Home / All / Hindrance (Filipino) / Chapter 6: Compassion

Share

Chapter 6: Compassion

Author: Mary Dreamm
last update Last Updated: 2021-08-27 07:28:02

Compassion is putting yourself in someone else's shoes and really feeling for them. Someone who knows kindness, caring, and a willingness to help others.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

( Napaupo ang isang lalaki dahil sa panghihina ng mga tuhod niya nang makita ang dalawang katawan na walang buhay sa isang kusina, puno ng dugo ang paligid at ganun din ang lalaking hindi makapaniwala sa nangyari, nakatingin siya sa dalawang katawan habang umiiyak.

Nakatalikod siya mula sa akin pero kitang-kita ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang ingay ng kanyang paghikbi.

"Wala akong kasalanan." Narinig kong sabi niya, yumuko siya at diniin ang ulo sa mga tuhod. 

"Bata." Napalingon ako sa iba't ibang sulok ng kusina nang makarinig ng boses, nagbabakasali na makita kung sino ang tumatawag.

"Bata!"

Hindi na ako bata.

Natigilan ako sa paghahanap ng mapansin ang pagtahimik ng lalaki sa pag-iyak, tumayo ito kaya napa-atras ako. Pipihit siya paharap sa akin kaya inaasahan ko na makikita ko na ang mukha niya. )

"Bata!"

Napabalikwas ako nang marinig ang boses na 'yon, para bang sinigawan niya ako sa tenga para lang magising.

"Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo dito sa tambakan ng b****a?"

Kinusot ko ang mata ko at pinagmamasdan ang paligid, nasa school pa din ako at napansin kong inabot na ako ng gabi.

"Sinong may gawa nito sa'yo? Sabihin mo sa akin para ipaalam ko sa guidance."

Napatingin ako sa security guard na gumising sa akin. Hindi ko siya sinagot at tumayo na lang para makauwi na.

"Bata, hindi mo man lang ba ako sasagutin? Ang hirap mo kayang gisingin, halos alugin ko na pati utak mo magising ka lang," reklamo niya.

Kinamot ko ang ulo ko at huminga ng malalim, "Hindi ko naman sinabing gisingin mo ako at hindi na ako bata," sagot ko bago siya lagpasan.

"Ano? Kung hindi kita ginising baka pinapak ka na ng mga daga ngayon!" sigaw niya para marinig ko dahil nakalayo na ako sa kanya.

Humikab ako at tumingin sa langit, hindi ako makapaniwalang nakatulog ako ng ganun katagal katabi ang mga b****a. I wonder how painful that guy's blow was.

═════════•°•⚠•°•═════════

Nagtungo ako sa isang restaurant para kumain.

Knocked out ako sa suntok ni Woojae at dahil doon ay nakatulog ako ng matagal na oras kaya siguradong nagugutom na ako ngayon. Nang maubos ko ang limang mangkok ng Jjajangmyeon ay lumabas na ako at nagtungo sa isang pojangmacha.

* Pojangmacha is a small tented spot that can be on wheels or a street stall in South Korean that sell a variety of popular street food. 

Umorder pa ako ng dalkbal na balak ko kainin pag-uwi sa bahay.

* Dalkbal: Chicken feet.

Hindi na ako nag-abala na magbus pauwi dahil kaya ko naman lakarin, nang madaanan ko ang isang convenience store ay napahinto ako sa paglalakad hindi para bumili ulit ng makakain, kung hindi dahil nakita ko si Mijin na nagriring ng mga pinamili ng customer sa loob.

( Hinagis ako ni Woojae sa mga sako ng b****a kung saan ako na pahiga.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko, "Isipin mo na kung ano gusto mong isipin tungkol kay Mijin, hindi na ako magsasayang ng panahon para ipaliwanag kung anong klaseng tao siya."

Umiikot ang paningin ko dahil siguro sa suntok niya pero pinilit ko pa rin siyang tignan, "Makulit siya at nakakainis," sagot ko.

"Tch." Napangisi siya at umupo sa lupa para tabihan ako. I didn’t expect him to change his mood quickly, ang pagkakaalam ko ay isa siyang responsable at laging nakangiti na president pero natuklasan ko na matindi siya kapag nagalit.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin, "Makulit talaga ang isang 'yon, pinagsabihan ko na siya tungkol sa'yo pero nilalapitan ka pa din niya."

Nag-iwas ako ng tingin dahil ang awkward ng sitwasyon, kanina lang ay galit na galit siya sa akin pero ngayon maayos na siyang nakikipag-usap.

Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin, "Ihatid na kita sa bus stop," alok niya.

Umirap ako sa kawalan at hindi inabot ang kamay niya, "Ayaw kong magkaroon ng utang na loob." Pinilit kong tumayo mag-isa kahit na umiikot ang paningin ko. Pinagmasdan niya lang ako habang kumakapit ako sa pader para suportahan ang sarili ko.

"Nag-aalala siya dahil ayaw niyang may nasasaktan," mahinahon niyang sinabi dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Tch, she feels sorry and that's what I hate the most," sagot ko dahilan nang pag-igting ng panga niya.

Nagulat ako nang itulak niya ako kaya bumagsak na naman ako sa mga sako ng b****a, parang tuluyan nang bumagsak ang katawan ko at hindi ko na magagawa pang tumayo.

"You better learn the difference between pity and sympathy, h'wag kang tanga," sabi niya sa akin bago siya umalis sa harapan ko. )

Pity?

Sympathy?

I don't have time to understand such things, I should only pay attention to myself.

"Hobin?"

So what if there's a difference? Will it change how I feel?

"Hobin? Are you alright?"

No, so they have no right to command me. There was no reason for me to follow anyone.

"Hobin? What are you thinking?"

I'm finally free now that they are both gone. I no longer have to follow orders.

"Hobin!"

Bumalik ako sa wisyo dahil may kamay akong nakita sa harap ko, napaatras ako nang makita si Mijin. Kanina lang kasi ay pinagmamasdan ko pa siya sa loob ng convenience store, ngayon nasa harapan ko na siya.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi nakatulala dyan, nag-alala-" napahinto siya nang mapagtanto ang sasabihin, ayaw niya sigurong mainis na naman ako dahil sa pag-aalala niya, "uhm nilapitan kita kasi baka may gusto kang bilhin sa loob pero hindi ka makapasok dahil sa akin," naiilang niyang sinabi.

Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad na ako palayo habang iniisip kung ilang minuto akong nakatayo doon.

═════════•°•⚠•°•═════════

( "Isipin mo na kung ano gusto mong isipin tungkol kay Mijin, hindi na ako magsasayang ng panahon para ipaliwanag kung anong klaseng tao siya." )

Sumulyap ako kay Mijin na tahimik habang sinusulat sa notebook ang mga nakasulat sa whiteboard, even though she was in a hurry to finish what she was doing she was still calmly responding to those next to her who were asking her questions. If it was someone else, it probably cursed earlier because of the nuisance.

But she is Mijin, if she has never experienced swearing in her whole life...mahilig naman siyang mangialam sa buhay ng iba.

Tch.

If she didn’t come near me, she wouldn’t hear anything painful from me and I wouldn’t be able to sleep until night in the dump.

When she turned her back on me I immediately averted my eyes.

I can’t get her out of my mind.

I also couldn’t help but look at her.

Why I'm feeling uneasy?

═════════•°•⚠•°•═════════

Papalabas na sana ako ng gate nang harangan ni Mijin ang dadaanan ko, hindi ako ginugulo nila Joon ngayon pero siya naman itong pumalit.

"Do you want to say something? Lagi mo kasi akong sinusulyapan kaya sa tingin ko may kailangan kang sabihin sa akin." Kinagat niya ang labi niya matapos 'yon sabihin, napagtanto niya siguro na ang awkward ng sinabi niya. Nag-iwas siya ng tingin at binaba ang dalawang kamay na nakaharang sa dadaanan ko.

"Parang sinabi mong magsorry ako sa'yo," seryoso kong sinabi habang nakataas ang kilay.

"H-Hindi sa ganon, h-hindi ko naman sinabi na may dapat kang sabihin. 'Yon kasi ang pakiramdam ko," nauutal niyang sagot, "Bakit ka ba kasi tumitingin sa akin? Halos matunaw din ako sa titig mo noong nasa tapat ka ng convenience store." Pinilit niyang makipag-eye contact sa akin pero hindi niya magawa.

Natatakot ba siyang may masabi ulit ako?

Okay.

"Tch, gandang-ganda ka siguro sa sarili mo?"

Tumingin siya sa akin ng diretso dahil sa sinabi ko, inirapan ko siya at naglakad na palabas ng school.

"W-Wala naman akong sinabing maganda ako ah!"

Nararamdaman ko ang munting hakbang niya sa likod ko, sinusundan niya ako kahit sinabi kong h'wag na niya akong lapitan. Huminto ako kaya bumangga siya sa akin.

"What do you need?" walang gana kong tanong habang wala sa mood ko siyang sinulyapan.

"I want to say sorry."

Nagulat ako sa narinig ko kaya hinarap ko siya ng tuluyan.

"Ano? Feeling superior ka talaga 'no?" inis kong tanong.

"Aish, bahala ka kung anong isipin mo," seryoso niyang sagot, "Basta nagsosorry ako kung ganyan ang nafefeel mo sa pinapakita ko sa'yo. Nararamdaman kita kaya gusto kong pagaanin ang loob mo." Humahaba pa ang nguso niya habang nagpapaliwanag.

So...

"May gusto ka sa akin?"

Halos sampalin ako ng ginawa niyang reaksyon. Nagulat siya at halos sabihin ng mukha niya na bakit niya gugustuhin ang isang gaya ko.

"For your information, you're not the only one I sympathize with," taas-kilay niyang sagot sa akin.

"So, do you plan to build an orphanage? Lahat na lang gusto mo nakadepende sa'yo." Nilagpasan ko siya at naglakad na ulit.

"This is my only way to escape..."

Napahinto ako ulit sa paglalakad dahil sa sinabi niya pero hindi ko na siya nilingon.

"...nilalaan ko ang atensyon ko sa pagtulong sa iba. It makes me feel better and helps me live in peace."

"And then?" tanong ko sabay sulyap sa kaniya.

Magandang bagay na madaanan papuntang school ang isang public beach na may magandang tanawin at sariwang hangin.

The sunlight hits her hazel eyes, reason to clearly see the flat colored ring shaped membrane of her eye. Ano kaya ang pakiramdam kapag tiningnan ang mata niya sa malapitan?

"Let's help each other. Sumama ka sa akin sa bahay." Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko habang ang mahaba niyang buhok ay umaalon sa hangin, "Gawin natin ang research natin."

═════════•°•⚠•°•═════════

Hindi ako makapaniwala na sumama ako kay Mijin at ngayon nakatungtong na ako sa tiles ng sala nila.

Nagmano siya sa kanyang ina bilang paggalang, "Good afternoon, ma. Si Hobin po, kaibigan ko," nakangiting sabi ni Mijin sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

Hindi ako makapaniwalang pinakilala niya ako bilang kaibigan, samantalang napilitan lang akong sumama sa kanya.

"Good afternoon, ma'am." Yumuko pa ako para bumati.

"Tita na lang ang itawag mo sa akin. Tara, kumain muna kayo ng tanghalian." Aya sa amin ni Mrs. Lee. Kahit sinabi niyang tita na lang ang itawag ko sa kanya ay hindi ko magawang sundin.

"Nandito nga pala si Woojae, hindi ka niya kasi naabutan sa school."

Napahinto ako sa pagsunod sa kanila sa dining area dahil sa narinig ko.

"Bakit?" Nilingon ako ni Mijin nang mapansin na hindi ako sumunod, "May problema ba?"

"Ijin!"

Umirap ako sa hangin nang lumabas si Woojae sa kusina, nakalimutan kong matalik silang magkaibigan at sinuntok niya ako dahil nasaktan ko ang kaibigan niya. 

"Saan ka nanggaling-" Natigilan siya nang makita ako, "Anong ginagawa mo dito?" Nagbago na naman ang kaninang jolly niyang ugali at napalitan ito ng seryosong tingin.

"Gagawa kami ng research," inosenteng sagot ni Mijin.

"Ahhh." Tumango si Woojae sa akin bago lumingon kay Mijin, "Bago kayo gumawa kumain muna tayo." Ngumiti si Woojae at inakbayan siya papunta sa loob.

May bipolar issues talaga ang isang 'to. 

Tch.

Nagdadalawang isip pa ako kung susunod o hindi pero tinawag ako ni Mrs. Lee para kumain.

F*ck.

═════════•°•⚠•°•═════════

We started to do our research, tinuruan niya ako kung ano ang gagawin ko. Gaya ng sabi niya magtulungan kami pero pakiramdam ko wala akong maitulong sa kaniya. Ni paggawa ng questionnaire at pagkuha ng information ay hindi ako nakatulong.

"Hobin." 

Natigil ako sa pagsearch sa laptop na hiniram ko kay Mijin dahil sa pagtawag ni Woojae sa akin.

"No offense pero paano ka nakagraduate?" seryoso niyang tanong.

"What do you mean?"

"Curious lang ako. Matatapos mo ang highschool na walang alam?" 

"Woojae, anong sinasabi mo?" Hindi makapaniwala si Mijin sa naging tanong ng kaibigan.

Hindi ko siya sinagot at wala din akong balak sagutin siya. Bumalik ako sa ginagawa ko at hindi na siya pinansin.

I remember, dad always came to our school whenever I failed. I didn't hear what they were talking about but when dad handed them some money, I'm sure I'll pass for next school year.

Hindi ko alam kung ginagawa nila 'yon para mapabuti ang future ko o para lang hindi sila maliitin ng mga mayayaman nilang kaibigan.

Dad's circle of friends is in a higher position in a company, their sons and daughters are good at school, they even graduated valedictorian. That's why dad wants me to be like them but because of my behavior, he ends up spending money for me to finish school.

Now that he's gone, I no longer know if I will finish my studies.

( “Let's help each other.” )

Can we?

"Thank you." 

Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa dahil sa sinabi ko, natigil sa pagsermon si Mijin kay Woojae para lang tumingin sa akin. Kahit ako ay hindi makapaniwala na lumabas 'yon sa bibig ko.

"Huh?"

"Thank you." Inulit ko pa din kahit hindi ako sanay na sabihin 'yon. It's my first time to say thank you and I can say she was lucky because she heard that.

Tumingin ako kay Mijin dahilan para tumaas ang kilay ni Woojae.

"For what?" nakangiti niyang tanong.

Sa pagsalo sa akin. 

Even though you know I can't help you, you still chose me as your partner.

You want to escape through helping others.

I'll let you help me, just once.

"Hobin?" Sinubukan niyang agawin ang atensyon ko dahil hindi ko siya sinagot, "Kung ano man 'yan, you're always welcome." Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin.

Ilang oras ako inabot sa bahay nila, ang sabi niya siya na daw bahala sa research at umuwi na daw ako kaya ngayon sabay kaming naglalakad ni Woojae pauwi.

Nakalagay sa batok niya ang dalawa niyang kamay habang naglalakad, ako naman walang ganang hawak ang bag ko habang ang isang kamay ay nasa bulsa.

"Naintindihan mo na ba ang sinasabi ko sa'yo? Mabait na tao si Mijin at sobrang ganda niya." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya bigla, nakatingin siya sa langit. 

Siguradong iniisip niya ang mukha ng kaibigan ngayon.

Tch, kailangan niya pa ba talagang banggitin na maganda si Mijin?

"Magkasama na kami simula noon. Gaya ng sabi ko, mabait siya kaya naman hindi ko maiwasang magustuhan siya," sabi niya pa. Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang atensyon sa daan.

Tumango na lang ako sa nais niyang iparating. 

"Nararamdaman kong gusto mo din siya."

Natigilan ako at napatingin ulit sa kaniya, nakatingin na din siya sa akin.

"Hindi ko siya gusto," sagot ko sa kanya na walang pag-aalinlangan.

"Siguraduhin mo lang," sabi niya sa akin na para bang pinagbabantaan niya ako. Napataas ang kilay ko dahil doon.

"Kapag crush na ng iba, h'wag ng makiki-crush. Maghanap ka ng ibang gugustuhin mo, okay?" Nilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa bewang na parang pinapagalitan ako, para siyang bata samantalang kahapon ay halos iwan niya akong walang buhay sa basurahan.

"Hindi ko lang pala siya crush, mahal ko na siya," Hindi siya matigil sa pagsasabing gusto niya si Mijin, kailangan ko na siyang pigilan dahil rinding-rindi na ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Magba-bus ako," sabi ko para tigilan na niya ang pagpapantasya sa kaibigan niya. 

Napahinto tuloy siya sa paglalakad at tinignan ako.

"Hindi ka maglalakad pauwi?" nakanguso niyang tanong sa akin, huminto din ako para harapin siya.

"Malayo pa ang bahay ko," walang gana kong sagot.

"Saan ka ba nakatira?" 

Inirapan ko siya at nagsimula na ulit maglakad, "Bakit mo tinatanong?"

"Masama bang tanungin ka?" Narinig ko ang yabag ng paa niya na sumusunod sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.

Pagkatapos ng mga sagutan na iyon ay naghiwalay na kami ng landas, nagpaalam siya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. I don't give a damn for his childishness.

Related chapters

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 7: Date Auction

    Date Auction - a fundraising event using male students for female students to bid on. ═════════•°•⚠•°•═════════ Hobin's point of view Our presentation for our research was ended, mabuti na lang at nagawa ko ng maayos ang presentation kahit wala naman akong alam sa nilalaman nito. Halos lahat ata ng tanong ng panelist ay siya ang sumagot, konti lang ang nasabi ko. Tinapos ng isang event ang ilang linggong pagpapagod ng mga estudyante. Jae High launched Date Auction: All the money raised the events will be donated to a charity. Ito ang naisip ng ilang estudyante at mga teacher para siguradong ma-excite ang mga students at hindi mabored. "Good morning, we are the students council. Nandito kami para pumili ng isang lalaki para sa gaganaping Date Auction. Meron ng mga napili sa ibang department, any volunteer?" tanong ni Seoyeon na nagtaas ng kamay habang nililibot ang mata sa mga kaklase ko. Good mood siguro

    Last Updated : 2021-09-02
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 8: Serenity

    Serenity - a state of being calm, peaceful and untroubled. ═════════•°•⚠•°•═════════ Hobin's point of view "Hobin..." "Hmm?" Haru gently touched my face causing our eyes to meet. She slowly brought her face closer to mine, we could already feel each other's breath. Wala akong naging reaksyon nang halikan niya ako, pinagmamasdan ko lang siya habang sinisiil niya ako ng halik hanggang sa tumigil siya para tumingin sa akin gamit ang mga matang nagmamakaawa na halikan ko din siya, gumanti naman ako ng halik at tuluyang pumikit. Like I said I haven’t experienced dating yet so I didn’t know anything like this would happen. We were already lying on the couch, she kisses too deeply on top of me, until her tongues meet mine. She kissed me just long enough that I could inhale her breath, I can’t quite imagine this happening to me. I feel something strange, I can’t explain

    Last Updated : 2021-09-03
  • Hindrance (Filipino)   Author's Note

    Good day! ✧◝(⁰▿⁰)◜✧ I just want to make you understand something before we move on to the story. ෆ I gave my own meaning in some punctuation marks that I will use to express my story properly. ෆ • Brackets [ ] > When there are brackets in the sentence, it means that the content is news. • Parentheses ( ) > When there are parentheses in the sentence, it means that there was a flashback that happened to the character or something entered their mind that had happened before / And what the character says in his/her mind. • Brackets & Slash [//] > When there are brackets with slash where there is a word inside, it means that it is a sound made by something. > Example: [/Brrrrrrrring/] The telephone rang < P.S. I know how to use these symbols, but because the font italic and bold doesn't work on other cellph

    Last Updated : 2021-09-06
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 9: Hallucinogenic Drug

    Hallucinogens - are drugs that work on the brain to affect the senses and cause hallucinations ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Third Person's point of view Nagmamaneho ang isang lalaking may suot na itim na leather jacket, turtleneck long sleeve, pants, mask at cap kung saan tagong-tago ang mukha niya na para bang iniiwasan niyang may makakilala sa identity niya. Maghahating gabi na kaya wala na masyadong kotse sa madulas at basang kalsada, malamig ang simoy ng hangin dahil sa naging pag-ulan, may iilang bukas na mga building at mga taong naghihintay ng masasakyan para maka-uwi. Pinarada niya ang kotse sa malawak na parking lot ng isang luxury hotel at bumaba para magtungo sa isang elevator, pinindot niya ang 15th floor kaya nag-umpisa na itong umangat. Pagbukas ng elevator ay may lalaking nakasuot ng suit at earpiece ang sumalubong sa kaniya. "Sundan niyo po ako," sabi nito bago naunang maglakad patun

    Last Updated : 2021-09-06
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 10: Vengeance

    Vengeance - punishment inflicted in retaliation for an injury or offense.═════════ •°•⚠•°• ═════════"Hindi pa ba tayo papasok? Baka mahuli na naman kayo," sabi ni Hyeri na nakatakip ang ilong dahil ayaw niyang maamoy ang usok ng sigarilyo na nilalabas ng mga kaibigan niya. Nasa likod sila ng school at 30 minutes na silang late sa unang subject nila."If only I could stop going to school, I would have done it a long time ago," iritadong sagot ni Joon habang bumubuga ng usok ng sigarilyo, nakahawak siya sa baywang ni Hyeri kaya kahit gusto nito na lumayo sa kanila ay hindi niya magawa.Tahimik naman na naglalaro ng game sa cellphone si Minhyuk at Shin habang naninigarilyo din, pati si Jihyuk na panay pindot sa keyboard dahil sa dami niyang kachat na babae."May exam ngayon, kung hindi pa tayo papasok wala na tayong aabutan," sabi ni Haesuk habang winawagayway ang kamay sa hangin para itaboy ang usok na napu

    Last Updated : 2021-09-07
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 11: Suspicion

    Suspicion - a feeling or thought that something is possible, likely, or true. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Nagmamaneho ng motor sa isang madilim na daan si Woojae habang angkas niya sa kanyang likuran si Mijin, mga damo ang makikita sa gilid ng kalsada at sa dulo ng mga ito ay may mga bahay na nakatayo. "Bakit ba kailangan pa natin siya puntahan?" tanong ni Woojae habang nakatingin sa daang tinatahak nila patungo sa bahay nila Hobin, wala silang ibang bahay na nadadaanan bukod sa malaking bahay na natatanaw nila sa malayo. "I found out from Minho that he told Joon na si Hobin ang may gawa ng pagkabagok ng ulo nito," sagot ni Mijin habang pinagmamasdan ang madilim na paligid. "Ano?" Biglang hininto ni Woojae ang motor kaya napayakap sa kaniya ng mahigpit si Mijin, "Tapos pupuntahan natin ang psycho na 'yon? He's dangerous, how did he do that?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Huwag ka ngang oa, I know Hobin just defended himself," sago

    Last Updated : 2021-09-07
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 12: Monkey see, monkey do

    Monkey see, monkey do - Children learn by imitating and copying what they see adults or other children do. ═════════•°•⚠•°•═════════ Due to the accident that happened, Ho Bin didn't get in school for almost 1 month, may mga lesson siya na hindi nasundan actually he didn't really pay attention to all the lessons that passed. He just doesn't really care about what's going on around him, basta pumapasok siya sa school ayos na sa kaniya. "So far okay naman ang lagay ng skull mo kung ikukumpara noong naka-confine ka pa dito, h'wag mo pa din kakalimutan mag-ingat," sabi ng doctor kay Hobin nang magpunta siya sa hospital para magpa-check up. "Hanggang kailan ako kailangan magpunta dito?" "Hanggang sa maging okay na ang pakiramdam mo sabi ni Mr. Han. Maayos ka na naman, kailangan mo lang talaga mag-ingat at lumayo sa gulo." Tumango si Hobin habang pinaglalaruan ang mga daliri. Si Mr. Han kasi ang nagbabayad sa mga araw na kailan

    Last Updated : 2021-09-07
  • Hindrance (Filipino)   Chapter 13: Illegal Gambling

    Gambling in Korea - Casino is illegal in Korea but Koreans are allowed to gamble though ToTo sites, lotteries, horse racing, cycle racing and powerboat racing. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ "Welcome, sir." Yumuko ang lalaking nakasuot ng black-suit bilang pagbati sa isang matandang lalaki, pumasok ito sa loob ng isang building na napapalibutan ng malalaking puno. "Bakit ba dito pa tayo magsusugal? Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dito." Pinagmasdan ni Shin ang buong lugar, tago ito at makikita sa nagbabantay sa labas na hindi lang basta-basta ang mga taong nagsusugal dito. "Okay lang 'yan as long as magaan ang pakiramdam ko, I'll cheer you up." Naunang naglakad si Yoo bago si Shin at sinubukan nilang pasukin ang lugar na 'yon ngunit hinarang sila ng lalaking nakabantay sa double door. "Bawal ang mga minors dito, umalis na kayo," sabi ng lalaki. "Umalis na kasi tayo," bulong ni Shin pero hindi siya inintindi ni Yoo, ma

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 44: Ambience

    ( "Chae, let's eat," sabi ni Hyunjae pagkabukas ng pinto ng kwarto. Naabutan niya ang kapatid niya na nakaupo sa lapag at nakasandal sa kama habang malayo ang tingin.Naka-uwi na si Chaehyun at ilang araw na siya namamalagi sa kwarto, matapos niya makatakas sa taong dumukot sa kaniya.Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang suspect sa pagkawal ng mga babae, mahirap itong mahanap at wala naman magawa si Hyunjae kundi ang hintayin ang imbestigasyon ng mga pulis."Chaehyun," tawag niya sa kaniyang kapatid pero tulad ng mga nakaraang araw ay mahirap pa din itong kausapin. Lagi itong tulala at nakayakap sa magkabilang tuhod. Lagi pa nila itong naririnig na umiiyak tuwing gabi dahil sa masamang panaginip, gusto man niya manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa.Ayaw ni Chaehyun na may dumidikit sa kaniyang lalaki kahit na magkapatid naman sila. It became sensitive, as if it were a time bomb that

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 43: What did you do?

    ( "Where are you going?" tanong ni Hyunjae nang makita niyang pababa sa hagdan nila ang babae niyang kapatid. Naka-ayos ito at mukhang may pupuntahan."I'm going to meet my friends, I already told Dad so don't try to stop me." Ngumuso si Chaehyun at nilagpasan ang kuya niya."Ihahatid na kita-" Natigilan si Hyunjae nang padabog na humarap sa kaniya si Chaehyun."I can went out alone and besides we have a driver, so don't worry. I'll go home early." Ngumiti si Chaehyun at niyakap siya. "My brother is very protective, I can't blame you. You just want to protect your beautiful sister."Tinanggal ni Hyunjae ang dalawang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. "You should be home by six o'clock.""Ten," nakangiting sagot ni Chaehyun. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sinundan siya ni Hyunjae."Six.""Nine." Hindi mawala sa labi niya ang ngiti habang nakikipagmatigasan ng ulo sa kuya niya. Pagkapasok niya sa kotse ay isasara na niya

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 42: Aeri

    Inirapan ni Mijin si Hobin bago pagmasdan ang sarili sa tapat ng salamin. Ilang minuto niyang tinitigan ang sarili habang si Hobin ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Hindi naman 'yon ang una nilang halik, pero para bang naninibago ito.Ngumisi si Mijin bago inayos ang pagkaka-upo sa kama. Nakadekwatro na siya ngayon, nakahalukipkip, at iba na ang expression ng mukha. "Bakit nga ba hindi ka umiwas?" Nilingon niya si Hobin at tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot kaya nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Pare-parehas lang kayong mga lalaki. Tsk, tsk."Nag-iwas ng tingin si Hobin. Hindi niya maintindihan, pero para bang ibang tao ang kausap niya ngayon. "Nabigla ako," sagot niya sabay kagat sa ibaba nyang labi.Gumuhit muli ang ngiti sa labi ni Mijin bago siya dahan-dahan na lumapit kay Hobin. Nabaling muli sa kaniya ang atensyon nito at halos mahiga na ito sa kama sa sobrang lapit niya. "Its okay," bulong niya sabay haplos sa pisngi nito.Napa

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 41: Half-brother

    Lumagpas na sa sariling curfew si Seoyeon, pero wala syang pakialam do'n lalo na kung si Woojae ang kasama niya. Ayaw niya pa nga sana umuwi pero pinilit na siya nito na ihatid dahil baka daw magalit ang dad niya. Expected na 'yon ni Seoyeon, kaya kahit na puro sermon ang maririnig niya mula sa kanyang ama ay lakas loob pa din syang pumasok ng bahay nila. "Good evening, ma'am." Yumuko sa harap niya ang isa nilang katulong. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa kanilang hagdan, nagtataka pa nga syang umakyat dahil hindi niya nakitang sinalubong siya ng kanyang ama. Samantalang, lagi nito 'yon ginagawa lalo na kapag late siyang umuuwi. Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan para lingunin ang katulong nila na may edad na, "Where's dad?" tanong niya dito. "Nasa office niya po," sagot ng maid nila. Tumango siya at pagpapatuloy na sana ang pag-akyat ngunit natigilan siya ulit dahil sa sunod na sinabi nito, "kasama po ang kapatid mo." (

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 40: Boy Friend

    "Congratulations to those who got perfect scores in the exam," bati ng isang teacher sa harapan, nagpalakpakan naman ang mga students sa loob ng classroom maliban kay Seoyeon na lumilipad ang isip."I will announce your ranks when the computation of your grades is over, that's all for today. Class dismissed." Sa huling salita nito ay nagsitayuan na ang mga estudyante para magsi-uwian. Naiwan naman si Seoyeon na tahimik na naka-upo sa upuan niya, wala man lang nagbalak na ibalik siya sa kanyang katinuan."Miss Park," tawag ng teacher kay Seoyeon pero dahil nakatingin lang ito sa kawalan ay minabuti na ng teacher na lapitan ito, "Miss Park." Hinawakan niya ito sa kamay dahilan para mabaling ang tingin nito sa kaniya."Kanina pa kita tinatawag, I need to talk to you about your grades. Come with me to the Teachers' office."Tumango si Seoyeon at wala sa sariling kinuha ang bag para sumunod sa kanyang teacher palabas ng classroom. Ngayon niya lang napansin na

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 39: Trauma

    Trauma - is an emotional response to a terrible event like an accident, rape or natural disaster.═════════ •°•⚠•°• ═════════Napatingin sila sa damit ni Hobin at nakitang mayroon ngang mantsa ng dugo dito."Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mijin, hinawakan niya pa ang damit nito para tingnan nang malapitan ang mantsa.Pinagmasdan naman ni Hobin ang puti nyang damit. Sa unang pagkakataon ay nagsuot siya ng hindi kulay itim, hindi naman kasi siya mahilig sa mga light na colors tapos ganito pa ang nangyari."Someone ran into me earlier," sagot ni Hobin sa tanong ni Mijin. Naalala niya ang nakabanggaan niyang lalaki at dahil nagmamadali siyang makapunta sa apartment na ito ay hindi na niya napansin kung ano ang itsura niya."Nakilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ni Detective Kang.Sumisipol naman sa isang tabi si Hyunjae habang nakikinig sa kanila."I was in a hurry kaya hindi ko nakilala,

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 38: Bloodstained

    Sobra ang kabang naramdaman ni Mijin nang makita niya si Minhyuk at Hyeri na nakahiga sa lapag, nagkalat pa ang dugo sa katawan nila pero nilaksan niya ang loob niya para lapitan ang dalawa. Gumapang siya patungo dito para tingnan kung buhay pa ang mga ito, hindi niya kasi magawang tumayo dahil sa panlalambot ng tuhod niya. Nanginginig na inabot ni Mijin ang leeg ni Minhyuk para tingnan kung may buhay pa ito at nakahinga siya ng malalim nang maramdaman na may pulso pa ito. "S-Seoyeon, Minhyuk is still alive." Kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Mijin, agad naman siyang nagtungo kay Hyeri para tingnan kung may pulso pa ito tulad ni Minhyuk, pero bumagsak ang balikat niya nang malaman na wala na ito. Yumuko siya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, nasaktan siya nang malaman na patay na si Hyeri. "Seoyeon, tumawag ka ng ambulansya…" Muling nilapitan ni Mijin si Minhyuk at sinigurado na buhay pa talaga ito, "…

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 37: No. 236

    Hindi maalis sa isip ni Mijin ang nangyari sa rooftop kahit pilit nyang ituon ang atensyon niya sa ibang bagay, hindi kasi malinaw sa kaniya kung bakit siya hinalikan ni Hobin.Hinawakan niya ang labi niya habang iniisip ang mukha nito at halos paluin na niya ang kanyang ulo para lang maiwasang isipin 'yon.[ …isang lalaki ang nakuhaan sa CCTV kagabi nang paluin ito bigla ng bote sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin... ]"Dumadami na ang mga masasamang tao sa Seodong-Gu," sabi ni Mrs. Lee habang nakikinig ng balita sa radyo, nasa kusina silang dalawa ni Mijin at naghahanda ng makakain para sa agahan.Lumilipad ang isip ni Mijin kaya hindi siya nakikinig sa balita. Iniisip niya pa din ang maaaring dahilan, hindi naman kasi umamin si Hobin na may gusto ito sa kanya at hindi din naman siya sure kung gusto niya ba ito, pero hindi naman niya matatanggi na may nararamdaman siya para dito.Madalas siyang mag-alala dahil m

  • Hindrance (Filipino)   Chapter 36: Genuine

    Genuine - truly what something is said to be; authentic.═════════ •°•⚠•°• ═════════"What are you looking at?" masungit na tanong ni Joon, pinagpatuloy niya ulit ang pagkain niya matapos pansinin si Hyeri. Nakatitig lang kasi ito sa kaniya at hindi ginagalaw ang binili nyang pagkain para dito."Do you always get into fights? How many schools have you been to?" tanong ni Hyeri habang pinagmamasdan si Joon na sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.Lumipat na naman kasi si Joon ng ibang school dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Eunji sa mukha, unang araw pa lang niya sa school nila Hyeri noong ginawa niya ang bagay na 'yon."One, two, three…" Tinaas ni Joon ang bawat isa sa mga daliri niya, "…hindi ko na mabilang. Jae Highschool na lang ata ang hindi ko pa napupuntahan sa buong Seodong-Gu," seryoso nitong sagot."Aren't you scared? Paano kung hindi ka na makapag-aral? Paano kung makulong ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status