng babaeng akala niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa nabasa at nakita. Talagang ngang kamukha ko ang babae, bawat angulo, expression, at tindig. Paanong nangyari kamukha ko ito dahil sigurado naman akong wala akong kakambal basi sa pinakita ni Ilham na papales ko. Nakasulat doon na nag-iisa akong anak. ”Ghon hijo... Lore!” Mas nagulat ako nang makilala ni Nanay Nina si Ghon. She know him too? And also the girl? Lore?Bahagya akong napaatras nang bahagyang sumakit ang ulo ko. Kumirot ito. Bakit pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalan na iyon? Bakit may kung umusbong na kung anong pakiramdam sa puso ko habang nakatingin sa mga ito? “Mommy, look I saw a shell! Can I put this to Aqua right?” Si Aqu