"Ate!" Isang batang lalaki ang sumampa sa kama na hinihigaan ni Arim para gisingin ito, tanghaling tapat na pero tulog na tulog pa din si Arim dahil sa gabi nagsisimula ang kanyang trabaho.
"Ate, may bisita tayo!" Inalog niya ang braso ni Arim.
Nagising ito at kinusot ang mata para tignan ng maayos ang nakababata nyang kapatid.
"Sino naman ang bibisita sa atin?"
"Nandito si Kuya Junho!"
Agad na bumangon si Arim sa pagkakahiga at lumabas sa kwarto, nakita niya ang isang lalaki sa maliit nilang sala na kumakain ng ramen.
"Anong ginagawa mo dito?" mahinahon ngunit may diin na tanong ni Arim, bakas sa mukha niya ang pagka-inis sa lalaking nakikita niya ngayon.
Nakangiti siyang nilingon ni Junho, may highlights na kulay pula ang itim nitong buhok, may ilang piercing, at tattoo sa katawan, "Hindi mo ba ako namiss?"
"Anong pinagsasasabi mo?" galit na tanong ni Arim, lalapitan niya sana si Junho pero biglang dumating ang kapatid niya.<
Holdup - a robbery conducted with the use of threats or violence.═════════ •°•⚠•°• ═════════Pagkatapos ng klase ay naglaro muna sila Joon ng soccer sa malawak na field ng school bago umuwi. Naka-upo si Hyeri sa bleacher seats at masamang nakatingin kay Jihyuk na nakaupo sa gilid niya, isang upuan ang agwat nila sa isa't isa habang pinapanood ang mga kaibigan."I told you, didn't I? She is just using you…can you open it?" Inabot ni Hyeri ang can ng milkis niya dito. Binuksan naman 'yon ni Jihyuk kahit na nakatingin ito sa kawalan, at madami ang iniisip."Aish!" Nang binalik sa kaniya ang soft drinks niya ay inirapan niya ito, "Feeling mo kasi lahat ng babae makukuha mo, do you think you are in a drama? Nagbigay ka pa talaga ng pera para paghiwalayin 'yung dalawa?" inis nyang tanong sabay inom.*Milkis is a korean soft drink with sweet and creamy taste of carbonated water added to sweet and soft milk."Shut
Frightened - afraid or anxious. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Nakatingin sa labas ng bintana si Mijin habang ang mga kaklase niya ay nag-uusap tungkol sa naging pagkamatay ni Jihyuk. Sari-sari ang reaksyon ng mga ito, ang iba ay naluluha, may nagulat sa nangyari, at may mga natakot. Hindi pumasok ang magkakaibigan na sila Joon kaya maging sila ay pinag-uusapan din. "It's really scary to go out at night, pataas na kasi ng pataas ang mga nangyayaring krimen dito sa atin," sabi ng isa sa mga nag-uusap na grupo ng mga babae. "When my mom found out that my classmate had died, she suspected me of going to that kind of place," kwento naman ng isa sa mga grupo ng lalaki, "Ang sabi ko, 'sigarilyo lang ang bisyo ko!' then she threw slippers on my face. Hindi niya nga pala alam na nagsisigarilyo ako." "Oppa…always be careful when you go out at night, arraseo?" malambing na tanong ng isa sa mga nakapalibot kay Hyunjae. "Did you know? A drug pusher w
Facial Composite - a graphical representation of one or more eyewitnesses' memory of a face, as recorderd by a composite artist.═════════ •°•⚠•°• ═════════Nagsilaglagan ang mga babasagin at mamahaling bagay na nasa lamesa ni Chairman Choi nang hawiin niya ito gamit ang kamay niya dahil sa galit.Nilabas ni Hyunjae ng cellphone at nagpunta sa calculator, "Apple iMac pro, 5,967,356.29 won. Apple iMac keyboard, 153,967.95 won. Desk lamp, 358,200.00 won. Expensive vase from china, 11,945,100.00 won. What else are broken? Hmmm."Nakadekwatro siya sa office sofa habang kinocompute ang halaga ng mga nabasag ng kanyang ama, "You wasted more than 27 million won, congrats."Hinampas ni Chairman Choi ang table gamit ang dalawang kamay, "Why am I so unlucky now? First the underground poker, and now the underground club?! What kind of brain do those morons have?!" Halos magsisigaw na ito sa galit."Easy, you still make a lot
Trial - a formal examination of evidence before a judge, and typically before a jury, in order to decide guilt in a case of criminal or civil proceedings. ═════════ •°•⚠•°• ═════════ Naglalakad pauwi ng bahay si Yaejoon kasama si Hobin, sinabi kasi ni Woo na ihatid nito ang bata dahil gabi na at bumawi siya dahil pinaiyak niya ito kanina. "Bakit ka ba kasi umiyak?" walang ganang tanong ni Hobin, nasa loob ng bulsa ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa daan na tinatahak nila. "Sinabi mo po na h'wag ko na isipin ang ate ko, hindi mo po ba natatandaan o sadyang wala ka lang pong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao," malungkot na sagot ni Yaejoon, kanina pa hindi maipinta ang mukha niya kakaisip kung nasaan nagpunta ang nag-iisa nyang pamilya. Bumagal ang paglalakad ni Hobin dahil sa sinabi ng pitong taong gulang na lalaki sa kaniya, "Wala ka ng magulang at nasa trabaho ang ate mo tuwing gabi, nasabi ko 'yon dahil akala ko sanay ka na mag
Bumukas ang pinto sa detention room kung saan naroroon si Hobin, nakaupo ito sa harap ng lamesa at malalim ang iniisip. "Hobin?" Nilingon ni Hobin si Mijin na pumasok. Sinara nito ang pinto bago umupo sa harapan niya. "Kumusta ka?" nag-aalala nitong tanong, "Maayos ka naman ba dito?" Tumango naman si Hobin, "Mijin, alam mo naman kung saan ko itinabi 'yung kutsilyo hindi ba?" "'Yung kutsilyo?" Nagliwanag ang mata ni Mijin nang maintindihan niya ang pinaparating nito. "And can you go to this place?" Nilapag ni Hobin sa harap ni Mijin ang isang punit na papel na may nakasulat na address, "Take Woojae with you so that he can protect you." Huminga ng malalim si Mijin habang pinagmamasdan ang isang maliit na apartment, kasama niyang nagpunta dito si Woojae tulad ng sabi ni Hobin. ( "Do you remember the case of Yoo and Shin? I didn't do it. I went there because I wanted to return our house that was under the name of Lee
Worthless - not being useful or important in any way.═════════ •°•⚠•°• ═════════"You are always involved in trouble, ano bang meron sa'yo?" tanong ni Woojae habang kumakain sila sa labas, nagdesisyon sila na magpahangin para mabawasan ang stress na dinulot ng issue na 'yon sa kanila.Hobin just looked at him and didn't bother to answer."Aish!" Ngumuso at napairap na lang si Woojae."Let's forget about what happened, the important is that Hobin is innocent. Nagkataon lang na konektado ang totoo niyang pakay sa mga nangyaring krimen sa mga kaklase namin," sagot ni Mijin para kay Hobin dahil ayaw nitong magsalita tungkol sa nangyari."Teenager nowadays are really weird, different things are running through their minds. It's really scary sometimes to walk alone in a dark alley because someone might suddenly hit you," ani ni Woojae."Kaya mo naman ang sarili mo, boxer ka 'di ba?" tanong naman ni Mijin, "'Yung
( Naglalakad pauwi si Haesuk kasama ang kanyang ina na si Myunghee, hindi maipinta ang mukha nito, tahimik lang itong naglalakad, at sa daan nakatingin."Sorry…" halos pabulong na sabi ni Haesuk, galing kasi sila sa school dahil pinatawag ang magulang niya.Ilang beses na kasi siyang nagaguidance at ngayon ay sinuspend na siya ng isang buwan, hindi na sila binigyan pa ng pagkakataon kahit pa anong gawing pagmamakaawa ng mama niya."Sa school mo ba nilalabas lahat ng galit mo sa papa mo, kaya ka nagkakaganyan?" tanong ni Myunghee sa mababang tono, nasa gilid niya si Haesuk na puro pasa ang mukha dulot ng pakikipagsuntukan sa kanyang kaklase."H-Hindi po," sagot ni Haesuk habang nakayuko."Kung ganon, bakit?" Huminto sa paglalakad si Myunghee para harapin ito, huminto din ang anak niya at napatingin sa kaniya ng diretso, "Bakit kailangan mo lagi makipag-away? Anong dahilan mo?" galit nyang tanong.Nag-iwas ng tingin si Haesuk at h
Eccedentesiast - a person who fakes a smile.═════════ •°•⚠•°• ═════════"I'm not doing this for you," sagot ni Hobin.Tumango naman si Haesuk at pinagpatuloy na lang ang pagkain, natatakot siyang magtanong ng kung anu-ano dito dahil lagi na lang itong galit at wala sa mood."I think I need to stay away from them as well."Tumigil sa pagkain si Haesuk para kausapin siya, "Hmm, kanino? Kay Mijin?""Someone tried to kill me, it's not safe for them if I stay in their house," sagot naman ni Hobin."Madami ba ang galit sa'yo? Imposible namang si Joon 'yon dahil lagi kaming magkakasama simula noong mawala sila Shin at Yoo," sabi ni Haesuk.Natahimik sila ng ilang minuto pero agad din nabasag ang katahimikan na 'yon."You…are you afraid of me?" tanong ni Hobin."Ha?" Pumikit ng ilang beses si Haesuk, "Bakit naman ako matatakot sa'yo?" natatawa niyang tanong.Huminga ng malalim si
( "Chae, let's eat," sabi ni Hyunjae pagkabukas ng pinto ng kwarto. Naabutan niya ang kapatid niya na nakaupo sa lapag at nakasandal sa kama habang malayo ang tingin.Naka-uwi na si Chaehyun at ilang araw na siya namamalagi sa kwarto, matapos niya makatakas sa taong dumukot sa kaniya.Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang suspect sa pagkawal ng mga babae, mahirap itong mahanap at wala naman magawa si Hyunjae kundi ang hintayin ang imbestigasyon ng mga pulis."Chaehyun," tawag niya sa kaniyang kapatid pero tulad ng mga nakaraang araw ay mahirap pa din itong kausapin. Lagi itong tulala at nakayakap sa magkabilang tuhod. Lagi pa nila itong naririnig na umiiyak tuwing gabi dahil sa masamang panaginip, gusto man niya manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa.Ayaw ni Chaehyun na may dumidikit sa kaniyang lalaki kahit na magkapatid naman sila. It became sensitive, as if it were a time bomb that
( "Where are you going?" tanong ni Hyunjae nang makita niyang pababa sa hagdan nila ang babae niyang kapatid. Naka-ayos ito at mukhang may pupuntahan."I'm going to meet my friends, I already told Dad so don't try to stop me." Ngumuso si Chaehyun at nilagpasan ang kuya niya."Ihahatid na kita-" Natigilan si Hyunjae nang padabog na humarap sa kaniya si Chaehyun."I can went out alone and besides we have a driver, so don't worry. I'll go home early." Ngumiti si Chaehyun at niyakap siya. "My brother is very protective, I can't blame you. You just want to protect your beautiful sister."Tinanggal ni Hyunjae ang dalawang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. "You should be home by six o'clock.""Ten," nakangiting sagot ni Chaehyun. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sinundan siya ni Hyunjae."Six.""Nine." Hindi mawala sa labi niya ang ngiti habang nakikipagmatigasan ng ulo sa kuya niya. Pagkapasok niya sa kotse ay isasara na niya
Inirapan ni Mijin si Hobin bago pagmasdan ang sarili sa tapat ng salamin. Ilang minuto niyang tinitigan ang sarili habang si Hobin ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Hindi naman 'yon ang una nilang halik, pero para bang naninibago ito.Ngumisi si Mijin bago inayos ang pagkaka-upo sa kama. Nakadekwatro na siya ngayon, nakahalukipkip, at iba na ang expression ng mukha. "Bakit nga ba hindi ka umiwas?" Nilingon niya si Hobin at tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot kaya nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Pare-parehas lang kayong mga lalaki. Tsk, tsk."Nag-iwas ng tingin si Hobin. Hindi niya maintindihan, pero para bang ibang tao ang kausap niya ngayon. "Nabigla ako," sagot niya sabay kagat sa ibaba nyang labi.Gumuhit muli ang ngiti sa labi ni Mijin bago siya dahan-dahan na lumapit kay Hobin. Nabaling muli sa kaniya ang atensyon nito at halos mahiga na ito sa kama sa sobrang lapit niya. "Its okay," bulong niya sabay haplos sa pisngi nito.Napa
Lumagpas na sa sariling curfew si Seoyeon, pero wala syang pakialam do'n lalo na kung si Woojae ang kasama niya. Ayaw niya pa nga sana umuwi pero pinilit na siya nito na ihatid dahil baka daw magalit ang dad niya. Expected na 'yon ni Seoyeon, kaya kahit na puro sermon ang maririnig niya mula sa kanyang ama ay lakas loob pa din syang pumasok ng bahay nila. "Good evening, ma'am." Yumuko sa harap niya ang isa nilang katulong. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa kanilang hagdan, nagtataka pa nga syang umakyat dahil hindi niya nakitang sinalubong siya ng kanyang ama. Samantalang, lagi nito 'yon ginagawa lalo na kapag late siyang umuuwi. Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan para lingunin ang katulong nila na may edad na, "Where's dad?" tanong niya dito. "Nasa office niya po," sagot ng maid nila. Tumango siya at pagpapatuloy na sana ang pag-akyat ngunit natigilan siya ulit dahil sa sunod na sinabi nito, "kasama po ang kapatid mo." (
"Congratulations to those who got perfect scores in the exam," bati ng isang teacher sa harapan, nagpalakpakan naman ang mga students sa loob ng classroom maliban kay Seoyeon na lumilipad ang isip."I will announce your ranks when the computation of your grades is over, that's all for today. Class dismissed." Sa huling salita nito ay nagsitayuan na ang mga estudyante para magsi-uwian. Naiwan naman si Seoyeon na tahimik na naka-upo sa upuan niya, wala man lang nagbalak na ibalik siya sa kanyang katinuan."Miss Park," tawag ng teacher kay Seoyeon pero dahil nakatingin lang ito sa kawalan ay minabuti na ng teacher na lapitan ito, "Miss Park." Hinawakan niya ito sa kamay dahilan para mabaling ang tingin nito sa kaniya."Kanina pa kita tinatawag, I need to talk to you about your grades. Come with me to the Teachers' office."Tumango si Seoyeon at wala sa sariling kinuha ang bag para sumunod sa kanyang teacher palabas ng classroom. Ngayon niya lang napansin na
Trauma - is an emotional response to a terrible event like an accident, rape or natural disaster.═════════ •°•⚠•°• ═════════Napatingin sila sa damit ni Hobin at nakitang mayroon ngang mantsa ng dugo dito."Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mijin, hinawakan niya pa ang damit nito para tingnan nang malapitan ang mantsa.Pinagmasdan naman ni Hobin ang puti nyang damit. Sa unang pagkakataon ay nagsuot siya ng hindi kulay itim, hindi naman kasi siya mahilig sa mga light na colors tapos ganito pa ang nangyari."Someone ran into me earlier," sagot ni Hobin sa tanong ni Mijin. Naalala niya ang nakabanggaan niyang lalaki at dahil nagmamadali siyang makapunta sa apartment na ito ay hindi na niya napansin kung ano ang itsura niya."Nakilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ni Detective Kang.Sumisipol naman sa isang tabi si Hyunjae habang nakikinig sa kanila."I was in a hurry kaya hindi ko nakilala,
Sobra ang kabang naramdaman ni Mijin nang makita niya si Minhyuk at Hyeri na nakahiga sa lapag, nagkalat pa ang dugo sa katawan nila pero nilaksan niya ang loob niya para lapitan ang dalawa. Gumapang siya patungo dito para tingnan kung buhay pa ang mga ito, hindi niya kasi magawang tumayo dahil sa panlalambot ng tuhod niya. Nanginginig na inabot ni Mijin ang leeg ni Minhyuk para tingnan kung may buhay pa ito at nakahinga siya ng malalim nang maramdaman na may pulso pa ito. "S-Seoyeon, Minhyuk is still alive." Kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Mijin, agad naman siyang nagtungo kay Hyeri para tingnan kung may pulso pa ito tulad ni Minhyuk, pero bumagsak ang balikat niya nang malaman na wala na ito. Yumuko siya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, nasaktan siya nang malaman na patay na si Hyeri. "Seoyeon, tumawag ka ng ambulansya…" Muling nilapitan ni Mijin si Minhyuk at sinigurado na buhay pa talaga ito, "…
Hindi maalis sa isip ni Mijin ang nangyari sa rooftop kahit pilit nyang ituon ang atensyon niya sa ibang bagay, hindi kasi malinaw sa kaniya kung bakit siya hinalikan ni Hobin.Hinawakan niya ang labi niya habang iniisip ang mukha nito at halos paluin na niya ang kanyang ulo para lang maiwasang isipin 'yon.[ …isang lalaki ang nakuhaan sa CCTV kagabi nang paluin ito bigla ng bote sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin... ]"Dumadami na ang mga masasamang tao sa Seodong-Gu," sabi ni Mrs. Lee habang nakikinig ng balita sa radyo, nasa kusina silang dalawa ni Mijin at naghahanda ng makakain para sa agahan.Lumilipad ang isip ni Mijin kaya hindi siya nakikinig sa balita. Iniisip niya pa din ang maaaring dahilan, hindi naman kasi umamin si Hobin na may gusto ito sa kanya at hindi din naman siya sure kung gusto niya ba ito, pero hindi naman niya matatanggi na may nararamdaman siya para dito.Madalas siyang mag-alala dahil m
Genuine - truly what something is said to be; authentic.═════════ •°•⚠•°• ═════════"What are you looking at?" masungit na tanong ni Joon, pinagpatuloy niya ulit ang pagkain niya matapos pansinin si Hyeri. Nakatitig lang kasi ito sa kaniya at hindi ginagalaw ang binili nyang pagkain para dito."Do you always get into fights? How many schools have you been to?" tanong ni Hyeri habang pinagmamasdan si Joon na sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.Lumipat na naman kasi si Joon ng ibang school dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Eunji sa mukha, unang araw pa lang niya sa school nila Hyeri noong ginawa niya ang bagay na 'yon."One, two, three…" Tinaas ni Joon ang bawat isa sa mga daliri niya, "…hindi ko na mabilang. Jae Highschool na lang ata ang hindi ko pa napupuntahan sa buong Seodong-Gu," seryoso nitong sagot."Aren't you scared? Paano kung hindi ka na makapag-aral? Paano kung makulong ka