Hallucinogens - are drugs that work on the brain to affect the senses and cause hallucinations
═════════ •°•⚠•°• ═════════
Third Person's point of view
Nagmamaneho ang isang lalaking may suot na itim na leather jacket, turtleneck long sleeve, pants, mask at cap kung saan tagong-tago ang mukha niya na para bang iniiwasan niyang may makakilala sa identity niya.
Maghahating gabi na kaya wala na masyadong kotse sa madulas at basang kalsada, malamig ang simoy ng hangin dahil sa naging pag-ulan, may iilang bukas na mga building at mga taong naghihintay ng masasakyan para maka-uwi.
Pinarada niya ang kotse sa malawak na parking lot ng isang luxury hotel at bumaba para magtungo sa isang elevator, pinindot niya ang 15th floor kaya nag-umpisa na itong umangat.
Pagbukas ng elevator ay may lalaking nakasuot ng suit at earpiece ang sumalubong sa kaniya.
"Sundan niyo po ako," sabi nito bago naunang maglakad patun
Vengeance - punishment inflicted in retaliation for an injury or offense.═════════ •°•⚠•°• ═════════"Hindi pa ba tayo papasok? Baka mahuli na naman kayo," sabi ni Hyeri na nakatakip ang ilong dahil ayaw niyang maamoy ang usok ng sigarilyo na nilalabas ng mga kaibigan niya. Nasa likod sila ng school at 30 minutes na silang late sa unang subject nila."If only I could stop going to school, I would have done it a long time ago," iritadong sagot ni Joon habang bumubuga ng usok ng sigarilyo, nakahawak siya sa baywang ni Hyeri kaya kahit gusto nito na lumayo sa kanila ay hindi niya magawa.Tahimik naman na naglalaro ng game sa cellphone si Minhyuk at Shin habang naninigarilyo din, pati si Jihyuk na panay pindot sa keyboard dahil sa dami niyang kachat na babae."May exam ngayon, kung hindi pa tayo papasok wala na tayong aabutan," sabi ni Haesuk habang winawagayway ang kamay sa hangin para itaboy ang usok na napu
Suspicion - a feeling or thought that something is possible, likely, or true. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Nagmamaneho ng motor sa isang madilim na daan si Woojae habang angkas niya sa kanyang likuran si Mijin, mga damo ang makikita sa gilid ng kalsada at sa dulo ng mga ito ay may mga bahay na nakatayo. "Bakit ba kailangan pa natin siya puntahan?" tanong ni Woojae habang nakatingin sa daang tinatahak nila patungo sa bahay nila Hobin, wala silang ibang bahay na nadadaanan bukod sa malaking bahay na natatanaw nila sa malayo. "I found out from Minho that he told Joon na si Hobin ang may gawa ng pagkabagok ng ulo nito," sagot ni Mijin habang pinagmamasdan ang madilim na paligid. "Ano?" Biglang hininto ni Woojae ang motor kaya napayakap sa kaniya ng mahigpit si Mijin, "Tapos pupuntahan natin ang psycho na 'yon? He's dangerous, how did he do that?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Huwag ka ngang oa, I know Hobin just defended himself," sago
Monkey see, monkey do - Children learn by imitating and copying what they see adults or other children do. ═════════•°•⚠•°•═════════ Due to the accident that happened, Ho Bin didn't get in school for almost 1 month, may mga lesson siya na hindi nasundan actually he didn't really pay attention to all the lessons that passed. He just doesn't really care about what's going on around him, basta pumapasok siya sa school ayos na sa kaniya. "So far okay naman ang lagay ng skull mo kung ikukumpara noong naka-confine ka pa dito, h'wag mo pa din kakalimutan mag-ingat," sabi ng doctor kay Hobin nang magpunta siya sa hospital para magpa-check up. "Hanggang kailan ako kailangan magpunta dito?" "Hanggang sa maging okay na ang pakiramdam mo sabi ni Mr. Han. Maayos ka na naman, kailangan mo lang talaga mag-ingat at lumayo sa gulo." Tumango si Hobin habang pinaglalaruan ang mga daliri. Si Mr. Han kasi ang nagbabayad sa mga araw na kailan
Gambling in Korea - Casino is illegal in Korea but Koreans are allowed to gamble though ToTo sites, lotteries, horse racing, cycle racing and powerboat racing. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ "Welcome, sir." Yumuko ang lalaking nakasuot ng black-suit bilang pagbati sa isang matandang lalaki, pumasok ito sa loob ng isang building na napapalibutan ng malalaking puno. "Bakit ba dito pa tayo magsusugal? Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dito." Pinagmasdan ni Shin ang buong lugar, tago ito at makikita sa nagbabantay sa labas na hindi lang basta-basta ang mga taong nagsusugal dito. "Okay lang 'yan as long as magaan ang pakiramdam ko, I'll cheer you up." Naunang naglakad si Yoo bago si Shin at sinubukan nilang pasukin ang lugar na 'yon ngunit hinarang sila ng lalaking nakabantay sa double door. "Bawal ang mga minors dito, umalis na kayo," sabi ng lalaki. "Umalis na kasi tayo," bulong ni Shin pero hindi siya inintindi ni Yoo, ma
Withhold - If you keep something back and don't share it, you withhold it. You can withhold things such as permission, emotion, or information. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Lumabas si Calvin sa isang maliit na building para magtungo sa kinatatayuan ni Detective Kang, nandito sila ngayon sa lugar malapit kung saan nangyari ang riot. "Detective, pumasok na po tayo para makita ang nakuhaan ng CCTV nila," sabi ni Calvin sa senior niya. "Tayo na." Tumango ang detective at naunang naglakad papasok sa loob ng building. Nagtungo sila sa isang kwarto para panoodin ang CCTV ng may-ari. Ito lang kasi ang store na malapit sa building kung saan may nangyayaring illegal gambling at kung saan nangyari ang krimen. Pinanood nila ang nakuhanan ng CCTV at nagbabakasali na makakuha ng leads para malutas ang krimen na nangyari sa dalawang estudyante. "Sira ang mga surveillance camera sa underground poker na 'yon habang sa labas lang ng buildi
Riot - a violent disturbance of the peace by a crowd. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Naglalakad pauwi si Mijin at ang kanyang ina pagkatapos nilang mamili ng mga grocery. Binuksan ni Mrs. Lee ang gate at pumasok na sa loob, susunod na sana si Mijin ngunit may lalaking humarang sa daan niya. "Excuse me." Hinarap ni Mijin ang lalaking kumausap sa kaniya at yumuko sa harap nito para magbigay ng galang. "Detective Kang? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Mijin. Tumunog ang gate kaya napatingin sila dito at nakita na lumabas ulit si Mrs. Lee, "Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong nito kay Mijin, nilingon niya naman ang lalaki na kausap nito. "Good morning," bati ni Detective Kang. "Kang Janghyun?" banggit ni Mrs. Lee sa pangalan nito matapos itong makilala dahil sa mukha. Hinawakan niya sa braso si Mijin na tahimik na nakikinig sa kanila sa kanyang tabi. "Ako nga." Nanliit ang mga mata ng detective at kinilal
The quality or state of being true · An actual event, situation, or fact. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ "I went to that building, pero hindi ako ang pumatay." "Paano kami makakasigurado?" tanong ni Detective Kang. "Hindi ko alam na nandoon sila Yoo at Shin, ang totoo wala naman akong pakialam sa kanila, kaya malinaw na hindi sila ang pinunta ko doon, I just want to get something from someone but I think I don't have to say what it is..." ( "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Hinawakan ni Ji Song si Hobin sa jacket at nilapit sa kaniya. Marahas niyang tinanggal ang cap ng binata kaya natanggal din ang hoodie ng jacket dahilan para makita ang mukha nito. "I will just take back what is mine," seryosong sagot ni Hobin. "Anong pinagsasabi mo? Baliw ka ba? Gusto mo na ba mamatay?" galit na tanong ni Ji Song habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin dito. "Can you do it?" Tinignan lang siya ni Hobin gamit ang
Captive - a person who has been taken prisoner. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Ilang minuto ang lumipas hanggang sa huminahon si Molly, masama sa kanya ang ma-stress dahil kakagaling niya lang sa surgery kaya minabuti nyang pigilan ang labis na pag-iyak. Nakatulala lang ito sa litrato ni Shin na para bang wala siya sa kanyang sarili, dahil sa dami ng pumapasok sa isip niya. Nakaluhod din sa tabi niya si Hyeli na naghahanap ng tiyempo para maka-usap siya tungkol sa nangyari, huminga ito ng malalim para magkaroon ng lakas ng loob, "Patawarin niyo po ako kung hindi ko magawang sabihin, inisip ko lang ang kalagayan niyo dahil siguradong hindi din gugustuhin ni Jiyoung na-" "Nandoon siya…" bulong ni Molly, dahilan kung bakit natigil sa pagsasalita si Hyeli. "Po?" Lumapit siya ng konti para pakinggan ang sinasabi nito. Ngumiti ng mapait si Molly at humarap sa kanya, "Noong hinatid mo ako sa operating room…" Kinagat nito ang labi para pigilan an
( "Chae, let's eat," sabi ni Hyunjae pagkabukas ng pinto ng kwarto. Naabutan niya ang kapatid niya na nakaupo sa lapag at nakasandal sa kama habang malayo ang tingin.Naka-uwi na si Chaehyun at ilang araw na siya namamalagi sa kwarto, matapos niya makatakas sa taong dumukot sa kaniya.Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang suspect sa pagkawal ng mga babae, mahirap itong mahanap at wala naman magawa si Hyunjae kundi ang hintayin ang imbestigasyon ng mga pulis."Chaehyun," tawag niya sa kaniyang kapatid pero tulad ng mga nakaraang araw ay mahirap pa din itong kausapin. Lagi itong tulala at nakayakap sa magkabilang tuhod. Lagi pa nila itong naririnig na umiiyak tuwing gabi dahil sa masamang panaginip, gusto man niya manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa.Ayaw ni Chaehyun na may dumidikit sa kaniyang lalaki kahit na magkapatid naman sila. It became sensitive, as if it were a time bomb that
( "Where are you going?" tanong ni Hyunjae nang makita niyang pababa sa hagdan nila ang babae niyang kapatid. Naka-ayos ito at mukhang may pupuntahan."I'm going to meet my friends, I already told Dad so don't try to stop me." Ngumuso si Chaehyun at nilagpasan ang kuya niya."Ihahatid na kita-" Natigilan si Hyunjae nang padabog na humarap sa kaniya si Chaehyun."I can went out alone and besides we have a driver, so don't worry. I'll go home early." Ngumiti si Chaehyun at niyakap siya. "My brother is very protective, I can't blame you. You just want to protect your beautiful sister."Tinanggal ni Hyunjae ang dalawang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. "You should be home by six o'clock.""Ten," nakangiting sagot ni Chaehyun. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sinundan siya ni Hyunjae."Six.""Nine." Hindi mawala sa labi niya ang ngiti habang nakikipagmatigasan ng ulo sa kuya niya. Pagkapasok niya sa kotse ay isasara na niya
Inirapan ni Mijin si Hobin bago pagmasdan ang sarili sa tapat ng salamin. Ilang minuto niyang tinitigan ang sarili habang si Hobin ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Hindi naman 'yon ang una nilang halik, pero para bang naninibago ito.Ngumisi si Mijin bago inayos ang pagkaka-upo sa kama. Nakadekwatro na siya ngayon, nakahalukipkip, at iba na ang expression ng mukha. "Bakit nga ba hindi ka umiwas?" Nilingon niya si Hobin at tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot kaya nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Pare-parehas lang kayong mga lalaki. Tsk, tsk."Nag-iwas ng tingin si Hobin. Hindi niya maintindihan, pero para bang ibang tao ang kausap niya ngayon. "Nabigla ako," sagot niya sabay kagat sa ibaba nyang labi.Gumuhit muli ang ngiti sa labi ni Mijin bago siya dahan-dahan na lumapit kay Hobin. Nabaling muli sa kaniya ang atensyon nito at halos mahiga na ito sa kama sa sobrang lapit niya. "Its okay," bulong niya sabay haplos sa pisngi nito.Napa
Lumagpas na sa sariling curfew si Seoyeon, pero wala syang pakialam do'n lalo na kung si Woojae ang kasama niya. Ayaw niya pa nga sana umuwi pero pinilit na siya nito na ihatid dahil baka daw magalit ang dad niya. Expected na 'yon ni Seoyeon, kaya kahit na puro sermon ang maririnig niya mula sa kanyang ama ay lakas loob pa din syang pumasok ng bahay nila. "Good evening, ma'am." Yumuko sa harap niya ang isa nilang katulong. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa kanilang hagdan, nagtataka pa nga syang umakyat dahil hindi niya nakitang sinalubong siya ng kanyang ama. Samantalang, lagi nito 'yon ginagawa lalo na kapag late siyang umuuwi. Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan para lingunin ang katulong nila na may edad na, "Where's dad?" tanong niya dito. "Nasa office niya po," sagot ng maid nila. Tumango siya at pagpapatuloy na sana ang pag-akyat ngunit natigilan siya ulit dahil sa sunod na sinabi nito, "kasama po ang kapatid mo." (
"Congratulations to those who got perfect scores in the exam," bati ng isang teacher sa harapan, nagpalakpakan naman ang mga students sa loob ng classroom maliban kay Seoyeon na lumilipad ang isip."I will announce your ranks when the computation of your grades is over, that's all for today. Class dismissed." Sa huling salita nito ay nagsitayuan na ang mga estudyante para magsi-uwian. Naiwan naman si Seoyeon na tahimik na naka-upo sa upuan niya, wala man lang nagbalak na ibalik siya sa kanyang katinuan."Miss Park," tawag ng teacher kay Seoyeon pero dahil nakatingin lang ito sa kawalan ay minabuti na ng teacher na lapitan ito, "Miss Park." Hinawakan niya ito sa kamay dahilan para mabaling ang tingin nito sa kaniya."Kanina pa kita tinatawag, I need to talk to you about your grades. Come with me to the Teachers' office."Tumango si Seoyeon at wala sa sariling kinuha ang bag para sumunod sa kanyang teacher palabas ng classroom. Ngayon niya lang napansin na
Trauma - is an emotional response to a terrible event like an accident, rape or natural disaster.═════════ •°•⚠•°• ═════════Napatingin sila sa damit ni Hobin at nakitang mayroon ngang mantsa ng dugo dito."Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mijin, hinawakan niya pa ang damit nito para tingnan nang malapitan ang mantsa.Pinagmasdan naman ni Hobin ang puti nyang damit. Sa unang pagkakataon ay nagsuot siya ng hindi kulay itim, hindi naman kasi siya mahilig sa mga light na colors tapos ganito pa ang nangyari."Someone ran into me earlier," sagot ni Hobin sa tanong ni Mijin. Naalala niya ang nakabanggaan niyang lalaki at dahil nagmamadali siyang makapunta sa apartment na ito ay hindi na niya napansin kung ano ang itsura niya."Nakilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ni Detective Kang.Sumisipol naman sa isang tabi si Hyunjae habang nakikinig sa kanila."I was in a hurry kaya hindi ko nakilala,
Sobra ang kabang naramdaman ni Mijin nang makita niya si Minhyuk at Hyeri na nakahiga sa lapag, nagkalat pa ang dugo sa katawan nila pero nilaksan niya ang loob niya para lapitan ang dalawa. Gumapang siya patungo dito para tingnan kung buhay pa ang mga ito, hindi niya kasi magawang tumayo dahil sa panlalambot ng tuhod niya. Nanginginig na inabot ni Mijin ang leeg ni Minhyuk para tingnan kung may buhay pa ito at nakahinga siya ng malalim nang maramdaman na may pulso pa ito. "S-Seoyeon, Minhyuk is still alive." Kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Mijin, agad naman siyang nagtungo kay Hyeri para tingnan kung may pulso pa ito tulad ni Minhyuk, pero bumagsak ang balikat niya nang malaman na wala na ito. Yumuko siya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, nasaktan siya nang malaman na patay na si Hyeri. "Seoyeon, tumawag ka ng ambulansya…" Muling nilapitan ni Mijin si Minhyuk at sinigurado na buhay pa talaga ito, "…
Hindi maalis sa isip ni Mijin ang nangyari sa rooftop kahit pilit nyang ituon ang atensyon niya sa ibang bagay, hindi kasi malinaw sa kaniya kung bakit siya hinalikan ni Hobin.Hinawakan niya ang labi niya habang iniisip ang mukha nito at halos paluin na niya ang kanyang ulo para lang maiwasang isipin 'yon.[ …isang lalaki ang nakuhaan sa CCTV kagabi nang paluin ito bigla ng bote sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin... ]"Dumadami na ang mga masasamang tao sa Seodong-Gu," sabi ni Mrs. Lee habang nakikinig ng balita sa radyo, nasa kusina silang dalawa ni Mijin at naghahanda ng makakain para sa agahan.Lumilipad ang isip ni Mijin kaya hindi siya nakikinig sa balita. Iniisip niya pa din ang maaaring dahilan, hindi naman kasi umamin si Hobin na may gusto ito sa kanya at hindi din naman siya sure kung gusto niya ba ito, pero hindi naman niya matatanggi na may nararamdaman siya para dito.Madalas siyang mag-alala dahil m
Genuine - truly what something is said to be; authentic.═════════ •°•⚠•°• ═════════"What are you looking at?" masungit na tanong ni Joon, pinagpatuloy niya ulit ang pagkain niya matapos pansinin si Hyeri. Nakatitig lang kasi ito sa kaniya at hindi ginagalaw ang binili nyang pagkain para dito."Do you always get into fights? How many schools have you been to?" tanong ni Hyeri habang pinagmamasdan si Joon na sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.Lumipat na naman kasi si Joon ng ibang school dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Eunji sa mukha, unang araw pa lang niya sa school nila Hyeri noong ginawa niya ang bagay na 'yon."One, two, three…" Tinaas ni Joon ang bawat isa sa mga daliri niya, "…hindi ko na mabilang. Jae Highschool na lang ata ang hindi ko pa napupuntahan sa buong Seodong-Gu," seryoso nitong sagot."Aren't you scared? Paano kung hindi ka na makapag-aral? Paano kung makulong ka